Share

Kabanata 50

Napatitig si Yulan sa mga mata ni Alea. 

Nang makita ng hari si Alea ay agad itong lumapit sa dalaga. "Ano ang iyong ginagawa rito? Hindi ba't may kasunduan tayo?" bulong nito. Hinawakan ng hari ang braso ni Alea at inilayo sa prinsipe. 

"Sandali lamang, ama. Nais ko muna siyang makausap," sabi ng prinsipe. 

Napatigil ang hari at dahan-dahang bumitaw sa pagkakahawak sa braso ni Alea. Humarap si Alea sa prinsipe at naghihintay sa sasabihin nito. 

"Ano ang iyong pangalan? Parang nakita na kita dati ngunit hindi ko maalala kung saan."

Hindi kaagad nakapagsalita at nakagalaw si Alea. Nakaramdam siya ng kirot sa puso na parang tinusok-tusok ito ng mga karayom nang marinig niya ang sinabi ng prinsipe. 

"Hindi mo siya nakikilala, mahal na prinsipe?" tanong ng babae ngunit hindi man lang ito pinansin ni Yulan. Nakatitig lamang ang prinsipe sa mukha ni Alea.

"Nagkita na ba tayo noon, binibini?" tanong ni Yulan kay Alea

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status