Home / Romance / Kakaibang Tikim / Season 5 (Chapter 72)

Share

Season 5 (Chapter 72)

last update publish date: 2026-04-06 22:29:51

Iliana POV

Kagabi, buhay na buhay ang mansion, maraming ilaw, may tugtog, may sigawan ng saya, may halakhakan na halos umabot sa langit. Para bang walang katapusan ang gabi.

Pero ngayon ay iba na ang klase ng tahimik. Wala na kasi ang ibang tauhan namin, umalis na at bumalik na sa kani-kanilang buhay dahil tapos na ang trabaho nila sa amin.

Nakatayo ako sa gitna ng garden, sa parehong lugar kung saan kami nagdiwang kagabi. Pero ngayon, wala na ang mga ilaw. Wala na ang banda. Wala na ang mga bo
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Kakaibang Tikim   Season 5 (Chapter 77)

    Iliana POVHindi ko inakalang darating ang araw na ako mismo ang mag-uutos na gibain ang malaking mansion namin. Napag-usapan naman na namin ito nila Mama at Papa. Pangit na rin kasi itong tirahan pa, lalo na’t maraming buhay ang nawala rito.Nakatayo na ako ngayon sa harap ng mansion. Ang dating makinis na marmol ay ngayon ay nagiging durog na bato na. Lahat ay sira na.Dito ako unang pumatay. Dito ako natutong lumaban. Dito rin ako natutong humawak ng sandata. Dito rin ako unang naging halimaw. Dito rin kami nagkakilala ni Kuki. Dito nagka-inlove-an. Sa totoo lang, marami kaming naging memories dito. Na kung mawawala ang mansion, mabubura na rin ang lahat ng iyon. Pero okay lang, karamihan kasi sa memories na mayroon dito ay sobrang lala. Kakaunti lang ‘yung mayroon kami ni Kuki.Naisip din kasi namin na gumawa na lang ng marami-raming magagandang memories. Hindi dito kundi sa maraming lugar.LUMIPAS ang ilang buwan. Hindi naging madali ang lahat bago kami nakaisip kung ano ba talaga

  • Kakaibang Tikim   Season 5 (Chapter 76)

    Iliana POVNasa harap kami ng isang steak house ngayon. Paboritong-paborito kasi talaga namin ni Kuki ang kumain ng steak, kaya dito niya ako naisip ayain ngayong araw. Steak ito kaya hindi ako nagdalawang-isip na sumama, patay na patay kasi ako sa steak kaya bakit ako tatanggi?Agad kaming sinalubong ng amoy ng inihaw na karne sa loob ng steak house. Ang cozy ng ambiance nung inikot ko ang tingin sa buong paligid. Saka dito, hindi masyadong maingay, hindi rin sobrang tahimik. Kumbaga ay parang saktuhan lang.Tapos, marami ring parang nagde-date, pero may mga pamilya rin na masayang kumakain.Pinaupo kami sa isang table sa gilid, mas maganda doon kasi medyo private ang atake. Pagkaupo ko, napansin kong nakatingin si Kuki sa akin.“What?” tanong ko sa kaniya.“Wala,” nakangiti niyang sagot. “Ang ganda mo kasi ngayon. Hindi ako sanay na nakikita kang ganiyang ka-fresh at may suot pang makeup.”Simula kasi nung matigil na ang labanan, siyempre, back to normal na. Binalik ko na rin ang mga

  • Kakaibang Tikim   Season 5 (Chapter 75)

    Iliana POVPagkatapos umisa sa sofa, pumangalawa pa nung sabay kaming maligo. Pinagpawisan kasi sa round one, kaya nag-round 2 pa sa shower. Hindi naman masyadong halata na sabìk kaming pareho.Wala na rin munang bihis-bihis, pagkatapos maligo ay nagtapis lang kami. Inaya ko na siyang pumunta sa dining area.“Hoy, nag-abala ka pa talagang um-order ng pagkain para sa akin,” sabi niya habang nakangiti.“For your information, hindi ko ‘yan order. Lahat‘yan ay pinag-effort-an kong iluto noh!” pagtatama ko sa kaniya. Tinignan niya ako nang nanlalaki ang mga mata. Hindi siya makapaniwalang luto ko ang lahat ng ito.“Weh, ‘di nga? Ikaw? Nagluto nito? Si Iliana na mataray, nagluto?” paulit-ulit pa niyang tanong.“Oo nga, mamatay man ako,” sagot ko pa sa kaniya habang sinasandukan ko na siya ng seafood pasta.Hinintay ko siyang kumain bago ako. Gusto ko kasing makita kung magugustuhan ba niya. Pagsubo niya ng seafood pasta, nakita kong napatango siya habang nakangiti.“So, approved ba?” tanon

  • Kakaibang Tikim   Season 5 (Chapter 74)

    Iliana POVPaalis na ako. May ticket na rin ako papunta sa China. Nakasakay na nga rin ako sa sasakyan kasi on the way na rin ako sa airport.Kainaman naman si Kuki dahil bigla siyang nagparamdam. Nung nasa kalagitnaan na ako ng biyahe papunta sa airport ay nakita kong nagpadala siya ng picture habang nakasakay sa airplane. Kasunod ng picture na iyon ang message niya sa akin.“See you, love.”Pagkabasa ko nun, pinahinto ko agad ang driver ko. Hindi na kami tumuloy pa sa airport. Imbis ay nagpahatid ako sa condo ko dito lang din sa Manila.“Mahal, nakakainis ka! Bakit ngayon ka lang nagparamdam? Bakit ngayong handa na akong lumipad papunta sa China. Mabuti pala ay nag-message ka na, kundi, pupunta ako ng China at pupunta ka naman dito sa Pilipinas,” reply ko sa kaniya.Hindi ko na hinintay ang reply niya. Alam ko kasing sa mga oras na ito ay nasa himpapawid na siya. Ngayon palang siya lilipad pauwi dito sa Pilipinas.Malapit lang ang condo ko kaya pagdating doon, namahinga na lang muna

  • Kakaibang Tikim   Season 5 (Chapter 73)

    Iliana POVMatagal din akong nawala sa company ko. Tuloy, parang si Ceska na ang kilala nilang CEO o boss dito.Pagbukas pa lang ng pinto ng main building ng kumpanya ko, sinalubong agad ako ng malamig na hangin mula sa air conditioning. Malinis. Mabango. Tahimik dahil aware silang magpapakita ako ngayon. Mukhang naka-todo nga ang aircon, parang nag-snow na sa lamig, pasabog.Humakbang ako papasok.Tak.Tak.Tak.Umalingawngaw ang tunog ng heels ko sa marble floor.Sa bawat hakbang ko ay may mga matang sumusunod.“Good morning, Ma’am Iliana.”“Ma’am, welcome back.”“Nice to see you again, Ma’am.”Sunod-sunod ang bati nila.Magagalang.Ngumiti ako ng bahagya, tumatango sa kanila habang naglalakad sa hallway. Maayos na lahat dito bago ako bumalik noon sa labanan. Inutos ko kasi kay Ceska na tanggalin ang lahat ng anay. At wala nang natira kahit isa. Pinasigurado ko sa kaniya iyon dahil ayokong may maiwan na malas.Habang naglalakad ako ay ramdam nila at alam nila na bumalik na ako.Haba

  • Kakaibang Tikim   Season 5 (Chapter 72)

    Iliana POVKagabi, buhay na buhay ang mansion, maraming ilaw, may tugtog, may sigawan ng saya, may halakhakan na halos umabot sa langit. Para bang walang katapusan ang gabi.Pero ngayon ay iba na ang klase ng tahimik. Wala na kasi ang ibang tauhan namin, umalis na at bumalik na sa kani-kanilang buhay dahil tapos na ang trabaho nila sa amin.Nakatayo ako sa gitna ng garden, sa parehong lugar kung saan kami nagdiwang kagabi. Pero ngayon, wala na ang mga ilaw. Wala na ang banda. Wala na ang mga bote ng alak na nakakalat sa lamesa.Ang natira na lang ay sariwang hangin at ang tahimik na ako.Mahigpit ang hawak ko sa Baby Lilix ko, kahit hindi ko naman siya kailangan ngayon. Siguro nasanay lang ako o baka gusto ko lang may mahawakan para hindi ako tuluyang malungkot.“Ang bilis,” mahina kong bulong.Kagabi, masaya. Ngayon ay oras na rin para magpaalam sa mga taong napalapit na rin sa puso ko.Narinig ko na ang mga yapak sa likod ko.Hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino.“

  • Kakaibang Tikim   Season 4 (Chapter 36)

    Keilys POVHindi ko muna sinabi sa kanila. Wala muna akong sinabi kina Vice Mayor Ash at sa mga konsehal.Mas mabuting tahimik na muna ako at malayo pa naman. Mas mabuting walang nakakaalam pa.Alam ko kung gaano kabilis kumalat ang balita. Isang maling bulong lang, isang maling tingin, at makarati

    last updateLast Updated : 2026-04-02
  • Kakaibang Tikim   Season 4 (Chapter 19)

    Iliana POVIniwan sa akin ni Sage ang sampung armadong tauhan niya. Ang bilin niya, gamitin ko raw kapag kailangan. Pero hindi siya ang masusunod sa lahat ng oras.Bumaba ko sa ibaba ng bahay ko. Nakita kong kasama ni Ceska ang sampung armado. Napairap ako, umaandar na naman ang pagiging malandi ni

    last updateLast Updated : 2026-04-02
  • Kakaibang Tikim   Season 4 (Chapter 21)

    Ilaria POVNag-focus muna kami dito sa mga taong nakausap namin ngayon dito sa may sapa. Ngayong hapon, agad-agad naming hinanda ang mga kailangan nila. Dumating agad dito ang isang truck na naglalaman ng mga pagkain, gamot, solar lights at mga kagamitang magagamit nila. Nagkontro kami ni Vice Mayo

    last updateLast Updated : 2026-04-02
  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 269)

    Ilaria POVHapon na, inaantok sana ako kasi buntis, tulugin at antukin talaga, pero nilalabanan ko dahil nagbabantay ako sa paligid. Mukhang tumatalino na rin si Vanessa dahil kaninang lunch pa sila hindi nagsasalita, o baka nakapatay na ang mic nila. Sa totoo lang, kapag ganitong hindi ko sila dam

    last updateLast Updated : 2026-04-01
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status