Mag-log inIlaria POVAng lakas ng ulan. Parang walang balak tumigil. Signal number 3 na rin dito sa town namin. Kanina pa umuugong ang hangin, kumakalampag ang bubong, at halos mapuno na ng tubig ang labas ng bahay.Nasa sala ako ngayon, nakasilip sa bintana, habang pinagmamasdan ang mga dahon ng puno ng mangga na halos tumiklop sa lakas ng hangin. Kawawa naman ang puno ng kapitbahay namin, mukhang mapuputol pa.Hindi kami makalabas. Hindi ko rin naman balak lumabas. Kaming dalawa na lang ulit ni Tatay Iggy dito sa bahay. Si Manang Lumen kasi, bumalik na sa villa dahil tinawagan daw ulit ng Mama Keilani ni Keilys. Ayaw pa ngang umalis ni Manang Lumen, dito nalang daw siya pero ako ang pumilit na umalis siya kasi kailangan din talaga siya ni Keilys doon.Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon.Masaya ba ako?Naiinis?O parehong sabay kong nararamdaman?Wala pa rin kasing paramdam si Keilys. Kahit isang simpleng kumusta o kahit emoji lang na smile, wala.Ang alam ko lang a
Keilys POVNagising ako sa malakas na ugong ng makina ng jet at sa boses ng pilot sa intercom. Medyo inis pa ako dahil napaaga ang gising ko, pero nang marinig ko ang sinabi niya, agad akong natahimik.“Sir Merritt, we’re experiencing turbulence due to a super typhoon entering Philippine airspace. For safety, we’ll make an emergency landing in Vietnam.”Napamura ako nang mahina. “Seriously?”Sumilip ako sa bintana. Wala pa nga kami sa teritoryo ng Pilipinas, pero ramdam ko na ang bangis ng bagyo. Kumukulog, may mga kidlat na kumikislap sa malayo, at halos hindi na rin stable ang paglipad ng jet.“Do it,” sagot ko sa piloto. “Safety first.”Sa totoo lang, wala naman akong magagawa. Delikado kung ipipilit pa. Kaya pinilit kong kumalma, huminga nang malalim, at tinignan sa tablet ang flight tracker. Nakita kong lumilihis na ang ruta papuntang Hanoi.Pagkalipas ng halos apatnapung minuto, nag-landing kami nang maayos. Medyo mabigat ang ulan, pero hindi kasing tindi ng bagyo sa Pilipinas.
Keilys POVTahimik akong nakatayo sa hallway ng mansion namin habang pinagmamasdan ko ang bumabagsak na niyebe sa labas. Ang lamig-lamig, sobra. Kung nandito lang si Ilaria, okay sana kasi palagi ko talaga siyang mayayakap.Kanina pa ako nag-iisip. May apoy sa loob ko na gusto nang lumiyab ng husto. Pero hindi ito galit, kundi desisyon na matagal ko na dapat ginawa.Hindi ko na kailangan ng permiso ni Papa. Narinig ko na ang lahat. Ang paghihigpit niya pala ay pagsubok lang. Para daw matutunan ko kung paano tumindig sa sarili kong desisyon, kung paano ko ipaglalaban ang gusto ko—tulad ng ginawa niya noon kay Mama.Ngayon, gusto kong ipakita sa kaniya na natutunan ko na ang aral na ‘yon.At ang unang hakbang na gagawin ko ay ang umuwi na sa Pilipinas.“Keilys,” tawag ni Mama Keilani mula sa likod ko. Mahina ang boses niya, siguro, iniisip niya na malungkot pa rin ako. Na nabuburyo na talaga ako dito sa ibang bansa.Naka-jacket siya, mahigpit ang pagkakayakap sa sarili niya, pero nang m
Ilaria POVDinala sa ospital ang tatlong tindero na lalaki, pero iniwan din agad namin. Sino ang gagastos sa kanila, ako pa? No! Mamatay sila doon. Pero, for sure, tatawagan nila si Lorcan. Mainam din, nang malaman niyang palpak ang mga inutusan niya.Dahil sa nangyari, dito sa bahay namin nag-lunch ang helltrace. Tuwang-tuwa pa sila sa katapangan ko kanina. Ibang-iba na raw talaga ako. Lalo na nang ikuwento ko ang pag-aaway namin ni Lorcan sa loob ng banyo sa Tagaytay. Grabe daw ako. Nagalit nga lang si Tatay Iggy dahil ngayon lang nila nalaman iyon ni Manang Lumen. Hindi ko na kasi sinabi para hindi na sila mag-alala pa.“Oh, guys, kain na!” sabi ni Manang Lumen, matapos maghain ng pagkain sa dining table.“Tara na,” aya ko na rin sa kanila. Nasa sala kasi kami, doon nag-usap-usap.Paglipat namin sa dining table, nakita namin ang mga pagkaing hinanda ni Manang Lumen.“Wow, tinolang manok!” masayang sabi ni Vandall.“Uy, sarciadong isda ba iyon?” tanong naman ni Nomad, “ngayon na lan
Ilaria POVMaganda ang panahon, maaraw pero mainit sa pakiramdam kaya nakatali lang ang buhok ko habang nagwawalis sa bakuran. Tahimik ang paligid kapag ganitong oras dahil wala pang masyadong tao o tambay sa kalsada ng street namin, mamaya pa ang labas nila kapag wala ng sikat ng araw. Pero napakunot ang noo ko nang mapansin kong may tatlong lalaki sa harap ng bahay namin. Nakita ko na nakikipag-usap kay Tatay Iggy ang mga ito. Tapos, may mga dalang basket ng prutas.“Free taste po, Tatay! Matamis po ‘to, imported pa!” rinig kong sabi ng isa habang ini-aabot ang isang berdeng prutas.Nung marinig ko ang salitang free taste, mabilis kong naalala si Lorcan. Ang demonyong pumatay kay Nanay Laria dahil sa sason. Gano’n din ang ginamit niya noon. Nabitawan ko tuloy ang hawak ko.“Tatayy!” sigaw ko, sabay takbo papunta sa kanila.Nagulat silang lahat. Napatigil si Tatay Iggy sa pag-abot ng prutas habang ‘yung tatlong lalaki ay nagkatinginan, halatang hindi nila inaasahan na nandito ako. Nu
Keilys POVMadaling-araw na, siguro mga alas dos. Nagising ako nang may luha sa mga mata ko. Napanaginipan ko si Ilaria, umiiyak sa ospital habang dinudugo. Mag-isa lang siya doon, walang kasama at halos lungkot na lungkot. Kaya nung magising ako, tumutulo rin ang luha ko.Nanlalamig ako nung bumangon. Wala pala akong kumot din. Ang lakas na rin kasi ng ulan ng snow sa labas.Sumilip ako sa bintana. Puting-puti ang paligid, at ang mga ilaw sa labas ng bahay namin ay halos maglaho sa kapal ng snow na bumabagsak. Ang lamig talaga, parang nanunuot hanggang buto. Sinubukan ko pang matulog, pero hindi ko na nagawa. Naisip kong magkape na. Maaga din kasi akong nakatulog kanina. Kapag nasa bahay ng maaga si Papa Sylas, sinasadya kong matulog ng maaga para hindi siya makita at makausap. Nang maramdaman niyang malaki na ang tampong nararamdaman ko sa kaniya.Kaya bumangon ako. Isinuot ko ang hoodie ko, at bumaba sa hagdan nang dahan-dahan para pumunta sa kusina.Paglapit ko sa hagdan, may nari







