LOGINIlaria POVHabang nag-e-enjoy ako sa pag-inom ng kape at sa pagkain ng cheesecake, biglang may pumasok na mga armadong lalaki. Sinuyod nila ang tingin ng shop at doon palang, kinabahan ako.Napansin kong pati ang mga ‘yung mga kasabay kong nagkakape ay natakot. Nilapitan din nila ako, kaya naisip kong iyon na ang katapusan ko. Tinutukan nila ako ng baril.“Hoy, anong ginagawa ninyo!” matapang na sita sa kanila ng isang staff.“Tumahimik ka kung ayaw mong madamay!” bulyaw sa kaniya ng isang lalaki.Nakapikit ako, nakataas na rin ang dalawang kamay, pero pagdilat ko, aba, wala na sila sa harap ko. Nakita kong nagpasukan sila sa loob ng banyo. Sa pagkakataong iyon, nagmadali akong lumabas ng coffee shop. Mabilis akong tumakbo papunta sa may madilim na daan na maraming puno. Habang nagtatago ako doon, tinawagan ko si Keilys. Sumagot naman agad siya.“May mga pumasok na armadong lalaki sa loob ng shop. Mabuti at hindi nila ako nakilala. Naka-yaya uniform kasi ako. Nakalabas na rin ako sa c
Ilaria POVAyaw akong payagang umalis ni Keilys, pero ayaw din namang pumayag si Papa Keilys na papuntahin dito sa mansiyon si Rica. Naghihintay pa naman si Rica kung saan at anong oras kami magkikita. Nakakaawa siya, iyak siya nang iyak kanina nung tumawag sa phone ko. Nataon pang wala si Ica, nasa ibang bansa, sa lola nito. Pinadala muna doon ni Rica, kasi naaamoy niyang may masamang mangyayari, lalo na’t kulong-kulo na ang dugo niya sa pinsan niyang si Lorcan. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nilalabas ni Lorcan ang asawa ni Rica na si Joshua.Pumunta ako sa office room ni Keilys. Doon ko siya nadatnang busy sa laptop niya. “Mahal, naaawa talaga ako kay Rica. Wala ba talagang pag-asa para magkita kami ngayong gabi?” pagpupumilit ko sa kaniya.“Bawal dito at bawal ka rin lumabas, wala na talaga, e. Pasensya na, ayokong suwayin si Papa, kapag hindi puwede, ‘di talaga puwede, ganoon ako sumunod sa kaniya kahit noon pa man,” mahinahon niyang sagot.Napabuntong-hininga na lang ako. Tuma
Ilaria POVNasa gym ako—dito lang din sa manisyon nila Keilys. Inaya ako ni Keilys na magpalakas at magpaka-healthy. Pagkatapos, sinabak kami bigla ni Mama Keilani at Papa Sylas sa training. Sa garden ng mansiyon kami nagsanay. Nakakagulat at nakakatuwa kung paano nila kami sinanay. Nahirapan ako, inaamin ko ‘yun, pero tiniis ko dahil alam kong kakailanganin namin ang lahat nang matututunan namin sa kanila. Sa loob ng dalawang oras na pagsasanay, masasabi kong worth it naman lahat. Kasi, may mga tinuro sina Papa Sylas at Mama Keilani na hindi naturo sa akin ng helltrace.“Kumusta, masakit ba ang katawan?” tanong sa akin ni Keilys paglabas ko ng banyo. Naligo ako pagkatapos ng training namin.Umiling ako sa kaniya. “Sanay ako sa ganiyan. Matagal akong nag-training kasama ang helltrace, kaya hindi na bago sa akin ang ganito,” sagot ko sa kaniya habang nagsusuklay ng buhok.“Mabuti ka pa. Ako kasi, pakiramdam ko ay parang nagbugbog ng husto ang katawan. Ang daming pinagawa sa akin si Pap
Ilaria POVGabi na nung makauwi si Papa Sylas sa mansiyon. Saktong dinner na, kaya napatayo kaming lahat para salubungin siya.“Pa, ano pong balita sa police station?” tanong agad ni Keilys sa kaniya.“Nalaman mo na ba, mahal kung sino ang gustong manakit kina Keilys at Ilaria?” tanong naman ni Mama Keilani sa asawa niya.“Si Cane Trey,” mabilis na sagot ni Papa Sylas, kaya nagkatinginan kami ni Keilys.“Ang papa po ni Lorcan?!” namimilog ang mga mata ni Keilys, habang nakatingin sa Papa niya.Tumango si Papa Sylas. “Siya nga. Gusto niyang iligpit kayo dahil may hawak daw kayong alas laban sa anak niya. Ayaw daw nitong masira ang pangalan ng anak niya.”“So, anong plano mo, mahal?” tanong ni Mama Keilani.“Ilabas na ‘yang alas na hawak ninyo. Wala na e, gusto na niya kayong mamatay pareho. Hindi naman ako papayag na mangyari ‘yun. Sasampahan ko siya ng kaso, pagkatapos ay ilabas na ang baho niyang si Lorcan, para makaganti tayo sa kanila,” gigil na sabi ni Papa Sylas.“Pero, Papa Syla
Ilaria POV“Ilaria, dito ka lang. Tutulungan ko si Papa Sylas. Lalaki ako, ayokong maging duwag. Gusto kong kumilos din,” paalam ni Keilys.Tinignan ko siya ng masama. “Seryoso ka ba diyan? Baka mapahamak ka?” tanong ko pa. Ayoko sana siyang paalisin, pero mukhang desidido siya sa pagtulong sa papa niya.“Oo, mahal. Ayokong isipin ni Papa na alagain pa rin ako. Baka hindi niya tayo payagang maiwan sa Pilipinas kung sa ganitong maliit na labanan palang ay mukha tayong duwag,” paliwanag niya, kaya na-gets ko naman. Tumango na lang at hinayaan siyang iwan na muna ako.Pag-alis niya, natauhan ako. Tama siya, walang silbi ang lahat nang natutunan ko sa helltrace kung nagtatago lang kami ngayon. Kailangan ko ring ipakita kay Papa Sylas at Mama Keilani kung gaano ako katapang sa pakikipaglaban. Nag-isip ako ng paraan para makalaban.Dito sa room na kinaroroonan ay may nakita akong chopstick na tila ginamit sa korean food or kung ano man. Iyon ang naisip kong gamitin dahil hindi siya kahoy, k
Ilaria POVLumapit si Mama Keilani sa akin para yakapin ako. Pinunasan din niya ng kamay niya ang luha sa mga mata ko. Maging si Papa Sylas, lumapit para bigyan din ako ng yakap.“Huwag kang mag-alala, hija, tutulungan ka naming makamit ang katarungan sa pagkamatay ng Nanay mo,” seryosong sabi ni Papa Sylas sa akin.“Pero, Papa, patay na po ang Mama ni Lorcan,” sabi ko bigla. “Pero, hindi po ako ang pumatay. Si Lorcan. At iyon ay kasunduan naming dalawa,” dagdag ko pa.“Anong ibig mong sabihin, Hija?” naguguluhang tanong ni Papa Sylas, kaya doon ko na rin sinabi sa kaniya ang tungkol sa mga usb na nakuha ko sa kuwarto ni Lorcan.“So, dahil sa mga video na iyon, hawak mo siya sa leeg?” tanong naman ni Mama Keilani.“Opo, at kaya niya pinatay ang mama niya ay para tigilan ko na siya. Para safe na siya at para hindi masira ang pangalan niya,” paliwanag ko.Nagkatinginan tuloy sina Mama Keilani at Papa Sylas.“Gets ko na. Kaya ka pumasok na private nurse sa pamilya niya ay para maghiganti







