Share

Chapter 3

last update Last Updated: 2024-06-20 13:41:18

GERALD:

Dumating ako sa Bicol, upang bisitahin ang aking tito na kapatid ng mommy. Mahaba haba din iyong biyahe. Matagal din kaming nanirahan dito, siguro, mga labing limang taon din, bago kami lumipat ng Manila, upang makapag aral ako doon ng kolehiyo.

"Tita Letty!" tawag ko sa hipag ng mommy na nag gagarden sa labas.

"Gerald?" waring kinikilala niya kung sino ako, saka nagmamadaling lumapit at yumakap sa akin, "bakit hindi ka man lang nagsabi na darating ka?" tanong niya sa akin, "kumusta ang iyong mama?"

"Ayos naman ho.. sorpresa nga eh.." nakangiti kong sabi sa kanya. Sila ang madalas dumadalaw sa amin, lalo na ng mawala ang daddy. Nalungkot ang mom ko, ngunit ng dahil kay tita Letty, at sa asawa niya na kapatid ng mommy, nakarecover agad siya. Ang tita ay Best friend ng mommy, na napangasawa naman ng kanyang kuya.

"Halika sa loob, naroon ang tito mo at nagluluto ng sea foods na hinuli sa aming pala isdaan. Ikaw talagang bata ka.. ang gwapo mo talaga.." sabi niya sa akin.

Wala silang anak, dahil naaksidente sila noong buntis si tita, maaga siyang nawalan ng matres, at si tito naman ay nabasag ang balls, kaya sila lang dalawa sa buhay.

Pagpasok namin, napansin ko ang kalinisan ng bahay nila, na bahay ng pamilya nina mommy noon.

"Ang linis ng bahay tita.." puri ko dito.

"May naglilinis dito linggo linggo, maliban sa kwarto namin ng tito mo na personal kong nililinis," sagot niya sa akin "Yulo!! dali, may bisita tayo."

"Bisita? sino?" lumabas ito ng kusina na naka apron ng kulay pink, "Uhh ang paborito kong pamangkin!" nagmano ako sa kanya.

"Tito, wala kayong choice, kasi, ako lang ang pamangkin niyo.." napangiti kong sagot sa kanya.

"Ang mahalaga, paborito kita! hahaha" napatingin ako sa katawan niya, saka ako napatingin kay tita.

"Mukhang namamayat ata kayong mag asawa? ano hong nangyari?" tanong ko.

"Healthy living na kami ngayon, kasi nga, alam mo na, tumataas taas na ang lahat sa atin. May highblood na ang tito mo, kaya lagi kaming nagiexercise." sagot ni tita Letty.

"Naku, bago nga kayo magkwentuhan eh kumain muna tayo.." yaya sa amin ni tito Yulo.

**************

"Dadalhin ko nga po pala ito kina tito Sid," paalam ko sa kanila, "may padala ho ang mommy na mga miki galing Batangas.. paborito daw ni tita Lorna ang lomi doon."

"Naku, sana, makausap mo ng ayos ngayon si Isidro, may toyo na naman ang isang iyon," paalala sa akin ni tita Letty.

"Sobra ka naman sa kaibigan natin Letty," saway dito ni tito Yulo.

"Ano naman? hindi ba, totoo?" hinarap pa ni tita Letty si tito Yulo. "Simula noong magkaroon ng alingasngas tungkol kay Janna, at sa anak ni Efren, parang hindi na namin makausap ng matino si Sid.

"Eh di ba, ikaw naman ang nagsumbong kay Isidro ng bagay na iyon?" sabi ni tito Yulo kay tita Letty.

"Ano hong tungkol kay Janna?" naguguluhan kong tanong.

"Nakita kasi ng tita Letty mo, na lumabas ng motel si Janna, kasunod ng anak ni Efren, isinabay pa nga niya at inihatid ang batang iyon sa bahay nila."

"Paano, naawa naman ako at iyak ng iyak. Ang sabi naman niya, ay walang nangyari, pero alam mo naman ang mga tao dito, hindi lang naman ako ang nakakita sa kanya doon, kaya minabuti ko na siyang ihatid ng bahay." kwento pa ni tita Letty.

"Ano hong nangyari ngayon?" tanong ko sa kanila.

"Ayun, malaki talaga ang sayad nitong si Isidro, hindi na nakikinig sa akin, alam mo namang ang asawa noon ay takot sa kanya. Balak pang ipakasal si Janna doon sa matandang kalbo na may mansiyon sa bayan, si Arnold Rivera." sagot ni tita Letty sa akin.

"Binata naman ho ata yung Arnold na yun.." nakangiti kong sagot. Sa panahon naman kasi ngayon, age doesn't matter na. At naniniwala ako na pwedeng magkatuluyan ang malalaking agwat ng edad.

"Nakita mo na ba ang matandang sinasabi ko sayo Gerald? matanda talaga! Ayoko namang manlait hijo, pero ang lalaking iyon, kahit mga senyor citizen na babae, hindi iyon gugustuhin. Saksakan ng taba at pangit! Kung hindi dahil sa pera non, baka wala ng makipagkaibigan doon." sagot pa ni tita sa akin.

"Sus maryosep ka Letty, bakit naman ganyan ka magsalita? tao naman iyon," awat sa kanya ni tito Yulo.

"At bakit? totoo naman ang sinasabi ko. Naku, itong si Sid talaga! kung anu ano ang iniisip. May padangal dangal pang nalalaman, sisirain niya lang ang kinabukasan ng anak niya. Ang mabuti pa, Gerald, pumunta ka na doon, at interviewhin mo na lang ang tito Sid mo, dahil baka pukpukin ko na yan ng baston kapag naasar ako diyan. Akala mo naman ay walang pera kung ipagkasundo ang anak. Ke yaman yaman eh!" inis na sabi ni Tita Letty.

Minabuti ko na lang umalis, upang ako mismo ang makaalam ng tungkol sa issue na kinasasangkutan ng pamilya ni Janna. Regular ko namang nakikita sina tito Sid at tita Lorna, dahil dumadalaw sila sa mommy sa farm namin sa Batangas. Si Janna ang hindi ko pa nakikita ulit sa mahigit sampung taon. Siguradong dalaga na nga ang isang iyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Kung Isusuko ko ang Langit   Chapter 41

    Tuluyan na kaming naghiwalay ni Lizzy.. Akala ko, ay totoong kaya niyang magtiis, hindi pala. Nakipagrelasyon siya sa isa kong kaibigan hanggang sa siya ay tuluyan ng magbuntis.Alam kong kasalanan ko naman iyon, nasaktan ako, dahil buntis na siya ng tatlong buwan kahit dalawang buwan pa lang kaming hiwalay, dahil lang sa ego.Nakatingin ako sa bintana, habang pinapanood si Janna na ihatid si mommy sa kotse. Pupunta si mommy ngayon sa conference ng mga kababaihan.Habang pinapanood ko ang aking asawa, nakikita ko ang mga katangiang gusto ko sa isang babae..…Tahimik siyang gumalaw, may mahinhing kilos na hindi pilit. Maingat siyang magsalita, mapagmatyag, at palaging inuuna ang iba bago ang sarili. Hindi siya katulad ni Lizzy—na palaban, mapusok, at laging gustong siya ang nasusunod. Si Janna, sa kabila ng katahimikang iyon, ay may lakas din. Hindi siya mahina. Lalo ko iyong napatunayan nang hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang kasal namin, kahit batid niyang hindi pa ako gana

  • Kung Isusuko ko ang Langit   Chapter 40

    POV: JannaNapalunok ako habang nakatitig sa mga mata ni Gerald. Ramdam ko ang bigat ng kanyang sinabi—ang pangakong gusto niyang subukan. Ngunit hindi ko alam kung kaya kong tanggapin iyon nang buo.Mahal ko ba siya?Hindi ko alam. Hindi ko matiyak kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay Gerald. Ang alam ko lang, siya ang lalaking pinakasalan ko. Siya ang pumigil sa kasal ko kay Arnold. Siya ang nagprotekta sa akin, kahit hindi ko hinihingi.At ngayon, heto siya, nakatayo sa harapan ko, inaalok ako ng isang bagay na matagal ko nang hiniling.Pero tama pa ba ito?Bumuntong-hininga ako at bahagyang umatras. "Gerald... Hindi kita pipilitin kung hindi ka pa sigurado."Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha. Para bang hindi niya inaasahan ang sagot ko."Alam kong hindi basta nawawala ang pagmamahal mo kay Lizzy," pagpapatuloy ko. "At ayokong maging dahilan para pilitin mong kalimutan siya."Saglit siyang natahimik. Kita ko ang emosyon sa kanyang mukha—pagkalito, lungkot, pero m

  • Kung Isusuko ko ang Langit   Chapter 39

    Napabuntong-hininga ako. Nakaupo lang si Lizzy sa harapan ko, hinihintay ang sagot ko, pero wala akong maisagot. Para akong sinasakal ng mga salita niya, para bang sa isang iglap, naunawaan ko ang bigat ng lahat ng ito.Mahal ko si Lizzy. Hindi ko iyon matatakasan. Pero narito si Janna—ang babaeng pinakasalan ko, ang babaeng hindi ko kayang lokohin. Kahit kailan, hindi siya nanghingi ng pagmamahal na hindi ko kayang ibigay. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko para sa kanya, pero alam kong hindi ko rin siya kayang saktan."Gerald, bakit tahimik ka?" tanong ni Lizzy, at doon ko napagtantong matagal na pala akong walang imik.Napatingin ako sa kanya, sa mga matang minsang naging tahanan ko. "Lizzy, hindi kita gustong saktan."Natawa siya, pero puno ng pait. "Pero iyon ang ginagawa mo, Gerald. Sinaktan mo ako. Pinili mong pakasalan siya. Hindi mo ako pinili."Alam kong totoo ang sinasabi niya."Pero hindi ko rin kayang saktan si Janna."Nanatili akong nakatitig sa kanya, umaasang mai

  • Kung Isusuko ko ang Langit   Chapter 38

    Sa loob ng kwarto, napabuntong-hininga ako at dumapa sa kama. Nangingilid pa rin ang luha ko, pero hindi ko pinayagang bumagsak ito. Hindi ko alam kung pagod lang ako o talagang may kung anong bumibigat sa loob ko.Si Lizzy.Mahal ko siya, alam ko iyon. Pero ngayon, hindi ko alam kung paano siya pipigilan sa sakit na nararamdaman niya. Dapat ba akong bumigay? Dapat ko ba siyang habulin? Pero paano si Janna? Ang asawa ko.Napapikit ako, bumabalik ang alaala ng huling beses kaming nagkita ni Lizzy bago ako ikinasal."Gerald, sabihin mo sa akin... wala na bang pag-asa?""Lizzy, hindi ito tungkol sa atin. Kailangan ko siyang pakasalan para hindi siya mapasakamay ni Arnold. Hindi ito tungkol sa pagmamahal.""Pero bakit pakiramdam ko, ako ang nawalan?"Nang mga panahong iyon, hindi ko pa nararamdaman ang bigat ng mga desisyon ko. Pero ngayon, habang naglalakad siyang palayo, habang sinasabi niyang pagod na siya—mas lalo akong natakot. Baka isang araw, hindi na lang siya lumingon.At hindi k

  • Kung Isusuko ko ang Langit   Chapter 37

    "Lizzy!" tawag ko kay Lizzy habang nagmamadali siyang naglalakad. Hindi siya sumakay sa kotse na maghahatid sa kanya pauwi, bagkus, parang lalakarin niya ang kahabaan ng kalsada.Inabutan ko ang kanyang braso, at agad ko iyong hinila.."Ano ba, Gerald.. uuwi na ko!" may luhang sagot niya sa akin, "magpahinga ka na kung pagod ka.""Ano bang nangyayari sayo?" hindi ako makapaniwala na magwowalk out siya "bakit ba?""Bakit? talagang tinatanong mo ako Gerald, kung bakit? ano sa palagay mo?" nakasimangot na sagot niya, "hindi mo ako tinatawagan, walang text, or kahit emails! habang kayo ng babaeng iyon ay magkasama, tapos, tatanungin mo ako kung ano ang nangyayari sa akin? aba naman! ang galing naman ng tanong na yan!"Natigilan ako sa kanyang sinabi. Ang buong akala ko ay naiintindihan ako ni Lizzy sa lahat ng nangyayaring ito. Hindi ko akalain na nagtitiis lang pala siya."Pero Lizzy, napag usapan na natin ito, hindi ba?" ang aking tinig ay parang nagtatanong. Ayokong dumating kami sa pu

  • Kung Isusuko ko ang Langit   Chapter 36

    Walang nagsasalita sa amin ni Gerald habang nasa sasakyan. Tila ba may pader na biglang humarang sa pagitan naming dalawa. Nahihiya naman akong Mauna, sapagkat naaalala ko kung ano ang eksena naming dalawa kaninang umaga. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na magkayakap kami at magkadikit ang aming mga katawan. Namula ng husto ang aking mukha ng maisip ang bahaging iyon. Lalo pang napadagdag sa aking iniisip ang hiling ng aking mga magulang na magkaroon na kami ng anak pagbalik doon. Paano naman kami magbibigay ng anak, kung kahit halik ay hindi naman namin ginagawa. Nag uumpisa ng mabagabag ang aking kalooban sa parteng iyon. "Anong iniisip mo?" si Gerald na ang bumasag ng harang na pader sa aming dalawa. Ang kanyang mga mata ay nakatuon pa rin sa daan habang ang kanyang bibig ay bigla ng nagsara. Paano ko ba sasabihin sa kanya kung ano ang aking nadarama? "Ah-- eh-- wala naman," nauutal kong sabi habang kinukutkot ang aking mga kuko, "nahihiya lang ako sa sinabi ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status