Home / Romance / KABIT (SPG) / Kabit 3 Mag-amang Mendez

Share

Kabit 3 Mag-amang Mendez

Author: Batino
last update publish date: 2026-08-26 14:07:56

Habang sa kabilang dako ay nag-iinit ang sigawan, patuloy ang pag-agos ng mga luha ni Jane habang dinuduro si Dennis na halos hindi na makapagsalita sa sobrang gulat at galit sa paninirang ginawa sa kanya.

"Ang hayop mo, Dennis!" sigaw ni Jane, basag ang boses habang dinampot ang singsing sa kanyang daliri at ibinato ito sa mukha ng lalaki. "Tapos na tayo! Kinasusuklaman kita!"

Habang nagpapatuloy ang mainit na pag-aaway at pagdurusa ng dalawa sa loob ng magulong opisina, dahan-dahang tumalikod si Angela. Habang naglalakad siya papalabas ng silid at palayo sa eksena ng kanyang ginawang gulo, mabilis niyang pinunasan ang mga pekeng luha sa kanyang pisngi.

Isang malamig at tagumpay na ngisi ang sumilip sa kanyang mga labi habang dahan-dahang binubulong sa sarili:

"Tapos na ako sa kanila... sa next target naman.”

Habang naglalakad si Angela palayo sa gusali na may dalang tagumpay sa kanyang mga ngiti, hindi niya inaasahan ang sunod na mangyayari.

Sa kabilang pasilyo, kasabay ng kanyang paghakbang, lumiko ang mag-amang Dave Mendes at Don Mendes. Si Dave—ang binatang bilyonaryo na kilala sa kanyang malamig na awtoridad at marangyang istilo—ay biglang natigilan sa gitna ng paglakad.

Sa isang iglap, tumigil ang mundo para kay Dave nang masumpungan ng kanyang mga mata ang babaeng dumaan sa kanyang harapan. Isang tingin lamang, at tila nabura sa isip niya ang lahat ng importanteng miting at mga planong nakahanay para sa araw na iyon. Love at first sight. Ramdam na ramdam niya ang biglang pag-ibayo ng tibok ng kanyang dibdib para sa babaeng ngayon lamang niya nakita.

Ngunit para kay Angela, tila wala siyang nakita. Ni hindi niya nilingon o pinansin si Dave; diretso lamang ang kanyang tingin, seryoso ang mukha, at nagpatuloy sa paglakad na parang walang kwenta ang lalaking kakarampot na tumitig sa kanya.

"Anong tinitingnan mo diyan, Dave?" tanong ni Don Mendes sa kanyang anak, nagtatakang nakatingin din sa direksyon kung saan lumagpas ang dalaga.

Hindi sumagot si Dave. Nanatili lamang siyang nakasunod ng tingin sa papalayo nang likod ni Angela, habang ang kanyang isip ay okupado na ng isang simpleng misyon: Kailangang malaman ko kung sino ang babaeng iyon.

Ilang sandali lamang ang lumipas matapos ang makasaysayang tagpong iyon sa pasilyo, narating na nina Dave at Don Mendes ang pribadong silid ng isang sikat at mamahaling restaurant kung saan naghihintay ang kanilang pinakamahalagang panauhin.

Pagpasok nila, sinalubong sila ng nakangiting mukha ng isang babaeng balot na balot ng karangyaan at kagandahan—si Elina, ang nakatakdang mapangasawa ni Dave. Siya ang babaeng ipinagkasundo sa kanya ng pamilya, matalino, elegante, at walang-dudang perpekto sa mata ng lipunan.

"Dad! Dave! Kanina pa ako naghihintay," masayang bati ni Elina, agad na lumapit upang humalik sa pisngi ni Don Mendes at magbigay ng matamis na ngiti sa kanyang fiancé.

"Pasensya na, Elina. Medyo naabala lang kami sa kumpanya dahil sa ilang mga dokumento," paliwanag ni Don Mendes habang naupo sa kabisera ng mesa.

Si Dave naman ay naupo sa tabi ng kanyang fiancée, ngunit kakaiba ang kanyang ikinikilos. Habang pinagsisilbihan siya ni Elina ng pagkain at masayang ikinukuwento ang mga detalye tungkol sa darating nilang kasal, ang isip at mga mata ni Dave ay lumilipad pa rin.

Paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan ang mukha ng babaeng dumaan sa kanya kanina—ang babaeng binale-wala lamang siya at hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Kahit nasa harap niya ang napakagandang si Elina, ang nag-iisang pangalan na paulit-ulit na tumatakbo sa isip ni Dave ay ang misteryosong dalaga na nag-iwan ng kakaibang marka sa kanyang damdamin.

Hindi alam nina Dave at Don Mendes ang tunay na kwento sa likod ng marangyang mukha na ipinapakita ni Elina sa lipunan.

Sa mga mata ng publiko at ng pamilya Mendes, si Elina ay nagmula sa isang angkan na may kaya at may mataas na istatu sa lipunan. Suot ang mga branded na damit, alahas, at nakatira sa isang magandang subdivision, tila perpekto ang kanyang mundo. Ngunit ang totoo, mahirap lamang talaga si Elina. Ang lahat ng karangyaan, ang mga gastusin sa kanilang araw-araw, at ang imaheng mayaman na ipinapalandakan niya ay nagmumula sa isang tao lang—sa kanyang sariling kapatid na buong buhay na nagsakripisyo, nagbanat ng buto, at lihim na sumusuporta sa kanya.

Ang kapatid na iyon ay walang iba kundi si Angelina Bautista.

Habang masayang nagkukuwento si Elina tungkol sa mga pinaplano nitong mamahaling detalye para sa darating nilang kasal ni Dave, wala itong kamalay-malay na ang perang ginagastos niya ay galing sa mga pisong pinaghirapan at kinita ng kanyang kapatid mula sa madidilim at mapanganib na laro nito sa mga lalaki.

Habang nakikinig si Dave sa mga kwento ni Elina, nanatili pa rin siyang tahimik at malayo ang isip. Hindi niya alam na ang babaeng nagpatigil ng kanyang mundo kanina sa pasilyo—ang misteryosong si Angela na nag-iwan sa kanya—ay ang mismong kapatid at tagapagsuporta ng babaeng nakaupo ngayon sa kanyang tabi.

"Kumusta ang lakad niyo kanina, Dad? Bhabe?" tanong ni Elina habang maingat na ipinapatong ang isang hiwa ng steak sa plato ni Dave na may kasamang matamis na ngiti.

Si Don Mendes ang unang sumagot habang umiinom ng tubig. "Hindi natuloy ang usapan namin dahil nagkaroon ng malaking problema sa company ni Mr. Dennis, kaya siguro sa mga susunod na araw na lang namin muling aayusin."

Nawala ang ngiti sa labi ni Elina, at bahagyang nangunot ang kanyang noo sa narinig.

"Huh? Akala ko ba kakausapin niyo po siya tungkol sa petsa ng kasal nila ni Jane, na ilagay nalang sa ibang araw para ang kasal namin ni Dave ang una?" reklamo ni Elina, may bahid ng pagka-frustrate sa boses.

Para kay Elina, napakahalaga na mauna ang kasal nila ni Dave. Hindi lamang dahil sa gusto niyang maging engrande ang kanilang pag-iisang dibdib, kundi dahil kailangan na kailangan na niyang maselyuhan ang kanyang kinabukasan sa isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Ayaw niyang maunahan siya ng iba o magkaroon ng anumang balakid sa kanyang mga pangarap na makaahon sa kahirapan—isang sikreto na tanging si Angela lamang ang nakakaalam at patuloy na tinutustusan gamit ang sarili nitong mga sakripisyo.

Si Dave naman ay nanatiling tahimik sa tabi niya. Habang nagtatampo si Elina tungkol sa nakabinbing petsa ng kasal, ang utak ni Dave ay lumilipad pa rin. Wala siyang pakialam sa eskandalo sa kumpanya ni Dennis; ang tanging pumapasok sa kanyang isip ay kung paano niya mahahanap muli ang babaeng bumihag sa kanya kanina.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • KABIT (SPG)   Paid Lover 140. 🔞⚠️SSPG

    Habang nakatitig sa kahanga-hangang katotohanang nag-aalsa sa kaniyang harapan, ang hininga ni Angela ay tuluyang naging marahas at mainit. Ang dating mapanuksong yabang ay nilamon ng matinding pagnanasa nang masilayan ang tigas at laki ng pagkalalaki ng asawa na naghihintay na lamang sa kaniyang haplos. “Shet… panindigan mo ito, Angela, hanggang sa mawala ang laro niya at bumalik ang mga alaala niya… kailangan mong ituloy ito para sa inay mo!” nagbabagang pampalakas-loob ni Angela sa kaniyang sarili. Walang pag-aatubili, dahan-dahan niyang iniangat ang kaniyang mga palad at marahas na hinawakan ang nag-init na umbok ni Roger sa ibabaw ng itim na boxer briefs nito. “Ah… shit, …” garalgal at pabulong na daing ni Roger, tuluyang gumuho ang kaniyang pagpapanggap sa gitna ng nag-aalab na silid. Sa isang marahas at biglang galaw na nagpatigil sa paghinga ni Angela, mabilis na dinakma ni Roger ang nanginginig nitong mga kamay. Bago pa man ito makapalag, marahas at mabilis niyang ibinab

  • KABIT (SPG)   THE MANIAC'S PAID LOVER

    "Hello Everyone!Gusto ko lang pong ipaalam na papalitan ko lang po ng tittle ang KABIT(SPG) Pero tuloy pa rin po ang kwento nila.. Baka po magulat kayo ,pag biglang nagiba ang tittle ng Story..KABIT(SPG) INTO THE MANIAC'S PAID LOVER(SSPG) Pero ,waiting pa po ako sa pag approve ng aking mabuting SE ,kaya wag po kayo mabibigla pag biglang nabago ang tittle ng story ...Have a nice day po...everyone... 🥰🫶🫶🫶

  • KABIT (SPG)   Paid Lover 139. 🔞⚠️ If you want to see?! I will! SPG

    “Lady, I’m not paralyzed! At ang ginagawa mong paglapastangan sa aking pagkalalaki ay—” Hindi na naituloy ni Roger ang kaniyang pagmamaktol. Sa isang mabilis at tuso na galaw, mariing piniga ni Angela ang kaniyang umbok dahilan para kusang kumawala ang isang garalgal at pilit na pigil na daing mula sa lalamunan ni Roger. “Ugh-ahgwat…!” napaatras ang ulo ni Roger habang namimilipit sa halo-halong sarap at gulat, pilit na kumakapit nang mahigpit sa gilid ng wheelchair para hindi tuluyang matumba. “Stop! Stop pisil-pisil inyo my hard duck,baka tuklawin ka at hindi mo kayanin Lady! Baka nakakalimutan mong…” nag-aakmang singhal ni Roger habang nanginginig ang mga daliri, halos mamatay sa matinding tensyon at pagnanasa na nararamdaman niya. Ngunit mabilis siyang pinutol ni Angela. Isang malamig at mapanghamon na ngiti ang isinalubong nito sa kaniya habang matalim na nakatitig sa kaniyang mga mata. “Huwag mo akong sabihan ng ‘baka nakakalimutan mong…’, dahil hindi ako ang may amnesia

  • KABIT (SPG)   Kabit 138. 🔞⚠️😆 Sige lang ! Walang hugas yan!

    “Alam mo, mahal kong asawa… nung nalaman kong gising ka na, agad-agad akong nagpunta rito para makita ka, makausap ka, at makakuha kaagad ng yakap mo…” malambing ngunit may halong mapang-asar na boses na wika ni Angela. Habang sinasabi iyon, marahas niyang itinaas ang hawak na underwear at dahan-dahang itinapat sa mismong ilong at mukha ni Roger. “At alam mo ba, mahal ko? Wala pang hugas ‘to! Hihihi!” nakangiting pang-aasar ni Angela sa nagbibingi-bingihang si Roger. Nanginig ang labi ni Roger at halos lumabas ang kaniyang mga mata sa sobrang gulat at halo-halong emosyon. Pilit niyang ibinabalik ang blangkong ekspresyon, ngunit ang kaniyang dibdib ay mabilis nang kumakabog. “B-bakit mo ginagawa sa akin ‘yan?! Who are you?!” nanginginig at pilit na nag-aastang amnesia na tanong ni Roger, habang pinipigilan ang sarili na maamoy nang husto ang hawak na tela. Subalit sa loob-loob ng kaniyang isip, sumisigaw na ang kaniyang katinuan: “H-hindi mo naman kailangang itapat ang p

  • KABIT (SPG)   137. ⚠️🔞SPG Hinubad sa harapan ng asawa ang kanyang p@nty!"

    “Kung ganoon… may amnesia si Roger?” malungkot at nanginginig ang boses na pag-ulit ni Angela, habang ang mga luha ay tuluyan nang pumatak sa kaniyang pisngi habang nakatingin sa blangkong mukha ng asawa.“O-opo, Madam!” sabay na sagot nina Marco at Leo, medyo nauutal at pilit na pinapakalma ang mga sarili dahil sa matinding kaba sa reaksyon ni Angela.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Angela. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha, at sa isang iglap, ang kalungkutan sa kaniyang mga mata ay napalitan ng determinasyon. Tumayo siya nang tuwid at matatag na hinarap ang dalawang tauhan.“Fine! Lumabas na muna kayong dalawa rito,” utos ni Angela na may halong awtoridad. “Ako na muna ang mag-aalaga sa asawa ko. At please… walang kahit sino ang papasok sa silid na ito hangga’t wala akong sinasabi, maliwanag ba?!”Natigilan sina Marco at Leo. Nagkatinginan sila nang may pag-aalala.“Pero, Madam… baka po kasi—” nag-aalalang tutol sana ni Marco, iniisip ang kalagayan ng kanila

  • KABIT (SPG)   Kabit 136

    Sa St. Claire Medical Hospital…“Boss… paparating na si Madam Angela. Malapit na sila sa elevator!” hingal-kabayong balita ni Marco habang nakasilip nang bahagya sa may bintana ng pinto.“Okay, I’m ready!” mahinang tugon ni Roger, sabay sandig nang bahagya at pagpapakawala ng isang tulala at blangkong tingin sa kawalan, tila isang taong bagong gising mula sa mahabang bangungot at walang kamalay-malay sa mundo. “Tandaan ninyo, kapag pumasok siya, huwag kayong magpapahalata. Napakamot sa batok si Leo at bahagyang lumapit kay Marco habang pinagmamasdan ang kanilang Boss.“Teka lang, Marco… sigurado ba kayong effective itong amnesia card? Paano kung hagisan tayo ng mainit na sinigang ni Madam kapag nalaman niyang niloloko lang natin siya?” bulong ni Leo, bakas ang kaba sa boses.Agad siyang siniko ni Marco at sinamaan ng tingin. “Gago, tumahimik ka nga diyan! Mas delikado kung sasabihin nating nagpapanggap si Boss para lang iwasan ang mga tanong ni Madam Angela.“Hoy, kayong dalawa diya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status