Share

Kabanata 08

As his promise na babawi siya. Ginawa nga niya. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko na sa kaniya.Whenever he was around, my heart are like a racing it so fast to beat! Hindi ko na maintindihan.

Naguguluhan na ako sa puwedeng mangyari. Hindi ko siya puwedeng layuan dahil may tungkulin pa akong ginagampanan sa kaniya.

Maaga akong nagising ngayon dahil lunes ngayon, like what Linderio said, babawi siya sa akin. Kaya naman hahayaan ko siya na pagserbis'yuhan ako. Ang kulit kasi sinabi ko na ngang kahit huwag na eh. Simula kahapon ay napaka-clingy niya at nakakairita ang pagiging clingy niya, daig pa ang totoong mag-jowa.

"Hoy, baka 'di mo napapansin na nai-inlove ka na kay Rio, ayaw mo lang aminin," bulong ni Keriza, okay lang naman dahil nauna na si Rio pumasok. "Siraulo malabo 'yon mangyari, ilang buwan na lang titiisin ko sa may sayad na iyan," bulong ko. "Sige deny well Mare," Kez said.

Napa-iling na lang ako dahil ako mismo nag-aalangan at natatakot na baka isang araw hindi ko namamalayan nahuhulog na pala ako. Iyon ang isa sa pinakiki-iwasan ko kasi ayoko pa ma-inlove, wala sa top priority ko 'yon

"Sige ikaw din deny mo na may something na sa inyo ni Lazarus," I said. Bigla naman namula si Keriza na ikina-tawa ko. "Wala naman talaga," she said. Umiling na lang ako dahil hindi ako naniniwala sa sinasabi niya.

Nag-resign niya na ako sa work ko last last week then siya na ang gumagawa na dapat kaibigan ko ang gagawa kasi nangako sila sa'kin. Puwede naman huwag na kasi, siya na nga nagpapa-sweldo sa akin then ganito pa.

Sinundo niya kami ni Kez kanina kaya naman sabay-sabay kami pumasok. Nauna nga lang siya pumasok kasi terror daw ang prof nila. Si Klint chill lang then 'yung ibang kaibigan niya iba ang course kaya naman hindi sila nagkakasama. Minsan ko na din na-meet ang friends niya. Si Klint lang daw talaga nakakatiis ng kaniyang kalokohan niya lalo na daw ako.

Sa kanila daw magka-kaibigan nuetral si Klint. Lahat pantay, ganoon din silang lahat naman but mas matino lang daw ng konti si Klint sa kanila. Siya lang daw nakaka-tiis ng mga kagaguhan nila.

Babanatan siya sa'kin kapag hindi siya umayos. "Zy may napapansin ka ba?" tanong ni Larisa. "Ha?" tulalang tanong ni Zaynab. Napatingin naman ako sa kanila, "Si Ace! Blooming!" singhal ni Larisa kasi hindi na-gets ni Zaynab.

Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil ako na naman ang trip nila hindi ko na talaga gets ang takbo nila sa buhay. Lagi na lang kami ang kinukursunadahan nila. Mga walang boyfriend kasi tamang kilig na lang sa jowa ng kaibigan eh hindi ko naman type si Rio. Hindi nga ba talaga?

I only see him as a friend, hanggang kaibigan nga lang ba?

Ay ang gulo bahala na sila sa buhay nila. Basta hindi ako mahuhulog kay Rio masakit iyon walang sasalo, ayoko rin umasa 'no. Wala naman ako nararamdaman sa unggoy na 'yon.

Luckily, I have friends...they are always there for us kahit ano mangyari sa'min nandiyan pa din sila upang gabayan kami sa tinatahak namin lalo na sa'kin. Gusto nila ay magaan lang ang mga gawain ko para hindi na ako mahirapan pa. Kita kasi nila kung pa'no ako kapagod lalo na kapag pumapasok akong puyat.

But still, I can manage my time, kaya naman worth it lahat but wala na akong trabaho kaya naman mas lalo ko pang mapagpupursigihan.

Gusto ko masuklian ang hirap ko, gusto ko lahat ay maging worth it that's why I'm doing my best to be part of Dean's List. Gusto ko pareho kami ni Linderio na dean's list. Matalino naman siya, maloko lang talaga.

I will be so proud of the both of us if that will happen, despite the struggles we've encountered, we still need to prioritize our studies.

"Manahimik kayo, hindi ba puwedeng nag-ayos lang kasi ang tagal ko ng itsurang taong grasa," I hissed. Natawa naman ang dalawa. "Ano nga pala balita sa nangyare no'ng sabado?" Zaynab asked. "Ayon nag-away ata si Rio at Parents niya, bigla na lang kasi ako hinatak palabas ng bahay, hindi na ako nakapag-paalam ng maayos, to tell you both the truth hindi talaga okay si Rio sa kaniyang parents," I lower my tone. "Why?" nag-aalalang tanong ni Larisa, "I still figure it out kasi hindi naman detailed ang sinabi sa'kin ni Linderio," I said. "Masakit siguro iyon bilang anak," Zaynab said. "Kung ako nasa puwesto ako ni Linderio masakit siguro talaga iyon, kahit ako naman ang makaranas ng ganoon ay masakit talaga iyon, but luckily, I didn't experience it," I said.

"Let's just be there for him, I know he need us," I added. "Yes madam, ikaw din," Zaynab said. "Matagal na akong nasa tabi niya," pangbabara ko. "Ows pati sa pag-tulog?" Lariza asked. "Oo joke," pagbibiro ko. "Huli ka," pang-aasar ni Zaynab. Binato ko naman siya papel na nakita ko sa sahig.

"Ano 'yang kababalaghan na ginawa niyo ha?" pangbubuyo ni Zaynab. "Ulol," I cussed. "Asaan ba si Lazarus at bakit ako ang punterya niyo?" I asked. "Baka nasa gym na naman, nagpapansin sa bestie mo," Larisa scoffed. Anak naman ng pagong! Lunes na lunes nagpapansin na si Laz kay Keriza. "Iba talaga ang tinamaan," I said. "Coming from you," Zaynab hissed. "Hindi pa ako naiinlove so stop," I complained.

Natawa na lang ang dalawa. Buti nagstart na ang klase kasi feeling ko ang tagal ng oras na ginugugol nila sa pang-aasar sa'kin. Dumating na din si Laz, ayon pawis na pawis pero mabango pa din naman siya kahit amoy pawis.

Umagang-umaga nang-gigisa na agad para sa Midterm, thesis na naman but same groups pa din. Buti naman baka may mapatay ako ng wala sa oras. Joke.

"Oh tayo na naman mag-kakagrupo," Caitriona said. Natawa naman ako. "Sawa ka na ba sa pagmumukha namin?" tanong ni Lazarus. "Sa'yo oo pero sa kanila hindi," Caitriona said. "Ouch mare, masiyado naman ako nasaktan," kunwaring ma-drama na sambit ni Laz kaya naman sinapok ko siya ng libro na hawak ko. "Hindi bagay sa'yo siraulo, diyan ka mainam sa kalokohan" reklamo ko.

Nagtawanan naman sila kaya naman nag-usap na kami about sa topic namin, deadline is next month kaya naman kailangan namin maka-kalap na agad ng mga reference, mahirap kasi maghanap ng mga ganoon. Lalo na at midterm na next month kaya naman magtutulungan na kami kumuha RRL.

"Grabe naman mang-gisa ang M.U!" singhal ni Letitia kaya naman tawanan kami. "Parang hindi ka na nasanay," I commented. "Kaya nga," singit ni Fleur. "Ano pa ba bago?" Larisa shrugged. "Siyempre wala," Letitia said. 3 weeks na kami dito but we survived naman lalo na sa title defense namin, next week ay final defense.

We just laughed while we we're doing our research. "Grabe magmi-midterm na lang may pahabol pa, grabe naman si prof," kamot ng ulo ni Patrick. Tawanan na lang kami.

Nandito kami sa cafeteria kasi may kampon ni below ang sumuway sa amin kanina. Kaya nagdesis'yon kami na umalis kaysa barahin na naman siya. Pagod na ako sa kudaan nila.

Naiinis ako pero kaya ko mag-timpi, kapag nasagad ang pasensiya ko baka makagawa pa ako ng hindi maganda sa kaniya.

"Pero kanina hindi mo ata binara si Annalise,?" intrigang tanong ni Letitia. "Ba't pa 'ko makikipag-bardagulan sa kaniya? Eh sarado naman utak no'n," I boringly said. "Grabe ka girl," natatawang sabi ni Zaynab. "Totoo naman eh, matagal ng sarado utak niya at ayaw niyang tanggapin na nasa akin na pinakmamahal niyang si Rio," natatawang sambit ko na ikinatawa din nila. "Luh? Pinaka-mamahal ba talaga or gagamitin lang?" natatawang sambit ni Caitriona. "Hoy Catriona Grey, foul na 'yan," sabat ni Kio. Natawa naman ako dahil masaya ako sila ang naging ka-group ko para dito.

"Sinabing hindi ako si Catriona Grey eh Caitriona Laxamana, isa pang sabi sa'kin niyan bobombahin na kita, hindi nga ako pang-Miss U," naiinis na sambit ni Caitriona. "Oo na sige na sabi mo eh," Kio said. Agad naman binatukan ni Caitriona. Ano 'to research bardagulan? Anak ng tinapa.

"Hoy tumigil na nga kayo, hindi tayo nandito para makipag-baradagulan ha, nandito tayo para pumasa baka naalala niyo na best in research tayo, babatuhin ko kayo isa-isa kapag hindi kayo tumigil," singhal ko. "Ay oo nga pala," kamot na ulo ni Kio. "Ayan bardagulan pa," natatawang sambit ni Patrick. "Ulol," sambit ni Kio. "Amoy selos," Paul said. "Ulol," Patrick said.

Isa pa 'tong Caitriona at Kio aso't pusa din ang peg, puwedeng loveteam ng group namin kasi lagi silang nagbabangayan dito eh pero parang may something kay Catty at Pat. "Hoy kung mag-babangayan kayong dalawa do'n kayo sa labas ng canteen, pang-gulo kayong dalawa eh!" reklamo ko. "Oo na tatahimik na nga kami eh," Kio said

Tatahimik din pala ang dalawa. .

Nagsimula na kaming mag-usap usap para sa topic na related sa sinabi ni Prof. "Grabe ka naman magpa-sakit parang hindi mo kami kaibigan," singhal ni Lazarus. "Kaibiganet ba kita?" pangbabara ko. "Ay hindi mo sure," sabad niya. "Tumahimik ka gawin mo 'yan pasa mo sa'kin sa isang araw," usal ko. Tumango naman siya bilang pag-sang ayon.

Hindi rin naman kami nagtagal. Nagtagal lang kami konti dahil ay kay Caitriona at Kio.

Napansin ko naman tahimik si Patrick, hindi ko na masuway 'yung dalawa kasi ayaw paawat. Kainis.

"Grabe 'yung dalawa kanina," na-iistress na sambit ni Larisa. "Sinabi mo pa, napa-in denial mga piste," Zaynab hissed. "Wala ba kayong napapansin kay Pat? Ang tahimik niya kaya kanina habang nag-babangayan 'yung dalawa," I said. "Oo nga baka nga may something kay Pat at Catty. Ngunit ayokong mag-jump into conclusion, mahirap na." Larisa shrugged. We agreed also.

Hindi namin kasama si Laz at si Rio dahil may inaasikaso sila kaya naman tatlo lang kami ang kumakain ngayon. Binilin naman ni Rio sa canteen ang pagkain. Ang lalaking talaga iyon hindi marunong maka-limot. Napa-iling na lang ako kinuha ang pagkain ko at bumalik na kami sa puwesto namin.

We started to ate. "Manong magmidterm na lang huwag na mag-pa research," singhal ng kumakain na si Larisa, "Kaya nga," ginatungan pa ni Zaynab. "Huwag kayo sa'kin mag-reklamo, doon kayo sa dean mag-reklamo tignan ko lang kung hindi kayo I-expell," banta ko. "Expell talaga? 'di ba puwedeng kakausapin lang," Zaynab said. "Malay ko ba," mataray kong sambit.

Kumain na lang kami hanggang sa napagdesis'yunan namin na pumasok na ng room. I heard my phone beep kaya naman tinignan ko kung sino iyon.

Linderio:

Ano gawa mo?

Rachel:

Wala naman, papasok na ng room ikaw?

Linderio:

Wala naman, miss na kita.

Bigla akong namula sa sinabi niyang iyon. Sana hindi mahalata ng dalawa dahil alam kong aasarin nila ako.

Rachel:

Korny mo pi.

Linderio:

Ang sama mo talaga sa'kin. :(

Rachel:

Ka-oa mo,oh sige na nandito na si Prof.

Paalam ko para hindi na ako gambalain ni Rio baka pagalitan pa ako ng prof namin, pinatay ko na din ang cellphone ko para wala akong marecieve na message. I want to be at peace while listening to our Prof's discussion.

Nakinig lang ako sa discussion ang hirap palang maging guro kung sakali kasi kailangan mo pang tandaan lahat ng diniscuss mo hayst, kaya saludo ako sa mga guro dahil natitiis nila ang hirap para makapag-turo lang sa mga bata. Sila din ang rason bakit ang mga estduyante ay nakatatapos ng pag-aaral dahil sa sipag at tiyaga nilang magturo.

Kaya naman napili ko ang course na 'to para maka-insipire din ng mga kabataan na mag-pursigi sa pag-aaral dahil magiging maganda kinabukasan nila kung hindi sila susuko.

Gusto ko rin makagaan sa pamilya ko, gusto kong saluhin lahat ng pangangailangan nila lalo na kay Papa ngayong nag-gagamot siya at nagpapa-check, buti na lang at may natira sa pera namin saka na-swelduhan na ako ni Rio for this month. Good for 5 months na 'yung suweldo ko sa kaniya eh. Kaya after 5 months pa niya ako suswelduhan.

——————

It's been 2 months since na mag-start kami sa larong 'to. Naging magaan naman ang pakiramdam ko sa kaniya. He was always been there for us. He cared for my Family and also to me, hindi ko alam bakit ang bait niya kapag sa pamilya ko.

I guess I know the reason dahil sa pamilya niya. Naiintindihan ko siya at nangako ako na hindi ko siya iiwanan.

Kahit matapos ang kontrata namin mananatili ako sa tabi niya hangga't hindi pa siya nakakahanap ng girlfriend na tunay. I'll be his friend 'til last.

"Tulala ka?" bulong sa'kin ni Zaynab na nagpa-gising sa diwa ko. "Ah may iniisip lang," I lied. "Kung iniisip mo si Rio mamaya na 'yan aral muna bago landi," pang-aasar nito. "Ay wow," I sacrastic said. "Pero seryoso mamaya ka na tumulala diyan dahil nagkaklase pa tayo, ilang oras na lang uwian naman na," bilin nito. Tumango bilang sagot sa kaniya.

Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako tulala, I have full unsaid thoughts in my mind especially my feelings for him, gusto ko maka-sigurado kung mayroon ba talaga akong nararamdaman sa kaniya. He makes me comfortable whenever he was around.

Naguguluhan na ako kasi para sa'kin hindi na part ng deal namin ang ginagawa niya or para sa'kin lang talaga 'yun ang meaning? Ang hirap kasi mag-expect kung alam ko din na masasaktan ako sa dulo.

Annalise keeps bugging me and making a mess with our relationship, naniniwala siya na hindi kami para sa isa't-isa pero hindi namin iyon pinapansin kasi kulang na kulang na sa pansin, baka kasi kapag nasagad niya ako may masabi pa akong hindi maganda iyon ang iniiwasan ko.

Buti na lang ay natapos na ang klase baka maging sabog ako kapag tinawag ako kanina, kaya salamat naman.

"Hoy kanina okay ka pa naman, ano nangyayare sa'yo ngayon? May problema ka ba?" Larisa asked while we're walking on the hallway. "Wala hindi na kayo nasanay na lagi ako tulala kapag hapon," I joked. "Weh?" pang-aasar ni Zaynab. "Kung hindi pa kita kalabitin hindi ka matatauhan eh," dagdag nito. "Pasensiya na lodi," pang-aasar ko. Napa-iling na lang ang dalawa dahil sa kaberatan ko.

Nang makarating kami ng aming park, nakita na namin si Linderio kaya naman nagpa-aalam na ang dalawa sa'kin.

"Kumusta ka naman?" bungad ni Rio, "Ayon masaya walang nang-pipiste sa araw ko," pang-aasar ko. "Sino ba iyan?" nag-maang-maangan niya. Na-iling na lang ako sa kawalan.

Pumasok na ako sa sasakyan niya at tumingin na lang sa bintana, "Hassle Prof namin walang patawad," parang bata na nagrereklamo si Rio tumawa na lang ako. "Ayan kasi abot kalokohan mo hindi mo alam may mga gagawin kayo," singhal ko. "Kasi naman," parang bata talaga si Rio, hindi ko na maintindihan. "Ay nako ewan ko sa'yo Rio," napa-iling na lang ako at tumingin na lang sa bintana.

Ayoko muna makaipag-bangayan sa kaniya wala ako sa mood. Malapit na rin naman ako sa bahay. "Tahimik mo naman," basag ng katahimikan ni Rio. "Hindi kasi ako kasing ingay mo tantanan mo ako," I said. "Hindi mo man lang ako namiss," he said. "Letse," singhal ko.

Sa loob ng 2 months lagi kaming nagbabangayan niyan. Walang araw na hindi niya ako inaasar.

Natawa naman ang loko kaya naman ng maka-rating kami ng bahay ay hindi ko na siya pinansin, bahala siya.

"Hoy! See you bukas," he yelled, I waved my hands bilang pag-sang ayon, hindi ko na siya nilingon.

Nang makarating ako ng bahay ay bumungad sa'kin si Cindy. "Oh ate bakit mo naman hindi pinapasok si Kuya Rio?" reklamo niya. Nagpamewang ako, "Eh kasi po kailangan niyang mag-aral eh sana ikaw din 'no?" sacrastic kong tugon, napakamot ng ulo si Cindy kaya naman tinawanan ko na lang siya. "Si Ate naman," reklamo niya ulit. Napa-iling na lang ako. "Mama si Cindy hindi nag-aaral oh," pang-aasar ko kay Cindy.

Para naman iiyak siya kasi inaasar ko na naman siya. "Ate naman eh! Nag-aaral naman ako eh!" naiinis sa sambit niya. "Ma oh! Sinisigawan ako," pang-aasar ko ulit. Si Mama naman ay natatawa lang dahil inaasar ko naman si Cindy. "Hay nako Ace tantanan mo na tignan mo umiyak na," natatawang sambit ni Mama. Natawa na lang ako.

Pinatahan naman niya si Cindy habang ginagawa ko ang homework ni Cindy, "Oh isulat mo iyan ha, mamaya kapag natapos mo iyan bibili kitang ice cream diyan kila Aling Pilar," bilin ko at umakyat na ako para magpalit na ng damit. Mamaya naman ay ako naman ang gagawa ng assignment kaya naman ibibili ko na ng ice cream si Cindy para hindi na siya topakin.

Bumaba na ako at nakita ko naman si Cindy na maaliwalas na ang mukha, "Tapos ka na?" I asked. Tumango siya kaya naman sinama ko na siya para siya pumili ng ice cream flavor na gusto niya.

"Ate kailan ulit namin makakalaro si Kuya Rio?" tanong niya sa'kin habang naglalakad kami, "Kapag natapos na ang gawain niya siguro kasi ngayon ay busy pa si Kuya," untag ko. "Okay po," she said.

Nakarating na kami sa tindahan ni Aling Pilar. "Kumusta si Fel?" Aling Pilar asked. "Umo-okay naman na po," I said. "Buti naman kung ganoon, alam mo bang araw-araw kami nagdadasal na sana um-okay na ang lagay buti na lang ay mabait ang Diyos at dininig niya ang panalangi namin," she said.

It makes my heart flutter, when I hear this compliment about my Father. "Thank you Aling Pilar at saka mga kasama mo na nag-dasal sa paghilom ng aking ama," I thank her. "Ay naku, walang problema sa'min 'yon at pamilya tayo dito sa lugar natin kaya dapat magtutulungan din," she said. "Pa'no po ba ako makakapag-pasalamat sa inyo ang laking tulong po sa akin 'yon," I said. "Ay nako huwag mo na alalahanin iyon dahil gusto din naman namin makatulong," she said.

Nagpasalamat ako at nag-paalam na din dahil baka hinihintay na kami ni Mama. Nang makarating kami ng bahay agad namin nakita sila Papa na nanonood ntg TV. "Oh bakit ngayon lang kayo?" nag-aalalang tanong ni Papa, "Pa, na-kwento lang po ako kay Aling Pilar, at saka Pa, na'kwento niya na nagbible study sila no'ng panahon under observation kayo sa hospital lahat daw po ng kapit-bahay natin ay nagtulong-tulong din daw po," I said. Si Mama naman ay naging emos'yonal sa sinabi ko.

"Ngayon ko lang nalaman iyan kahit hindi sila maka-tulong ng pinansiyal ay nakatulong naman sila para mabilis ang pag-hilom ng Papa mo," she said. "Opo Ma, kaya alam kong gagaling si Papa at mabubuhay ng matagal," ani ko. "Magtiwala lang tayo sa Diyos, siya na ang bahala sa'tin 'nak," Papa said. Tumango ako. Nakipag-k'wentuhan muna ako bago na-isipan umakyat para gawin ang homework ko.

Pagka-akyat ko ay pumunta na ako sa kuwarto ko para masimulan na ang ang aking homework. I just realized that I should be more thankful for our neighborhoods because of them, their prayer for my Father was here with us. I want to be more thankful to God because he was the one who saved my Father from danger.

My Father was healing and I'm so thankful because of that...

Ginawa ko ang homework ko at bumaba na din ng sala para kumain ng dinner. Si Theo ay natulog na dahil maaga namin pinatutulog dahil baby pa naman siya. 8 months na siya, malapit na siyang mag 1 year old.

"Oh anak nandiyan ka na pala, tatawagin ka na sana ni Cindy eh," Papa said. "Maaga lang po ako natapos sa homework ko sa school," I said. "'Nak hindi ka ba nahihirapan doon?" he asked. "Hindi naman Pa, nandoon naman si Keriza at may mga kaibigan naman po kami doon, saka nandoon naman po si Rio," I said. "Wala bang nanakit sa'yo or nambubully?" he asked na ikina-hinto ko. "Pa,wala po. Saka takot po sila sa'kin dahil matapang ako pa," natatawa kong sambit. "Kahit saan ka talaga mapunta ng school siga ka pa din," naiiling na tawa ni Papa at nakitawa naman si Mama.

"Mana sa'kin ata iyan," sabad ni Mama. Tumawa naman ako. "S'yempre Ma, anak mo naman ako eh, kaya dapat lang na mag-mana ako sa iyo," I said. "Mag-ina nga talaga kayo," napa-iling na sambit ni Papa, tawanan naman ang naging sagot namin. Puno ng tawanan ang buong dinner namin.

"Pa, iniinom mo naman ba ang iyong gamot?" tanong ko dito. "Oo anak walang gutal," kumpirma niya. "Very Good," I said and gave him a thumbs up at tumawa na lang kami.

Nang matapos ang dinner namin, "Anak huwag mo papabayaan ang pag-aaral mo ha, iyon na lang maipagmamalaki ko sa pamilya natin," Papa said. "Oo naman Pa, gagraduate ako ng sabit," paninigurado ko. "Kahit huwag na anak basta makatapos ka lang sapat na sa'min, huwag mong pilitin ang sarili mo mapapagod ka lang buti nga napilit ka ni Rio na huwag na mag-trabaho," he said. "Pa huwag kang mag-alala makaka-pagtapos po ako," I said. "Anak pahinga din ha," bilin ni Papa at tumango ako bilang pag-sang ayon.

Hindi ko alam kung uso pa ba sa'kin ang pahinga eh alam ko sa sarili ko na pagod na ako pero pinipilit ko sa sarili ko na bumangon dahil kailangan pa 'ko ng pamilya ko, I was trying my best to better.

Maaga akong natulog dahil bukas panibagong sabak na naman. Ako'y naiistress na sa pambubulabog ni Annalise sa'min, isa na lang talaga ay makakasapak na ako eh.

I wake up early, bumaba na ako para kumain para maaga akong maka-gayak dahil panigurado mamaya ay mambubulabog na si Linderio.

"Ang aga mo ata Anak," bungad ni Mama habang naghahanda na ng umagahan. "Opo Ma, alam mo naman si Rio lakas makapang bulabog," inis kong sambit ng mabanggit ko ang lalaking iyon. Natawa naman si Mama, tinawag niya na sila Papa at si Cindy para sabayan na ako kumain.

Maaga din ako natapos kumain at gumayak na ako, maya-maya lang ay narinig ko na ang busina ng kotse ni Rio kaya naman bumaba na ako at nag-paalam, nakita ko naman si Linderio na naka-labas na siya ng kotse n'ya.

"Good Morning," bati niya. "Good Morning," I greeted him back. Nakita ko naman na malawak ang kaniyang ngiti. "Oh ano ningingiti mo diyan?" tanong ko. "Wala good mood lang ako huwag mo sirain," he said.

Pinapasok na niya ako sa kotse at sumakay na din siya. "Ay wow ako pa talaga naninira? Baligtad ata," I sacrastic said. "Epal mo naman," he said. "Thank you," I said.

Hindi ko na siya pinansin at tumingin na lang sa bintan, nagpatugtog naman siya ng kanta at sinasabayan ko naman himig ng kanta na iyon. It's Beautiful Scars, this song has deep meaning kaya naman relate ako sa song na iyon at favorite ko siya.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami ng school, bumaba na ako at bumaba na din siya. Si Kez hindi na sumabay nauna na daw siya dahil may quiz daw sila ngayon maga kaya naman maaga siyang pumasok.

Sabay kami naglakd dahil wala naman ako kasama dahil mamaya pa 'yung dalawa papasok, maaga lang ako ngayon dahil sa lalaking kasama ko. "Parang wala ka ata sa mood," he said while we we're walking in the hallway, "Huwag kang magulo nagiisip ako ng irerebat kay Annalise the great," I said. Natawa naman siya.

"Huwag mo na kasi pansinin hangga't pinapansin mo hindi iyon titigil," he said, "Hindi ko na nga pinapansin sadiyang wala talagang magawa sa buhay kaya walang ginawa kung hindi ang siraan ako," I said. "Huwag mo na patulan mapapagod din iyon," he said. "Kailan? Kapag tapos na ang deal natin?" I asked. Napahinto siya doon at hindi ko alam ang rason no'n.

"Oh bakit nahinto ka?" I asked. "Wala naman," he said at tinuloy na ang paglalakad kasabay ko.

Minsan hindi ko rin 'to maintindihan eh, ang gulo na niya. Napa-iling na lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad hindi ko na siya pinansin pa muna.

Nang makarating na kami sa tapat ng room hindi pa din siya kumikibo, "Mamaya na lang sa lunch," he said at umalis na hindi na hinintay ang aking sasabihin.

Napakamot naman ako sa ulo ng pumasok ako sa room, may sayad na naman siguro si Linderio minsan hindi ko na maintindihan ang ugali no'n. Ayaw naman sabihin kung ano nagawa kong mali para makapag-sorry ako lagi niyang sinasabi wala, lakas naman mnaka-red flag ang piste.

Maya-maya lang ay dumating na sila Larisa. "Bakit ganiyan ang awra ng mukha mo?" she asked ng maka-upo na siya sa kaniyang upuan. "Si Linderio daig pa ang babae, hindi ko alam kung may nasabi ba akong hindi maganda kanina bigla na lang tumahimik ang asungot," I ranted.

"Bakit ano ba ginawa mo?" Zaynab asked. "Hindi ko nga alam, mamaya tatanungin ko," I said. "Tanungin mo kung may nasabi ka bang hindi maganda para naman aware ka na sa susunod kasi minsan impulsive ka eh," Larisa complained. "Grabe napaka-buti mong kaibigan siraulo ka," I sacrastic said.

Nagtawanan naman sila, natigil lang ang chikahan namin ng dumating ang mga bida-bidang bubuyog. Napa-iling na lang ako at hindi na sila pinansin kasi kapag pinansin ko baka lang ako mairita lalo sa pagmumukha nila.

Dumating na din agad ang teacher namin kaya naman walang bardagulan na naganap ngayong maga at ayoko muna dahil naiistress pa ako kay Rio, daig pa ang babae na may mood swing ang piste.

Hindi ko na talaga siya maintindihan since last week, minsan clingy minsan moody, isa na lang ay masasapak ko na siya sa pagiging moody niya.

Maaga naman natapos ang morning class kaya naman nagkayayaan na kami pumunta ng cafeteria, hintayin na lang namin doon si Rio bahala siya sa buhay niya joke.

Naghagilap na kami ng upuan at hinintay na namin si Rio, maya-maya lang ay dumating na din siya. Ako ang naiwan sa table. Hinintay ko na lang sila.

Maya-maya lang ay dumating na sila may dalang mga pagkain, mamaya na lang sa uwian ko siya tatanungin about doon. Nagk-wentuhan naman kami med'yo okay na si Linderio hindi na siya moody ngayon ewan ko ba dito.

Bigla naman nasira ang pag-kain ng biglang sumulpot ang mga bubuyog. "Oh, Rachel hindi ka man ba nahihiya na si Linderio pa bumibili ng pagkain mo?" she's teasing me, kaya naman binagsak ko ang utensils ko at tumayo kasama ang pagkain na binili sa'kin ni Linderio buti na lang ay ako ang nasa tapat niya.

Sinaboy ko sa kaniya ang pagkain ko, "Ewww," she was disgusted. "Rachel that's enough," Rio looks pissed at Annalise. Ngunit hindi ako natinag "Ayan sinaboy ko na sa'yo nahiya naman ako sa'yo eh mukhang gusto mo din bilan ka ni Linderio ng pagkain, Fyi hindi ako nagpabili kahit itanong mo man dito, dahil kusa niyang ginawa masiyado lang sarado utak mo huwag ka mag-aalala hindi na ako magpapabili sa susunod nahiya ako sa'yo na nagbabaon ng pagkain, hindi kita pinapakelamanan sa pagkain mo pero ako pinapakelamanan mo, ang yaman mo pero hindi mo kayang bumili ng pagkain dito sa cafeteria, huwag mo sagarin pasensiya ko Annalise iba akong masagad ng pasensiya, umalis ka sa harap mo kung ayaw mong makita kung pa'no 'ko manakit ng isang tulad mo," I said.

Pinipigilan naman ako ni Rio at nila Larisa pero hindi ako natinag, sagad na sagad na pasensiya ko pero kaya kong mag-timpi dahil dean's list ako.

Umalis na din ang mga bubuyog at pagka-alis nila ay umalis na din ako dahil sa sobrang inis ko. Hinabol naman ako ni Rio.

"Hey, hindi ka pa kumakain, tara na bili na lang ulit kita," Linderio said. "Huwag na, hindi ako gutom, kain na lang kayo doon, punta na lang ako sa room kita na lang tayo mamaya," I said at umalis na sa harap niya.

Nagmamadali akong pumunta ng room para hindi niya na ako mahabol. Nang makarating ako sa ng room ay dumukdok ako dahil sa sakit na nararamdaman ko, nahihiya ako para sa sarili ko dahil pinagsisilbihan ako ng mga kaibigan ko, kaya ko naman bumili eh pero gusto ko maka-ipon pero wala eh. Walang-wala na ako.

Nang matapos ang tanghali ay nagsi-pasukan na nag mga tao sa room at pumasok na din ang dalawa na puno ng pag-aalala sa'kin. "Okay ka lang ba?" Zaynab asked. Tumango ako, "Kung may kailangan ka huwag ka mahihiyang magsabi sa'min," Lazarus said. Hindi na ako kumibo dahil dumating na din ang prof namin sa pang-hapon.

Tahimik lang ako buong klase at hindi na lang kumikibo.

Nang matapos ay hindi ko na hinintay sila Larisa, nauna na ako sa parking at nakita ko naman agad si Linderio na nakasandal sa kaniyang kotse. "Okay ka lang?" tanong niya ng makita niya ako. "Oo, Rio tanggalin mo na sa rules ang pabili mo sa'kin ng pagkain masiyado na pala nakakahiya," I said. "Bakit?" he was confused. "Basta alisin mo, ako na bibili ng pagkain ko or magbabaon na lang ako, napahiya na ako kanina kaya ayoko na maulit," I said. Hindi na siya kumibo, sumakay na kami sa kotse niya nga walang kibuan.

Nang makarating kami sa bahay ay hindi ko na muna siya kinibo, nahihiya pa din ako sa sarili ko. Nang maka-pasok ako ng bahay ay umakyat na ako ng kwarto at nagkulong.

Ayoko na maulit 'to...nakakapagod sobra... too much dissappointment for myself. Nakakahiya dahil naka-depende ako ngayon sa mga kaibigan ko na dapat hindi ko ginagawa. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status