Share

Kabanata 43

Nang makarating siya sa kaharian ay napansin niya kaagad ang kalungkutan na bumabalot sa buong paligid. Nilapitan niya ang isang kawal na nakatayo at nagtanong dito, "Alam mo ba kung saan ko makikita si Prinsipe Akillus?"

"Dinala ng mahal na hari ang mahal na prinsipe sa hardin ng kalayaan," sagot ng kawal. 

"Sige po. Maraming salamat."

 

Agad naglaho si Alea upang puntahan ang lugar na sinasabi ng kawal. Alam niya ang lugar na iyon dahil naipasyal na siya ng kaibigan doon.

Pagkarating pa lang niya ay dinig na niya ang iyakan ng mga naroon. Dahan-dahan siyang lumapit, nanginginig ang kaniyang mga tuhod at mga kamay. Taimtim siyang nagdadasal na sana mali ang kaniyang naiisip, na sana ayos lang ang kaniyang kaibigan at patuloy pa rin ito sa paglaban.  

Nang tuluyang makalapit ay nakita niya ang kaibigan na nakahiga sa isang puting higaan. Napapalibutan ito ng mga magagandang bulaklak na kulay puti. Ang nakababatang kapatid nit

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status