Share

Kassel De Jesus
Kassel De Jesus
Author: coleamythyst

PROLOGUE

"Uh?" Pagkuha ko sa atensyon nito. Seryoso pa rin ang mukha niya. Ako na ang umiwas ng tingin at ibinaling nalang kay Laine na ngayo'y... tulala? Anyare?

Pinitik ko ang daliri sa harapan niya at nang magising naman siya sa katotohanang hindi siya crush ng crush niya. Charot! Para naman siyang nagulat sa ginawa ko.

"Tama ba itong nakikita ko, Kass? Si Zayin

Matheo Carson ba talaga itong kaharap ko? As in, that Zayin Carson? Ang Genius Prince ng Grade 12-ABM? Ang Class President na classmate ng Xiarin ko? Kass, tell me! Tell me I'm not hallucinating!" Bigla ay sigaw ni Laine na ikinangiwi ko. Ano bang nangyayari sa babaeng ito? At ano daw? Xiarin ko? Kapal much naman.

Hinawakan ko ang babaeng ito sa braso sa nagpapasensya ng tumingin sa lalaki sa harap. "Sorry, Kuya. Medyo bangag pa itong kaibigan ko. Pasensya na talaga," ani ko saka hinigit na si Laine papaalis. Bago pa ako makalayo ay narinig ko siyang magsalita.

"What's your name, Miss?"

Tumigil ako sa paglalakad at muli siyang nilingon. "Kassel po. Kassel De Jesus," nakangiting sagot ko bago ipinagpatuloy sa paghila sa babaeng hanggang ngayon ay tulala pa rin. Ganito ba talaga ang epekto kapag nakakita lang sa crush mo? Hindi ako maka-relate, eh. Makahanap na nga. Walang halong biro. Pwede na kaya yung si Kuya? Hehe.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status