Share

Kabanata 02- First Date

“ Why am I here again?”

Bobong tanong ni Stefan matapos tamad na humiga sa kama ko at kalikutin ang kanyang cellphone. His body seems to be a foreign object in my bed. Inis kong pinagbabato sa gilid ang lahat ng sinusukat kong damit at napasabunot  nalang sa sarili dahil halos isang oras na akong pumipili ng susuotin pero hanggang ngayon ay wala pa akong nakikitang babagay para sa akin.

All my clothes looks formal and slutty para sa isang pagkikita. I don’t wear something that is normal dahil lagi ako sa nightclub so I’ll always have a dress na babagay sa ganoong buhay. I love drinking and it is my hobby.

 Bakit nga ba ako namromroblema? Kukunin ko lang naman iyong necklace ko. But then I remembered that I ripped that poor necklace so I can have his attention at kailangan kong magmukhang normal sa paningin niya.

“ Anong susuotin ko?” nakapamaywang kong tanong kay Stefan at inis siyang tinignan. Isang sulyap lang iginawad niya sa akin bago tignan ang nagkalat kong damit sa gilid. I want to strangled him so bad when he laughed so hard and pick up my sluttiest red dress. Halos kita na ang kaluluwa ko doon because it is backless and it is so small.

Stefan tried to be serious habang nangangalkal ng damit but in the end he just shook his head and looked at me with a disappointed face.

“ Wag ka ng magdamit, hubad nalang agad para may thrill?” barumbadong turan niya bago ito bumalik ulit sa pagkakahiga. I am pissed so I gather all my clothes and throw it at him. I heard him grunting before I close the door of my walk in closet and decided to open my old clothes.

Nandito lahat ng jeans ko and casual clothes, matagal na din mula ng hindi ako nagpants sana kasya ko pa.

I look in the mirror and surveyed my outfit. I am wearing a mom’s jeans pairing with a black plain top and a set of pearl jewelry. I look casual so I guess this is fine.

“ I miss seeing you like that, ” Stefan commented as soon as I walk infront of him. True, ngayon nga lang ulit ako nagdamit ng ganito kamodest and it feels weird to act like I wasn’t addicted to clubs and wild when partying.

“ Drive me to the mall, ” I said before tossing my car key. Wala ngayon sila mommy and daddy kaya malaya akong gumala and I think they will not be back for the next days dahil busy sila sa charity works. That is their life, they do good to people and I admire them for that but I also envies those people who they help dahil buti pa sa ibang tao ay may pakielam sila.

I brushed off that sad feeling before focusing on the road.

“ May date ka? Pa-thirdwheel naman diyan, ” biro ni Stefan bago paandarin ang sasakyan. I just showed him my middle finger and cursed him. He loves to tease me like that palibhasa lagi akong sumasama sa date niya , isa din sigurong dahilan kung bakit laging palpak ang lovelife nito.

Minsan nga ay napagkamalan pa akong mistress niya that I ended up with a bruise in a face gawa ng pagkakasampal ng girlfriend niya that time but she ended up in a hospital because I beat the shit out of her.

“ Are you meeting the zombie?”  I just nodded my head and gave him a flying kiss before leaving him in the car. I texted Stefan to go home and live his life before entering the mall and searching for the coffee shop.

I insisted that we meet at the coffee shop and I am glad that kuyang zombie actually agreed. I laughed mentally when I spot him wearing the same outfit as mine. He looks cute wearing a plain black shirt partnered with a white cap.

“Hey, Matthew nga pala, ” he said before offering his hand for a shake. I gladly took it and sit in the chair infront of him.  Awkward akong nagsmile ng bigla nitong hilain ang kamay niya kaya naiwan ang kamay ko sa ere.  “ Ah!May spark!” “Huh?” lito kong sabi dito.  “ Ah wala Miss, order muna tayo, ” he chuckled before settling down.

“ Radia, you can call me that. ” I said before scanning the menu. I instantly covered my face with the menu dahil pakiramdam ko matutunaw ako sa titig niya. Alam kong maganda ako pero is he this blant in person? Mukhang di naman ako mahihirapan na landiin siya in the first place.

Kunware ay hinawi ko ang buhok ko and crossed my leg when I gave him my order. Sinigurado kong makikita niya ang collarbone ko and madedefine ang legs ko sa posisyon ko ngayon.  

I noticed him slightly looking at my neck before turning his gaze away. I laugh internally dahil alam kong apektado siya.

I watched him in awe especially when I saw him laughing to the cashier and standing out the crowd just with his black  plain shirt. Siguro ay papasa ito sa pagiging basketball player dahil sa kanyang height and even from afar ay mahahalata mo ang nagtatagong biceps sa kanyang mga braso . I can’t help but to fantasize about those arms.

Bigla akong nataranta ng makitang pabalik na ito kaya’t kunwari ay busy ako sa pagseselpon ng mapansin siyang pabalik na at dala ang aming mga order. After I muttered my thank you, awkward nalang akong sumusipsip ng milktea ko dito.

I don’t know how to start the conversation and siya din ata dahil hindi din siya nagsasalita. Bahagyang nakayuko ang ulo ko kaya hindi ko makita ang reaction niya but when I decide to lift my head up nagulat kaming dalawa ng magkasalubong ang mga tingin namin.

“ Uh, necklace mo pala, ” natatarantang sabi nito bago kalkalin ang kanyang dalang backpack. I saw how he panicked dahil iba pa ata ang parte ng bag na nabuksan niya.

“ Uy salamat talaga! ” Genuine kong sabi dito lalo na ng makitang nakalagay na ito sa isang jewelry box. I guess he really take care of it. A trick just popped into my head that time kaya kunwari ay masaya kong binuksan ang kahon at excited na tanggalin ang aking pearl necklace to replace it.

Habang sinusuot ang napulot niyang kwintas ay umakto akong nahihirapan akong ikabit ito at I wasn’t surprised when he stands and offer his help.

Malandi kong hinawi ang aking buhok sa isang side at hinayaan siyang ikabit ang kwintas sa akin. I can feel the warmth of his touch and honestly I felt like the butterflies in my stomach are panicking.

“ Pasensya na din pala dahil natakot ka noong zombie run, natuwa lang kasi ako sayo… I mean ang cute kasi ng reactions mo, ” bigla siyang namula at napakamot ng ulo dahil sa aking tabi.

“ Ah!” nahihiya nitong turan bago tumawa para ibsan ang awkwardness sa sarili.

Marupok na ata akong matatawag dahil sa oras na iyon ay para bang napakagandang pakinggan ng simpleng pagtawa niya. When he smiles he looks like a good adorable child iyong tipong paborito ng mga magulang noong highschool, iyong good boy pero gwapo sa klase.

“ Favorite mo ang cookies and cream?” random kong tanong dito matapos makitang parehas kami ng inorder na flavor. He looked on our drinks muna bago unti unting tumango.

“ Ikaw din pala?” he asked before sipping on his drinks at masaya akong ngumiti dito bago tumango. Natawa ako ng itaas niya ang kanyang iniinom at sumigaw ng cheers before tossing with my drinks. I made sure that I acted just fine at hindi niya mahahalata na isa akong lassingera. I don’t want to leave a bad impression on him.

He seems to be outgoing and a kind person. And I cannot believe that this is our first meeting parang masyadong magaan ang loob ko sa kanya. He insisted to pay for our drinks kaya naman tanaw ko siya mula sa labas ng coffee shop.

Hindi ko napansin na umuulan pala sa labas , wala pa naman akong dalang payong. I’ve searched the place at panay kainan lang ang andito at malayo ang mga stores kaya matatagalan pa bago ako bumili ng payong.

I texted Stefan kanina para sunduin ako ngunit and haliparot na iyon ay nagsend lang ng pictures niya sa club kaakbay ang dalawang babae. He’s all out drinking and whoring in the middle of the day.  

“ May sundo ka?” nag-aalalang tanong ni Matthew bago tumingin sa kalangitan. The cloud looks dark na parang may mas mailalakas pa ang ulan na ito.

“ Uh..” nahihiya kong sabi dito bago umiling. I don’t want to be a burden, nahihiya na nga ako dahil siya ang nagbayad kahit ako ang may kailangan kaya kami nagkita.

“ I can lend you a ride pero kailangan muna nating magpatila siguro ng ulan doon sa waiting area, para mas madali, ” he genuinely said before opening his bag. Pinagmasdan ko siya habang abala na naman siya sa pagtingin ng kung ano sa bag niya.

“ Shit, pwede na ito! ” Rinig kong mura niya bago nakangiting tumingin sa akin. My forehead creased when I saw him holding a black maong jacket. I looked at him in question before asking kung para saan iyon.

“ Wala kasi akong payong, kaya heto nalang. Malapit lang naman at malaki to siguradong kasya tayong dalawa. ”

Nagulat nalang ako ng bigla niya akong hilahin palapit sa kanya and put his jacket on top of our head. His one hand is holding the jacket to stop it from falling while his one hand is holding my hand to be sure na hindi ako malalayo.

 While we are running I feel like the time stopped for a moment and all of the people who are crossing the same road with us disappeared. I can only imagine the two of us holding hands and running in the middle of the rain. The sound of the rain is nothing compared to the sound of my heartbeat that moment.

Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng waiting shed at hindi ko mapigilan ang pamumula ng mukha ko when he patted my head and surveyed my body making sure na hindi ako nabasa.

“ Wait here, kunin ko lang ung sasakyan, ” he said before running to the parking area. I watch him as he runs under the rain at napahawak nalang ako sa dibdib ko dahil hanggang ngayon ay sobra padin ang pagtibok nito.

I just waited there until he came back from me. Tatakbo na sana ako palapit sa sasakyan ng makita ko siyang bumaba mula doon to save him from trouble pero nagulat nalang ako ng sa gitna ng pagtakbo ko ay siya namang pagtakbo niya patungo sa akin.

“Hinintay mo na dapat ako, ” he said before placing his jacket on top of our head once again and guiding me inside his car. Dahil nabasa ako ng kaunti ay nagalala ako para sa sasakyan niya.

“ Sorry! ” nahihiya kong turan dito bago pasadahan ng tingin ang kanyang sasakyan na nabasa na ngayon dahil sa amin. He just smile and shake his head before searching something sa may passenger seat.

“ Baka magkasakit ka, ” he said before placing a pink cotton blanket on my body. Pinagmasdan niya pa muna ako ng saglit bago tignan ang kanyang sarili. Bigla nalang akong napapikit ng maghubad ito ng suot nitong t-shirt at magpalit sa mismong harapan ko. I acted as if I am covering my eyes but the truth is that I am admiring his well built body.

“ Uy sorry! Nasanay kasi ako! ” he explains before urging me to open my eyes. Umakto akong kunware ay I was hesitant first but when I notice na nakasuot na siya ng panibagong t-shirt ay nakahinga ako ng maluwag.

I will miss those abs pero sure naman ako na makikita ko ang mga iyon ulit.

“ Saan kita ulit ihahatid, Miss?” he asked and laughed awkwardly before scratching his forehead.

“ Radia, radia pala, ” he mentions before focusing on the road.

The whole ride feels silent lalo na’t dinig mula sa loob ng kotse and lakas ng patak ng ulan. I was just admiring the raindrops throughout the entire ride at napapansin ang minsang pagsulyap sa akin ni Matthew. I don’t know what his thinking at the moment but I swear that I saw him hiding a smile. 

“ Diyan nalang sa gate, ” I mentioned when I saw our house. Tumila na din ang ulan dito sa lugar namin kaya isinauli ko na ang kumot na ibinigay niya pero nagulat nalang ako ng umiling siya at pagbuksan ako ng pinto.

Iniabot ko pa itong muli pagkatapos lumabas sa kanyang sasakyan but he smiles before placing it in my shoulder.

“ Alam kong magkikita pa tayo sa susunod, so keep it! ” he said before going back to his car. May next time pa? Napangiti nalang ako sa sarili dahil sa narinig. So, he wants to meet me again.

“ Salamat and drive well! ” pagpapaalam ko rito bago pagmasdan ang papalayo niyang sasakyan.

Nang mawala ito sa aking paningin ay kinikilig kong pinagmasdan ang kumot na nakabalot sa katawan ko. And I just felt myself hugging the blanket before happily going home.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status