Share

Kabanata 05 - Stolen Kiss

“ Why do you have to do that infront of them?!” 

I cannot help but to shout to my father as soon as we arrives home. If he is furious , I am more furious because he embarrassed me infront of everyone without listening to my story. 

“ And why would you do that in the orphanage?!” he shouted back before slamming our front door before making the maids leave the living room. 

“ Do exactly what, daddy?!” 

Naiintindihan ko na hindi maganda ang posisyon namin ni Matthew ng makita niya kami kanina pero wala naman kaming ginagawa, if only he will listen to my explanation.

“ Nakakahiya ka Radia!” final na sinabi ni daddy bago nagmartsa papasok sa kanyang study area kung saan narinig ko siyang kausap pa ang madre sa kanyang telepono habang naglalakad.  

Hindi ko mapigilang hindi malungkot dahil narinig ko siyang humihingi ng tawad sa madre kahit sinasabi ko na sa kanya na wala naman akong ginagawa. How can he be so closed minded when it comes to me? Do I not deserve to be heard even just for once? 

Maluha luha akong pumasok sa kwarto ko at tinawagan si Stefan. I need to enjoy this night and divert myself dahil kung hindi ay iisipin ko lang ang mga bagay na nangyari. 

Matthew...

I wonder what was Matthew thinking right now after seeing that embarrassing scenario.

Siguro ay sobra na akong nakakahiya sa paningin niya ngayon at sobrang napahiya ko din siya sa mga madre na nakakita. Bakit ko ba kasi kailangang makatulog at bakit kami naging magkayakap noong dinatnan kami ni daddy, napakapangit tuloy ng dinatnan niyang scenario noong oras na iyon. 

“ What’s up?!” rinig kong malakas na sagot ni Stefan sa telopono ng tawagan ko siya. 

“ Hey, club?” mahina kong tanong habang naglalakbay padin ang isipan sa nangyari kanina.

Stefan must sense that I am feeling so low kaya agad siyang pumayag sa yaya ko. I throw the phone in my bed and stared at myself in the mirror still wearing Matthew’s clothes. 

Hindi ko nanaman maiwasang hindi mahiya ng maalala ko ang nangyari kanina kaya agad-agad akong pumasok sa banyo para magpalit ng damit para sa pupuntahan namin ni Stefan. I planned to get wasted and pour my heart out into drinking para naman kahit papaano ay malimot ko ang nangyaring kakahiyan. 

Saktong pagkalabas ko ng bahay ay siya namang pag-arangkada ng motorsiklo ni Stefan sa harapan ng gate namin.

Napairap ako dahil sinumpong nanaman siyang gumamit ng motorsiklo at ginagawa lang din naman niya ito kapag gusto niyang makalimot sa problema. Siguro ay katulad ko madami din siyang iniisip ngayong araw. 

“ Let’s go wildin’!” 

Napaatras ako ng kaunti dahil sa lakas ng pagkakabato ni Stefan ng isang pink na helmet bago ako sinenyasan na sumakay na sa likod niya. Napairap ako dito bago isuot ang helmet at walang hirap na sumampa sa likod ng motor. 

“ Hold on tight!” 

Napasigaw ako sa gulat dahil hindi pa man ako nakakakapit ng maayos sa kanya ay mabilis niya ng pinaharurot ang motor paalis sa lugar.

Para kaming mga sundalo na nakikipaglaban sa malakas na hampas ng hangin dahil sa bilis niyang magpatakbo. Hindi ko alam kung ilang beses kong narinig ang busina ng ibang mga sasakyan o ang sigaw ng ilang mga driver dahil sa pang-oovertake ni Stefan. 

Nakahinga lang ako ng maluwag ng makitang buhay naman kaming nakarating sa isang club kung saan kahit medyo maliwanag pa ay ramdam na ramdam ko na ang excitement dahil sa malakas na musika galing sa loob. 

“ Let’s go wildin’, love!” 

Natatawa kong sinundan ang ganadong si Stefan papasok sa loob kung saan ang amoy ng usok ng sigarilyo at ang nakakaliyong amoy ng alak ang siyang sumalubong sa amin. Kailangan kong takpan ang tainga ko dahil sa sobrang lakas ng sigawan ng mga sumasayaw ngayon sa dance floor. 

Halos wala pa kaming isang minuto sa loob ay natanaw ko na si Stefan na may kahalikan sa gilid. Napailing nalang ako at hinigit siya papunta sa mga counter stool kung saan nagpapasikat ang paborito kong bartender. 

“ Nice!” napapalakpak ako ng malakas ng makita ko kung paano ibato at saluhin ng maayos ng bartender ang isang babasaging baso bago niya ito inilapag sa harapan ko. Kumindat ako rito bago ininom ang laman nitong alak ng diretso. Halos mapasigaw ako dahil sa sobrang hapdi ng hagod ng timplang ginawa niya sa alak.

Pagkatapos noon ay naging sunod sunod na ang paglapag niya ng ginagawa niyang mixed drinks kaya naging sunod sunod din ang naging paglagok ko na para bang tubig lamang iyon.

Halos hindi ako makahinga kakatawa dahil sobrang sarap ng nararamdaman ko noong oras na iyon. Hindi ko na halos maibaling sa iba ang paningin ko dahil sa sobrang concentration ko sa iba’t ibang klase ng inumin na nasa harap ko.

Pinabayaan ko nalang si Stefan na gawin ang kahit anong gusto niya ng magpaalam siyang pupunta sa dance floor. 

“ Ehem.” 

Agad akong napalingon sa mini-stage na nasa gitna ng marinig ko ang malakas na tili ng mga tao dahil sa nagsalita.

Hindi ko maaninag kung ano ang hitsura ng nagsasalita ngayon sa harapan na may hawak na gitara pero sa tili palang ng mga nanonood ay alam kong gwapo ito.

Hindi ko ito pinansin at mas nagconcentrate sa pagubos ng alak na nasa harap ko pero ng muli itong tumikhim at nagsimulang tumugtog sa gitara ay nakuha nito ang buo kong atensyon. 

Animo’y kinikilig ang mga nanonood at nadismaya dahil bigla siyang tumigil sa pagtugtog. 

“ Trial lang,” biro niya bago ulit inayos ang kanyang pwesto. Tahimik ko lang siyang pinagmasdan mula sa malayo at pilit na inaaninag ang kanyang hitsura pero kahit anong gawin ko ay tanging ang kanyang suot na puting t-shirt na pinatungan ng denim jacket lamang ang nakikita ko. 

“ Magulo isip ko kaya patawarin niyo na ako agad kung magulo din pagtugtog ko ngayong gabi.” 

Sobrang sarap pakinggan ng tunog ng tawa niya mula sa mikropono at kahit halata nga na parang kinakabahan siya ay marami pading mga nanonood ang pumalakpak at nagengganyo na ituloy niya ang pagtugtog. 

Kinuha ko ang isang baso at seryosong nakatitig lamang sa lalaki naghihintay sa kanyang performance. 

“ Oh! Andito pala si Matthew!” rinig kong sabi ng bartender na siyang nagpatibok sa puso ko dahil sa pamilyar na pangalan.

Atubili akong tumingin sa entablado at pilit inaninag ang mukha ng may hawak ng mikropono at muntik ko ng mabitawan ang hawak kong baso ng makilala ang taong iyon. 

Pinilig ko ang ulo ko at ilang beses napakurap sa pag-aakalang lasing lang ako o namamalikmata ngunit ng sumindi ang spotlight at tumama ang liwanag sa kanyang kinaroroonan ay doon ko nakumpirma na si Matthew nga talaga ang nandoon. 

Tila kinapos ako ng hininga ng marinig ko siyang tumugtog ng gitara hanggang sa namalayan ko nalang ang sarili kong sumasabay sa kinakanta niya.

Hindi ko mapigilan mamangha habang tinitignan siyang nakapikit at masayang umaawit pero mas may imamangha pa pala ako ng marinig ko ang kwento ng bartender. 

“ Minsan lang yang tumugtog dito pero solid kapag siya ang nagperform dahil sa dami ng tao at ang masaya pa doon ay libre lahat bilang tulong daw sa may-ari nitong bar.Matanda na kasi ang may-ari kaya sobrang naaawa si Matthew lalo na’t may mga panahon na kakaunti lang ang pumupuntang bisita.” 

Sa gilid ng mga mata ko ay tanaw ko ang pagmamalaking ngiti ng bartender habang nakatanaw kay Matthew na tumutugtog at may humaplos nanaman sa puso ko dahil sa sobrang kabaitan ni Matthew.

Para talagang ginagawa niya ang lahat para tumulong kahit sa maliliit na bagay. Hindi din lingid sa akin na isang tulong din ang pagiging zombie niya noong event dahil kinapos sa fund ang organizer. 

Sabay ng pagkanta niya ay ang pagtibok ng puso ko dahil sa paghanga. Hindi ko na inalinta ang kakahiyang nagawa kanina bagkus ay buong puso kong pinanood si Matthew sa malayo umaasang mabigyan niya ako ng kahit kaunting sulyap lamang ngunit malakas ata ako kay tadhana dahil sa gitna ng pagtugtog niya  ay nahanap niya ang mga mata ko sa madla. 

Akala ko’y saglit niya lang akong pagtutuunan ng pansin ngunit magmula ng mahanap niya ang mga mata ko ay hindi niya na ako nilubayan pa ng tingin.

Kahit lasing ay ramdam ko ang emosyon ng mga mata niya at ng boses niya sa pagkanta na para bang sa oras na iyon ay kami lang dalawa ang naroon. 

Kung tadhana ang naging dahilan para magkita kami noong una, tadhana din ba ang dahilan kung bakit sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanya.

“ Hey, you’re here.” 

Bungad ni Matthew pagkababa niya ng stage at lumapit sa kinaroroonan ko. Instinctively, umurong ako dahil baka maamoy niya ang alak sa aking sistema pero mas lalo lang ata akong napahamak dahil kasabay ng pag-urong ko ay siya namang namali ang pagtapak ko kaya ang nangyari ay natumba ako palapit kay Matthew. 

“ So, you drink.” 

It wasn’t but a statement dahil malapit ako sa kaniya kaya nasisigurado kong alam niyang lasing ako. 

“Yup.” 

I cannot help but to admit to another embarrassment. Come on Radia, do you think you will win him if he knows that you’re a party whore? 

Tinitigan ko siyang mabuti at hindi ko maiwasang hindi mamangha dahil sa itsura niya. Napakagwapo talaga ni Matthew sa paningin ko dagdagan pa na mas nahihighlight ang facial expressions niya dahil sa lighting dito sa bar. 

Hindi ko alam kung anong tumakbo sa isip ko o kung dahil ba sa kalasingan kaya puro hangin nalang ang laman ng utak ko pero wala sa sarili akong tumingkayad at ginawaran ng isang malalim na h***k ang nagulat na si Matthew bago ako mabilis na tumakbo paalis.

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status