Share

GULO #1

ISA

Kassel POV

Sumisipol-sipol ako at nakapamulsa habang naglalakad papunta sa trabaho. Nakangising kinakawayan ko ang mga alagad

ko na nasa tabi-tabi lang.

"Hoy, KaselBilisan mo at tumulong ka na dito!" sigaw ng matanda at mataba kong amo na si Ate Loy. Maitim rin siya kaya para siyang nasunog na lechon. Hahaha. Natawa ako do'n, ah?

"Ate LoyKassel po at hindi KaselSosyalan nyo naman po. Antagal ko na dito, ganyan pa rin ang pagbigkas nyo sa pangalan ko," kamot ang ulong sabi ko. Pinandilatan nya ako ng mata. Lalo tuloy nakadagdag sa kapangitan nya. Haha.

"Sus! Pareho lang naman 'yon. Puro ka reklamo! Hala! Doon ka sa kusinaMaghugas ka ng mga pingganBilis!" utos nya ng pasigaw kaya napanguso ako at dumiretso na sa kusina. Psh. Totoo naman ang sinabi ko.

"Hoy, Kassel. Inaway mo na naman yung mataba—este matanda. Buti nalang hanggang ngayon hindi ka pa sinasante,sabi ni Ate Karol, katrabaho ko. Nginisihan ko nalang siya. Nasa isang karinderya ako nagtatrabaho. Minsan taga-hugas, minsan naman waitress. Depende nalang kung saan ako ilalagay ni Ate Loy. Hindi pa ako nakakalahati sa paghuhugas nang tawagin na ako ng tabachoy kung amo.

"KaselPumunta ka dito, may iuutos ako."

Agad akong pumunta doon para hindi na mabulyawan pa. Ang ingay pa naman nya. Mahihiya ang paring nagmimisa sa haba ng sermon nya.

"Oh," aniya sabay abot ng papel at barya, "Bilhin mo ang lahat ng nasa listahan na 'yan. Kapag may kulang kahit isa, ibibitin kita patiwarik. Naiintindihan mo?" dugtong nya at pinandilatan ulit ako na mga malalaki nyang mata. Tumango nalang ako at hindi na nagsalita pa. Agad akong pumunta sa palengke at binili lahaaaaaat-lahat ng nasa listahin. Baka ibitin pa ako patiwarik kapag may kulang. Pero alam ko namang hindi gagawin 'yon ni Ate Loy. Lab na lab kaya ako 'non. Hehehe.

Pasipol-sipol ulit ako habang naglalakad nang may nakita akong matandang lalaki na hino-holdap. Agad akong kumaripas ng takbo at mahigpit na hinawakan ang supot ng pinamili ko papunta sa pwesto nila.

"Psst!" sitsit ko kaya napatingin sila sa akin.

"Hoy! Bitawan mo yang matanda na 'yan!" sigaw ko pagkalapit ko sa kanila. Napansin ko ang itsura ng matanda. Kulubot na ang mukha nito at puti na ang kanyang buhok. Butas-butas na rin ang kanyang damit. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang kulay ginto nyang relo at singsing. Muli kong ibinalik ang tingin sa holdaper.

"Ikaw!"turo ko holdaper, "Bitawan mo siya! Wala kang awa. Ang tanda-tanda na niyan

nanakawan mo pa. Wala kang puso! Ang saging lang talaga ang may puso! Ang saging lang! Hindi ka naawa sa matandang

gurang

na'toHalata na ngang

pulubinanakawan mo pa!" madrama kong sigaw kaya napakamot sa ulo ang holdaper.

"Ang ingay

n'yo naman, boss.Nilait mo pa si lolo. Balato mo nalang 'to sa'kin. Ito lang naman eh," aniya at tinuro pa ang relo ni Tatang kaya pinandilatan ko siya gamit ang magaganda kong mata.

"Hoy! Wala ka talagang awa, hinayupak ka. Umalis ka dito. Doon ka mangholdap sa ibang lugar. Wag dito sa teritoryo ko, kaya alis! Shoo!" pagtataboy ko sa kanya.

"Eh, boss, lahat naman teritoryo mo. Ikaw kaya ang reyna ng Baranggay

Mabuti, Hindi Mapagsamantala At Magalang pa 101 Street. Kahit nga doon sa kabilang

baranggay,pangangatwiran nya. Napangiwi tuloy ako ng banggitin nya ang buong pangalan ng lugar namin. Hindi kasi bagay sa mga tao dito. Kuta pa naman 'to ng mga kawatan—este mabuting mamamayan.

"Aba! May reklamo ka? Ito o," initsa ko sa kanya ang isang daan, "Yan. Pang-kain mo. Tipirin mo 'yan tapos

umalis ka na dito. Baka gusto mo nito?" ani ko at umakto pang susuntukin siya kaya umiling siya at kumaripas na ng takbo. Napabuntong-hininga nalang ako at nilapitan yung matanda.

"Ayos ka lang, Tatang?" tanong ko sa kanya at iginiya siya para umupo sa malapit na bens. Kung hindi n'yo alam ang bens, english yan ng upuan sa parke. Oh diba? Ang galing ko.

"Ayos lang ako, inengSalamat sa pagtulong mo."

"Kayo naman po kasi, ano

kasing

pumasok sa isip nyo para magsuot ng relo at singsingTakaw-atensyon kaya 'yan sa mga holdaper. Dito pa talaga kayo napunta. Alam nyo namang

maraming

holdaper dito, pasalamat kayo at nakita ko kayo.  Nga pala, saan ba galing 'yan? Naku

Tatang ha, saan n'yo naman ninakaw 'yan? NakunakunakuIbalik

n'yo na po 'yan. Masama 'hong magnakawTatang,mahabang litanya ko at umiiling-iling pa. Natawa naman itong matanda katabi ko.

"Grabe ka naman, hija. Kanina mo pa ako nilalait. Hindi ko naman ninakaw ang mga ito. Pagmamay-ari ko ito, ineng,natatawang ani nya.

"Weh? Wag n'yo po akong pinaglolokoTatang."

Natawa ulit siya. "Taga-saan ka ba, hijaNasaan ang mga magulang mo? Anong pangalan mo? Saan ang bahay n'yo? May mga kapatid ka ba? O, nag-iisang

anak ka? Ilang taon ka na? Nag-aaral ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Tatang kaya itinapat ko ang palad ko sa kanyang mukha.

"Hep! Iziii! Isa-isa lang po sa pagtatanong. Ang rami naman ng katanungan

n'yoTatang. Hindi naman halatang

kuryos

kayo sa akin, no?"

Kumunot ang kulubot na noo ng matanda. "KuryosBaka curious ang ibig mong sabihin, ija. Anyway, maaari mo bang sagutin ang mga tanong ko?"

"Okay," kibit-balikat kong pagpayag kahit kataka-taka ang mga tanong nitong matandang 'to. "Una, taga-dito lang po ako at ulilang

lubos na. Ang bahay ko po ay ang buong

baranggayKahit

saang

kalye, sa abandonadong bahay, sa karinderya o kahit na saan basta may matutulugan. Oks lang naman po sa'kin. Ang pangalan ko ay Kassel, labing-pitong

taong

gulang at nag-iisang

anak. Nag-aaral sa isang publikong

eskwelahan na malapit lang dito. Naniniwala sa kasabihang'Life is better if you have money.' O, ha, english 'yon. And I, thank you!" ngiti-ngiting sabi ko at kumaway-kaway pa na parang nasa isang contest.

"Hija," tawag sa akin ni Tatang at nakitang seryoso ito kaya naglinya ang mga labi ko, "Gusto mo bang ampunin kita? Wala na akong anak at wala ring apo. Wala akong kasama sa bahay at nakakausap na kaya akong patawanin ng ganitoNalulungkot ang isang matandang

tulad ko."

Napahalakhak ako sa sinabi ng matanda. Ampunin? Hahaha. Nakakatawa naman itong sa Tatang. Butas-butas na nga ang damit nya tapos mag-aampon pa siya? Galeng!

"Tatang, hindi naman po sa nilalait kita ah? Pero, matanda na po kayo at hindi sapat ang kinikita ko sa karinderya para sa ating

dalawa. Hindi rin po kita maaalagan ng maayos dahil may trabaho ako. Bibili pa po ako ng mga gamot

n'yo na alam kong ang mahal-mahal. Wag nalang po," pagtanggi ko at napakamot sa ulo.

"Paano kung sabihin kong pa-aaralin kita? At hindi mo na kailangang

magtrabaho pa? Papayag ka?" pangungumbinsi ni Tatang kaya napabuntong-hininga ako.

"Kung totoo lang sana po 'yan, edi gora ako. Kaso, hindi naman. Masakit

umasaTatang," mahinahong sabi ko at tumayo na.

"Aalis na po ako. May trabaho pa po ako eh. Umuwi na po kayo. Wag kayong mag-alala dahil hindi na kayo babalikan nung holdaper na 'yon. Sige, una na ako, Tatang." sumaludo ako sa kanya at umalis na.

Narinig ko pang tinawag nya ako kaya kumaway nalang ako ng hindi siya hinaharap.

"KaselBa't ngayon ka lang?! Gaano ba kalayo ang palengke at ang tagal mong dumating? Saan ka na naman nagpupupunta, ha? Ang tagal-tagal mong bata ka! Saan ka na naman nagsusu-suot at inabot ka ng ganitong oras?! Mabuti sana kung...."

mahabang sermon ni Ate Loy. Ang raming satsat. Parang armalite ang bunganga ng tabatchoy na'to. Haaays.

"Ate Loy, ang dugo

n'yo po baka tumaasHinay-hinay po sa pagsigaw. Kayo po, baka himatayin kayo. Wala na ang pinakamagandang

tindera at tagaluto dito sa karinderya. Diba mga kasama? Diba?" pambobola ko at dinamay  pa ang mga kumakain. Mabuti nalang at tumango-tango naman sila. Hilaw akong ngumiti kay Ate Loy nang makitang unti-unti na siyang humihinahon.

"Oh, nasaan na yung sukliSobra yung ibinigay ko sa'yoKasel,sabi nya at naglahad ng kamay. Naalala ko tuloy yung isang daan na ibinigay ko sa holdaper. Patay. Sukli pala 'yon. Kaya pala nagtaka ako nung may pera ako sa bulsa. Peke akong natawa.

"Sukli? Wala naman po, Ate LoyTamang-tama nga lang yung pera na binigay nyo eh. Saktong-sakto sa inutos nyo. 'Lam n'yo na, nagmamahal na ang bilihin ngayon kaya wala ng sukling

natiraNaghihirap na naman kasi ang Pilipinas. Marami na naman kasing

nakukuha ang mga kurakot na opisyal. Kaya ayun. He-he-he," pagrarason ko. Lumaki na naman ang mga mata nya at parang sisigaw na kaya hinimas-himas ko ang malalaki at maiitim nyang braso.

"Easy lang, Ate. Ang ganda-ganda n'yo ngayon ah? Lalo kayong

gumaganda araw-araw sa paningin naming lahat. Mas lalo pa kayong

sumexy. Hehehe. Ibang-iba ang kurbada natin ngayon, Ate Loy. Oo nga pala! Sa kusina lang po ako at ako'y

maghuhugas na ng mga pinggan. Alam kong kanina pa nila ako hinihintay at siguradong

sabik na sabik na sila sa akin," ani ko at kumaripas ng takbo papunta sa kusina. Rinig-rinig ko mula dito ang sigaw ni tabachoy—este Ate Loy. Uy, rhyme! Hahaha.

"Kaseeeeeeeeeeeeeeeeel!!"

~*~*~*~*~*~*

Kassel pronounced as castle. While ang Kasel

ay kasintunog ng kahel. Gawin mo lang na ang h.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status