Share

Kabanata 01- First Encounter

“ Excited na ba kayo para sa mga activities?” nakangiting tanong sa amin ni Ate Aileen matapos makita na nakahanda na kaming magkakaklase para sa Zombie fun run para mamaya.

Tanaw namin mula dito sa labas ng camping tent ang unti-unting pagsikat ng araw at ang unti-unting pagdami ng mga estudyanteng nakikiparticipate para sa event.

Isa ito sa mga pakulo ng school organization namin para sa early celebration ng holidays at para sa field trip na ito. Andito kami ngayon sa isang team building camp at halos malayo din ang marathon na kailangan naming takbuhin to finish the race.

“ Sure ba ate na may zombies?” natatawa kong tanong habang sinusuot ang aking sapatos, I should wear a very comfortable shoes.

“Are you scared, love?” rinig kong tawa ni Stefan mula sa loob ng aming tent habang prenteng nakahiga na para bang wala kaming activity na pupuntahan.

“ Bawal yan ha? Mga mahaharot kayo!” turan  ni Ate Aileen at pabiro akong sinabunutan. She always does that kahit alam naman niya na Stefan and I are like siblings.

Garapata ko, ika nga nila dahil laging nakadikit sa akin. Inis kong pinagbabato ng unan si Stefan before pulling him out of my tent.

Kanina ay nagising ako ng maaga dahil nambulabog siya at nanghihingi ng hot chocolate palibhasa ang dala niya lang ay mga damit at umaasa ng pagkain sa akin.

“ Aray naman love,” pabiro nitong sabi bago umaktong nasasaktan para makita ng mga kaklase namin. He always calls me love and somehow I just got used to it. Binalewala ko siya at inayos na lamang ang loob ng aking tent before making sure that I zipped it properly.

“ Did you bring what we wrote last night?” tanong ko kay Stefan while he just stands there and make face. Inis ko siyang tinignan kaya wala siyang magawa kung hindi bumalik sa tent niya at kunin ang isinulat namin kagabi, it was a playful dare but well it seems fun.

“ Puta, paano kapag teacher nakapulot nito?” he asked while scanning the paper. Nagplano kasi kami na isasabit namin ito sa gilid ng damit namin at hayaan itong mahulog habang tumatakbo kami mamaya. “ Radia Alfonso, add me on f******k” “ Stefan Mateo, add me on f******k”

That is what is written on the piece of paper. Masyadong uhaw kasi sa babae si Stefan kaya kahit parang kabaliwan itong naisip ko ay sinasamahan padin niya ako. Naniniwala kasi ako sa tadhana and pakiramdam ko mahahanap ko ang aking one true love thru faith kaya kung ano anong kabaliwan na ang nagagawa ko but in the end of the day I am having fun doing this antics and my chances on fate are increasing, ika nga nila.

Masyado kasing busy siguro si kupido kaya hindi niya maasikaso ang fate ko kaya a little help cannot hurt anyone, right?.

“ Tara na” sabi ko rito bago hilahin ang kamay niya patungo sa pagsisimulan ng marathon. Marami ng estudyante ang nakapila and I am surprised to the large crowd tsaka ko lang naalala na it was intended pala for other schools din hindi lang sa amin, kaya pala madami ang unfamiliar faces.

“ Just hold my hand okay? Baka bigla kang maihi sa sobrang gulat mo” Stefan said before making sure that our hands are holding each other. Tama siya, with the zombie concept baka nga mahimatay pa ako sa sobrang gulat pero I know that Stefan will have my back. Dahil kahit gago siya ay maasahan siya sa buhay.

“ The marathon will start in 3….2….1… bang”

Rinig ko ang sigaw ng bawat isa ng mabuksan ang entrance sa marathon at parang mga nakawalang mga manok sa pagtakbo. Some are aiming for a place while some just want to enjoy and have fun. Patuloy lang kami sa pagtakbo ni Stefan habang nakahawak ako sa kamay niya, habang mas lalong lumiliwanag ay mas lumiliit ang bilang ng mga tao because there are many way to reach the exit.

Wala itong time limit dahil gaya ng sabi ko zombie concept ang naisip nila and it happens that we are in the forest like location. Masyadong malawak ang forest at ang isipin na may mga nakakakalat na zombie dito ay nakakatakot pero nakakaexcite.

Some groups went to their own way and the screams of horror are echoing through the branches of the trees dagdag pa ang mga huni ng ibon na tila ba nabulabog sila sa biglaang dami ng tao ngayon.

“ Let’s just walk” sabi ko kay Stefan at binitawan ang kanyang kamay. Nagugulat ako dahil sa mga sigaw kaya kinakailangan pa din niyang sabayan ako sa paglalakad.

“Sobrang magugulatin mo” sabi nito habang pinagmamasdan akong laging nabibigla sa sigaw. “ Nyenye” pangaasar ko dito bago tumakbo at iwan siya “ Mature” rinig kong bulong niya sa akin at ang tunog ng mabilis niyang paghabol. It’s been 30 minutes since we are running at parang wala pa kami sa kalahati. I tried to run as fast as I could pero muntik na akong atakihin ng out of nowhere ay bigla nalang may lumapag na zombie sa harapan ko. I feel so startled that I lost my balance and fell in the ground.

Mabuti nalang ay may mga dahon kaya hindi masyadong masakit. Inis kong tinignan ang zombie at ang pinangalinggan nitong puno. Ano to may nangyaring mutation between zombie at unggoy? How can he jump from that great height?

“ Ay miss, okay ka lang?” halos mapasigaw ako ng makita ng malapitan ang duguang mukha ng zombie. “ Woooo” pabirong sabi ng zombie bago mas lalong ilapit ang mukha niya sa akin. Inis ko itong hinampas at handa ng awayin siya ng bigla itong tumawa na para bang sobrang nakakaaliw sa kanya ang oras na ito.

“ Chill ka lang miss, sobrang magugulatin mo naman” natatawa nitong sabi bago ako tulungan sa pagtayo. “ Bwiset kang zombie ka!” mura ko dito bago ko pinaghahampas sa may dibdib sa sobrang irita. Imbes na tulungan akong tumayo ay mas lalo pa niya akong inasar.

“ Hey, pati zombie walang patawad” natatawang sabi ni Stefan bago bitawan ang dala niyang bote ng beer at pigilan ako sa paghampas sa nakakairitang mukha ng duguang zombie. I was truly startled that even my mind cannot process whatever is happening right now basta ang nasa isip ko lang ay ang bugbugin at makaganti sa nakakairitang zombie sa harapan ko.

“ Sorry dude, manakot ka na” pagkausap ni Stefan sa zombie bago ako kaladkarin palapit sa finish line. It was an irritating run hanggang sa makarating kami sa tent namin to cool down.

“ Chill, syempre zombie nga kaya mananakot, bobo mo talaga dria” basagulerong turan ni Stefan matapos akong abutan ng malamig na tubig. Nakapagpalit na siya ng damit at nakafreshen up na habang ako ay miserableng nakaupo dito sa harap ng tent.

“ Nabigla lang at bakit ka umiinom sa gitna ng race.” sabi ko rito bago ito tignan ng masama. Usually ay maayos naman ugali ni Stefan pero minsan isa siyang tanga dahil padalos dalos sa buhay. Luckily, may maganda pading nangyari, I lost the paper at baka nga may makapulot na pogi doon. 

“ Did you lose the paper?” tanong ko kay Stefan and he just nodded while smiling widely. Mukhang umaasa na ang makakapulot ay maganda mula sa ibang school. Babaero talaga.

“ Pano kapag iyong zombie nakapulot sa papel mo?” halos matawa si Stefan sa naisip and I almost throw him the bottled water because of his idea. “ Bolang, nakatadhana kami kapag ganoon” sabi ko rito habang tanaw siyang tumatawa sa harapan ko. I mean, even with the makeups and cover ups the zombie looks good. His body is well built and his voice is deep like some sort of ballad artist iyong tipong mapapaluhod ka kapag narinig mo siyang kumanta.

“ You know this is the reason why we are so inseparable, parehas tayong maharot and I’ll applaud you dahil kahit naiirita ka, you surveyed his body, eh?” pumalakpak pa ng palabiro si Stefan just to make his point.

He's right, we share the same concept but mine is a bit romantic. I always believe in fate and everything happens because of the master’s will. And I feel like fate will somehow bring me to the one who is right for me. I smiled with that thought before flipping my hair and throwing the bottle to Stefan.

It will be a long and hard day, whoever picks up the paper is fated to pick it up. His/Her action is already decided by fate even before they commit it.

Muntik na akong matawa ng makitang may isang message na nagpop-up ng i-check ko ang aking cellphone.

Mukhang nagdilang anghel si Stefan dahil ang nakapulot ng papel na nahulog ay walang iba kung hindi si kuyang zombie kanina. He profiles his zombie's face, that’s why it is obvious that it was him.

“ Hey, sorry if I startled you. I didn’t really mean to and I am sincerely apologizing. I think I found your necklace also along with the paper. Chat me, so I can give it back” 

That is his message and suddenly I just found myself smirking. Sinasadya  kong iwan ang necklace ko so that he will  contact me.  I laughed mentally when I remembered how I ripped the poor necklace when I noticed how goodlooking he was ng tinakot niya ako ng malapitan. That was my modus operandi and I am glad it worked out just fine.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status