Share

GINTONG PALAMUTI

last update Last Updated: 2021-05-24 09:25:32

***PRINSIPE SHATTU***

Hindi ko man lang napansing sumapit na pala ang katanghalian dahil narin siguro sa pagod na akin pang nararamdaman hanggang ngayon. Tila ba nananakit din ang aking buong katawan at paki wari koy dahil ito sa pag sasanay namin nila Lady Gania at prinsessa damina kaninang umaga, At ngayon naman ay naririto ako kasama Ng aking ama sa labas ng aming dampa upang makapangaso ng saganun ay may maihanda kami para sa hapunan. Subalit matapos ang una naming pangangaso sa unang pook na aming pinuntahan ay sinundo kami ng Isa sa aming taga pag lingkod, at ayon sa kanya ay utos daw iyon ng aking Ina kaya naman agad na nilisan namin ang pook upang makabalik sa amin.

Makalipas ang ilang sandali pa ay nakarating na nga kami ng aking ama malapit sa aming dampa at sa di kalayuan ay napansin ko ang aking ina na nakatayo sa labas habang naghihintay sa amin ni ama.

Subalit napansin ko din na tila ba may kakaiba Kay ina,sa kadahilanang tila nakasuot sya ng magarang kasuotan na hinabi nuong unang anihan, suot nya rin ang bakyang inihandog sakanya ni ama, kaya napapaisip ako Kung anu nga bang mayroon at tila may dadaluhan si Ina. Ilan pang sandali ay tuluyan na nga kaming nakalapit sa dampa,

"Mahal ko"

Rinig kong bati ni Ina kay ama habang ibinabalik  namin sa lalagyan ang mga gamit na dala namin sa pangangaso.

"Ina bakit ganyan ang iyong kasuotan?"

Pansin ko sa kanyang damit, ang totoo ay hindi talaga ako sanay na makitang nakasuot si Ina nang ganung klaseng kasuotan.

Hindi naman dahil sa hindi naaangkop sa sakanya dahil ang totooy napaka ganda nga niya, isang dahilan kung bakit na papaawang ang bibig ni Ama habang nag tatanggal ng sandalyas na pangaso, kulang nalang ay tumulo ang laway nito kaka titig ki Ina. siguro kasi gaya ko ay nagulat din sya sa kanyang nakita, bibihira lang kasi mag ayos si Ina kaya madalas ay nagugulat si Ama.

"Oo nga Mahal ko? Saan mo ba balak tumungo"?

sagot ni Ama habang nakatingin parin ki ina na may halong pag hahanga, Natatawa nalamang ako ki Ama, dahil kahit itago niya ang kanyang pag hanga ay hindi naitatanggi ng kanyang mga mata.

"Hindi bat ngayon ang binigay na araw ng pagpupulong ayon sa mensahe ng Hari?"

tugon ni Ina na ikinabigla naman ni ama, kaya nga agad na nag madali si ama na pumunta sa paliguan upang agad na makapag linis ng katawan.Samantala ako naman ay umupo sa tabureteng nasa tapat ng aming durungawan at duon ay tinanong ko si Ina kung para saan ang pag pupulong. Gayunpaman, hindi niya masabi kung para saan ito dahil sa biglaan nga daw ang pahayag na ginawa ng Mahal na Hari, kaya naman hindi na ako umusisa pa at sa halip ay nag paalam nala mang akong pumasok sa aking silid upang doon ay makapag pahinga.

Makalipas lang ang isang oras habang naroon parin ako sa aking silid at nagpapahinga ay may naririnig akong naguusap mula sa labas na tila lalaki at babae kaya naman naimulat ko ang aking mga mata. 

"muka yatang napaidlip ako"

Ang naalimpungatan kong bulong sa sarili habang nag kakamot sa aking mag kabilang braso.

"Naririto na pala sila, hindi ko man lang naramdaman ang kanilang pag dating"

 kaya naman bumangon ako ng bahagya at pinakinggan ang kanilang pag-uusap, at ayon nga sa aking narinig, na ako raw ang ipinanukala ng Hari bilang bagong itinakdang prinsipe.

"Ako raw? tsss....paano naman iyon mang yayari?"

ang di makumbinsi kong reaksyon,dahil nga sa akala koy nananaginip lang ako, at panaginip lang ang mga narinig ko.Kaya naman nung sandaling marinig ko na may biglang tumawag na tao mula sa labas ay saka lamang ako natauhan, at saka ko lang napag tatanto na hindi pala yon isang panaginip.

"Sandali!! a-ako itinakdang prinsipe??"

Ang labis na pag kagulat ko sa aking narinig, dahilan kaya ako napabalikwas para bumangon, subalit bigla nalang nawala ang balanse ko kaya naman lumagapak ako sa sahig.

"Kamahalan, anong nangyayari dyan? ayos ka lang ba?"

 Ang rinig kong pag-aalala ni Ina sa labas, at maya-maya pa ay narinig kong papalapit na siya sa tarangkahan ng aking silid dahil sa yabag ng pag hakbang niya habang papalapit.

Tatayo na sana ako dahil sa nakakahiyang ipakita sa kanya na ang itinakdang prinsipe ay may pag ka lampa. Kaya aakma na sana ako ng tayo ng hindi ko napansin ang maliit na laruang bilog na yari sa yantok, ito ay kadalasang  ginagamit sa larong may binabato sa gitna. Kaya naman, tamang pag bukas ni Ina ng pinto ay sakto ring nadulas ako sa bilog na laruan nayon. Isang dahilan na muli akong lumagapak ng malakas sa sahig. 

"Oh kamahalan, mag-ingat ka nga!" 

Ang nag-aalalang sabi ni Ina, gayunpaman, sa kabila ng pag-aalala ay napansin kong tila nag pipigil siya na tumawa, dahil sa hindi niya napipigilan ang bahagyang pagngiwi ng kanyang bibig.

"Ina bakit parang hindi naman talaga kayo nag-aalala, tingnan nyo ngat tumatawa pa kayo." 

Ang sabi ko naman habang hinahaplos ang aking mga braso't binti. Samantala si Ina naman ay hindi na napigilang tumawa, pati tuloy ako ay nadala narin sa pag tawa niya kaya naman sa halip na mainis ay nag tawanan nalang kami.

"Sya nga pala, kagagaling lang dito nang tagapag lingkod ng Hari, nais niyang tumungo ka sakanyang silid ngayong gabi."

Ang pag-iiba naman ni Ina sa usapan.

At dahil nga sa hindi ko maaaring pag hintayin ang mahal na Hari ay , nag palit lamang ako ng maayos na damit upang sa pag harap sa kamahalan ay desente kong maipapakita ang aking sarili. At gayun din, pag katapos na pag katapos ko ay agad kong binaybay ng mag-isa ang patungo sa silid ng Hari.

Ang totoo ay nais sana ni Ina na samahan ako ni Ama, dahil nga sa mapanganib na para sa akin ang mag lakad ng mag-isa. Gayunpaman, ay hindi ako pumayag dahil bukod sa kaya kong ipag tanggol ang aking sarili ay gusto ko ring gawin ang aming ginagawa nila Lady Gania at prinsessa Damina nuong mga bata pa lamang kami. At ito ay ang mag lakad habang hinahabol ang aming mga anino, nakakabata man isipin, subalit nakakatuwa parin itong gawin.

Makalipas ang ilang sandali habang patuloy parin sa paglalakad papasok sa pasilyo ay napansin ko Ang di maitagong katahimikan ng paligid.

"Ganito pala ang palasyo kapag sumapit na ang pag lubog ng araw. Napaka tahimik ng paligid at talaga nga namang nakakaaliw ang liwanag ng mga pantalya sa bawat pasilyo ng palasyo" Ang naaaliw kong bulong sa aking sarili habang nakatingala sa mga pantalyang nag sisipag liwanag.

Maya-maya pa ay narating ko na rin ang pasilyong papasok sa silid ng Mahal na Hari, at  habang  papalapit ay may napansin akong isang matipunong lalaki na lumabas ng silid.

"May panauhin ang Mahal na Hari sa kanyang silid!?" 

Pabulong ko sa aking sarili habang patuloy parin sa pag lalakad at Ilan pang sandali ay nakatayo na ako sa harap  ng silid ng Hari, Kung saan ay bago ko lang napagtanto na ang matipunong lalaki pala na nakita kong nakatayo kanina sa harap ng pinto ,  ay ang punong maestro  ng palasyo,  Si pinunong maestro Pitan ang bunsong kapatid ng Hari.

"Prinsipe Shattu?" 

Pagulat na bungad ng maestro habang nag palingon-lingong nag tataka kung bakit ako lang mag-isang nag lalakad.

"Mahal na prinsipe bakit kayo naririto sa ganitong oras ng gabi, at mag isa pa kayo kamahalan!?"

Magkahalong pagtataka at pangamba ang nakita kong nakapinta sa mukha ng punong maestro.

Alam nyo bang bukod sa Hari ay isa si punong maestro Pitan sa mga taong hinahangaan ko, kaya nuon paman at maging hanggang ngayon ay malaki at mataas parin ang pag galang ko sa kanya.

"Papasukin mo sya Maestro, ipinatawag ko sya upang makausap"

Tugon naman ng Hari Mula sa loob ng kanyang silid kaya naman binigyan ako ng daan ng punong maestro upang tuluyang makapasok sa loob.

"Kamahalan, ayon po sa inyong kautusan ay naririto napo ako"

Nanginginig na bati ko sa Hari kasabay ng pagyuko bilang tanda ng pag galang

Ang akala koy hindi ako kakabahan, yon bang magiging normal lang ang lahat dahil parehong mga Lolo ko ang mga kasusap ko. Pero, iba pala, mali ako nang akala. Iba pala talaga yong mararamdaman mo kapag nasa harap ka ng mga taong magigiting, pakiramdam ko tuloy, ilang sandali lang ay bibigay na ang binti ko dahil sa sobrang kaba.

"Shattu aking apo, pumarito ka".

Utos ng Hari, kaya naman bahagya akong lumapit sa kanya, at dahil nga sa siyay naka higa ay medyo lumapit pa ako nang kaunti.

" Nais kong Kunin mo ito"

sabi nito kasabay sa pag abot sa gintong palamuti.

"Ahh.....para saan po ito kamahalan"

Ang nagugulumihanan ko namang tugon kasabay ng pag abot sa ipinagkaloob nyang palamuti. at dahil sa hindi ko naman alam kung para saan ito ay nagawa ko itong paikutan ng tingin

"Kamahalan, Isa itong tanda ng pag-aasawa, at dahil kayo ang itinakdang prinsipe kailangan nyong ipagkaloob ang palamuti sa babaeng inyong nais na maging reyna."

Paliwanag naman ng punong maestro, dahilan kung bakit nanlaki ang mga mata ko.

"Po-po!!!?A-asawa!? Ah-anu pong ibig nyong sabihin kamahalan!?"

Pagulat na tugon ko, kasabay sa palaisipang hindi naman siguro nya ako paaasawahin dahil lang sa ako ang itinakdang prinsipe hindi ba? Hindi nga kaya?

"Base sa iyong reaksyong labis na pagka gulat ay mukang hindi pa nga naipapabatid  ng iyong ama't ina ang patungkol dito. Ganunpaman, dahil ikaw na ang bagong itinakdang prinsipe kailangan mong tanggapin ito 

"Su-subalit kamahalan hindi bat napaka bata ko pa para sa ganito kabigat na tungkulin at Isa pa po narito pa ang aking tiyuhing si prinsipe Hagan?"

Paliwanag ko naman. Sa totoo lang yon ang una kong iniisip kanina, na kung bakit ako ang napili ng Hari, samantalang malakas at buhay pa ang ikalawa niyang anak.

"Mahal na prinsipe kahit kailan ay hindi pa nabigo ang ating kamahalan sa pag pili ng mga taong pagkakatiwalaan, subalit sa iyong sinasabi ay tila ba pinagdududahan mo ang kakayahan ng Mahal na Hari."

"Ahhh...hi-hindi Naman po sa ganun kamahalan Ang akin lang po...

Mag sasalita pa sana ako upang mag paliwanag, subalit agad namang sumagot ang mahal na Hari

"Matatanggap mo ba?"

Ang muling tanong  ng Mahal na Hari, kaya naman napatuon ako sakanya,Subalit labis akong nag taka kung bakit tila may nababakas ako sa kanyang mga mata. Kaya naman nuong mga sandaling yon ay napaisip ako

"Bakit nga kaya tila may pag-aalala na nakapinta sa mukha ng mahal na Hari, na kahit pa pilit nya itong ikubli ay malinaw ko paring nababasa ito. Bakit nga kaya?"

Ang masidhi kong pananayam  saking sarili habang nakatingin parin sa Hari." Sa anong dahilan kaya!? 

 Gayunpaman, ay napilitan akong sumang ayon sa lahat ng sinabi ng mahal na Hari, paki wariy koy may iba pang dahilan ang ginagawa nyang ito, dahil sa nakikita ko na para bang may nais syang ipahiwatig sa kanyang mga ipinag-uutos. Subalit kung anu man yon ay hindi ko alam.

Ilan pang sandali matapos ang pag-uusap ay agad narin akong umuwi, Gayunpaman, habang nag lalakad ay may mga bagay parin na hindi maalis sa isip ko, At dahil nga sa wala ako sa aking sarili, ay hindi ko namalayang nasa harap na pala ako ng aming dampa. Tila parang napaka bilis kong nakarating sa aming dampa?,pagtataka ko at dahil nga sa malalim na ang gabi at batid ko ring tulog na sina ama, dahil sa wala na akong nakikitang lamparang nakasindi ay pumasok nalamang ako ng dahan-dahan upang hindi maka tawag pasin.

At matapos nga ang gabing iyon na tila ba panaginip ay nagising parin ako sa katotohanang may nakaatang na naresponsibilad sa aking balikat na kailan may hinding Hindi ko matataksan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   ANG UNANG HIMIG

    Sa paglisan ni Gatu, sakay sa kanyang kabayo. Ang kanyang puso’y puno ng kalungkutan at pag kabigo. Ang kanyang mga mata’y namumugto sa mga luha na hindi niya maaaring pigilan. Ang kanyang dibdib ay parang sasabog sa sama ng loob na kanyang nararamdaman. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya binibigyan ng importansya ng kanyang amang Hari.Habang nag lalakbay siya, ang kanyang mga mata’y nag lilibot sa kanyang paligid. Ang mga puno at halaman ay parang nag bibigay sa kanya ng kahalumigmigan, ang mga ibon na nag liliparan sa kalangitan ay parang nag papahiwatig sa kanya ng isang matayog na pag-asa na hanggang ngayon ay pinang hahawakan niya, dahil isa lang naman ang nais niya at yon ay tanggapin siya ng kanyang Amang Hari. Ang kanyang damdamin ay puno ng kalungkutan at pag kabigo. Hindi naman niya hinahangad ang trono, ang nais niyay kahit isang araw man lang ay maiturin niya ang sarili na kasapi sa pamilya.Ilan pang sandali ay nakarating na nga si Gatu sa hangganan ng Viraga

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   PALIGSAHAN

    KAHARIAN NG VIRGANIAAng paligsahan ng Virgania ay binubuo ng iilang pangkat. Una ay ang piling pangkat ng mga mandirigma na syang isinasanay mula pa sa pag kabata kung kayat maagang nahihiwalay ang mga anak na lalaki sa kanilang pamilya upang ihanda ang mga ito para mag lingkod at ipag tanggol ang kanilang bayan.Ikalawa ay ang mga pantas na maalam sa agham, sila ay ang mga nag-aaral sa mga buwan, bituin at araw upang mag matyag sa ipinapahiwatig ng kalangitan at nagbabasa ng mga panaginip, sila rin ang nag sasabi kung kailan darating ang tag-araw at tag-ulan, kung kailan ang tamang panahon ng pag tatanim at kung kailan naman hindi dapat mananim upang maiwasan ang pag kasira o pag katuyo ng mga ito at kung minsan ay ginagamit din itong hudyat sa pakikipag digmaan kung mananalo ba o silay malulupig ng kaaway. Ito ang dahilan kung bakit iginagalang ang mga pantas sa loob at labas ng palasyo dahil isa sila sa pinag kakatiwalaan ng Hari.Pangatlo ay ang pangkat ng sining at musika, sila

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   MAKALIPAS ANG DALAWAMPUNG TAON

    EMPERYO NG BABELONIA"Kamahalan.........." Ang nuoy malakas na sigaw ni manggani habang nag hahanap sa prinsessa.At habang paikot-ikot na nag hahanap ay nakarinig ito ng mabilis na yapak na nuoy gumagawa ng ingay dahil sa tuyong mga dahon na nakakalat sa paligid. Samantala, kasabay ng malakas na hangin ay ang matulin na pag bulosok ng pana mula sa kawalan kung saan ay natamaan nito ang isang malaking baboy ramo na nuoy nasa unahan lamang ni manggani dahilan para mapako ito sa kinatatayuan niya at manginig dahil sa takot.Sa kabilang banda ay isa namang babae ang lumabas, nakasuot ito ng damit at pang ibaba na yari sa balat ng hayop, habang ang panyapak nito ay gawa sa ibat-ibang mamahaling beads at tela na pinag halo rin sa balat ng hayop na nuoy umaabot hanggang sa kanyang tuhod.Nakatayo nuon ang isang maningkinitang babae habang hawak ang kanyang palaso, naka wayway ito ng kanyang buhok na sya namang sumasabay nang pag indayog sa ihip ng hangin. Nakasuot ito ng isang sambalilo na

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   KALAGUYO

    KAHARIAN NG VIRGANIA"Sabihin nyo, nahanap na ba ang mahal na Reyna" Bungad na sabi nuon ng Hari habang nakaupo sa kanyang trono.May isang buwan narin nuon ang nakalipas at hanggang sa araw na yon ay wala paring nangyayari sa kaniyang pag papahanap. Kaya naman nag patawag ng pag pupulong nuon ang Hari sa unang bulwagan."Paumanhin kamahalan subalit sinuyod na po namin ang labas ng kaharian pati na ang hangganan nito subalit bigo po kaming mahanap ang reyna" Nakayukong pag-uulat nuon ng inatasan na mag hanap sa reyna."Ang lakas ng loob mong tumungo dito na wala karin namang magandang iuulat. Isa pa kung kakaunti lang kayong nag hahanap sa reyna ay tiyak na hindi nyo sya mahahanap." Pag didiin na sabi nuon ng prinsipeng si Haggan habang nakatuon sa lalaki.Napalingon naman non ang Hari sa kanyang tiyuhin, samantala bigla nuong bumukas ang tarangkahan ng bulwagan ng pumasok ang tagapag-ingat atsaka ito yumuko upang mag bigay ng pag galang."Kamahalan, paumanhin sa pang gagambala subalit

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   SAGIP 3

    Kinabukasan ay magaagang nagising ang reyna kung saan ay nakita nya rin nuon na nag hahanda na ang pinuno at ilan sa mga tauhan nito. Matapos makapag agahan ay ibinilin ng pinuno sa ilang tauhan ang mga maiiwang bihag at pag katapos ay nag si pag handa na ito ng mga kagamitan.Ibinalot nuon ng reyna ang prisessa sa isang kulay puting tela na ipinagkaloob nuon ng pinuno, atsaka nag simula ito sa kanilang pag lalakbay pabalik sa lugar kung saan nila huling nakita nuon ang reyna. Ayon sa reyna ay anak siya ng isang mag sasaka at hindi niya batid kung paano siyang napunta sa lugar na iyon at kung sino ang dumukot sa kanila ito ang alibay na ginamit niya upang hindi malaman ng mga ito na isa siyang virgania.Dahil dito ay hindi rin naman nag dalawang isip pa na muling mag tanong ang pinunong si Igam at sa halip na usisain pa ito ay walang kibo nalamang nitong binaybay ang patungo sa hanggan.Gayunpaman, wala pa sila nuon sa kalagitaan ng bigla naman silang harangin ng mga murawi na nuoy na

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   SAGIP 2

    Matapos makapag pahinga ay muling inalalayan ng reyna ang pinuno habang binabaybay ang daan patungo sa pook ng mga Bagantok ito ay ang lugar kung saan namamalagi ang mga Babaylan ng Emperyong Babelonia.Sa loob ng isang talon ay may maliit na kweba kung saan naroon ang mga bihag pati na ang kanang kamay na pinuno na si Gatyong. At ito ay malapit lamang sa palasyo ng emperador na si Na-am na nuoy may sampung taon ng namumuno sa bayan ng Babelonia matapos mamatay ang kanyang ama.Kilala nuon ang Babelonia sa isa sa may pinaka malawak na pagawaan ng ibat-ibang uri ng tela at mamahaling mga palamuti na kung saan ay nakikipag kalakalan ito sa iba't-ibang bansa.Nang makapasok sa loob ang reyna habang inaalalayan ang pinuno na nuoy pilit na kinakaya ang kanyang katawan ay agad namang sumalubong si Gatyong upang tulungan ang kanyang pinuno at malapit sa ginawa nilang apoy ay duon nila pinaupo ang lalaki.Sa kabilang banda naman ay agad na ginamot ng kanilang tauhan ang sugat na nuoy natamo ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status