LOGINKinabukasan, alas-tres pa lang ng umaga, gising na siya. Alas sais ang flight niya at ayaw niyang ma-late. Medyo malayo pa naman ang airport sa tinutuluyan niyang hotel. Mabuti na yung maaga siya sa airport. Nag-offer din si Nova na ihatid siya sa airport pero tumanggi siya. Isang maliit na bag lang ang dala niya. Hindi na siya nagdala pa ng mga damit dahil madami naman siyang damit sa condo niya sa Manila. Bago umalis ay chineck niya ang kanyang bag. Binuksan niya ang maliit na box na kulay pula. Gold necklace iyon na may pendant na heart. Graduation gift niya para kay Paulette. Matagal na niya iyong binili at sa wakas ay maibibigay na niya mamaya. Napangiti siya habang tinititigan iyon. Pagdating sa airport, ramdam niya ang halo ng excitement at kaba. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan. Kahapon pa niya iyon nararamdaman simula nang hindi niya ma-contact si Paulette. Hanggang ngayong aalis na siya ay hindi pa din sila nakakapag-usap ng nobya. Di bale, mamaya ay magk
ELIJAH'S POV: Ilang araw na siyang hindi mapakali. Hindi pa niya nakakausap ulit si Paulette. Ang huling usapan nila ay ‘yung pinangako niyang a-attend siya sa graduation nito. Pero ngayon, halos buong araw niyang tinatry tawagan ang nobya pero nakapatay ang cellphone nito. Wala naman siyang number ni Tere o di kaya ni Tanya para pagtanungan. Hindi na siya makapag-focus sa kanyang trabaho. Bukas na ang graduation ni Paulette, at hindi pa niya alam ang detalye kung anong oras ang graduation at kung saan gaganapin. Di bale, isusurprise na lang niya ang nobya. Binuksan niya ang kanyang laptop para mag-book ng ticket niya. “What are you doing, Elijah?” nagtatakang tanong ni Nova nang makita siyang nagse-search ng ticket. “Uuwi lang ako sandali sa Manila para umatend ng graduation ng nobya ko. Babalik din agad ako.” Hindi na siya nag-abalang tumingin pa kay Nova dahil abala siya sa pagse-search. “Hindi ka pwedeng umalis, Elijah. May importante tayong meeting bukas!” “Hindi din ak
Habang nag-aayos ng kanyang mga gamit ay tinawagan niya sina Tanya at Tere. May GC silang tatlo kaya mabilis niyang na-contact ang dalawa ng sabay. Nag-video call sila.“Pwede ba tayong mag-meet sa labas ng campus, mga friend?” sabi niya.“O, bakit parang malungkot ang boses mo?” tanong ni Tanya“Mamaya ko na ipapaliwanag. Punta na kayo ngayon sa campus. Papunta na ako doon.”“Huh? Bakit naman nagmamadali ka? Kakatawag mo lang tapos ngayon agad-agad pupunta?” si Tere naman ang nagsalita.“Wag na kayong magtanong. Basta punta na kayo ngayon. Mag-taxi na kayo, babayaran ko ang pang-taxi niyo.”“Sige... kung di ka lang namin love eh, hmp!”Pagkatapos nilang mag-usap ay sandali siyang umupo at gumawa ng letter para kay Elijah. Makikipaghiwalay siya sa kanyang nobyo. Hindi niya alam kung kailan pa sila magkikita muli. Ayaw niyang paasahin ang lalaki. Hindi niya alam kung hanggang kailan sila sa China at kung kailan sila babalik sa Pilipinas... o baka nga hindi na.Tumutulo ang kanyang luha
“Bakit ka pa naghahanap ng lalaking apo, Lolo? Ayan si Paulette, ga-graduate na siya. Siya ang hahawak sa negosyo mo. Matalino ‘yang apo mo, ‘wag mo nga lang akong asahan dahil hindi ako nakapag-aral simula nang lumayas ako at napunta sa bahay-ampunan,” malungkot na sabi ng mommy niya.“No, Elise. ‘Wag mong sisihin ang sarili mo kung bakit hindi ka nakapag-aral. ‘Wag mo nang intindihin ‘yan dahil may mga anak ka na magtutulong-tulong para palaguin ang mga negosyo natin sa Elise Corporation.”“Elise Corporation?” tanong niya.“Oo, iha... bakit?” nagtatakang tanong ni Lolo Li.“Ah eh... wala po, Lolo... narinig ko lang sa mga balita. Sa inyo pala ‘yung Elise Corporation?”“Sa atin, iha..." pagtatama ng lolo nya. "Pinangalan ko sa mama niyo ang kompanya dahil siya ang nag-iisa kong tagapagmana at umaasa ako na magkikita pa kami... at eto na nga, nangyari na.”Natahimik siya... ‘Di ba ang pinagtatrabahuhan ngayon ni Elijah na bagong Chinese company ay sa Elise Corporation? Kumpanya ba ng
Kinabukasan, habang nagbe-breakfast sila ng kanyang mga kapatid, ay nahalata niyang may bumabagabag pa rin sa kanyang mama.“Ma, are you okay?”“Ok lang ako, anak.”“Iniiisip mo pa rin ba ang text na natanggap mo kagabi?”“Hindi ko lang lubos maisip kung paano ako nahanap ni Daddy. It’s been years... Kung kailan nahanap ako ni Lolo ay saka naman din nahanap din ni Daddy... bakit ganun?”“Ang mabuti pa, sabihin natin kay Atty. Chan.” suwestyon nya“‘Wag mo nang intindihin ‘yun, anak. Ako na ang bahala. Kumain ka lang diyan.”Hindi na siya muling nagtanong pa at pinagpatuloy ang kanyang pagkain. Gusto niyang bigyan ng oras ang kanyang mama para makapag-isip-isip.Maya-maya ay may kumatok sa kanilang pinto. Siya ang tumayo para lumapit sa pinto, pero bago pagbuksan ay tiningnan muna niya sa peephole kung sino ang naroon. Napangiti siya nang makita si Atty. Chan. Agad niya itong binuksan.“Good morning, Paulette,” nakangiting bati ni Atty. Chan.“Good morning din, Atty.,” nahihiyang sabi
Bumalik siya sa veranda at tinawagan muli si Paulette para ma-divert ang kanyang atensyon sa kamunduhan. Pero hindi nito sinasagot ang tawag niya.“Di bale, bukas na lang ulit… baka tulog na siya.”Akmang babalik na siya sa loob nang mag-ring ang cellphone niya. Napangisi siyang nang makita si Paulette ang tumatawag. Agad niya iyong sinagot.“Hi, babe… miss me?” Ang lapad ng ngiti niya, pakiramdam niya ay abot hanggang tenga.“Heh… ikaw nga ang naka-miss sa akin! Nag-call back lang ako sa’yo,” pasupladang wika nito.“Hahaha… bakit, hindi mo ba ako na-miss?”“N-na-miss.”“‘Yun naman pala, eh… I miss you, babe. Ilang araw na tayong ‘di nakapag-usap… pasensya ka na ha, busy lang…”“I understand… kamusta nga pala ang work mo d’yan?”“Okay naman. Bukas may meeting ulit kami with the local government. Sobrang busy… sa gabi lang ako nakakapagpahinga talaga ng ganito.”“Ganun ba? Sa graduation ko pala pupunta ka?”“Oo naman, ‘di ba napag-usapan natin ‘yan? Kahit gaano ako ka-busy dito, I will






