Share

Kabanata 42

Naguguluhan si Alea kung sino ang una niyang pupuntahan. Hindi na niya nakita pa si Iris nang matapos ang digmaan. At ang dalawang lalaking malapit sa kaniya ay parehong sugatan.

 Sa huli ay napagpasyahan niya na puntahan muna si Yulan dahil naroon din ang ibang mga sugatan lalong-lalo na ang si Boboy at si Avaleighra.

Nagpunta si Alea sa isang silid kung saan naroon ang mga sugatan at kasalukuyang ginagamot. Nakita niya ang nakahigang si Avaleighra at Boboy. Magkatabi ang dalawa 

at parehong walang malay. "Lumaban kayo. Sana ay gumaling na kayo at magising," sabi ni Alea sa dalawa habang nakahawak sa kamay ng mga ito. 

Nagpalinga-linga si Alea sa paligid. Hinahanap ng kaniyang mga mata si Yulan ngunit hindi niya ito makita roon. Nilapitan ni Alea ang isang kawal. "Magtatanong lang sana ako. Saan ko po makikita ang prinsipe?" tanong niya sa kawal.

"Paumanhin ngunit sa ngayon ay walang sino man ang pinahihintulutan ng hari na lumapit sa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status