Share

Kabanata 49

Maagang gumising si Alea kinabukasan at nagpunta sa ilog. Ninanamnam niya ang lamig ng tubig na yumayakap sa kaniyang katawan. Nakapikit ang kaniyang mga mata, iniisip kung ano ang mga gagawing hakbang upang makuha ang dalawa pang natitirang piraso ng nabasag na brilyante.

Nang makaramdam ng gutom ay agad siyang naghanap ng prutas na mapipitas upang may makain. Lumapit siya sa isang malaking puno ng kahoy na may maraming bunga. Hindi niya maabot ang mga bunga nito kaya napilitan siyang umakyat sa puno. Umupo siya sa isang sanga habang kumakagat sa prutas na kaniyang nakuha. "Akala ko, mag-isa lang akong kakain ngayon. Mabuti na lamang at nandito kayo para ako'y sabayan sa pagkain," nakangiting sabi ni Alea. Natutuwa siyang pagmasdan ang mga maiingay at malilit na ibon na nakatungtong sa maliliit na sanga. Kumakain din ang mga ito kagaya niya.

Tumayo si Alea at umakyat sa pinaka-itaas na bahagi ng puno. Pinagmamasdan niya ang kulay asul na kalangitan. Ipinikit niya ang

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status