>xiii<
"Nikki... Please... Don't fall in love with me... "
Ang huli niyang sinabi sakin bago siya umalis sa ospital ilang buwan na ang nakakaraan. Tsk. Parang gusto kong maiyak kapag naaalala ko iyon. Gago na yun. Para na niyang sinabi na wag akong huminga. Pwes para sabihin ko sa kanya, huli na siya. I already fell for him. Peste namang mata to, nagbabadya na naman.
Oo na, umiyak ako ng mismong pagkaalis nya. Pero pinapangako ko, iyon na ang huling pagkakataong iiyakan ko sya dahil itaga nya sa bato, kakalimutan ko na talaga sya. Akala nya kung sino sya, bwisit na yun. Teka nga, bat ba inaalala ko yung hinayupak na yun. Umagang-umaga sya agad nasa isip ko. Dapat wala na akong naaalala. Wala na akong kilalang-- Ugh! Hindi ko na babanggitin ang pangalan niya. He-who-must-not-be-named. Tama! Parang si Voldemort lang.
Bumangon na ako para makapag-ayos at papasok pa ako sa trabaho bilang waitress sa La Preia restaurant na pinagtatrabahuhan din ni Cess. Salamat sa kaibigan ko at nakapasok ako dun. Malaki kasi at sikat iyon kaya napapabalitang mahirap ngang mag-apply duon. World class din kasi ang La Preia dahil na rin sa chains of restaurants nito around the globe. Sossy di ba? Kaso mahirap ang trabaho. Bukod sa hindi ito ang forte ko ay wala akong experience bilang waitress. Okay lang sana kung sa mumurahing resto e kaso hindi, sa may class pa. Yung tipong puro mayayaman lang ang kumakain. Buti na nga lang at madali akong natuto kung hindi baka wala pang isang minuto ay tanggal na ako sa work. Nang natapos akong mag-ayos ay agad na din akong umalis at baka matraffic pa ako. Sabagay for life na naman ang traffic sa Pinas, may bago pa ba?
After one million years, nakarating na din ako sa trabaho. Sarado pa ang resto pero may ilan na akong katrabaho na nag-aayos at naglilinis sa loob. Ganito ang routine namin sa umaga bago magbukas. Pahinga muna ng konti pero hindi naman nagagalit ang manager namin dahil kapag nagbukas na ay sunod-sunod na ang customers. Iyon na ang lumalabas na pinaka-breaktime namin.
"Morning Niks," masayang bungad sa akin ni Sir Loki, ang store manager namin, nang salubungin nya ako sa pinto. Nakita ko kasing nalingunan niya ako kanina nang malapit na ako.
"Morning sir," balik ko sa kanya ng may ngiti habang pigil nya pa rin ang pinto para makapasok ako.
Nginitian din niya ako ng matamis. Aist! Kinikilig ako. Gwapo na, gentleman na, mabait pa. Nakakalimutan ko tuloy si Marione pag nakikita ko si Sir Loki. Ugh! Bakit ba binanggit ko na naman ang pangalan nun? Erase! Erase! Basta kinikilig ako kay Sir Loki.
Hindi naman siya ganito kabait sa akin noong una. Medyo ilag kasi sya sa akin noon kaya ganun din ako sa kanya. Muntik ko na ngang isipin na natural na sa lalaki ang bipolar dahil si Mar--oops-- He-who-must-not-be-named pala, ganun din. Pero noong una lang naman iyon, noong nagtagal naging okay na ang pakikitungo nya sa akin. Mabait naman pala sya, maalalahanin pa. Total package talaga. Pwede nang boyfriend material. Feeling ko nga nagkaka-crush na ako sa kanya. Although hindi crystal gray ang mata nya pero gwapo pa din. Ipinilig ko ang ulo ko. Bakit ba kinukumpara ko sa gray eyes ni ano? Nakakainis na.
Matangkad din naman si Sir Loki. Broad shoulders, lean body, strong features, pointed nose, thick brows, deep black eyes and red lips in a total summarization, he's a sizzling heartthrob in broad daylight kaya halos lahat ng katrabaho ko nagkakagusto kay Sir. Madalang na kasi ang ganito ngayon kaya siya pinagkakaguluhan. Kumbaga, rare specie ba. And when it comes to nagkakagusto, nangunguna na dyan si Abbie. Naikwento kasi sakin ni Cess noong bago palang ako na huwag gaanong pakadikit kay Sir Loki dahil kay Abbie. Matagal na daw kasi itong may gusto kay Sir ang kaso nga lang hindi sya gusto ng huli. Kaya sa madaling salita, one sided love ang eksena nila.
Maganda naman si Abbie kung tutuusin. Mas maganda pa nga sya kaysa sa akin. Maputi at sexy pa. Kaya hindi ako makapaniwala na hindi siya magustuhan ni Sir Loki. Pero siguro hindi lang talaga dapat puro ganda, dapat pati ugali din. Nakikita siguro ni Sir ang ugali nya. Mataray kasi si Abbie kaya hindi niya gaanong makasundo ang mga katrabaho niya. Lalo na kapag nalalaman niyang may nagkakagusto kay Sir, pinag-iinitan niya agad. Palibhasa, matagal na siya dito kaya walang makakontra sa kanya.
Tulad ngayon, nitong nakakaraan kasi parang biglang nag-iba ang pinapakita ni Sir Loki. Oo nga't mabait na sya at maalalahanin, ang kaso, pakiramdam ko ay mas nadagdagan pa yata. Alam ko at ramdam ko naman na iba na ang ipinapakita niya sakin dahil nakikita ko ang trato niya sa iba. Pero kahit na kinikilig ako, sa gwapo ba naman ni Sir, ay pinipigilan ko. Dahil na rin sa iba na ang tingin sakin ni Abbie. Hindi niya lang ako magalaw dahil kay Cess at kay Sir Loki na din. Madalas kasing nakabantay na ngayon si Sir dahil ilang buwan nang wala si boss para asikasuhin ang ibang business nito abroad. Pero ang balita ko ay dumating na siya noong isang araw. Kaya kailangan kong maging maingat sa mga susunod na araw. Magiging busy na din kasi non si Sir at hindi gaanong makapagbantay. And that's Abbie's que para gumawa ng paraan para mapaalis ako tulad ng ginawa nya sa iba. Yun ang hindi ko mapapayagan. Kahit ayoko ng gulo, hindi ko iyon pwedeng palagpasin.
"Niks, nag-dinner ka na?" tanong agad ni Sir Loki nang maabutan nya akong nagsasalansan ng tray sa pantry.
"A, mamaya nalang po Sir, pag-out," sinserong sagot ko sa kanya ng may ngiti. Hindi talaga pumapalya si Sir sa pagiging thoughtful.
Ngumiti din siya sa akin. Oh my! Lakas makapanlambot ng tuhod kaso konti lang. Sa ibang lalaki kasi loyal ang tuhod ko para maging jelly. Parang namimiss ko tuloy ang pakiramdam na tuluyang manlambot ang tuhod dahil sa tingin lang nya.
Hay! Eto na naman po ako. Pero missing is part of moving on, diba nga? Kung bakit iniisip ko pa ang lalaking iyon samantalang nandito naman si Sir Loki sa harap ko. Yun nga lang ay hindi pa sya pormal na nanliligaw.
"Ehrm, can I invite you to dinner?" tila nahihiya pa nyang tanong sa akin.
Gulat man ay hindi ko na ito ipinahalata. Ito kasi ang unang beses na nag-aya siyang mag-dinner. Pero parang di pa ako handa. Anong isasagot ko? Pakiramdam ko ay umurong ang dila ko. Napalingap pa ako sa paligid. Nagbabaka-sakaling may nakitang sagot. Noon ko namataang nakatingin si Abbie at si Cess sa magkabilang dulo ng pasilyo at nakamasid. Marahil ay inaabangan din ang isasagot ko. Kita rin ang gulat sa mga mukha nila kaya nakasisiguro akong narinig din nila si Sir Loki. Ngunit ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang nakikita kong emosyon sa mga mata ni Abbie. Galit. Selos. Sakit.
Sabagay kung ako din ang nasa sitwasyon niya ay masasaktan din ako. And much worst, wala siyang karapatan para ipagdamot ang lalaki sa iba. Parang ayoko na tuloy pumayag. Pero nasa mata rin ni Sir Loki ang expectation. Kawawa naman kung mapapahiya siya. Shocks! Anong isasagot ko?
"Yes, Sir. Wala naman siyang pupuntahan mamaya kaya pwedeng-pwede sya," singit ni Cess na nakalapit na pala sa amin ng hindi ko namamalayan.
"That's great," ngiting tagumpay na sabi ni Sir. "I'll see you later then, Nikki." Agad itong lumabas at mabilis na nawala sa paningin namin ni Cess. Nakakaloko naman ang ngiti ng kaibigan ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nagulat kami pareho nang lumagabog ang pinto ng banyo hindi kalayuan sa amin.
"Kawawang Abbie," napapailing na sabi ni Cess. Ako naman ang napailing sa kanya. Pasaway talaga itong babae na ito, manang-mana sa akin. Napatingin ako sa pinto kung saan pumasok si Abbie. Kahit na ganoon ang ugali nya, naaawa pa din ako sa kanya. Masakit kayang magmahal ng taong hindi ka naman mahal. Biglang umalingawngaw sa isip ko ang mga salitang hindi ko makalimutan.
"Nikki... Please... Don't fall in love with me..."
Mariin kong ipinikit ang mata ko at pilit iwinawaglit ang sinabi niya. Ibinaling ko ulit sa ginagawa ko ang atensyon. Kailangan kong abalahin ang sarili ko sa ibang bagay. Parang gusto kong batukan ang sarili. Si Loki na lamang ang iisipin ko at ang dinner namin mamaya. Tama!
"Excited na ako para sa dinner nyo!" tila kinikilig na sabi ni Cess.
Halos mapangiwi ako sa sinabi nya. Bakit ba feeling ko ay guilty ako? Sabagay, paano ba naman hindi, nakasakit nga ako. Paano kung sa akin nangyari yun? Napabuntong-hininga ako. Itinigil ko ang ginagawa ko at hinarap sya.
"Dapat siguro hindi na ako pumayag."
Kumunot noo naman sya sa akin. "E bakit?"
"Kasi hindi naman tama. Nakakasakit ako Cess. Nasaktan ko si Abbie. Baka nga umiiyak na yun dun e. Kawawa naman." I felt the guilt creeps deeply to my bones.
"Bakit naman magiging mali?" nakahalukipkip niyang turan sakin. "Unang-una, wala naman tayong magagawa kay Abbie kung hindi siya ang gusto ni Loki. Hindi naman pwedeng ipilit kung hindi naman pwede. Siguro kailangan na nyang tanggapin para hindi sya lalong masaktan. Pangalawa, wala silang relasyon para ma-guilty ka. Saka dinner lang naman yun bes. And last but not the least, hindi pa naman formally pero obvious naman na may pagsintang-pururot na sayo si Loki kaya bigyan mo sana ng chance. Maybe, just maybe, he's the one who can help you forget Marione."
Siguro nga tama siya. Masyado ng matagal ang pagsisintir ko kay Marione. Baka nga. Baka matulungan nga ako ni Loki na makalimot. Hindi naman siguro masama kung susubukan ko.
Palabas ako ng kitchen para tumulong mag-serve sa mga customers nang makasalubong ko si Abbie sa doorway. Nagdalawang-isip tuloy ako kung uurong ako o susulong. Pero mas pinili ko ang huli. Wala namang dahil para maguilty ako. Wala akong nakikitang masama.
"Ah Nikki," tawag nya sakin nang magkasalubong kami.
Nagulat man ako ay hindi ko nalang ipinahalata. "Bakit?"
Pain is still evident in her eyes. "Pwede bang ikaw nalang magserve dun sa kaibigan ni boss Eros na nagpa-reserve kanina? Bigla kasing sumama ang pakiramdam ko e. Wala namang may gustong sumalo."
Umatakeng muli ang guilt na nararamdaman ko kanina kung kaya pumayag na rin ako agad. "Okay, sige."
Bakit malakas ang kutob ko na pinaglalaruan ako ng tadhana ngayon?
Lalapitan ko na sana ang sinabi ni Abbie na kaibigan daw ni boss na siyang nagpa-reserve dito para iabot ang menu nang napahinto ako bigla nang mapagsino ko iyon. Nabato ako sa kinatatayuan habang halo-halong kaba, tuwa at takot ang nararamdaman. Parang gusto ko na yatang bumalik sa loob ng kitchen at ibalik kay Abbie ang table nya. Dinig na dinig ko ang malakas na tambol ng puso ko.
Naroon at nakaupo paharap sa aking gawi ang lalaking pilit ko ng kinakalimutan sa mga nakalipas na buwan. Gwapong-gwapo pa rin sa suot na itim na business suit habang maayos at pulido ang pagkakahawi ng buhok niya. Prenteng nakaupo siya sa harap ng isang babaeng hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod sa akin habang may ngiti sa labing nakikipag-usap siya kay Sir Loki na mukhang matagal na nyang kilala. Lahat yata ng kilig ko kay Loki kanina ay parang bulang biglang naglaho.
>xiv<Kailan ko ba huling nakita ang ngiti niyang iyon? O kung nakita ko na ba iyon? Pati ang abohin niyang mga mata na tumatagos sa kaluluwa kapag tinititigan ka. Parang gusto ko nalang tumitig doon. Ayoko nang pumikit dahil baka wala na siya pagdilat ko. Nakaramdam ako bigla ng kalungkutan ng matuon ang tingin ko sa kasama niyang babae. Sino kaya iyon? Girlfriend nya o baka naman asawa? Isipin ko palang na alin iyon sa dalawa ay ramdam ko na ang pagkadurog ng puso ko paano pa kaya kapag totoo? Kung sabagay, ito ang nababagay sa kanya. Elegante, edukada, mayaman. Hindi tulad ko. Ugh! This is hopeless. Nararamdaman ko na ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. Parang bigla ay gusto kong umiyak.Nasa ganoon akong posisyon ng biglang lumingon sa gawi ko si Sir Loki saka ngumiti sa akin. I blink back the tears immediately saka ngumiti
>xv< Buong akala ko ay mababawasan na ang sakit paggising ko pero nandito pa din. Buong-buo. Walang labis, walang kulang. Kung pwede lang tanggalin nalang ang puso ay ginawa ko na. Napakatanga mo kasi Dominique, hinayaan mo ang sarili mong mahulog. Lakas tuloy ng lagapak mo. Pakiramdam ko ay isang buwan na ang lumipas sa maghapong ito. Napakatagal lumipas ng oras. Kulang nalang ay hilahin ko ang kamay ng orasan para bumilis ito. Gusto ko nang umuwi hindi dahil sa kung ano pang bagay kundi para magkulong ulit sa kwarto. Pambihira kasing lalaki iyun. Hindi ko naman pwedeng sabihin na sana di ko na lang siya nakita o nakilala dahil utang ko sa kanya ang puri ko. I mean, buhay ko pala. Paano ba ang g
>xvi<Ano ba ang gusto niyang ipahiwatig? Hindi ba niya alam na masakit? Gusto ko na syang sapakin para maramdaman nya ang sakit na nararamdaman ko pero alam kong hindi ko iyon kayang gawin. At lalong hindi rin iyon sapat. Nararamdaman ko na ang pag-iinit ng mga sulok ng aking mata. Hindi ko na yata matatagalan ito."Tama," may kalakip na sakarsmong sagot ko para maitago ang sakit. "Sino ba naman ako para pag-aksayahan mo ng napakahalaga mong oras. Isa lang naman akong hamak na probinsyana para sa iyo."Nanatili ang mga mata ko sa harapan habang ang isip ay kinakain ng kawalan ng pag-asa. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang bawat hakbang niya na hindi ko malaman kung saan papunta. Baka paalis na."Sa tingin mo
>xvii< Posible pa pala ang ganito. Ang magustuhan din ng taong gusto mo. Want, just the same with like and the start of love, di ba? Okay na yun kaysa wala di ba? Hanep, parang gusto kong magtatalon sa tuwa. Parang hindi pa din ako makapaniwala. "Totoo ba ito?" wala sa loob na tanong ko habang nakapikit at ninanamnam ang init ng yakap nya. Kailangang sulitin dahil baka di na maulit. Bahagya siyang natawa bago sumagot. "Yes, this is real. Why, you still can't believe it?" aniya at hinigpitan ang pagkakayakap sakin kaya't ultimo hangin ay hindi na makadaan sa pagitan namin. Hindi na ako makasagot kaya tumango na lamang ako. Napasinghap ako ng makaramdam ako ng malambot na bagay na dumampi sa sulok
>xviii<Kahit gaano ako kaabala sa trabaho, hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari nang nakaraang gabi. Hindi ko nga malaman kung matutuwa ako o maiinis sa Marione na iyon. Pagkatapos kasi ng nangyaring iyon ay hindi na siya ulit nagparamdam. Pang-limang araw na siyang walang paramdam sa akin kaya konting-konti nalang ay maniniwala na akong pinaglalaruan niya lang ako. Ni ha, ni ho, ay wala. Kahit text, wala. Sabagay, wala naman akong number nya kaya bakit ko ba naisip na magte-text siya. At isa pa, hindi ko naman sya boyfriend para hagilapin ko sya ng ganito. Tsk. Sino ba sya para mamiss ko. To hell with that stupid monster. Wag na siyang magpapakita sakin. Pagkatapos nya akong nakawan ng halik ng ilang beses, saka sya biglang mawawala? Naku, huwag talagang magpapakita sa akin ang pangit na halimaw na yun. Bwisit sya!
>xix<Pinilit kong hindi magpaapekto at agad na binalikan ang ginagawa ko. Hindi ko sya dapat intindihin. May atraso pa sya sa akin. Saka mas importante ang trabaho ko. At iyon ang dapat kong unahin.Kahit rambol-rambol ang isip ko ay nagawa kong ayusin ang dinner nila Boss Eros. Inilagay ko na iyon agad sa tray para madala na sa kanila. Ayoko sanang ako ang maghatid sa opisina niya pero alam kong mapapagalitan ako noon kapag hindi ako ang nag-serve. Kabilin-bilinan pa naman nitong huwag kong ipapasa sa iba ang utos niya sa akin. Ilang buwan na din kasi mula ng makahiligan niya akong mag-prepare ng pagkain niya or si Cess. At sa hindi ko malamang dahilan ay basta nalang ako napag-initan ni Boss na syang gawing utusan kapag mayroon siyang naisipan o nagustuhang hingin. Kaya sa ayaw at sa gusto ko ay no choice. Kailangan pa ring sumunod dahil si
>xx<Napasandal ako sa pinto ng maisara ko iyon pagkalabas ko. Hindi ko malaman kung maiinis o matutuwa ako sa nangyari. Napahawak ako sa dibdib ko ng wala sa loob. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko na halos di na ako makahinga. Nanakawan na naman ako ng halik ng damuho na iyon. Nakakarami na ang lalaking yun sa akin. Pero in all fairness, kahit na dampi lang yung halik na ginawa niya ay nagawa pa rin niyang buhayin ang lahat ng nerves ko sa katawan. Para tuloy hindi ko na ma-contain ang kilig ko. To the point na parang ora mismo ay gusto kong magwala at magtatalon. Pakiramdam ko ay para akong nagdadalaga na ngayon lang naranasang kiligin.Nawala ang pinipigil kong kilig nang makarinig ako ng nabasag na pinggan galing sa kitchen kasabay ng paglabas ng humahangos na si Abbie. Nakayuko lamang ito habang naglalakad at tila
>xxi<Bago pa man din sumalya sa semento ang lasing na si Abbie ay maagap na siyang nasalo ni Loki. Agad akong lumapit sa kanila. Hindi man maganda ang naging pakitunguan namin ni Abbie, hindi naman ako ganun kasama para hindi mag-alala sa kanya. Alam ko kung anong pinagdadaanan niya. "Abbie? Abbie?" untag ni Loki sa wala nang malay na dalaga. "You better bring her home," suhestyon ni Marione na lumapit na din sa amjn. Kunot-noong napatingala sa amin si Loki na tila ba nagdadalawang-isip kung susundin ba ang sinabi ni Marione o hindi. "But-"