Главная / Romance / Kakaibang Tikim / Season 2 (Kabanata 0033)

Share

Season 2 (Kabanata 0033)

Aвтор: LiaCollargaSiyosa
last update Последнее обновление: 2025-03-20 22:15:46

Keilani

Nagising ako sa tunog ng alarm clock namin ni Sylas, eksaktong five na ng umagang. Pagdilat ng mga mata ko, iyon agad ang unang pumasok sa isip ko. Ito na ang araw iyon. Ang unang araw ng commercial shoot ng Merritt Luxury Motor Company ko.

Paglingon ko sa kaliwa ko, nakita ko si Sylas, gising na rin. Hindi na namin kailangan pang magsalita, isang tinginan lang, sabay kaming napangiti.

“It’s happening,” bulong niya sabay hagod sa buhok ko.

“It is,” sagot ko naman habang ramdam ko ang saya na unti-unting bumabalot sa akin.

Pagkaligo at pagkagayak namin, bumaba na kami sa dining hall kung saan naghihintay na ang breakfast namin. Walang kahit anong mabigat sa tiyan na naka-ready sa lamesa, lahat clean, light, pero satisfying naman kapag kinain na.

Nasa harap ko ang isang malaking plate of avocado toast with poached eggs, habang si Sylas naman ay may oatmeal topped with bananas and almonds. May kasama ring green smoothies na gawa sa spinach, kale at apple.

“No coffee for today?” t
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Заблокированная глава
Комментарии (2)
goodnovel comment avatar
Jannett Padernilla
update pls....
goodnovel comment avatar
Rhodora Bumanghat Rol
interesting story next episode
ПРОСМОТР ВСЕХ КОММЕНТАРИЕВ

Latest chapter

  • Kakaibang Tikim   Season 2 (Kabanata 0063)

    Keilani POVPagkauwi ko sa bahay, napansin ko agad ang kakaibang liwanag sa loob. Maliwanag, mas maliwanag kaysa karaniwan. Doon palang ay nagtaka na ako, pero hindi ko maiwasang matakot. Naisip ko na baka may nangyaring masama habang wala ako.Nagmadali tuloy ako sa pagpasok sa sala kasi nauna kong naisip si Keilys na naiiwang mag-isa sa bahay kasama ang mga yaya niya. Sa loob, doon bumungad sa akin ang nakakagulat na eksena.Nakatayo sa gitna si Sylas, naka-black turtleneck at may hawak na wine glass. “Surprise,” aniya sabay kindat sa akin.Halos mapatigil ang paghinga ko kasi naisip ko talaga na baka mga pulis na ang mga nasa loob at kausap si Sylas, pero hindi kasi may pasabog palang hinanda ang asawa ko.Sa mahaba at marble-tiled na dining hall, nakalatag ang eleganteng buffet set-up. May mga chandelier na tila kumikinang pa lalo sa gabing ‘yon. Sa gilid, isang long table na puno ng French wine, Japanese sake, at mamahaling whisky. Pati ang mga putahe, hindi basta-basta. May foie

  • Kakaibang Tikim   Season 2 (Kabanata 0062)

    Keilani POVSimula nung ma-ospital si Harvy Veron, nabanggit sa akin ni Sylas na puwede na raw ako maglalabas, gumala o pumasok sa work. Huwag na raw ako matakot kasi nag-hire siya ng mga tauhan niya na susunod sa akin para maging safe ako palagi. Huwag din daw akong mag-alala kasi hindi naman ito mang-iistorbo sa mga gala ko. Basta, lalabas lang ito sakaling may mangyaring masama sa akin. Dahil sa sinabi niya, kahit pa paano ay hindi na tuloy ako natatakot. Pero hindi ibig sabihin nun ay naduduwag na ako. Kaya ko namang lumaban, huwag lang akong pagtutulungan ng maraming kalalakihan na armado at ratratratin ako ng baril, doon ako walang laban.Today, inaya ako ni Celestia na lumabas, pumayag naman agad ako. Sapat na ang mga araw na nakulong lang ako sa bahay—ngayon, kailangan ko ng konting reset. Maaga kaming nagkita sa labas ng isang kilalang luxury mall. Naka-sunglasses siya at may bitbit na maliit na clutch. Ako naman, naka-casual dress lang.“You look fresh, Keilani,” bungad ni C

  • Kakaibang Tikim   Season 2 (Kabanata 0061)

    Keilani POVMaaga akong nagising kinabukasan, mas maaga kaysa sa nakasanayan ko. Nakakagulat nga kasi naabutan kong tulog pa sa tabi ko ang asawa ko. Kadalasan, kapag nagigising ako, wala na siya at nakapasok na sa work. Ngayon, heto, tulog na tulog na akala mo ay puyat. Nakatagilid pa siyang natutulog, nakatalukbong ang kalahati ng katawan sa puting kumot, at tila napakakalma ng mukha.Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama namin at iniwasan kong mag-ingay para hindi siya magising. Naisip kong silipin si Keilys, baka gising na rin siya. Bumaba ako ng hagdan at tinungo ang sala. Hindi ako nagkamali. Nandoon siya, nakaupo sa carpet, nakatalukbong ng kumot habang nakatitig sa TV na may pinapanood na cartoons.“Good morning, baby,” bulong ko habang nilalapit ang sarili sa kanya.Ngumiti lang ito at hindi man lang ako nililingon. Malamang ay naka-focus na naman sa paborito niyang animated show. Hinaplos ko ang ulo niya bago ako tumayo ulit.Bumalik ako sa kuwarto namin ni Sylas para kuni

  • Kakaibang Tikim   Season 2 (Kabanata 0060)

    Sylas POVNasa ilalim ng manipis na kumot si Harvy, nakatagilid habang mahimbing na natutulog. Tahimik na tahimik dito. Wala siyang kamalay-malay na may demonyong papasok ngayong gabi para pagbayaran ang ginawa nila.Huminga ako nang malalim. Inilabas ko na rin mula sa utility belt ang maliit na vial ng amonia at isang panyo. Lumapit ako sa kama, maingat na maingat ako sa bawat hakbang, hanggang sa makapuwesto ako sa tabi ng ulo ni Harvy. Dinampi ko ang amonia sa panyo, sabay biglang tinakpan ang ilong at bibig niya.“Mmmph!—”Nagpumiglas siya. Halatang nagulat. Pero wala siyang laban sa puwersang mayroon ako.Makalipas ang ilang segundo, nagising siya nang tuluyan, natataranta, nagpupumiglas habang nakatingin sa akin. Titig na titig siya sa akin, pilit akong kinikilala pero alam kong malabo niya akong mamukhaan dahil sa suot ko. Dilat na dilat ang mukha niya na may kasamang labis na takot.“W-What the hell—”“Shhh,” bulong ko habang bahagyang iniiba ang boses ko sa isang malamig na t

  • Kakaibang Tikim   Season 2 (Kabanata 0059)

    Sylas POVHating gabi na. Tahimik na ang buong paligid. Pagod si Keilani kaya mahimbing na ang tulog nito. Pinagod ko talaga para mabilis siyang makatulog. Nakadalawang round kami kanina, pagod din ako pero kapag galit ang namuo sa iyo at may plano ka, hindi ka makakatulog kahit anong pagod pa 'yan. Hindi ako matutulog ngayong gabi nang hindi ko nagagawa ang plano ko.Bumangon na ako at tahimik na umalis sa tabi niya Pinagmasdan ko siya sandali, hanggang ngayon, hindi mawala-wala sa isip ko ang ginawa nila sa asawa ko. Ang pagpapaulan nila ng bala ng baril sa sasakyan nito. Hanggang ngayon, kumukulo pa rin ang dugo ko.Kaya hindi ako mananahimik nang hindi ako nakakaganti. Kaya ngayong gabi, gagawa ako nang ikakatakot lalo ng pamilyang Veron.Paglabas kosa kuwarto namin ni Keilani, tumuloy ako sa secret hide out o secret room ko. Doon, ssa-isa kong sinuot ang itim na suit na pang-assassin. Sinuot ko ‘yon ng mahigpit, matibay at kumpleto. Mula combat boots hanggang gloves, para walang

  • Kakaibang Tikim   Season 2 (Kabanata 0058)

    Keilani POVNagkaroon ako ng online meeting sa isang mahalagang client sa ibang bansa, halos alas singko ng umaga ako bumangon para kausapin siya. Sa totoo lang, hindi ko ginagawa ‘yun, kaya lang, malaking halaga ang kikitain ng company ko rito kaya nagtiyaga akong gumising para makipag-online meeting sa kaniya. Ang saya lang dahil halos daang milyon agad ang kinita ko sa kaniya. Kung hindi ko siya inatupag nang gising ng umaga, wala, hindi ko kikitain ang ganoong kalaking pera.Hindi na ako nakatulog pagkatapos ko siyang kausapin. Ang ginawa ko, bumangon na ako at nagpaluto ng almusal sa kasambahay ko. Habang umiinot ng mainit na kape, nagbukas ako ng tv para manuod muna ng balita ngayong umaga.Pero pag-on ko ng TV, isang live report ang bumungad sa akin. Ang ganda-ganda ng umaga ko pero nasira dahil sa baliw na si Avina Veron.“This is unacceptable. My family has been targeted and I believe the couple, Keilani and Sylas, are the only ones with motive,” aniya habang nasa harapan ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status