로그인At 25 weeks pregnant, nahuli ni Rona Soriano ang asawa niyang si Sean Tiongson… na may ibang babae. Sa harap ng hospital, malinaw sa kanya ang lahat, hindi siya ang minahal at hindi siya ang pinili. Pinakasalan siya dahil sa bata, at pagkatapos manganak… iiwan din siya. Pero hindi na siya yung babaeng walong taon nang umasa. Tatanggapin niya ang divorce, at pipiliin niyang umalis. Bubuuin niya ang sarili niyang buhay nang wala si Sean. Hanggang sa isang araw, ang lalaking hindi siya kayang mahalin… Ay, siya na ang hindi kayang mawala.
더 보기“Ma’am, ready na po yung results niyo.”
Napakurap si Rona.
Parang ang layo ng boses ng nurse, parang galing sa ilalim ng tubig.
“Ma’am?” ulit ng nurse, medyo nag-aalala na.
Doon lang siya natauhan.
“A-ah… salamat.”
Inabot ng nurse ang envelope sa kanya. Nanginginig ang kamay. Hindi pa niya binubuksan, hindi niya alam kung handa ba siyang makita ang laman o harapin ang buhay na kasunod nito.
Huminga siya nang malalim at lumabas.
Sa labas ng private hospital sa Ortigas, basa ang kalsada dahil sa ambon. Kumikinang ang ilaw mula sa salamin ng building.
Pero wala siyang napansin, kaya nagpatuloy siyang maglakad.
Hanggang sa tumigil ang mundo niya.
Nakita niya si Sean na nakatayo sa curb, katabi ng isang itim na luxury car. Nakasuot siya ng long black coat na lalong nagpapatingkad sa tindig niya, matangkad, tuwid ang postura, at may presensya na parang kusa kang mapapalingon kahit ayaw mo.
Sa ilalim ng malamlam na ilaw, malinaw ang matitigas niyang features, matangos na ilong, matalim na jawline, at malamig na mga mata na parang walang emosyon.
Gaya ng dati…
Kahit saan mo siya ilagay, siya pa rin ang pinakapansin-pansin.
Pero hindi siya nag-iisa. May babae sa tabi niya at sa unang tingin pa lang, alam na ni Rona na talo na siya.
Simple lang ang suot ng babae. Light pink dress, may manipis na cardigan. Pero kahit simple, halatang classy. Makinis ang balat. Maaliwalas ang mukha. Yung tipong hindi kailangang mag-effort para mapansin.
Natural na maganda.
Natural na bagay… sa mundo ni Sean.
Hindi lang sa itsura, kundi sa mundong ginagalawan. Parang kahit gaano pa siya magsikap, hindi niya maaabot ang ganoong klase ng babae.
Mahigpit na napakapit si Rona sa hawak niyang envelope. Nanginginig ang mga daliri niya hanggang sa mamuti.
Pakiramdam niya, kung bibitaw siya, tuluyan na siyang babagsak.
“Kuya Sean…”
Malambing ang boses ng babae.
Napalingon ito kay Rona.
“Bakit po nakatingin yung manang sa’yo? Kilala mo ba siya?”
Parang umalingawngaw yung salitang manang sa tenga ni Rona.
Hindi niya man narinig nang buo, pero nabasa niya sa labi.
Manang?
Dalawampu’t apat lang siya.
Pero sa itsura niya ngayon, medyo tumaba dahil sa pagbubuntis, naka-black jacket, naka-bonnet, maputla, may eyebags, mukha talaga siyang mas matanda.
Malayong-malayo sa babaeng nasa harap niya.
Mapait siyang napangiti nang binigyan lang siya ng mabilis na tingin ni Sean. Oo, tumingin siya kay Rona, pero wala siyang ginawa. Hindi man lang siya natakot na nakita siyang may kasamang ibang babae. Hindi man lang siya gumalaw at lumapit kay Rona.
Bagkus, tinulungan ni Sean ang babae na sumakay sa kotse.
Maingat ang galaw niya, isang kamay sa bubong ng sasakyan, isa sa pinto, parang sinisigurado na hindi tatama ang ulo ng babae.
“Dahan-dahan,” mahina niyang sabi.
Napakurap si Rona, at sandali siyang natigilan.
Hindi niya maalala kung kailan niya huling narinig ang ganoong klaseng tono mula kay Sean.
Sumakay naman ang babae, bahagya pa itong ngumiti na parang sanay na sanay sa ganoong pag-aalaga.
Isinara ni Sean ang pinto. Hindi siya agad umalis. Saglit pa siyang tumayo roon. Nakatingin siya sa loob na parang may chine-check.
Yung maliliit na bagay at mga simpleng kilos, ayun ang pinakamasakit na parte kay Rona dahil kahit kailan, hindi niya iyon naranasan kay Sean.
Nakatayo lang si Rona.
Hindi niya alam kung bakit hindi siya makagalaw.
Hindi niya alam kung bakit parang may pumipigil sa kanya, kung pride ba, o kung yung natitirang pag-asa na baka… baka lumingon si Sean.
Pero hindi.
Umikot si Sean sa kabilang side ng sasakyan at binuksan ang pinto, at hindi na rin sila nagtagal. Unti-unti nang lumalayo ang sasakyan ni Sean.
“Ganito lang pala ako talaga sa kanya, Rona, Rona, kailan ka ba magigising?” mahina niyang nasabi sa sarili niya.
Ganito lang pala matatapos ang lahat.
Napapikit siya sandali at doon na pumasok ang mga alaalang hindi sabay-sabay, kundi paisa-isa.
Isang kasal na hindi naman talaga ginusto, isang pirma na ginawa dahil wala nang ibang choice, isang relasyon na nagsimula sa pagkakamali at hindi na naitama.
Alam niya.
Simula pa lang, alam na niya na para kay Sean hindi siya asawa, at hindi kailanman siya mamahalin.
Isa lang siyang obligasyon, at lalong isang pagkakamali na kailangang panindigan at ang batang dinadala niya…
Mahigpit niyang hinawakan ang tiyan niya.
“Sorry, anak ko. Sorry, kung napunta ka sa ina na katulad ko, walang binatbat sa tipo ng ama mo.” Huminga pa siya ng malalim, “sorry kung—”
Hindi niya natapos ang salita.
Kasi kahit siya, hindi niya alam kung humihingi ba siya ng tawad o kung siya ang dapat sisihin sa lahat ng pinagdadaanan niya ngayon.
Dahil sa huli, siya rin naman ang pumilit.
Siya rin ang kumapit.
Siya rin ang naniwala na may mababago at ngayon eto ang kapalit.
Sa loob ng walong taon, lihim niya itong minahal. Alam niyang hindi siya sapat. Kaya nag-aral siya nang mabuti. Pinilit niyang abutin ang level ni Sean. Hanggang sa naging assistant siya nito, malapit, pero kailanman hindi naging kanya, at isang gabi, isang gabing sumira sa lahat.
Hanggang ngayon, hindi niya makalimutan yung tingin ni Sean pagkatapos ng nangyari sa kanila. Parang nadumihan siya kay Rona. Parang may hinawakan siyang bagay na nakakadiri.
Biglang may tumulong luha sa pisngi niya, kasunod nun, sumakit nang matindi ang puson niya.
Napahawak siya agad sa tiyan niya, napasandal sa poste.
“Ma’am! Okay lang po kayo?”
“T-tulong! Tulong—” sigaw ni Rona.
Isang nurse ang lumapit at agad siyang inalalayan papasok.
Nagkaroon siya ng threatened miscarriage dahil sa sobrang emotional stress.
Pagkalipas ng ilang oras, nang medyo naka-recover siya, umalis si Rona sa hospital. Halos hindi siya makapagsalita tungkol sa mga nangyari sa kanya ngayong araw.
Umuwi siya sa villa ni Sean sa may Ayala Alabang.
Pagdating niya, nadatnan niya sina Aling Mercy at Aling Fe sa sala, nagtatawanan na akala mo silang dalawa ang may-ari ng buong villa.
Pagpasok ni Rona, napatingin sila.
Tumayo si Aling Mercy.
“O, Ma’am, kumusta results ng check-up?”
May halong pangmamata ang boses, tiningnan lang siya ni Rona.
Walang sagot, diretso siya paakyat.
“Uy! Tinatanong kita ah!”
Hindi pa rin siya pinansin.
Napa-smirk si Aling Mercy.
“Grabe, akala mo kung sinong Madam–Madam! Eh, mukhang baboy naman sa laki!”
Tahimik lang si Rona, parang wala nang natitira para masaktan pa.
Sa kwarto niya, tahimik siyang umupo sa gilid ng kama, ni hindi pa niya inaalis ang jacket, hindi pa niya binibitawan ang hawak niyang envelope. Parang wala siyang lakas gumalaw, parang kahit anong gawin niya, wala namang magbabago.
Dahan-dahan siyang napayuko.
Napatingin sa sarili niyang tiyan, at nang sa wakas ay nagkaroon na siya ng lakas ng loob, binuksan na niya ang envelope para tingnan ang resulta ng gender.
“Babae…” mahina niyang bulong.
Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o matatakot.
Pero isang bagay ang sigurado hindi ito para sa kanya. Para ito sa pamilya Tiongson.
Alam niya kung bakit siya nandito, hindi dahil tinanggap siya, hindi dahil gusto siya. Kundi dahil kailangan nila si Rona, naalala niya ang araw na pinapunta siya sa lumang bahay ng pamilya.
Ang malamig na tingin.
Ang mga salitang hindi diretsahang sinasabi pero ramdam na ramdam.
Isang kasal dahil sinasabi nilang pampaswerte, may sakit ang Lolo ni Sean, at hindi naman nabigo, gumaling nga ang lolo niya kaya pinaniwalaan nilang swerte si Rona, at sumakto pa ang pagbubuntis niya.
Doon lang bahagyang nagbago ang trato sa kanya.
Hindi bilang pamilya.
Kundi bilang may silbi.
Napahigpit ang hawak niya sa envelope.
“Siguro, alam na nila.” sambit niya sa kanyang sarili.
Walang duda.
Sa ganoong klaseng pamilya, unang nakararating ang balita sa kanila.
Hindi sa kanya.
Halos tumaas ang balikat niya sa biglang pag-vibrate ng phone niya.
Si Prof. Joaquin Villanueva o mas tinatawag nilang Prof. Jax.
“Hello, Prof.”
“Rona, may opening for PhD sa Makati. Gusto mo bang subukan?”
Natahimik siya.
Hindi agad nakasagot.
“Okay lang kahit—”
“Sir, kukunin ko po.” Diretsong sagot ni Rona, walang pag-aalinlangan.
Natahimik si Prof. Jax dahil alam niya kung gaano pinaghirapan ni Rona na mapalapit kay Sean, at ngayon iiwan niya?
“Sir…”
“Punta ka bukas, 10 AM.”
“Opo, sige po.”
Pagbaba niya ng phone, napabuntong-hininga siya.
Kahit papaano, nakaramdam si Rona ng ginhawa sa ginawa niya, para bang may natanggal na kaunting tinik sa puso niya.
Ilang sandali pa, tumawag din ang matriarch ng pamilya Tiongson.
“Umuwi ka dito sa bahay sa San Juan.” Walang tanong, walang paliwanag, ayan lang ang sinabi kay Rona sa kabilang linya at tulad ng dati, wala siyang choice kundi sumunod.
Nag-ayos siya kaagad, naligo muli, at nang matapos ay tiningnan niya ang sarili niya sa salamin.
“Sinong magkakagusto sa akin? Tanga nalang talaga ang papatol sakin.” napangisi siya habang iiling-iling.
Palabas na sana siya ngunit nag-vibrate muli ang kanyang cellphone. Tumatawag si Sean.
“H-hello?” utal na sagot ni Rona sa tawag.
“Lumabas ka,” simpleng sagot naman ni Sean sa kanya.
“Okay.”
Nasa labas ang Rolls-Royce. Yun din ang kotse na ginamit niya kanina.
Para sa ibang babae.
Huminga nang malalim si Rona at sumakay sa sasakyan ni Sean.
Pagpasok niya, naamoy niya agad ang pabango.
May pink teddy bear pa sa loob. Napatingin siya sa kamay ni Sean.
May hair tie, tiyak sa babae galing iyon.
Hindi na siya nag-usisa pa, nag seatbelt siya at saka umandar ang sasakyan.
Dati, kapag magkasama sila, pinipilit niyang makipag-usap, nagpapantasya na hindi pilit ang pakikitungo sakanya ni Sean, na balang araw mamahalin din siya.
Pero ngayon, alam na niya.
Niloloko lang niya ang sarili niya.
“Anong gender?” Basag ni Sean sa katahimikan.
“Babae.” Wala namang ganang sagot ni Rona.
“Pagkapanganak mo, magdi-divorce tayo,” diretsong sambit ni Sean.
Nanikip ang dibdib ni Rona.
Pero, handa na siya.
“Okay.”
Napatingin si Sean sa kanya.
Parang nagulat dahil sa unang pagkakataon, hindi siya kumapit.
Biglang nagbago ang ekspresyon ni Liezel.Aalis na sana si Rona ngunit narinig nito ang malakas niyang hinampas ang mesa at biglang tumayo.“Rona Soriano!”Pero hindi na siya pinansin ni Rona.Tinalikuran lang niya ito at umalis na ng tuluyan.Pagbalik niya sa workstation, tahimik siyang umupo. Kinuha niya ang maliit na salamin mula sa bag niya.Tiningnan niya ang pisngi niya, may manipis na marka ng dugo.Hindi naman malalim, kinuha niya ang wet wipes at marahang pinunasan.Walang expression.Sa totoo lang sa itsura niya ngayon, kahit madagdagan pa ng peklat…Wala na ring magbabago.Biglang pumasok sa isip niya ang mukha ng babaeng nakita niya kanina sa opisina ni Sean. May kung anong pamilyar siyang naramdaman sa babaeng yun pero hindi niya maipaliwanag.Malapit na mag-out biglang nagring ang cellphone niya, may tumatawag sa kanya.“Hello, Pa?”“Rona, umuwi ka mamaya. Nandito na si Noah.”Napangiti siya agad.“Ha? Andito na si Kuya Noah? Akala ko sa 15 pa siya babalik!”“Maaga siyan
“Tapusin mo yung financial statement analysis ng Guevarra bago mag-lunch break.”Maiksi at walang emosyon ang utos ni Liezel, habang tumango naman si Rona at bumalik sa workstation niya.Kahit na inilipat na siya sa mas mababang posisyon sa secretarial department, tuloy pa rin ang pagbibigay sa kanya ni Liezel ng mga trabahong hindi naman niya sakop at tinatanggap niya ang lahat.Tahimik lang si Rona pero sa totoo lang yung pananatili niya sa kumpanyang ‘yon, panloloko na lang sa sarili niya.Kahit anong gawin niya, hindi na siya lilingunin ni Sean.Pagkatapos niyang matapos ang report, inayos niya ang soft copy at printed version at iniabot kay Liezel.Pagbalik niya sa desk, nag-order siya ng pagkain. May cafeteria naman sa kumpanya, pero hindi siya kumakain doon. Ayaw niya ng mata ng tao at lalong ayaw niya ng usapan.Ngayon lang siya napilitang magpa-deliver dahil hindi siya nakapaghanda ng pagkain.Habang hinihintay niya ang order, may dalawang officemates na pumasok, halatang exc
Pag-angat ng tingin ni Prof. Joaquin, napahinto siya sandali. Hindi niya agad nakilala ang babaeng nasa pintuan.“Professor…”Napakurap siya. “Rona?” saglit siyang natahimik bago ngumiti nang bahagya.“Pasok ka.”Dahan-dahang pumasok si Rona at tinanggal ang face mask niya.“Ang tagal ko rin talagang hindi nakabalik, Prof. Mukhang nanibago ka sa akin,” pabirong sambit ni Rona. Napangiti si Prof. Jax.“Ang tagal nga… halos hindi nga kita nakilala.”Napangiti si Rona, pero may halong lungkot. “Honestly, Prof. nahihiya nga po akong magpakita sa inyo sa itsura ko ngayon.”Tumayo si Prof. Jax at lumapit sa kanya.“Normal lang ‘yan. Buntis ka eh,” kalmado niyang sabi. “After manganak, babalik din ‘yan. Umupo ka.”Umupo si Rona sa sofa.Nagbuhos si Prof. Jax ng maligamgam na tubig at iniabot sa kanya.“Inom ka muna, stay hydrated para rin sayo at sa baby mo.”“Thank you, Sir.”Napatingin siya sa tiyan ni Rona.“Ilang months na?”“25 weeks na po.”Tumango si Prof. Jax.“Mga late January ka n
Kunot-noong tiningnan ni Sean pero hindi na rin ito nagtanong pa. Nagpatuloy si Rona, pilit pinapakalma ang sarili.“Bukas Monday na, free ka ba this afternoon?” maingat niyang tanong. “Pwede na siguro nating asikasuhin yung papers? Mas maaga, mas okay.”Pagkatapos pumirma nila, may one-month cooling-off period pa naman. Sakto sa due date ni Rona. Saglit siyang tiningnan ni Sean, natahimik siya bigla, kalmado pero may halong pagsusuri ang mga mata nito, parang may binabasa sa kanya at saka siya umiwas ng tingin.“Sabihin ko na lang kung anong oras,” malamig niyang sagot.Hindi na nagsalita si Rona.Huminto ang sasakyan sa malaking bahay ng pamilya Tiongson sa San Juan, isang luma pero engrandeng ancestral house, mataas ang gate, may hardin sa loob, at halatang matagal nang mayaman ang angkan.Pinapunta sila doon dahil sa batang dinadala ni Rona.Sa pamilya Tiongson, halos puro lalaki ang mga apo.Dalawa ang anak ni Doña Salvacion. Sina Zachary Tiongson at Harold Tiongson.Si Zachary
“Ma’am, ready na po yung results niyo.”Napakurap si Rona.Parang ang layo ng boses ng nurse, parang galing sa ilalim ng tubig.“Ma’am?” ulit ng nurse, medyo nag-aalala na.Doon lang siya natauhan.“A-ah… salamat.”Inabot ng nurse ang envelope sa kanya. Nanginginig ang kamay. Hindi pa niya binubuks












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.