Maaga siyang nagising kinabukasan. Kahit pa hindi siya makatulog ay pinilit niya ang sarili dahil ayaw niyang madagdagan ang eyebags niya.Nagising na din si Callie. Binuhat niya ang anak saka agad silang bumaba ng komedor.“Where is mom, Yaya?” tanong niya sa katulong.“Nasa garden, senyorita. Nagkakape sila ng daddy mo.”Agad siyang pumunta kung nasaan ang mga magulang. Naiinis siya dahil pakape-kape pa ang mga ito na parang hindi nag-aalala sa party na idadaos mamaya sa bahay nila.“Mom, Dad? Ano ang ginagawa niyo?” Nagulat ang mga ito sa pagsulpot niya. Buhat-buhat pa din niya ang anak niya.“Why? Nagkakape kami, bakit?”“Eh, di ba may party tayo dito mamaya? Bakit hindi pa kayo naghahanda? Bakit mukha wala man lang nag-aasikaso ng bahay?”“Anak, it’s only six in the morning. Mamayang 8PM pa ang party natin. Saka hindi naman kailangan tayo ang gagawa at magluluto. Nag-contact na ako ng event coordinator para sila na ang mag-asikaso dito sa bahay at sa mga foods and everything. Lea
BELLE'S POV:Nagising siya sa ingay ng telepono. Naalimpungatan siya at agad na kinuha ang telepono sa bag. Baka magising pa si Callie sa ingay nun.Napatingin siya sa tumatawag... number lang iyon at hindi naka-save sa kanyang phonebook. Ala-una na ng umaga. Sino pa ba ang tatawag sa kanya ng ganoong dis-oras ng gabi? Nagdadalawang-isip kung sasagutin niya ang tawag pero baka isa sa mga kaibigan niya.“H-hello?” nag-aalangang sagot niya.Nung una ay hindi sumasagot ang nasa kabilang linya. Tila pinapakinggan lang ang boses niya.“Hello?...” muling sabi niya. “Kung hindi ka magsasalita, ibaba ko na lang ang telepono. Nakakainis ka, istorbo ka sa pagtulog ko!” inis na sabi niya. Mahina lang iyon pero may diin. Baka kapag nilakasan niya ang kanyang boses ay magising si Callie.Akmang papatayan na niya ito ng telepono nang bumuntong-hininga ang nasa kabilang linya.“Who’s this?” muling tanong niya.“B-Belle...”“C-Caleb? Is this you?” pagkumpirma niya.“Y-yes, it’s me...”Sya naman ang h
Paglabas niya ng restaurant ay tuluyan nang tumulo ang kanyang luha na kanina pa niyang pinipigilan. Hindi niya akalain na tatanggihan siya ni Caleb ng ganun-ganun lang, kahit pa humingi na siya ng tawad sa lalaki.At saka hindi lang naman siya ang may kasalanan two years ago! May kasalanan din si Caleb kaya nagawa niya ang mga desisyon nyang umalis at wag siputin ang kasal nila. Ang mali niya lang ay nagpadalos-dalos siya ng desisyon. Pero sa pinaparamdam ni Caleb, bakit parang kasalanan niya ang lahat?Narinig niya ang yabag ng kanyang mga magulang na nakasunod sa kanya.Nauna siyang pumasok sa kotse, saka doon hinayaang tumulo ang luha. Ang sakit-sakit na ayawan siya ni Caleb. Ito pala ang pakiramdam na mabasted ng isang lalaki?"Anak..."Agad siyang nagpunas ng kanyang luha nang makapasok na ang mga magulang."It's okay, anak... kung ayaw ni Caleb, ay ‘wag natin siyang pilitin. At least we tried." pag-aalo ng daddy nya"Did you plan all this, Dad?" galit na sabi niya. "Plinano mo
BELLE'S POV:Nagpunas muna siya ng mga luha paglabas ng opisina ni Caleb. Dumaan din siya ng CR para tingnan ang hitsura niya. Ayaw niyang makita ng iba na kakagaling lang niya sa pag-iyak.Pero habang nasa CR ay lalo siyang naiyak. Hindi niya akalain na sa gabing iyon sila magkikita ni Caleb... hindi siya handa. But there's no turning back. Matagal na niya itong plano... na kapag nagkita sila ay sasabihin niya ang mga dapat niyang sabihin... ang tungkol kay Callie. Pero bakit kanina ay naduwag siya?Hindi naman kasi sinabi ng daddy niya na doon pala sila pupunta sa restaurant nina Caleb. Kung sana ay nakapaghanda siya.Pero sa isip niya, kahit anong paghahanda ay hindi pa din iyong magiging sapat dahil iba pa din kapag kaharap na niya ang nag-iisang lalaking nagpapapatibok ng puso niya simula pa noon hanggang ngayon.Ang kinakatakot pa niya kung ano ang magiging reaksyon ni Caleb kung sakaling makilala na nito si Callie bukas. Matatanggap kaya nito ang anak nila? Sa nakikita niya kan
“P-punta ka, Cale8b ha… may ipapakilala ako sa'yo...” Narinig niyang mahinang sabi ni Belle sa kanya habang nagkakagulo ang lahat sa pagkakamustahan.“Sino?” walang ganang sagot niya.Si Callie ba ang ipapakilala nito sa kanya? Ang bago nitong karelasyon? Sakit naman sa puso kung ganun. Bakit pa kailangan siyang ipakilala? Pwede bang tantanan na lang siya? Gusto niyang isigaw 'yon sa mukha ni Belle, pero hindi niya ginawa. Magmumukha lang siyang bitter. Kaya ipapakita na lang niya na kunwari naka-move on na siya, para hindi siya magmukhang kawawa.“Sure... I’ll come... nang makilala ko naman ang bagong nagpapatibok ng puso mo...” sabi niya. Nakita niyang medyo naguluhan si Belle sa sinabi niya, pero wala siyang pakialam.“Guys, kayo muna ang mag-entertain sa bisita natin ha. Nakalimutan ko, may tatawagan pa pala akong supplier. I’ll be back.” sabi niya at agad na tumayo. Hindi na niya hinintay na sumagot pa ang mga ito. Dali-dali siyang pumasok sa kanilang opisina.“Damn! Napaka p*ta
“Ahm... excuse me, guys... I have to take this call...”“Sige, pero bumalik ka ha. Binibida ko sa mag-ina ko kung gaano kasarap ang pagkain dito sa restobar nyo.”Tipid siyang ngumiti. Alam ba ni Belle na siya ang may-ari doon? Pero bakit parang nagulat din ito nang makita siya doon?Umalis siya sandali para pumunta sa bar counter at sagutin ang tawag na sinasabi ng waiter. Nagpapasalamat siya dahil nakaalis siya doon. Hindi na kasi siya makahinga sa lakas ng kabog ng dibdib niya. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili.Habang kumakausap sa telepono sa supplier nila, panay ang sulyap niya sa table nina Belle. Halatang naiilang din ito knowing na pasulyap-sulyap siya.“Shit, what is happening? Plano ba ni Senator ang lahat ng ito? Bakit tila masaya pa ang matanda na nagkita sila ni Belle? Saka alam naman nito na andoon siya, ‘di ba? Kaya ba siya pinilit nitong doon sila mag-usap tungkol sa transaction nila?Nang pagsulyap niya ulit, nagtama ang kanilang mga mata ni Belle. Muli na naman