Share

PINAGMULANG ANGKAN

last update Last Updated: 2021-05-24 19:55:45

PINAGMULAN NG ITINAKDANG HARI

(Prinsipe Shattu)

Ang Hari ng palasyo ay mayroon dalawang mga kapatid at ito ay sina , prinsessa Adame ang ikalawa at prinsipe Pitan ang kanilang bunsong kapatid at punong maestro ng palasyo.

Nuong hirangin ang prinsipeng Ahara bilang Hari ay nagkaroon Ito ng tatlong supling sa irog na si Reyna Ahe, at ito ay sina prinsipe Na-il ang panganay na anak ng Hari, si prinsipe HAGAN ang ikalawa at si prinsessa Yeso ang bunsong anak.

Si prinsipe Na-il ay ikinasal nuon sa prinsessang si Yomie. Kung saan ay nag karoon din sila ng nag-iisang supling na prinsessa, subalit ng hirangin ang prinsipe bilang bagong itinakda ay agad naman siyang binawian ng buhay sa kadahilanang hindi pa matukoy. Samantala, ang irog naman nitong si Prinsessa Yomie ay hinatulan ng pagtataksil dahil sa umanoy espiya daw ito ng kabilang bayan kaya naman ibinaba ang sanghay ng kanyang angkan mula sa Tapat na angkan at pinatawan siya ng mahabang panahon na pagkakakulong sa piitan ng palasyo, at ang anak naman nitong si prinsessa Namie ay naging tagapag lingkod ng mga WAYA(pantas).

Si prinsipe Hagan naman ay ikinasal din sa prinsessang si Yena, at dahil sa kapalarang hindi niya magawang bigyan ng supling ang prinsipeng si Hagan ay itinakwil siya nito.

Si prinsessa Hyesha naman ay ikinasal din sa prinsipeng si Natu kung saan ay nagkaroon sila ng dalawang supling at ito ay sina prinsessa Hyena at prinsipe Shattu (ang itinakda).

***PAGBUBUOD***

Haring AHARA / Reyna AHE

*Prinsipe Na-il/Prinsessa Yomie

-Princessa Namie

*Prinsipe Hagan/Prinsessa Yena

*Prinsessa Hyesha /Prinsipe Natu

-Prinsessa Hyena

-Prinsipe Shattu

PINAGMULAN NG ITINAKDANG REYNA

(Prinsessa Damina)

Nuong mabawi ng Haring AHARA ang bayan ng VIRGANIA

ay naitas naman ang ranggo ng kanyang kapatid na si Pitan bilang Punong mandirigma kung saan naman ay ipinakasal siya sa isang sagradong angkan na si prinsessa Enya at nagkaroon naman sila ng dalawang supling

Ito ay sina prinsessa Aya, at prinsessa mina.

Si prinsessa Aya na kanilang panganay ay ipinakasal sa prinsipeng si Dinambo(ang pinuno ng mga Waya ng palasyo) Kung saan ay nagkasupling sila ng tatlong prinsipe at Ito ay sina prinsipe Egan, prinsipe Agi, at prinsipe Mathan.

Si prinsipe Egan ay isang mahusay na pinunong manunulat at taga lathala ng sining sa palasyo kung saan ay nag susulat siya ng mga salawikain na nag tatakda sa palasyo ng Virgania, siya rin ang lumilikha ng mga plorera, kubyertos, silya,at ibat-ibang kagamitan sa palasyo. Nag susulat din siya ng mga awitin at isa na rito ay ang awiting "Ang kadenang bulaklak" ang awiting madalas na ginagamit sa pagdiriwang, isa rin dito ay ang "Irog" Ito naman Ang madalas na ginagamit sa pamamangkaw o kasal. Subalit sa di inaasahan ay pumanaw ang prinsipe sa isang malubhang karamdaman, kaya naman ang buong palasyo ay nag dalamhati sa kanyang pagkamatay, at bilang pag-alaala sa kanyang kahusayan ay nagkakaroon ng sagradong pag-aalay ang buong palasyo.

Si prinsipe Agi naman ay ikinasal sa isang pantas ng palasyo na si Waya Mirre. Subalit sa kasamaang palad ay pumanaw naman agad ang Wayang si Mirre ng maisilang ang kanilang panganay na supling at ito ay si prinsipe Gimre.

Si prinsipe Mathan naman na syang bunsong anak nina Prinsessa Aya at prinsipe Dinambo ay nakatakdang ikasal sa prinsessang si Hyena ang nakatatandang kapatid ni prinsipe Shattu

Si Prinsessa Mina naman na ikalawang anak nina Prinsipe Pitan at Prinsessa Enya ay ikinasal nuon sa Punong Guro ng mga mandirigma at ito ay si prinsipe Ha-e ang pinsan nila sa pinsan ng mahal na Hari.

Nagkaroon din sila ng isang supling at ito ay si Prinsessa Hamina na ikinasal din sa pinsan niyang si prinsipe Dayte at nagkaroon ng dalawang supling, Ito ay sina prinsessa Hayte at Prinsessa Damina

Si Prinsessa Hayte ay ikinasal sa kanyang pinsan sa lolang si Prinsessa Adame(Ang kapatid ni prinsipe Pitan at Haring Ahara) at ito ay si prinsipe Kalil.

Si Prinsessa Damina Naman na bunsong anak ay nakatakdang ikasal sa Itinakdang Hari na si Prinsipe Shattu.

*****PAGBUBUOD*****

Prinsipe Pitan/Prinsessa Enya

*Prinsessa Aya

*Prinsessa Mina

Prinsessa Aya/Prinsipe Dinambo

*Prinsipe Egan

Prinsipe Agi/ Waya Mirre

*Prinsipe Gimrre

Prinsipe Mathan/Prinsessa Hyena

(Nakatakdang ikasal)

Prinsessa Mina/Prinsipe Ha-e

*Prinsessa Hamina

Prinsessa Hamina/Prinsipe Dayte

* Prinsessa Hayte

*Prinsessa Damina

Prinsessa Hayte/Prinsipe Kalil

PrinsessaDamina/PrinsipeShattu

(Ang Itinakdang Hari at Reyna)

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   ANG UNANG HIMIG

    Sa paglisan ni Gatu, sakay sa kanyang kabayo. Ang kanyang puso’y puno ng kalungkutan at pag kabigo. Ang kanyang mga mata’y namumugto sa mga luha na hindi niya maaaring pigilan. Ang kanyang dibdib ay parang sasabog sa sama ng loob na kanyang nararamdaman. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya binibigyan ng importansya ng kanyang amang Hari.Habang nag lalakbay siya, ang kanyang mga mata’y nag lilibot sa kanyang paligid. Ang mga puno at halaman ay parang nag bibigay sa kanya ng kahalumigmigan, ang mga ibon na nag liliparan sa kalangitan ay parang nag papahiwatig sa kanya ng isang matayog na pag-asa na hanggang ngayon ay pinang hahawakan niya, dahil isa lang naman ang nais niya at yon ay tanggapin siya ng kanyang Amang Hari. Ang kanyang damdamin ay puno ng kalungkutan at pag kabigo. Hindi naman niya hinahangad ang trono, ang nais niyay kahit isang araw man lang ay maiturin niya ang sarili na kasapi sa pamilya.Ilan pang sandali ay nakarating na nga si Gatu sa hangganan ng Viraga

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   PALIGSAHAN

    KAHARIAN NG VIRGANIAAng paligsahan ng Virgania ay binubuo ng iilang pangkat. Una ay ang piling pangkat ng mga mandirigma na syang isinasanay mula pa sa pag kabata kung kayat maagang nahihiwalay ang mga anak na lalaki sa kanilang pamilya upang ihanda ang mga ito para mag lingkod at ipag tanggol ang kanilang bayan.Ikalawa ay ang mga pantas na maalam sa agham, sila ay ang mga nag-aaral sa mga buwan, bituin at araw upang mag matyag sa ipinapahiwatig ng kalangitan at nagbabasa ng mga panaginip, sila rin ang nag sasabi kung kailan darating ang tag-araw at tag-ulan, kung kailan ang tamang panahon ng pag tatanim at kung kailan naman hindi dapat mananim upang maiwasan ang pag kasira o pag katuyo ng mga ito at kung minsan ay ginagamit din itong hudyat sa pakikipag digmaan kung mananalo ba o silay malulupig ng kaaway. Ito ang dahilan kung bakit iginagalang ang mga pantas sa loob at labas ng palasyo dahil isa sila sa pinag kakatiwalaan ng Hari.Pangatlo ay ang pangkat ng sining at musika, sila

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   MAKALIPAS ANG DALAWAMPUNG TAON

    EMPERYO NG BABELONIA"Kamahalan.........." Ang nuoy malakas na sigaw ni manggani habang nag hahanap sa prinsessa.At habang paikot-ikot na nag hahanap ay nakarinig ito ng mabilis na yapak na nuoy gumagawa ng ingay dahil sa tuyong mga dahon na nakakalat sa paligid. Samantala, kasabay ng malakas na hangin ay ang matulin na pag bulosok ng pana mula sa kawalan kung saan ay natamaan nito ang isang malaking baboy ramo na nuoy nasa unahan lamang ni manggani dahilan para mapako ito sa kinatatayuan niya at manginig dahil sa takot.Sa kabilang banda ay isa namang babae ang lumabas, nakasuot ito ng damit at pang ibaba na yari sa balat ng hayop, habang ang panyapak nito ay gawa sa ibat-ibang mamahaling beads at tela na pinag halo rin sa balat ng hayop na nuoy umaabot hanggang sa kanyang tuhod.Nakatayo nuon ang isang maningkinitang babae habang hawak ang kanyang palaso, naka wayway ito ng kanyang buhok na sya namang sumasabay nang pag indayog sa ihip ng hangin. Nakasuot ito ng isang sambalilo na

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   KALAGUYO

    KAHARIAN NG VIRGANIA"Sabihin nyo, nahanap na ba ang mahal na Reyna" Bungad na sabi nuon ng Hari habang nakaupo sa kanyang trono.May isang buwan narin nuon ang nakalipas at hanggang sa araw na yon ay wala paring nangyayari sa kaniyang pag papahanap. Kaya naman nag patawag ng pag pupulong nuon ang Hari sa unang bulwagan."Paumanhin kamahalan subalit sinuyod na po namin ang labas ng kaharian pati na ang hangganan nito subalit bigo po kaming mahanap ang reyna" Nakayukong pag-uulat nuon ng inatasan na mag hanap sa reyna."Ang lakas ng loob mong tumungo dito na wala karin namang magandang iuulat. Isa pa kung kakaunti lang kayong nag hahanap sa reyna ay tiyak na hindi nyo sya mahahanap." Pag didiin na sabi nuon ng prinsipeng si Haggan habang nakatuon sa lalaki.Napalingon naman non ang Hari sa kanyang tiyuhin, samantala bigla nuong bumukas ang tarangkahan ng bulwagan ng pumasok ang tagapag-ingat atsaka ito yumuko upang mag bigay ng pag galang."Kamahalan, paumanhin sa pang gagambala subalit

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   SAGIP 3

    Kinabukasan ay magaagang nagising ang reyna kung saan ay nakita nya rin nuon na nag hahanda na ang pinuno at ilan sa mga tauhan nito. Matapos makapag agahan ay ibinilin ng pinuno sa ilang tauhan ang mga maiiwang bihag at pag katapos ay nag si pag handa na ito ng mga kagamitan.Ibinalot nuon ng reyna ang prisessa sa isang kulay puting tela na ipinagkaloob nuon ng pinuno, atsaka nag simula ito sa kanilang pag lalakbay pabalik sa lugar kung saan nila huling nakita nuon ang reyna. Ayon sa reyna ay anak siya ng isang mag sasaka at hindi niya batid kung paano siyang napunta sa lugar na iyon at kung sino ang dumukot sa kanila ito ang alibay na ginamit niya upang hindi malaman ng mga ito na isa siyang virgania.Dahil dito ay hindi rin naman nag dalawang isip pa na muling mag tanong ang pinunong si Igam at sa halip na usisain pa ito ay walang kibo nalamang nitong binaybay ang patungo sa hanggan.Gayunpaman, wala pa sila nuon sa kalagitaan ng bigla naman silang harangin ng mga murawi na nuoy na

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   SAGIP 2

    Matapos makapag pahinga ay muling inalalayan ng reyna ang pinuno habang binabaybay ang daan patungo sa pook ng mga Bagantok ito ay ang lugar kung saan namamalagi ang mga Babaylan ng Emperyong Babelonia.Sa loob ng isang talon ay may maliit na kweba kung saan naroon ang mga bihag pati na ang kanang kamay na pinuno na si Gatyong. At ito ay malapit lamang sa palasyo ng emperador na si Na-am na nuoy may sampung taon ng namumuno sa bayan ng Babelonia matapos mamatay ang kanyang ama.Kilala nuon ang Babelonia sa isa sa may pinaka malawak na pagawaan ng ibat-ibang uri ng tela at mamahaling mga palamuti na kung saan ay nakikipag kalakalan ito sa iba't-ibang bansa.Nang makapasok sa loob ang reyna habang inaalalayan ang pinuno na nuoy pilit na kinakaya ang kanyang katawan ay agad namang sumalubong si Gatyong upang tulungan ang kanyang pinuno at malapit sa ginawa nilang apoy ay duon nila pinaupo ang lalaki.Sa kabilang banda naman ay agad na ginamot ng kanilang tauhan ang sugat na nuoy natamo ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status