FAZER LOGINIliana POVHindi ko inakalang darating ang araw na ako mismo ang mag-uutos na gibain ang malaking mansion namin. Napag-usapan naman na namin ito nila Mama at Papa. Pangit na rin kasi itong tirahan pa, lalo na’t maraming buhay ang nawala rito.Nakatayo na ako ngayon sa harap ng mansion. Ang dating makinis na marmol ay ngayon ay nagiging durog na bato na. Lahat ay sira na.Dito ako unang pumatay. Dito ako natutong lumaban. Dito rin ako natutong humawak ng sandata. Dito rin ako unang naging halimaw. Dito rin kami nagkakilala ni Kuki. Dito nagka-inlove-an. Sa totoo lang, marami kaming naging memories dito. Na kung mawawala ang mansion, mabubura na rin ang lahat ng iyon. Pero okay lang, karamihan kasi sa memories na mayroon dito ay sobrang lala. Kakaunti lang ‘yung mayroon kami ni Kuki.Naisip din kasi namin na gumawa na lang ng marami-raming magagandang memories. Hindi dito kundi sa maraming lugar.LUMIPAS ang ilang buwan. Hindi naging madali ang lahat bago kami nakaisip kung ano ba talaga
Iliana POVNasa harap kami ng isang steak house ngayon. Paboritong-paborito kasi talaga namin ni Kuki ang kumain ng steak, kaya dito niya ako naisip ayain ngayong araw. Steak ito kaya hindi ako nagdalawang-isip na sumama, patay na patay kasi ako sa steak kaya bakit ako tatanggi?Agad kaming sinalubong ng amoy ng inihaw na karne sa loob ng steak house. Ang cozy ng ambiance nung inikot ko ang tingin sa buong paligid. Saka dito, hindi masyadong maingay, hindi rin sobrang tahimik. Kumbaga ay parang saktuhan lang.Tapos, marami ring parang nagde-date, pero may mga pamilya rin na masayang kumakain.Pinaupo kami sa isang table sa gilid, mas maganda doon kasi medyo private ang atake. Pagkaupo ko, napansin kong nakatingin si Kuki sa akin.“What?” tanong ko sa kaniya.“Wala,” nakangiti niyang sagot. “Ang ganda mo kasi ngayon. Hindi ako sanay na nakikita kang ganiyang ka-fresh at may suot pang makeup.”Simula kasi nung matigil na ang labanan, siyempre, back to normal na. Binalik ko na rin ang mga
Iliana POVPagkatapos umisa sa sofa, pumangalawa pa nung sabay kaming maligo. Pinagpawisan kasi sa round one, kaya nag-round 2 pa sa shower. Hindi naman masyadong halata na sabìk kaming pareho.Wala na rin munang bihis-bihis, pagkatapos maligo ay nagtapis lang kami. Inaya ko na siyang pumunta sa dining area.“Hoy, nag-abala ka pa talagang um-order ng pagkain para sa akin,” sabi niya habang nakangiti.“For your information, hindi ko ‘yan order. Lahat‘yan ay pinag-effort-an kong iluto noh!” pagtatama ko sa kaniya. Tinignan niya ako nang nanlalaki ang mga mata. Hindi siya makapaniwalang luto ko ang lahat ng ito.“Weh, ‘di nga? Ikaw? Nagluto nito? Si Iliana na mataray, nagluto?” paulit-ulit pa niyang tanong.“Oo nga, mamatay man ako,” sagot ko pa sa kaniya habang sinasandukan ko na siya ng seafood pasta.Hinintay ko siyang kumain bago ako. Gusto ko kasing makita kung magugustuhan ba niya. Pagsubo niya ng seafood pasta, nakita kong napatango siya habang nakangiti.“So, approved ba?” tanon
Iliana POVPaalis na ako. May ticket na rin ako papunta sa China. Nakasakay na nga rin ako sa sasakyan kasi on the way na rin ako sa airport.Kainaman naman si Kuki dahil bigla siyang nagparamdam. Nung nasa kalagitnaan na ako ng biyahe papunta sa airport ay nakita kong nagpadala siya ng picture habang nakasakay sa airplane. Kasunod ng picture na iyon ang message niya sa akin.“See you, love.”Pagkabasa ko nun, pinahinto ko agad ang driver ko. Hindi na kami tumuloy pa sa airport. Imbis ay nagpahatid ako sa condo ko dito lang din sa Manila.“Mahal, nakakainis ka! Bakit ngayon ka lang nagparamdam? Bakit ngayong handa na akong lumipad papunta sa China. Mabuti pala ay nag-message ka na, kundi, pupunta ako ng China at pupunta ka naman dito sa Pilipinas,” reply ko sa kaniya.Hindi ko na hinintay ang reply niya. Alam ko kasing sa mga oras na ito ay nasa himpapawid na siya. Ngayon palang siya lilipad pauwi dito sa Pilipinas.Malapit lang ang condo ko kaya pagdating doon, namahinga na lang muna
Iliana POVMatagal din akong nawala sa company ko. Tuloy, parang si Ceska na ang kilala nilang CEO o boss dito.Pagbukas pa lang ng pinto ng main building ng kumpanya ko, sinalubong agad ako ng malamig na hangin mula sa air conditioning. Malinis. Mabango. Tahimik dahil aware silang magpapakita ako ngayon. Mukhang naka-todo nga ang aircon, parang nag-snow na sa lamig, pasabog.Humakbang ako papasok.Tak.Tak.Tak.Umalingawngaw ang tunog ng heels ko sa marble floor.Sa bawat hakbang ko ay may mga matang sumusunod.“Good morning, Ma’am Iliana.”“Ma’am, welcome back.”“Nice to see you again, Ma’am.”Sunod-sunod ang bati nila.Magagalang.Ngumiti ako ng bahagya, tumatango sa kanila habang naglalakad sa hallway. Maayos na lahat dito bago ako bumalik noon sa labanan. Inutos ko kasi kay Ceska na tanggalin ang lahat ng anay. At wala nang natira kahit isa. Pinasigurado ko sa kaniya iyon dahil ayokong may maiwan na malas.Habang naglalakad ako ay ramdam nila at alam nila na bumalik na ako.Haba
Iliana POVKagabi, buhay na buhay ang mansion, maraming ilaw, may tugtog, may sigawan ng saya, may halakhakan na halos umabot sa langit. Para bang walang katapusan ang gabi.Pero ngayon ay iba na ang klase ng tahimik. Wala na kasi ang ibang tauhan namin, umalis na at bumalik na sa kani-kanilang buhay dahil tapos na ang trabaho nila sa amin.Nakatayo ako sa gitna ng garden, sa parehong lugar kung saan kami nagdiwang kagabi. Pero ngayon, wala na ang mga ilaw. Wala na ang banda. Wala na ang mga bote ng alak na nakakalat sa lamesa.Ang natira na lang ay sariwang hangin at ang tahimik na ako.Mahigpit ang hawak ko sa Baby Lilix ko, kahit hindi ko naman siya kailangan ngayon. Siguro nasanay lang ako o baka gusto ko lang may mahawakan para hindi ako tuluyang malungkot.“Ang bilis,” mahina kong bulong.Kagabi, masaya. Ngayon ay oras na rin para magpaalam sa mga taong napalapit na rin sa puso ko.Narinig ko na ang mga yapak sa likod ko.Hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino.“
Ilaria POVIsang buwan na ang lumipas mula noong unang beses kaming nagpunta sa OB-GYNE. Isang buwan ng paghihintay, panghuhula, at tahimik na pagdarasal tuwing gabi na sana ay tuloy na tuloy na ang pagbubuntis ko.Paalis kami ngayon ni Keilys. Nakaupo ako sa passenger seat ng kotse niya, kabado ak
Ilaria POVNasa labas na ang lahat ng boys, parang mga batang sigawan nang sigawan sa swimming pool area. Nakatanaw lang ako sa bintana, bawal makisali at baka kung mapaano pa ako.Masaya akong makita silang gano’n. Lalo na si Keilys. Bihira siyang maging ganap na carefree, kaya hinahayaan ko lang
Ilaria POVIto na ang araw na pinaka-hinihintay naming dalawa ni Keilys. Tahimik ngayon dito sa office room ni Keilys, pero alam kong maingay ang nilalaman ng isip at puso naming dalawa kasi magaganap na ang matagal na naming gustong mangyari. Ngayong umaga, tahimik pa ang buong Pilipinas, pero mam
Ilaria POVHabang nag-e-enjoy ako sa pag-inom ng kape at sa pagkain ng cheesecake, biglang may pumasok na mga armadong lalaki. Sinuyod nila ang tingin ng shop at doon palang, kinabahan ako.Napansin kong pati ang mga ‘yung mga kasabay kong nagkakape ay natakot. Nilapitan din nila ako, kaya naisip k







