Habang abala si Elina sa pagpaplano at sunud-sunod na pagreklamo tungkol sa pagka-antala ng kasal nila, si Dave ay nanatiling nakatitig sa kawalan. Hawak-hawak niya ang kanyang baso ng alak, ngunit ni minsan ay hindi niya ito ginalaw."Bhabe, nakikinig ka ba sa akin?" mahinahong tanong ni Elina habang bahagyang hinawakan ang braso ni Dave, pilit na kinukuha ang atensyon ng kasintahan. "Sabi ko, kailangan nating masigurado na mauna ang kasal natin. Ayoko kasing mapag-iwanan, lalo na't pinaghandaan ko talaga ito..."Tumango lang si Dave nang walang emosyon, ngunit ni hindi man lang lumingon o tumingin sa mga mata ni Elina. Tulala pa rin siya. Ang mukha, ang mga mata, at ang malamig na presensya ng babaeng nakasalubong niya kanina sa pasilyo ang paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan."Dave..." tawag ulit ni Elina, may bahid na ng pagtataka at konting inis sa boses dahil sa kawalan ng reaksyon ng lalaki. "May problema ba? Kanina ka pa tahimik diyan. Parang wala ka sa sarili mo."Humi
Last Updated : 2026-08-26 Read more