AYON kay Mang Boy, napansin na raw niya ang pananamlay ni Mang Berting nang magsadya ito sa kanila matapos igarahe sa may-ari ang tricycle nitong ipinapasada. May bitbit pa raw itong isang bote ng gin at niyaya siyang magpainit ng kaunti habang naghu-huntahan sila. Pinagbigyan naman daw niya ang kumpare.Bumili pa raw ito ng balot at chicharon sa naglalako at iyon ang pinulutan nila.Kung ano-ano lang naman daw ang napagkuwentuhan nilang magkumpare. Nabanggit pa nga raw nito na mag-aasawa na si Markus at baka umalis na sila sa lugar na iyon. Maya-maya raw ay sumandal ito sa silya na inuupuan. Pumikit. Sabi pa raw ay medyo tinatalaban na siya ng iniinom nila. Aniya, ihahatid na niya ang kumpare at medyo lasing na nga. Tumanggi raw ito at sabi pa ay iidlip lang ng kaunti. Hinayaan naman daw niya. Nagbanyo siya saglit pero pagbalik niya, napansin niyang tila ba hindi na ito humihinga. Kinutuban siya, at iyon nga, nataranta na rin siya. Iyong asawa niya ang agad na tumawag ng saklolo sa k
NAKALABAS na si Doña Amanda ng ospital matapos ang mga huling laboratory tests pang ginawa sa matanda at matiyak ng Doktor na wala nang anumang problema rito.Nasa kotse na ito pauwi nang mag-usisa ito kay Helena ng tungkol kay Markus. “Kailan ang libing ng ama ni Markus, apo?” anito. Alam na nito ang nangyari at nakikisimpatiya ito sa ‘nobyo’ ng apo.“Three days from now, lola. May mga inaasikaso pa kasi sila.” Turan ng dalaga.“Gusto ko sanang makiramay, Helena. Gusto ko nang makilala ang pamilya ni Markus kahit sa mga sandaling ito ng kanilang pagluluksa. Sayang nga lamang at wala na ang kan’yang ama. Hindi ko na ito makikilala.”Tumango-tango ang dalaga. “Sa araw na lamang po ng libing, lola. Sa memorial park. Maraming tao sa lugar nina Markus. Mainit at masikip. Baka makasama pa sa kalusugan ninyo ang atmosphere doon dahil kalalabas n’yo lamang sa ospital.”“B’weno, sige. Basta ang mahalaga ay magkaroon ako ng pagkakataon na makiramay sa kanila.”Tumango na lang sa abuela si Hel
“ANONG MERON, Makoy?” May pagka-sarcastic na sita ni Clarisa sa binata nang ma-korner niya ito.Kumunot ang noo ni Markus sa narinig. “Ano kamo?”“Mayro’n ba akong hindi nalalaman?” Hindi ngumingiti ang dalaga.“Tumbukin mo na Clarisa, puwede ba? Alam mo namang busy ako sa pag-aasikaso kay tatay. Bukas na ang libing niya.” Inis si Markus.“Mula nang mamatay si Ka Berting, hindi na tayo nakapag-usap. Busy ka ba talaga o bisi-bisihan lang? Ang hirap, pag ‘yong amo mong maganda at mayaman ang dumarating, natataranta ka. To the rescue ka agad, eh. Samantalang ako na kaibigan mo, nandito lang ako sa tabi-tabi at bisi-bisihan din sa pagtulong sa lamay ng tatay mo, pero ni hoy ni hay ‘di mo ako pinapansin.”Natawa si Markus. “Para ka talagang bata. Iba ang sitwasyon ngayon, Risa. May nangyari na ipinagluluksa namin. Ngarag kaming lahat lalo na ako.”“Huuu, ngarag? Pero pag dumarating si Miss Helena, pumapalakpak ‘yang puwet mo!”“Tigilan mo ako, Risa. Wala akong panahong makipagbiruan sa ‘yo
“OO NGA. Bakit siya ang pinili mo? Ano ang nakita mo sa kan’ya na wala sa ibang lalaki sa paligid mo?” ani Raquel nang pag-usapan nila ang tungkol kay Markus.“Hindi ko rin alam, Raquel. Maybe, I just trusted my intuition that I didn't make a mistake when I chose him.”“How did you convince yourself that he is a good person? I know you, Helena. You don't easily trust someone unless, na lagi mong nakakahalubilo. But this man – Markus Angeles…? Ngayon ko lang narinig ang pangalan niya. That means, wala siyang mataas na posisyon sa kompanya mo para makilala siya at makahalubilo mo.”“Isa lang siyang pangkaraniwang empleyado sa isang departamento ng kompanya, Raquel.”“And you only met him based on his brief account qualification, am I right?”Tumango si Helena.“How about, hindi pala siya ganoon? I mean, paano kung mapagsamantala pala siya? That everything he said was all lies and he just wanted to gain your trust?”“I’m smart enough to fooled by anyone again. Not this time, Raquel. Iba
MATAPOS ang pakikipagharap kay Doña Amanda ng pamilya ni Markus, nang gabing iyon ay nag-usap ng masinsinan ang mag-anak.“Wala nang atrasan ‘to, anak. Bukas, ikakasal ka na kay Helena.” ani Aling Lora na hindi alam kung anong emosyon ang paiiralin ng mga sandaling iyon.Matutuwa ba siya sa pinasok na buhay ni Markus na ang kapalit ay kaginhawahan nila, o malulungkot siya dahil matatali ang anak sa sitwasyong pare-pareho nilang hindi alam kung ang hatid noon ay suwerte sa binata.“Wala nang atrasan, ‘nay. Tuloy-tuloy na ‘to.”“Paano kung isang araw, matuklasan ni Doña Amanda ang totoo? Baka, makasama iyon sa matanda…!”Inakbayan ni Markus ang ina. “Nay, huwag na muna tayong mag-isip ng negatibo. Ang mahalaga lang ngayon, tinanggap ako ng buong-buo ni Doña Amanda. Kung ano lang ako. Kung sino lang ako. At gagawin ko ang lahat upang maging karapat-dapat ako sa paningin niya. Dumating man ang oras na matuklasan niya ang totoo, siguro, hindi magiging dahilan iyon para mangyari ang kinatat
SA LOOB lang ng pribadong tanggapan ng kaibigang Judge ng mga Montenegro ikinasal sina Markus at Helena ng gabing iyon. Isang tahimik at pribadong seremonya na dinaluhan lamang nina Doña Amanda, ni Raquel at ng pamilya ni Markus.Nang sabihin ng Hukom na puwede nang halikan ng groom ang bride, nagkakahiyaan man at nagkaka-ilangan, walang nagawa sina Markus at Helena kun'di ipakita sa lahat lalong-lalo na kay Doña Amanda ang isa sa pruweba ng kanilang kunwaring pagmamahalan.Kinabig ni Markus ang ‘kabiyak.’ At kinintalan ito ng saglit lang pero masuyong halik sa labi.Nagpalakpakan ang lahat matapos ang ‘eksena’ na iyon.Matapos nga noon ay sa isang simpleng restaurant lang naghapunan ang lahat. Mga simpleng putahe lamang ang pinagsaluhan nila base sa kakayanan ni Markus isang bagay na hinangaan dito ng Hukom na nagkasal sa kanila.“I think your granddaughter is in good hands, Doña Amanda and you have nothing to worry about.” Pabulong na sabi ng mahigit sisenta anyos na si Judge Peter
KINABUKASAN, sa unang araw matapos ang kanilang kasal, napuno uli ng mga pagkukunwari ang pagitan nina Markus at Helena bilang ganap na ngang mag-asawa. Mga pagkukunwaring kailangan nilang patuloy na pangatawanan dahil kay Doña Amanda na heto, sa mga sandaling ito’y nagpahanda ng masaganang almusal sa hardin para sa kanila.At tila nag-i-enjoy naman sa pagsisilbi sa isa’t-isa ang mag-asawa. Ipinagtimpla pa ni Helena ng kape si Markus at dinulutan ito sa plato ng mainit na fried rice. “Ano ang gusto mong ulam, Mac?” tanong pa ni Helena dito. May lambing.Napangiti si Markus, hindi dahil sa dami ng nakahaing masasarap na ulam sa harapan niya kun’di sa paraan ng pagtawag sa kan’ya ni Helena.‘Mac…’ Iyon ba ang name of endearment sa kan’ya ng asawa?Mac…’ Ang sarap sa tenga. Ang sarap pakinggan.First time na may tumawag sa kan’ya ng ganoon. At hindi niya yata mapapayagan ang iba na tawagin din siya ng ganoon. Kay Helena niya lang ibibigay ang karapatan na tawagin siya sa ganoong pangalan
MATABANG ang pakikiharap ni Lester kay Markus nang lapitan niya ito matapos siyang lumabas ng pribadong opisina ng asawa.Si Lester ay ang kaibigan ni Markus sa kompanyang iyon. Sanggang dikit sila nito kumbaga. Sabay silang nag-apply dito at halos sabay ding natanggap. Nasa accounting department siya samantalang nasa marketing department naman ito.“K-kumusta?” ani Markus na tinapik pa ang balikat ng kaibigan habang busy ito sa harap ng computer.Umiwas si Lester. Tumayo ito at kunwa’y inabala ang sarili sa ibang bagay.Alam ni Markus, masama ang loob sa kan’ya ng kaibigan. Halos lahat ng bagay kasi na may kinalaman sa kanilang mga buhay, mapa-personal man iyon o hindi ay napag-uusapan nila, pero hindi nga ang tungkol kay Helena. At isa pa, hindi niya na rin ito naabisuhan sa pagkamatay ng kan’yang ama dahil sa maraming kaguluhan ng isip na na-engkuwentro niya nang nagdaang mga araw.“Tara sa canteen, pare. Magkape tayo.” anyaya dito ni Markus. “Maghuntahan tayo saglit.”“Hindi pa or