MasukAno?” gulat at labis na pag-aalalang sagot ni Angela, biglang namutla ang mukha habang napahawak sa kanyang dibdib. “Paanong wala pa , nasaan kanaba Dave? Akala ko ba ayos na ang lahat para sa operasyon ngayong umaga?bakit hanggang ngayon wala pa kayo ni Elina?!"bulong ni Angela. "Akala ko ba ayos na ang lahat?"tanong muli ni Angela.“Ayos na nga po, Ma'am, pero wala pa po si Ma'am Elina Mendez na siyang magpupuna sa dugo ng iyong ina.Kung wala tayong maipalabas na dugo sa loob ng susunod na tatlumpung minuto, mapipilitan kaming i-resched ang operasyon ni Mrs. Bautista.”Napaupo si Angela sa katabing silya sa tindi ng panghihina. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay gumuho ang mundo sa kanyang harapan. Lahat ng sakripisyo niya para makatakas saglit sa mansyon at maasikasan ang ina ay tila mapapako lang sa wala dahil sa kawalan ng dugo.“Diyos ko... anong gagawin ko?” nanginginig na bulong ni Angela sa sarili, habang sinasabunutan ang sarili sa
Habang mabilis na naglalakad palayo si Evice, naiwan si Roger sa madilim na pasilyo na mabigat ang paghinga, pilit na kinakalma ang nanginginig pang mga tuhod at ang nag-aapoy na reaksiyon ng kanyang katawan. Inayos niya nang tuluyan ang kanyang damit at isinara ang siper, habang ang kanyang isip ay gulong-gulo pa rin sa nangyari.Ilang sandali pa, bago tuluyang mawala sa paningin ang dalaga sa kanto ng pasilyo, mabilis na humakbang si Roger at mariing hinawakan ang braso nito para pigilan ito sa pag-alis. Hinila niya si Evice papasok sa isang bakanteng silid-aklatan sa tabi ng pasilyo at isinara nang marahan ngunit mariin ang pinto."Hindi pa tayo tapos mag-usap, Evice," nanggigigil na bulong ni Roger, ang kanyang mga mata ay naniningkit sa tindi ng galit at halo-halong emosyon. "Ano ba talagang gusto mo? Bakit mo ginagawa ito?"Isang mapang-asar na ngiti ang sumilip muli sa mga labi ni Evice habang hinahayaan nitong hawakan siya ni Roger. Hindi man lang siya nagpakita ng takot."Ba
Tinitigan ni Roger si Evice nang diretso sa mga mata. Ang kanyang titig ay nag-aapoy sa matinding seryosong awtoridad, ngunit bakas din dito ang pagkalito ng isang lalaking unti-unting nadadala sa tukso. “Talaga bang kaya mong ibigay sa akin ang hindi maibigay ng aking asawa?” mariing tanong ni Roger. Isang mapang-akit na ngiti ang sumilip sa mga labi ni Evice. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakapulupot ng kanyang mga braso sa leeg ni Roger, habang ang kanyang katawan ay idinikit pa nang tuluyan sa matigas na dibdib ng lalaki. Ramdam na ramdam nila ang init ng katawan ng isa't isa sa kabila ng manipis na tela na kanilang mga suot. “Oo naman, mahal kong brother-in-law,” malanding sagot ni Evice, ang boses ay parang haplos ng balahibo sa tainga ni Roger. “Kayang-kaya ko... Higit pa sa ibinibigay ng babaeng 'yon na pilit namang ibinibigay ang atensyon sa iba. Bakit ka magtitiis sa kulang, kung pwede namang sa akin ay sobra-sobra pa?” Habang sinasabi iyon ni Evice,dahan-dahan n
“Matulog na tayo, Roger,” mahinang wika ni Angela, pilit na pinapakalma ang boses upang itago ang nag-uumpugang kaba at pagkalito sa kanyang dibdib habang mahigpit pa ring nakahawak sa kanyang telepono.Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Roger. Bahagya pang nag-alinlangan ang kanyang mga mata bago tumango. “Sige, mahal kong asawa,” mahinahong sagot ni Roger, mababa at tila naglalambing pa ang tono na lubhang ikinabigla ng dalaga.Nang marinig iyon, natigilan si Angela. Napakurap siya habang nakatitig kay Roger. “Anong meron sa kanya? Bakit bigla siyang hindi naging mausisa?” takang-taka niyang tanong sa sarili, lalo pa’t kilala niya ang lalaki na mabilis magselos at magtanong sa bawat simpleng galaw o mensahe na dumarating sa kanyang telepono. Ngayon ay tila pinalampas nito ang tungkol sa text galing kay Dave.Hindi na nagtanong pa si Angela at dahan-dahang humiga sa gilid ng kama, pilit na pinapakalma ang sarili. Nang mapansing tila payapa na ang paligid, akmang lalayo at t
Makalipas ang mainit at masidhing pagtatalik ng mag-asawa, dahan-dahang binalot ng katahimikan ang silid. Hindi na namalayan ni Elina na nakatulog na pala siya nang mahimbing sa tindi ng kapaguran at puyat mula sa kanilang matinding pagsasama. Ang kanyang mga kamay ay nakalagay pa rin sa dibdib ni Dave, habang ang hininga nito ay mabigat at regular, tanda ng malalim na pagkakahimbing.Ngunit si Dave ay gising na gising pa rin. Ang mga mata nito ay nakatitig sa kisame, habang ang isip ay lumilipad sa ibang direksyon. Sa halip na makaramdam ng kapayapaan sa tabi ng sariling asawa, ang mukha at presensya pa rin ni Angela ang patuloy na naglalaro sa kanyang isipan.Dahan-dahang iginalaw ni Dave ang kanyang katawan, sinisigurong hindi magigising si Elina sa kanyang pag-alpas. Nang makatiyak na tulog na tulog ang asawa, bumangon siya nang marahan at mariing pinagmasdan ang mukha nito. Isang malalim at mapait na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago tuluyang nagsalita nang mag-isa sa di
“Elina… ‘di ba matagal na nating pinag-uusapan ang tungkol sa baby?” malambing na saad ni Dave habang dahan-dahang lumapit sa asawa at hinawakan ang mga kamay nito. “Baka gusto mong dalhin kita sa Hunso City Hospital bukas para makapagpasuri tayong dalawa at malaman na natin kung bakit hanggang ngayon ay wala pa tayong anak.”Natigilan si Elina. Bahagyang kumunot ang noo nito at tinitigan nang maigi ang asawa, sinusuri kung may kakaiba ba sa mga titig o tono nito. Ngunit sa huli, pinili niyang itapon ang anumang pagdududa.“I know naman na mahal ako ni Dave, kaya hindi ko dapat ‘yun pag-isipan ng masama,” bulong ni Elina sa kanyang sarili, pinipilit kumbinsihin ang sarili na walang ibang motibo ang asawa kundi ang magkaanak sila.“Sure, no problem, mahal kong Dave,” nakangiting sagot ni Elina, sabay lapit nang tuluyan kay Dave at mariing hinalikan sa labi ang asawa upang ipakita ang kanyang buong suporta at pagmamahal.Huminga ng malalim si Dave bago ginantihan ang halik ni Elina. Ngu







