"Istupida!!!" sinampal ako ni daddy. Halos mabingi ako sa lakas ng kanyang pagkakasampal, at ramdam ko ang palad niya na bumakat sa aking pisngi. "Anong kalokohan ang naiisip mong bata ka, at nagpunta ka sa walang kwentang lugar na iyon!"
"Da--daddy.. wala naman pong nangyari sa amin.. promise po, maniwala po kayo sa akin daddy.. nagsasabi po ako ng totoo. Napigilan ko po siya at ang aking sarili." naglulumuhod ako sa kanyang harapan. "Kailangang pakasalan ka ng Nick na iyon!" inis niyang sabi sa akin, "hindi ako makakapayag na sisirain niya ang iyong pangalan tapos hindi ka niya pananagutan!" "Wa--wala naman pong nangyari sa amin..Da--daddy.. pangako po, hindi po ako pumayag.." nagmamakaawa ako sa kanya, nakayakap ako sa kanyang mga hita. "Sid, pakinggan mo naman ang anak mo, nagsasabi naman siya ng totoo," awat ng mommy kay daddy. "Wa--" "Tumigil ka Lorna ha!" dinuro niya ang mommy ko, na agad tumahimik, "kaya lumalaking ganyan ang anak mo, dahil sa pagiging kunsintidor mo! Anong sasabihin ng mga tao? na ang anak ko ay nadisgrasya ng isang lalaki tapos hindi pinanagutan? ganun ba ang gusto mo ,Lorna, ha?" "Hi--hindi naman sa ga--" pinukpok ng daddy ang lamesa. "Putang ina Lorna! tumigil ka na, at baka pati ikaw, paputukin ko ang nguso!" singhal ng daddy sa mommy ko. Agad tumikom ang bibig ng mommy, dahil alam niyang galit na ang daddy. Masamang magalit ang tatay ko, dahil nadadamay ang lahat. Baka mamaya, pati mga kasambahay namin at kapatid ko ay pag initan pa niya. "A--ano ba ang gusto mong mangyari?" tanong ng mommy sa kanya. "Kailangang pakasalan si Janna ng hayop na Nick na iyon! Anong akala niya sa anak ko, kaladkarin! Tumayo ka diyan, at pupuntahan natin ang lalaking iyon!" *********************** "Nasaan ang magaling mong anak?" tanong ni daddy sa tatay ni Nick. "At bakit mo naman hinahanap si Nick, kumpadre?" tanong nito kay daddy, na nakadungaw lang sa kanilang terrace, hindi man lang nag abalang imbitahin kami sa loob ng kanilang bahay. "Kailangang pakasalan ng anak mo, ang anak ko! Malaking kahihiyan ang ginawa niya. Bakit niya ipapasok ang anak ko sa motel?" inis na sabi ni daddy dito. "Huh.." ngumisi pa si tito Efren sa daddy, "Sid.. yang anak mo, ang tumukso sa anak ko, isa pa, ang bata pa nila masyado, marami pang pangarap si Nick, magiging abogado pa siya!" "Wag niyo akong tarantaduhin, Efren! Ilabas mo ang anak mo, at pakasalan niya si Janna!" inis na singhal ng daddy kay tito Efren. "Dadddy.. nakakahiya, wala naman nga pong nangyari sa amin ni Nick.." pigil ko sa kanya. "Kita mo na? wala naman palang nangyari, gusto mo, magpakasal agad?" napabuga pa ng hangin si tito Efren. "Hindi ako naniniwala! Ilabas mo si Nick upang magkausap kami!" gigil na sabi ng daddy. "Wala na si Nick dito, umalis na siya patungong America kagabi! doon na siya mag aaral!" sagot ni tito Efren. "Ho? wala naman hong nabanggit sa akin si Nick na aalis siya.." nagpanic ako sa narinig ko. "Malay ko! may ticket na naman siya," sagot ni tito Efren. Unti unti ng dumarami ang tao sa paligid na nakikiusyuso sa aming kumosyon. "Ilabas mo siya!" kinalampag ng daddy ang gate nina Nick. "Kung ako sayo, umuwi na kayo, at baka kasuhan ko pa kayo ng trespassing at panggugulo.. nananahimik kami dito e! Janna, iuwi mo na nga ang tatay mo, at baka mamaya, dito na naman yan mag amok!" pagtataboy sa amin ni tito Efren. "Tara na po daddy.." inakay ko na si daddy patungong sasakyan, kung saan, ang mommy ko ang driver. Inis na inis siya habang pauwi kami ng bahay. ********************** 3rd POV: "Wala po talagang nangyari sa amin ni Janna, dad, hindi siya pumayag.." sabi ni Nick sa kanyang ama. "Bobo! nakakahiya ka! nasa motel na kayo, hindi mo pa naikama si Janna!" bulyaw sa kanya ng kanyang ama. "Mas lalong nakakahiya kapag nalaman ng mga tao na hindi mo man lang siya natikman! sasabihan ka nilang walang bayag!" "Ayoko siyang pilitin dad, mahal ko siya. Alam niyo namang si Janna lang ang gusto ko," sabi niya sa ama, "pakakasalan ko na lang siya!" "Wala kang kwenta!" sinampal siya ng kanyang ama, "kahit kailan, wala kang silbing mag isip. Sisirain mo ang pangarap mo, ng dahil lang sa babaeng iyon? Mag isip isp ka Nick, marami ka pang makikilalang babae diyan na higit na maganda kesa kay Janna!" "Mag aaral pa rin naman ako at--" hindi na niya naituloy pa kung ano man ang nais niyang sabihin. Dahil nagalit na ng tuluyan ang daddy niya. "Sige, gawin mo ang gusto mo, pero wag kang aasa ng suporta mula sa amin. Pababayaan kita, at kahit ikaw ang nag iisa kong anak, hindi kita pamamanahan kahit lupa sa paso! Hahayaan ka naming maghirap at mamatay sa gutom!" pananakot ng ama sa kanya. "Pe--pero dad--" "Anong pero pero? mamili ka Nick.. ang babaeng iyon, o ang kinabukasan at kayamanan mo, kasama ang buhay mo! hindi ka sanay sa hirap, kaya anong klaseng buhay magkakaroon ka kapag itinakwil kita? Wag mo akong subukan, alam mo ang mga kaya kong gawin!" Hindi na siya nakapagsalita sa mga huling sinabi ng ama. Nakaramdam na lang siya ng awa kay Janna, na napahamak dahil sa kanya.Tuluyan na kaming naghiwalay ni Lizzy.. Akala ko, ay totoong kaya niyang magtiis, hindi pala. Nakipagrelasyon siya sa isa kong kaibigan hanggang sa siya ay tuluyan ng magbuntis.Alam kong kasalanan ko naman iyon, nasaktan ako, dahil buntis na siya ng tatlong buwan kahit dalawang buwan pa lang kaming hiwalay, dahil lang sa ego.Nakatingin ako sa bintana, habang pinapanood si Janna na ihatid si mommy sa kotse. Pupunta si mommy ngayon sa conference ng mga kababaihan.Habang pinapanood ko ang aking asawa, nakikita ko ang mga katangiang gusto ko sa isang babae..…Tahimik siyang gumalaw, may mahinhing kilos na hindi pilit. Maingat siyang magsalita, mapagmatyag, at palaging inuuna ang iba bago ang sarili. Hindi siya katulad ni Lizzy—na palaban, mapusok, at laging gustong siya ang nasusunod. Si Janna, sa kabila ng katahimikang iyon, ay may lakas din. Hindi siya mahina. Lalo ko iyong napatunayan nang hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang kasal namin, kahit batid niyang hindi pa ako gana
POV: JannaNapalunok ako habang nakatitig sa mga mata ni Gerald. Ramdam ko ang bigat ng kanyang sinabi—ang pangakong gusto niyang subukan. Ngunit hindi ko alam kung kaya kong tanggapin iyon nang buo.Mahal ko ba siya?Hindi ko alam. Hindi ko matiyak kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay Gerald. Ang alam ko lang, siya ang lalaking pinakasalan ko. Siya ang pumigil sa kasal ko kay Arnold. Siya ang nagprotekta sa akin, kahit hindi ko hinihingi.At ngayon, heto siya, nakatayo sa harapan ko, inaalok ako ng isang bagay na matagal ko nang hiniling.Pero tama pa ba ito?Bumuntong-hininga ako at bahagyang umatras. "Gerald... Hindi kita pipilitin kung hindi ka pa sigurado."Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha. Para bang hindi niya inaasahan ang sagot ko."Alam kong hindi basta nawawala ang pagmamahal mo kay Lizzy," pagpapatuloy ko. "At ayokong maging dahilan para pilitin mong kalimutan siya."Saglit siyang natahimik. Kita ko ang emosyon sa kanyang mukha—pagkalito, lungkot, pero m
Napabuntong-hininga ako. Nakaupo lang si Lizzy sa harapan ko, hinihintay ang sagot ko, pero wala akong maisagot. Para akong sinasakal ng mga salita niya, para bang sa isang iglap, naunawaan ko ang bigat ng lahat ng ito.Mahal ko si Lizzy. Hindi ko iyon matatakasan. Pero narito si Janna—ang babaeng pinakasalan ko, ang babaeng hindi ko kayang lokohin. Kahit kailan, hindi siya nanghingi ng pagmamahal na hindi ko kayang ibigay. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko para sa kanya, pero alam kong hindi ko rin siya kayang saktan."Gerald, bakit tahimik ka?" tanong ni Lizzy, at doon ko napagtantong matagal na pala akong walang imik.Napatingin ako sa kanya, sa mga matang minsang naging tahanan ko. "Lizzy, hindi kita gustong saktan."Natawa siya, pero puno ng pait. "Pero iyon ang ginagawa mo, Gerald. Sinaktan mo ako. Pinili mong pakasalan siya. Hindi mo ako pinili."Alam kong totoo ang sinasabi niya."Pero hindi ko rin kayang saktan si Janna."Nanatili akong nakatitig sa kanya, umaasang mai
Sa loob ng kwarto, napabuntong-hininga ako at dumapa sa kama. Nangingilid pa rin ang luha ko, pero hindi ko pinayagang bumagsak ito. Hindi ko alam kung pagod lang ako o talagang may kung anong bumibigat sa loob ko.Si Lizzy.Mahal ko siya, alam ko iyon. Pero ngayon, hindi ko alam kung paano siya pipigilan sa sakit na nararamdaman niya. Dapat ba akong bumigay? Dapat ko ba siyang habulin? Pero paano si Janna? Ang asawa ko.Napapikit ako, bumabalik ang alaala ng huling beses kaming nagkita ni Lizzy bago ako ikinasal."Gerald, sabihin mo sa akin... wala na bang pag-asa?""Lizzy, hindi ito tungkol sa atin. Kailangan ko siyang pakasalan para hindi siya mapasakamay ni Arnold. Hindi ito tungkol sa pagmamahal.""Pero bakit pakiramdam ko, ako ang nawalan?"Nang mga panahong iyon, hindi ko pa nararamdaman ang bigat ng mga desisyon ko. Pero ngayon, habang naglalakad siyang palayo, habang sinasabi niyang pagod na siya—mas lalo akong natakot. Baka isang araw, hindi na lang siya lumingon.At hindi k
"Lizzy!" tawag ko kay Lizzy habang nagmamadali siyang naglalakad. Hindi siya sumakay sa kotse na maghahatid sa kanya pauwi, bagkus, parang lalakarin niya ang kahabaan ng kalsada.Inabutan ko ang kanyang braso, at agad ko iyong hinila.."Ano ba, Gerald.. uuwi na ko!" may luhang sagot niya sa akin, "magpahinga ka na kung pagod ka.""Ano bang nangyayari sayo?" hindi ako makapaniwala na magwowalk out siya "bakit ba?""Bakit? talagang tinatanong mo ako Gerald, kung bakit? ano sa palagay mo?" nakasimangot na sagot niya, "hindi mo ako tinatawagan, walang text, or kahit emails! habang kayo ng babaeng iyon ay magkasama, tapos, tatanungin mo ako kung ano ang nangyayari sa akin? aba naman! ang galing naman ng tanong na yan!"Natigilan ako sa kanyang sinabi. Ang buong akala ko ay naiintindihan ako ni Lizzy sa lahat ng nangyayaring ito. Hindi ko akalain na nagtitiis lang pala siya."Pero Lizzy, napag usapan na natin ito, hindi ba?" ang aking tinig ay parang nagtatanong. Ayokong dumating kami sa pu
Walang nagsasalita sa amin ni Gerald habang nasa sasakyan. Tila ba may pader na biglang humarang sa pagitan naming dalawa. Nahihiya naman akong Mauna, sapagkat naaalala ko kung ano ang eksena naming dalawa kaninang umaga. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na magkayakap kami at magkadikit ang aming mga katawan. Namula ng husto ang aking mukha ng maisip ang bahaging iyon. Lalo pang napadagdag sa aking iniisip ang hiling ng aking mga magulang na magkaroon na kami ng anak pagbalik doon. Paano naman kami magbibigay ng anak, kung kahit halik ay hindi naman namin ginagawa. Nag uumpisa ng mabagabag ang aking kalooban sa parteng iyon. "Anong iniisip mo?" si Gerald na ang bumasag ng harang na pader sa aming dalawa. Ang kanyang mga mata ay nakatuon pa rin sa daan habang ang kanyang bibig ay bigla ng nagsara. Paano ko ba sasabihin sa kanya kung ano ang aking nadarama? "Ah-- eh-- wala naman," nauutal kong sabi habang kinukutkot ang aking mga kuko, "nahihiya lang ako sa sinabi ng