Share

Kabanata 2

Penulis: Youniqueen
last update Terakhir Diperbarui: 2020-07-30 12:20:07

KABANATA 2

NARAMDAMAN ko ang mabilis na pag-init ng sulok ng aking mga mata, hudyat na may luhang nagbabadyang pumatak. Isinuot ko na lang ang earphones sa aking mga tainga at minabuting tumingin sa labas ng bintana.

Ayoko nang marinig ang mga sasabihin niya kahit gusto kong sumagot at sabihin na hindi na lang sana niya ako sinundo. Labag naman pala iyon sa kalooban niya. Pero mas pinili kong manahimik na lang. Manahimik at ipunin ang lahat ng masasakit na sinasabi. Iyon lang naman ang tangi kong magagawa, e. Ang kimkimin ang lahat ng masasakit niyang salita.

Noong bata pa lang ako, ramdam kong malayo ang loob sa akin ni Papa. Iba ang pakikitungo niya sa akin. Pero palagi pa rin akong nagpapakitang-gilas para lang makuha ang loob niya. Sumasali ako sa mga school activities, contest, sports, at nag-aaral ako nang mabuti para mataas ang gradong makuha ko. Pero ang lahat ng iyon, balewala lang sa kan’ya. Balewala ang lahat ng paghihirap ko. Walang kuwenta ang mga parangal na natanggap ko.

Palaging si Miana—ang nakababata kong kapatid—ang magaling sa mga mata niya. Palagi na lang akong nakikipaglaban para lang makuha ang atensyon ni Papa. Kahit na sa huli, ako rin ang talunan. 

Napangiti ako nang maalalang sinabihan niya si Miana ng, “Ang galing naman ng anak ko! Proud na proud ako sa ‘yo!” kahit na Top 10 lang naman ito sa klase nila. Pero noong naging Top 2 ako, ang sinabi ni Papa sa akin, “Top 2 lang? Bakit hindi ka nanguna? Hindi ka talaga nag-aaral nang mabuting bata ka! Sayang lang ang ginagastos ko sa 'yo! Puro pakikipaglandian ang inaatupag mo!” 

Hindi pa pala sapat iyon. Kahit ano ang gawin ko, hindi iyon magiging sapat. Sa tuwing kausap nga niya ang mga kaibigan niya, wala siyang ibang bukambibig kundi si Miana. Miana, Miana. 

Pesteng Miana!

Noon, hindi ko lubos na maintindihan  kung bakit mas paborito ni Papa si Miana. Samantalang mas magaling at mas matalino naman ako kumpara sa kapatid ko. Hindi ko maintindihan kung bakit palagi na lang siyang galit sa akin. Wala naman akong ginagawang masama. Palagi na lang akong mali at si Miana ang tama. Madalas pa niya akong pagbuhatan ng kamay kahit na kaunti lang ang pagkakamali. Si Miana, ni isang pitik ay hindi sinaktan. Puro pag-aalaga ang ibinibigay rito. 

Isang pangyayari noon ang nagbigay ng linaw sa lahat ng katanungan ko. Naalala kong galit na galit sa akin si Papa nang minsang maaksidente si Miana. Oo, ako na ang may kasalanan. Nang mga sandaling iyon, nakita ko ang panggigigil sa mga mata niya na para bang gusto akong saktan. 

Iyak ako nang iyak habang patuloy ang pagsabi ko ng, “Patawad, Papa! Hindi ko po sinasadya. Hindi ko po ginustong mapahamak si Miana.” 

Biglang sumikip ang dibdib ko. Hanggang ngayon, nakatatak pa rin sa isip ko ang isinagot niya, kahit dalawang taon na ang nakakalipas. 

“Huwag mo na akong tatawaging papa, dahil hindi kita anak!”

Isinampal niya sa akin ang masakit na katotohanang anak lang ako sa labas. Anak ako ni Mama sa ibang lalaki. Iyon pala ang dahilan kung bakit malayo ang loob sa akin ni Papa. Iyon din ang dahilan kung bakit mas malapit siya kay Miana. Siya lang ang totoong anak. Iyan ang tingin ng lahat. 

Hindi niya ako totoong anak. 

Simula nang malaman ko iyon, maraming reyalisasyon ang pumasok sa isip ko. Napakasama niya. Wala siyang puso. Hindi ko alam kung bakit ipinagsiksikan ko pa ang sarili ko sa kan’ya. Hindi ko alam kung bakit ginusto ko pang makuha ang atensyon niya. Hindi siya ang karapat-dapat na maging tatay ko, dahil kahit kailan, hindi niya ako minahal nang totoo. 

Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko na ipinagpilitan pa ang sarili ko sa lalaki. Iyon din ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon. Mas pinili kong tahakin ang landas na gusto ko, kahit alam kong mali.

Tinanggal ko ang earphones sa aking mga tainga nang huminto ang sasakyan sa harap ng bahay namin. 

“Sa susunod na magsumbong ulit sa ‘kin ang guro mo, malalagot ka sa ‘kin!” banta niya. Hindi ko siya pinansin at dali-dali akong umibis sa sasakyan. Napailing ako bago tuluyang pumasok sa aking kuwarto. Hindi ko alam kung bakit pinakikialaman niya ako ngayon. Hindi niya ako anak kaya wala siyang pakialam sa mga bagay na gusto kong gawin sa buhay ko. 

“Kausapin mo ‘yang anak mo, Erlinda!” Narinig kong bulyaw niya bago padabog na isinara ang pinto ng kuwarto nila. Narinig ko naman ang mga yabag ni Mama patungo sa kuwarto ko. Kumatok muna siya. Pero nang hindi ko pinagbuksan ay siya na mismo ang pumasok. 

“Ano ‘yon?” halos pasigaw na sabi ko.

May isenyas siya sa akin na hindi ko maintindihan, ngunit bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Napailing na lang ako sa inis. Marami pa siyang isinenyas na wala rin naman akong balak na intindihin. Kinuha ko ang kumot sa paanan ng kama at nagtalukbong. Hindi pa ako nakakapikit, tinanggal niya ang kumot na nakabalot sa akin at nagpatuloy sa pagsenyas. 

Inirapan ko siya at tumalikod. “Ewan ko sa ‘yo!” 

Hindi ko mapigilan ang pagbugso ng inis na namumuo sa dibdib ko. Mukha siyang tangang sumisenyas ng mga walang kuwentang bagay.

Hindi nakakapagsalita si Mama. Ipinanganak siyang hindi nakakapagsalita. Maganda nga iyon dahil kung nagkaroon siya ng boses, baka sinermunan din ako. Mas lalong lang nakakabuwisit kung dalawa pa sila ng lalaking iyon—na kung maka-asta, akala mo ay isang hari—ang manenermon sa akin. Nakakabingi. 

Naramdaman kong lumapit sa akin si Mama. Natigilan ako nang marahan niya akong niyakap at hinalikan sa noo. Mas lalo akong nabuwisit sa ginawa niya kaya bahagya ko siyang itinulak.

“Puwede ba? Umalis ka na nga! Magpapahinga na ako!” 

Hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng magulang sa mundo, iyong mga magulang na walang kuwenta pa ang ibinigay sa akin. Iyon pang walang silbi at pipi. Minsan, hindi ko na rin napipigilang kuwestyunin ang Diyos kung malaki ba ang galit niya sa akin kaya ganito ang buhay ko ngayon. 

Rumehistro ang lungkot sa mukha niya kasabay ng pagyuko. May huli pa siyang isinenyas sa akin bago tahimik na lumabas ng aking kuwarto. Bumilis ang paghinga ko sa sobrang inis. “Pesteng buhay 'to!” bulalas ko at isa-isang inihagis ang mga unan. 

Ako na ang pinakamalas na taong nabubuhay sa mundo. Ayoko ng ganito! Hindi ito ang buhay na pinangarap ko. Ano ba ang kasalanan ko? Bakit ako pinarurusahan nang ganito?

“Peste!” Naramdaman ko ang pamumuo ng maiinit na likido sa aking mga mata. “Peste kayong lahat!” 

Hindi ko na napigilan at tuluyan nang umagos ang luha na iyon. Unti-unti akong napaupo sa sahig at marahas na inihilamos ang dalawang kamay sa aking mukha. 

Noon pa man, naisip ko, kung ganitong buhay lang din pala ang ibibigay sa akin, sana ay namatay na lang ako. Tutal, hindi ko naman alam kung ano ang silbi ko sa mundo. Hindi ko alam kung ano ang rason para mabuhay ako. 

Kinuha ko ang matalim na bagay sa ilalim ng kama. Isang bagay na karamay ko sa tuwing nag-iisa ako. Isang bagay na pansamantalang nag-aalis ng sakit na nararamdaman ko. 

Pinaghalong kaba at pananabik ang naramdaman ko nang tiningnan ang talim ng maliit na kutsilyo. Nakagat ko ang aking ibabang labi sa sobrang sakit nang idiin ko iyon sa aking balat at paulit-ulit na pinadulas. May mga dugong pumatak sa puting sapin sa kama. Ito lang naman ang kaya kong gawin—ang saktan ang sarili ko. Iyon ay upang mabawasan ang sakit na dinadala ko sa dibdib. 

Mas lalo ko pang diniinan. Napasigaw ako, ngunit alam kong sa isip ko lang iyon dahil wala namang boses ang lumabas sa bibig ko. Sa isang mabilis na kilos, napaigik ako sa sakit nang muling dagdagan ang mga sariwang sugat na malapit sa pulso.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)   Kabanata 28

    KABANATA 28ISA si Roan sa mga nagpamulat sa akin kung gaano kahalaga ang Panginoon.“Ginamit lang ako ng Panginoon para ituro sa iyo ang tamang daan. At kahit ano pa ang mangyari, mananatili ako sa tabi mo.” Pinisil-pisil ni Roan ang mga kamay ko. “Mamimiss man kita, malulungkot man ako dahil hindi na kita palaging makikita, pero magiging masaya ako ulit oras na maisip ko kung bakit ginawa mo iyon,” usal niya. “Gusto kong malaman mo na isang daang porsyento ang suporta na ibibigay ko sa ‘yo, Elyne.”Parang natunaw ang puso ko nang marinig ang mga iyon.“Susuportahan kita dahil alam kong iyan ang tunay na magpapasaya sa ‘yo. Susuportahan kita dahil alam kong sa gagawin mo na ‘yan, mas lalo kang mapapalapit sa Panginoon.”Hindi ko maiwasang mapangiti habang nangingilid ang mga luha ko. “Salamat, Roan.”Marami na akong

  • Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)   Kabanata 27

    KABANATA 27KUNG mayroon man akong lubos na ipagpapasalamat kay Mama at Papa, iyon ay ang pinalaki nila si Luci nang may takot sa Diyos. Naalala kong isang taong gulang pa lamang siya’y puro kanta na sa simbahan ang kan'yang kabisado. Habang papalaki siya’y napansin namin na masaya siya tuwing nagsisimba kami ng sama sama. Kahit kaila’y hindi ko siya narinig na nagreklamo kahit ilang misa pa ang tinatapos nila. Ayaw din niyang inaabala siya kapag tahimik siyang nakikinig kay Father.Sa bahay kung minsa’y siya pa ang nagpapaalala sa ‘min na magdasal muna bago kumain. Siya rin ang madalas na nangunguna sa pagdarasal. Kasama rin namin siya nila Mama at Papa sa tuwing nagrorosaryo kami at araw araw namin iyong ginagawa.Isa si Luci sa mga dahilan kung bakit napatawad ko si Papa at muling tinanggap. Nang makalaya siya mula sa kulungan dahil sa kasong pagnanakaw, kaagad niya kaming pinuntahan ni Mama.

  • Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)   Kabanata 26

    KABANATA 26NAPAPIKIT ang mga mata ko nang umihip ang malakas na hangin. Nang dumilat ako’y agad kong natanaw ang maliwanag na langit, na para bang hindi man lang nabahiran ng kahit konting dilim. Ang kombinasyon ng kulay asul na kalangitan at kulay puting mga ulap na nakapaligid dito’y nakakalmang pagmasdan. Para bang hindi ko na gugustuhin pang lumubog ang araw at dumilim nang husto ang magandang kalangitan.Dumapo naman ang aking tingin sa isang kulay kayumangging dahon na nahulog sa aking harapan. Nang muling umihip ang malakas na hangin, unti-unting itong gumalaw at sumamang lumipad sa himpapawid. Na para bang isa itong malaking problema na sa isang iglap ay tinangay na lang nang malakas na hangin.Bahagya akong nagulat nang makita ang isang batang babae sa gilid ko. Nakangiti siyng nakatingin sa akin.“Kanina ka pa ba riyan?”Unti-unti siyang umiling. “Hindi naman po.&rd

  • Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)   Kabanata 25

    KABANATA 25“ELYNE, ngayong alam mo na, gusto ko lang ding ipaalam sa ‘yo kung gaano ka kamahal ng Mama mo.”Bumungad sa akin ang malungkot na ngiti sa mga labi ni Papa.“Saksi ako noong mga panahon na ipinagbubuntis ka pa lang niya. Pinipigilan niyang maging emosyonal dahil makakasama iyon sa kan’ya. Iniiwasan niyang magpalipas ng gutom dahil makakasama sa ‘yo. Palagi siyang umiinom ng gatas at mga bitamina para sa buntis dahil gusto niyang malusog kang lalabas. Palagi din siyang nagpapatingin sa doktor upang siguraduhin ang kalusugan mo.”Naramdaman ko ang mabilis na pagragasa ng mga panibagong luha ko sa mata. Gusto ko lang umiyak nang umiyak hanggang wala nang luha ang lumabas sa mata ko.Ano’ng silbi ng mga salitang ‘yon kung ngayon ko lang ito nalalaman? Bakit hanggang ngayon ayaw pa rin ipoproseso ng utak ko lahat ng aking natutuklasan?&l

  • Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)   Kabanata 24

    KABANATA 24“TOTOO na walang awa siyang ginahasa ng totoo tatay mo.”Alam ko na ang sagot pero bakit ang sakit pa rin ng kumpirmasyong iyon? Bakit parang bininiyak ang puso ko?“Gusto kong patayin ang hayop na ‘yon noon dahil binaboy niya ang pinakamamahal kong babae!” Puno ng galit ang tinig ni Papa habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha.Parang mas lalong piniga ang puso ko.“Sobrang sakit na malamang ganoon ang sinapit niya. Kaya ako nagsusumikap sa pagtatrabaho dahil gusto kong bigyan ng magandang buhay ang Mama mo. Gusto kong huwag na siyang alilahin ng pamilya niya. Gusto kong huwag na siyang maghirap pa.”Bawat salitang lumalabas sa kan’yang bibig ay tumutusok sa puso ko.Huminga nang malalim si Papa. “Tiniis ko ang lahat dahil gusto ko, pagbalik ko, ihahatid ko na lang siya sa altar. Lahat ng pangarap namin ay nagawan ko na ng para

  • Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)   Kabanata 23

    KABANATA 23MASAKIT isipin na ngayon siya hihingi ng tawad kung kailan hindi pa rin nagigising si Mama. Masakit isipin na ngayon niya napapagtanto ang mga maling ginawa niya kung kailan huli na. Kung kailan hindi na maibabalik pa ang mga nangyari na. Masakit isipin na kailangan pang umabot sa ganito bago niya mapagtanto.“Nagsisisi na ‘ko. Sising-sisi ako.”Muli ko siyang hinarap kasabay nang mabilis na paglandas ng luha sa aking pisngi. Pakiramdam ko’y nabingi ako. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Sa buong buhay ko’y ngayon ko lang narinig mula sa kan'ya ang mga salitang ‘yan. Sa buong buhay ko ngayon ko lang siya nakitang umiyak para kay Mama.“Nagsisisi na ‘ko sa lahat nang ginawa ko,” basag ang boses na usal niya. Sinubukan niyang abutin ang kamay ko pero maagap ko itong inilayo. “Maniwala ka man o hindi pero hindi ko sinasadyang gawin &lsquo

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status