로그인Ilaria POVLumipas ang halos ilang buwan, at ngayon, graduation ko na, pero si Keilys, wala, nasa ibang bansa pa rin. Hindi naman ako malungkot, nagtatampo lang, kasi inaasahan ko pa naman na nandito na siya sa Pinas kapag graduation ko na.Sa ilang buwang dumaan, maraming nangyari. Sa kaka-training sa akin ng helltrace, ayun, wala na sina Iliana at Ceska, suko na sila sa akin kapag hinaharap ako. Paano kasi, palagi silang nasasaktan ng husto sa akin. Sa tuwing gusto nila akong saktan, mas nasasaktan sila sa akin. Talagang, halos mabalian ko sila ng buto kapag nilalaban ko ang mga bruha. May time na nagbayad pa sila ng mga lalaki para saktan ako, pero wala ring nangyari. Kahit lalaki ngayon, kayang-kaya ko nang labanan. Habang wala kasi si Keilys, nilibang ko ang buong oras ko sa pagte-training kasama ang helltrace. Doon na rin kasi sila nag-stay sa villa habang wala si Keilys. Na talaga namang naging parang barkada ko na ang apat na iyon. Mabuti na lang, gumagala sa villa sina Toph,
Ilaria POVHabang umiinom kami ng miso soup, kinuwento ko na unti-unti na akong nakakabangon sa mga pinagdaanan ko. Na tinutulungan ako ni Keilys, na nag-aaral pa rin ako, at mas okay na ako ngayon.“Tsaka…” Napahinto ako sandali, kasi kinakabahan ako bigla. “kami na nga pala ni Keilys.”Sabay-sabay silang sumigaw nang sabihin ko ‘yon. “AAAAHHHHH! Halaaaa! Totoo ba?!”“Grabe!” sabi ni Golda na halos mahulog sa upuan. “Akala ko hanggang titigan lang kayo dati sa villa! Finally, nagkaaminan na din kayo!”Natawa ako habang medyo namula rin sa hiya. “Hindi na rin nakatiis si Keilys. Dahil sa selos, ayon, napaamin bigla.”Nakangiti silang tatlo sa akin. “Proud kami sa ’yo, Ilaria,” sabi ni Jopay. “Kahit ang dami mong pinagdaanan, nandito ka pa rin, okay na ngayon. Tapos may love life pa! Sana all na lang talaga may boyfriend ng bilyonaryo!”“Hinaan niyo nga ang boses ninyo, nakakahiya, pinagtitinginan na kaya tayo ng mga tao,” saway ko sa kanila.Maya maya, dumating na ang mga in-order nam
Ilaria POVWalang pasok ngayon. Na dapat ay mayroon, kaya lang ay umagang-umaga, nakatanggap kami ng email galing sa school. Walang pasok dahil masama ang lagay ng panahon sa city. Sa city lang naman, pero dito sa probinsya ay magandang-maganda ang panahon.Pagkagising ko ngayong umaga, ayon na nga ‘yong sinasabi sa akin ng helltrace. Dama ko na ang sakit ng katawan ko. Parang binugbog ang katawan ko ngayon. Nakakalata tuloy, pero laban lang kasi walang pasok, ibig sabihin, makakapag-bonding kami ng boyfriend ko.Sabi ko pa kay Keilys, gusto kong magkulong lang kami sa villa buong araw, magluto, manood ng movie, o kahit mag-training pa ulit kaming dalawa. Para sa amin lang sana ang araw na ‘to. Pero ngayong umaga din, bago pa man ako makapaghanda ng almusal, bigla siyang tinawagan ng Papa Sylas niya.“Ilaria, pinapasundo ako ni Papa ngayon,” sabi niya habang nag-aayos ng buhok sa salamin.“Ngayon? Akala ko ba—”Hindi ko na natapos ‘yong sasabihin ko. Nilapitan na niya ako at hinaplos
Ilaria POVPagkauwi namin sa villa ni Keilys, medyo palubog na ang araw kaya medyo malamig na. Tulad nang napag-usapan, kasama ko sina Vandall, Rook, Nomad, at Jink. Pagdating namin sa loob ng villa, halos sabay-sabay silang naupo sa sofa, ako, tumuloy agad sa kuwarto ko para magbihis. Doon na ako naupo saglit para magpahinga din.Matapos ang halos kalahating oras ng pahinga, tinawag kami ni Manang Lumen para mag- merienda. Niyakap ko pa si Manang Lumen, kasi sa wakas ay nakalabas na sila ni Tatay Iggy sa ospital. Nasa dining area na rin si Keilys, suot ang simpleng white shirt, may apron pa sa baywang. Siya ang nag-aasikaso ng pagkain namin dahil bawal pang magkikilos si Manang Lumen.Sa lamesa, may pancake, sandwich, baked macaroni at juices. Pansin ko, lahat ng iyon ay tila pang-healthy. ‘Yung pancake kasi ay halatang may malunggay.“Anong mayroon, bakit sinama mo ang helltrace sa villa?,” tanong niya agad sa akin, sabay halik sa noo ko nang maupo ako sa tabi niya.“May dahilan, si
Ilaria POVTumawag kanina sa akin si Keilys at nagbanta na baka guluhin na naman nila Iliana at Ceska ang araw ko. Inamin na raw niya kasi sa bruhang si Iliana na syota na ako ni Keilys. Kaya, baka raw inisin na naman ako ng dalawa ngayong araw dito sa school.At mukhang tama siya dahil nasa harapan ko na agad ang dalawang bruha.“Oh, look who’s here,” iritadong sabi ni Iliana, sabay irap sa akin. “Ang cheap na pinatulan na ni Keilys.”Huminto ako sa paglalakad at bahagyang nagtaas ng kilay. Hindi ko naman talaga planong makipagsagutan, pero parang gusto kong pumatol ngayon.“Maganda kasi ako,” sabi ko ng kalmado lang para lalo ko siyang mainis. Sanay na kasi ako sa mga laro niya. “Si Keilys kasi ay guwapo at mayaman. Sanay din siyang tumingin sa pangit o hindi, lalo na sa ugali, number one ‘yun, kaya lang, lahat ng gusto niya sa isang babae ay nasa akin, bagay na wala sa iyo, kaya talo ka, Iliana.”Tama ang hinala ko. Lalong nag-apot sa galit si Iliana. The more kasi na sinusura siya
Keilys POVNakauwi na kami sa villa. Kasama ko na ulit dito sa bahay sina Manang Lumen at ang Tatay ni Ilaria na si Tatay Iggy. At sa unang pagkakataon mula nang magkasakit sila Manang Lumen at Tatay Iggy, nakangiti na ulit silang dalawa.“Salamat talaga, Keilys,” sabi ni Tatay Iggy habang inaakay ko siya paakyat ng hagdan. “Kung hindi dahil sa inyo ng anak kong si Ilaria, baka kung ano na nangyari sa amin ng matandang si Lumen.”Napatawa naman si Manang Lumen habang nakasunod sa amin, dala ang maliit niyang bag. “Hoy, ako pa talaga tinawag mong matanda, ha? Hindi ko alam kung mas na-stress ako sa lagnat o sa kakatawa sa mga banat mo sa ospital!”Na-ospital lang ang dalawa, tila mas naging magka-close pa sila. Ang gaan sa pakiramdam na marinig ulit ang pang-aasaran nila Tatay Iggy at Manang Lumen. Parang music sa bahay ‘yung mga sigawan nila. Hindi na buo ang araw ko kapag hindi ko sila naririnig.“Naku, Manang,” sabi ko habang binubuksan ang pinto sa kanila, “bawal ka munang masyadon







