“ Halla!”
Malakas akong napasigaw dahil nang iaangat ko na ang nilalabhang kumot ay hindi ko akalain na sobrang bigat noon kaya imbes na ang kumot ang umangat ay ako ang nabuhat nito hanggang sa mapasubsob ako sa baldeng nasa harapan ko.
Naiiyak kong pinahiran ang mukha ko na ngayon ay puno ng mga bumubulang sabon. Sobrang hapdi din ng mga mata ko hanggang sa namalayan ko nalang na may tumatawang lumapit sa akin at hinila ako paalis sa balde bago punasan ng isang t-shirt ang mukha ko.
Napalabi ako kay Matthew habang tinitignan siyang tumatawa dahil sa kalagayan ko ngayon. Sobrang basa ng buhok ko at ng damit ko buti nalang ay medyo makapal naman ito kaya masyadong nagbakat ang bra ko sa loob.
Naiiyak na ako noong oras na iyon dahil pakiramdam ko ay sobrang napahiya ako sa harap ni Matthew lalo na dahil tuloy tuloy padin siya sa pagtawa na para bang sobrang entertaining ng nangyari sa akin.
Sa sobrang inis ko ay inis ko ding ipinahid sa mukha niyang ang ilang natirang sabon bago nagmartsang bumalik sa loob pero hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko na siyang hilahin ako patungo sa isang malapit na kubo.
“ Ano ba?!” nag-gagalitang sabi ko bago nakapamaywang na humarap sa kanya habang tinitignan siyang nagkakalkal ng kung ano sa sa isang bag.
Isang amused na tingin lang ang iginawad niya sa akin bago nito ibato ang isang itim na t-shirt at isang men’s short.
Nagulat pa ako kaya muntik na itong mahulog sa lupa buti nalang ay agad ko din itong nasapo. Napakunot ang noo ko dahil parang ang laki ng ibinigay niya pero tatanggi pa ba ako kung sobrang basang-basa na ako ngayon.
“ Paano ako magbibihis?”
“ Bihisan kita?”
Napakurap at napaawang ako dahil sa pilyo niyang banat pero agad ko ding ipinilig ang ulo ko para bumalik sa katinuan.
“ Joke! May c.r. diyan sa gilid,” bawi niya sa sinabi bago ituro ang sa bandang kanan ng kinalalagyan namin.
Agad ko siyang sinundan ng maglakad siya papunta dito at pagbuksan ako ng pinto. Tinignan ko muna siya na natatawa padin sa kalagayan ko bago ko inagaw ang pagkakahawak niya sa door knob at isara ito ng malakas.
Napasandal ako sa likod ng pintuan dahil sa sobrang katangahan, baka imbes na ma-impress si Matthew sa akin ay nagmukha na akong tanga sa paningin niya na simpleng paglalaba lang ay hindi ko magawa… which is the truth dahil hindi naman talaga kami naglalaba sa bahay.
“ Are you done?”
Agad kong binilisan ang pagbibihis ng marinig ko si Matthew na kumakatok mula sa labas. Napangiwi ako sa suot kong damit dahil sobrang laki nito sa akin at kahit t-shirt lang ay umabot na hanggang sa bandang tuhod pero hindi ko din maiwasang singhutin ang amoy nito dahil kahit sa damit ay amoy na amoy ang pabango ni Matthew.
“ Salamat sa damit,” bungad ko kay Matthew matapos kong lumabas at makita siyang prenteng nakasandal sa gilid. Nagbaba ako ng paningin dahil sa sobrang iling ko sa paraan ng pagtitig niya.
Aaminin ko na hindi ako masyadong komportable kapag ganito ang suot ko lalo na ngayong nasa harap ko siya.
“ Hmmm,” nakangisi lang na sambit niya bago ako hilahin nanaman paalis sa lugar. Taka ko siyang tinignan ng maalala kung gaano pa kadami ang nakatambak na lalabhan namin.
“ Iyong mga kumot?” nahihiya kong tanong bago lumingon sa pinaglalabhan namin kanina. Napalingon din tuloy si Matthew doon bago tinuro ang ilang kabataan na kumakaway sa kaniya habang may mga bitbit na basket at hanger.
“ Itutuloy nalang nila,” simple niyang tugon bago nakangiting kumaway din sa mga iyon. Hindi ko maiwasang kiligin dahil kanina pa niya ako hinihila kaya kanina padin magkahawak ang mga kamay namin.
Lumampas kami sa pinagdarausan ng event at ngayon ay tinatahak namin ang isang makipot na daan na punong puno ng mga halaman. Gusto ko sanang tanungin si Matthew kung saan kami pupunta pero sobrang nahihiya ako dahil kanina ko pa siya ginugulo dahil sa kapalpakan ko kaya tahimik lang akong sumusunod sa kaniya.
Ngunit ilang hakbang pa’y napahinto din kami sa tapat ng isang malaking puno.
“ Grabe!”
Napamangha ako dahil sa sobrang ganda ng pinagdalhan niya sa akin sa oras na iyon.
Sobrang kalmado ng mga naglalakihang dahoon ng puno ng acacia na siyang nagbibigay lilim sa kinalalagyan namin.
Gulat kong inilakad ang mga paa ko palapit dito at hinaplos ang mga nakaukit na pangalan ng iba’t ibang tao. Parang napakatanda na ng punong ito dahil may nakita pa akong nakaukit sa taong 1987.
“ Do you like it?” nakangiting pagtatanong ni Matthew habang tinitignan akong manghang nakatingin sa puno. Sunod sunod na tango ang iginawad ko sa kaniya bago tumingala at nagkunwaring abutin ang taas ng mga dahon.
“ Favorite place ko ‘to!” pagkukuwento niya bago naglakad sa likod ng puno kung saan nakatago pala doon ang isang kumot na siyang inilatag niya sa tapat namin.
“ Sit here,” pag-aaya niya sa akin kaya masaya akong umupo sa inilatag niyang kumot bago tumingala ulit sa taas dahil sobrang namamangha talaga ako sa ganda ng puno.
Napakatahimik ng lugar, malayo sa ingay ng mga sasakyan at sa ingay ng mga bata sa orphanage. Sa sobrang tagal kong pumupunta dito ay ngayon ko lang nadiskubre ang lugar na ito, kung sabagay ay hindi naman ako masyadong umiikot dahil lagi akong nakabuntot noon kay daddy.
Napalingon ako kay Matthew ng ayusin nito ang kumot at humiga doon habang ginagawang unan ang kanyang mga braso.
Napatikhim pa ako dahil nakita ko kung paano umangat ng kaunti ang t-shirt na suot niya na naging dahilan upang makita ko ng kaunti ang bandang tiyan niya.
Kung gaano katahimik ang lugar ay ganoon din naman kaming dalawa. Minsa’y napapatingin ako kay Matthew pero kalaunan ay nanahimik nalang at tumingin nalang din sa paligid.
Napapikit ako para damhin ang lamig ng haplos ng malamig na hangin sa aking balat. Ang mahaba kong buhok ay tinatangay ng hangin kahit na nakahigh ponytail na ako kaya nagsikap akong hawakan ito sa isa kong gilid.
Gulat akong napatingin kay Matthew ng makalipas ang mahabang minuto ay may narinig akong naghihilik at hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko siyang payapang nakatulog.
Sobrang perpekto ng kaunting sikat ng araw na tumatama sa bandang pisngi niya na naging dahilan kung bakit mas lalong magningning ang makinis niyang mukha.
Kahit payapa siyang natutulog ay hindi padin naalis ang pagkakunot ng noo niya na para bang madami padin siyang iniisip kahit tulog pero kahit ganoon ay hindi maikakaila na napakagwapo niyang tignan ngayong oras na ito.
Tinignan ko muna ang paligid at sinigurado na tulog nga si Matthew bago ako tahimik na humiga sa tabi niya. Iginilid ko ang aking sarili at itinukod ang isang kamay bago ko isandal dito ang aking ulo.
Sa ganoong posisyon ay nakangiti kong pinagmasdan si Matthew na mahimbing na natutulog.
Grabe, siguro ay kahit araw-araw ko siyang makikita hindi padin ako magsasawa sa mukha niya. Para bang masyadong nakakahumaling.
Hindi ko na namalayan kung ilang minuto ko siyang tinitigan hanggang sa naramdaman ko nalang na dinadalaw na din ako ng antok kaya inayos ko ang pagkakahiga ko at pagilid na nahiga bago magpatangay sa antok.
“ Radia!” napapitlag at agad bumango dahil sa sobrang lakas ng sigaw na narinig ko pero agad din akong napasubsob pabalik sa kinahihigaan ng may isang malaking braso na nakapulupot sa baywang ko.
Sinundan ko ng tingin kung kaninong kamay iyon at nagulat ako ng makita si Matthew na mahimbing na natutulog sa tabi ko.
“ Dios mio marimar!”
Nanlaki ang mata ko ng marinig ang madaming boses at doon ko lang napagtanto na napapalibutan na pala kami ng ilang madre at sa harap nito ay ang pulang pula na si daddy habang galit na nakatingin sa amin.
“ What is the meaning of this?!”
Gusto ko sanang ipaliwanag kung bakit ganoon nila kami nadatnan pero walang lumalabas sa bibig ko dahil sa sobrang gulat.
Tinapik ko si Matthew at doon lamang siya nagising, tulad ko ay gulat din siya sa dami ng tao sa harapan namin.
“ Dad! It’s not what you think it is!” pagtatanggol ko ng sarili kay daddy pero tila ba sarado ang tainga niya dahil bigla nalang siyang lumapit at hinaklit ako mula sa aking kinalalagyan.
“ We’ll go home and talk!” galit niyang dagdag bago bigyan ng isang matalim na titig si Matthew na hanggang ngayon ay lito padin sa mga pangyayari.
“ Anong nangyari Matthew iho!?”
Habang palayo kami ay nahihiya kong tinignan si Matthew na ngayon ay ginigisa na ng mga madreng nakapalibot sa kanya.
Halata sa mukha niya kung paano siya nahihirapan na sagutin ang mga tanong nila hanggang sa makalayo kami ay inaalala ko siya dahil wala naman siyang kasalanan.
“ You disgusting brat!” mura pa ni daddy bago ako tuluyang hilahin.
“ Tell me that you didn’t get hurt,” malakas kong sabi sa kanya matapos kong buksan ang pintuan at makita siya sa kanyang mesa.Nothings changed. He was still in his messy dress shirt pero ngayon ko lang napansin ang maliit na sugat sa gilid ng labi niya. Immediately, I found myself grabbing his jaw to look at it.Marahan niyang hinawi ang kamay ko. “ Hindi mo na kailangang malaman.”“ Stefan naman,” sabi ko matapos mabatid na hanggang ngayon ay galit padin siya. The last time, he told me to avoid each other pero hindi ko pala kayang gawin iyon sa kanya.We’ve been friends ever since that I can remember, it is not easy to let go when every part of me remembers him. I just cannot leave him behind just because both of us cannot settle a feeling that should’ve never sufficed in the first place.Hinarap ko si Stefan sakin bago huminga ng malalim. “ I broke up with Rameses,” sumbong
" Grabe ka na talaga, Architect. Ganito ba kapag broken? Mas lalong gumaganda?"Napairap nalang ako sa pambobola ni Nathaniel matapos kong ilapag ang dala kong coffee para sa amin ngayong araw. It's morning and usually, we will have our meeting for the plans that is approved before mag-proceed sa pagpapatayo ng mga infrastracture. It's a usual meeting, assembly meeting actually matapos lahat ng nakakapagod na pangyayari sa buhay naming lahat.Luckily, no one leaves the company. Stefan is still the head of the firm, he is still avoiding me but I don't think it's because he's angry. It's to tame our wild heart, the one that is broken for too long. I just wished that it will be fixed immediately, because Stefan? I miss his banters and just being with him.He's my soulmate. Lagi lagi at magpakailanman.Rameses entered the room, he's not happy nor sad. Usual na talaga para sa kanya ang poker face habang bitbit ang mahiwagang leather bag
“ You’re breaking up with me?” kalmadong tanong ni Rameses matapos niyang tumingin sakin habang nakasandal sa salamin na pader ng kanyang condo. I simply nodded and look so small while sitting in his bed. Sinadya ko siyang puntahan dito, just to say that I want to break-up.Tinignan niya ako na para bang nagpapatawa ako. “Wala pa tayong one month,” he pointed out before stepping forward and sitting in front of me with both of his knees touching the floor.“ Why?” he asked in a serious voice, holding my face with both of his hands and making me looked at him. He looks confused and hurt at the same time.Sabi ko sa sarili ko, it’s wrong. Mali na magmahal hangga’t hindi pa naghihilom ang sugat sa puso ko. I chose to see this and needed to do this for the sake of our heart.“ You’re a good man, baby.” I smile as the words came out of my mouth. Rameses is indeed a good
Saksi ang mga kumikinang na mga butuin sa kalangitan kung paano ko nagustuhan at minahal si Matthew dahil sa mabuti niyang puso, ngunit ang makita siyang lango sa alak at gumagawa ng mga bayolenteng bagay ay talaga namang nakakapagpagababag sa aking isipan.“ Matthew!” Agad kaming napahinto sa paglalakad ni Matthew ng marinig namin ang hinihingal na tawag ni Sabrina. Right, the fiancé.She looks so messed up. “ Sa gilid lang ako, after your talk, I will bring you home,” she concluded before she looked at me with so much pain in her eyes. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, she’s a homewrecker who ruined our relationship but why does it feels like she’s suffering too much?Ni hindi man lang siya tinapunan ng kahit anong tugon ni Matthew bagkus ay nagpatuloy lang ito sa paglalakad. Pagod na tumingin sakin si Sabrina ngunit ngumiti siya kalaunan at hinayaan akong umalis at sundan ang kanyang minamahal.After I
“ Wuhoo! Power shot!” Magkasabay naming nilagok ni Rameses ang hawak naming whiskey matapos naming magkita para ngayong gabi. The brute really did resign from work at hindi din ako pinapansin ni Stefan. The atmosphere is so gloomy to the point that I didn’t even know what is happening to our life right now. Kanina lang ay naabutan ko nanaman siya, with the girl that I caught the last time…I think they are doing some nasty things in the office. Hindi naman ganoon si Stefan, before, he can still be decent pero ngayon mukhang lantaran na. “ I’m jealous.” “ Huh?” agad kong tanong kay Rameses ng higitin niya ako pasandal sa kanyang matigas na dibdib. We are in the corner of this bar, leaning into the glass railings habang nakatingin sa mga sumasayaw sa ibaba. I insisted to be here dahil hindi ko na masikmura ang nakakasulasok na amoy ng alak at sigarilyo sa baba. Palibhasa’y mukhang disente ang pangalawang palapag kaya’t napapayag ako ni Ram
Sobrang lakas ng tawa ko ng mabilis akong kiniliti ni Rameses habang nakatingin sa harap ng salamin. Hindi muna kami umuwi at nagdesisyong huwag munang pumasok sa trabaho para masulit namin ang pagpunta dito sa Baguio.“ Sure ka ba na magreresign ka?” Nag-aalala kong tanong kay Rameses habang nag-eemail ito ng letter niya kay Stefan. Buong magdamag niya ata akong kinulit para dito pero hindi ko padin maisip kung bakit kailangan niyang gawin iyon. Technically, isa padin ako sa mga may-ari ng kumpanya kaya pwede akong hindi pumasok kahit kailan ko gusto. Nag-iwan naman ako ng mensahe kay Stefan pero alam kong hindi niya ako sasagutin dahil sa huling pag-uusap namin.Seryoso lang si Rameses na bumalik sa kanyang laptop. Noong una ko siyang nakita, hindi ko naisip na balak niyang mag-abogado. All I know is that he’s a medical student before until he decided to shift into the legal career. Mukha naman siyang masaya sa ginagawa niya pero minsan napapaisip a
“ Still cold, babe?”Pakiramdam ko ay sobrang pula na nang mukha ko dahil sa mga ginagawa ni Rameses. He found me bawling my eyes in the office after I heard what Stefan said. Umiling ako dito at tumingin nalang sa magandang tanawin ng night lights dito sa Baguio City. No matter how beautiful the view is, all I can think about is Stefan. Pagod akong napabuntong-hininga bago ko naramdaman na mas hinapit ako ni Rameses sa kanyang katawan.He’s hugging me from behind. And I don’t know where this feeling started pero sobrang komportable ko sa kanya. It feels like, I am home.Gamit ang isang libreng kamay ay marahan niyang hinaplos ang hibla ng aking mga buhok. “ I thought this would make you happy.”“ Hmmm… I’m happy, thank you, Rameses.” Pinilit kong pasayahin ang boses ko para hindi siya masaktan. Alam kong he’s doing all of his efforts pero magulo lang kasi ang buhay ko. Bumuntong-hininga s
“Delivery?!”Napairap ako ng makita ang nakangising mukha ni Engr. Corpuz. May hawak pa itong milktea sa kanyang kamay habang masayang inaabot ‘to sakin. On this gloomy office, siya lang mag-isa ang may ganang ngumiti ngayong araw. We are all busy doing our works, no one is coming outside of our office at ramdam ng mga empleyado iyon, lalo na dahil parehas na mainit ang ulo ni Stefan at Rameses.“ I told you, mali itong drinaft mo!”Huminga ako ng malalim at kinuha ang papel bago ito marahas na nilukot. That was Rameses, scolding his assistant. Pang-ilang sigaw na ba iyong narinig ko ngayong araw? Mukhang nagpapalitan lang sila ni Stefan. Hindi ko na mabilang sa daliri ko kung ilang empleyado na ang nakita kong umiiyak dahil sa mga ugali nila.“ Tsk….ganda mo kasi, Architect.” Mabilis na umilag si Engr. Corpuz matapos kong ibato sa kanya ang blueprint na hawak ko. Kanina pa ako n
The sound of my heels echoes along the empty hallway of our office. Mukhang napaaga ata ako dahil kahit isang tao ay wala akong nakikita. I looked at my wristwatch and notice na medyo napaaga nga ang oras ng dating ko. Stefan and I needed a brief meeting about some of the building plan na na-bid namin. But I guess he wasn’t here yet. Nangilabot ako ng makarinig ako ng malakas na boses na parang nahihirapan kasabay ng ilang kalampag ng mga bagay. Huminto muna ako sa paglalakad hanggang sa nagdesisyon ako na sundan ang pinagmumulan ng ingay. I was curious and frozen in my place when I noticed where it was coming from. Nakatayo ako sa harap ng opisina ni Stefan, nakasarado ang mga blinds ng kanyang bintana but the wooden door wasn’t locked.Pinihit ko iyon at nagulantang sa nakita. “ What the hell?!” I shouted when I saw Stefan, sitting in his office chair, nakapikit at sarap na sarap habang may babae sa paanan nito. Parehas kaming nagulat sa presensya ng