CLIFFORD HAN, The Possessive CEO

CLIFFORD HAN, The Possessive CEO

last updateLast Updated : 2025-11-28
By:  Hiraya ZRUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
8Chapters
14views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"I'm so angry right now, seeing you smiling and flirting with other man makes my blood boil. If anyone thinks they can touch you, I'll kill him. You don't get it, do you? You were mine. You always were...." Matapos iligtas ni Katrina ang isang misteryosong lalaki sa isang aksidente na nagpawala sa alaala nito, aksidente din niyang naibigay ang sarili dito. That hot night with him made her fall in love with the man, the very first man who made her heart beat so fast. At kahit pa walang maalala ang lalaki sa nakaraan nito, nagawa pa rin niyang ipagkatiwala ang puso dito, sinuklian naman ng lalaki iyon subalit isang araw ay bigla na lamang itong nawala at kasabay ng pagkawala nito sa buhay niya ay nawala din ang mga ebidensyang nakalap niya sa taong pumatay sa lolo niya. Nag uumpisa nang bumangon si Katrina subalit saka naman muling nagkrus ang landas nila ng lalaki, ano ang mangyayari kapag nalaman niya ang tunay na pagkakakilanlan ng lalaking mahal niya? Magiging hadlang ba ito sa kanyang paghahanap ng katarungan, o magiging daan ito sa tunay na pag ibig?

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

Inis na naihagis ni Katrina ang itim na sumbrero at hinablot ang bote ng alak na nasa tabi at tumungga. Napangiwi siya nang gumuhit iyon sa kanyang lalamunan, halos mangalahati ang laman nang bitawan niya. Pinunasan pa niya ang gilid ng bibig sa tumulong alak.

"Lo, ilan taon na kayong wala pero hindi ko pa ring nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ninyo pero pangako hindi ako titigil, mapapakulong ko rin ang pumatay sa inyo."

Nagpupuyos ang galit niya na sinulyapan ang mataas na bakod, sa likod niyon ay ang malaking mansiyon ng pinakamayaman at pinakamakapangyarihang tao sa lugar nila, si Mr. B.

Sumapit na naman ang death anniversary ng lolo niya pero malaya pa rin ang salarin sa pagkamatay nito.

Nang marinig niya ang pagpatak ng ulan sa bubong ng sasakyan ay nagpasya siyang buhayin ang makina at umalis na sa lugar na iyon.

Pagpaplanuhan na lang ulit niya ang pagpunta niya doon, tutal ay may nalaman siyang impormasyon. Pinapangako niya na sa susunod niyang punta doon ay makukuha niya ang mga ebidensya na ikakabagsak ng mayamang businessman na si Mr. B.

Nakabig ni Katrina ang sasakyan nang makarinig ng malakas na busina sa likuran niya, tumigil siya saglit at awang ang labi nang makita ang sunod-sunod na pagdaan ng mga sasakyan, humaharurot ang mga iyon.

"That brat kids! Gabing gabi na, nang iistorbo pa ng mga natutulog," inis na bulong niya na sa pag aakalang mga kabataang nagkakarerahan lang ang mga iyon.

Liblib ang lugar na iyon pero maraming mayayaman doon, naglalakihan ang mga bahay ng mga ito.

Pinagpatuloy niya ang pagmamaneho at habang palayo siya ng palayo ay padilim naman ng padilim ang daan, tanging ilaw lamang ng kanyang sasakyan ang makikita.

Mapuno na at masukal ang magkabilang bahagi ng daan, kung tutuusin ay nakakatakot ang lugar subalit dahil doon siya lumaki ay sanay na siya.

Hindi siya naniniwala sa mga kuwentong may aswang o maligno roon, mas naniniwala pa siya sa mga taong halang ang kaluluwa na pumapatay ng mga tao, ilang beses na kasing may sunod sunod na bangkay na nakikita sa kung saan saang bahagi sa masukal na daang iyon.

Malamang, sinalvage o tinorture ng kung sinong mga maiitim ang budhi at doon itinatapon. Katulad na lamang noong nakaraang buwan nabalitaan niyang may narekober na bangkay ng lalaki na may tama na nga ng bala sa ulo, sinunog pa ang katawan, tuloy hanggang ngayon ay hindi pa ito nakikilala. Naawa nga siya dahil hindi man lang nabigyan ng maayos na burol ang lalaki, samantalang hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang may kagagawan.

"Diyos na lang ang bahala sa mga kaluluwa nila," bulong pa niya.

Saglit na kinapa niya ang cellphone sa bulsa nang marinig ang pagvibrate niyon, isang text message mula sa lola niya ang natanggap niya.

'Dalawin mo naman ako dito sa ospital apo, isama mo ang boyfriend mo, huwag na hindi, gusto ko na magkaapo. Bigyan mo na ako.'

Nagbuntong hininga siya ng ibalik sa bulsa ang cellphone.

Ilan beses na siya nitong kinukulit na mag asawa, matanda na raw kasi ito at gusto na makita ang magiging anak niya.

Sa edad kasi niya na beinte sais ay wala siyang inatupag kundi ang pamahalaan ang naiwang negosyo ng lolo niya at ang paghihiganti sa pumatay dito. Wala siyang panahon sa pakikipagrelasyon at isa pa, wala pang lalaking nagpapatibok sa puso niya.

Kapag dumating ang lalaking iyon, pangako namang susunggaban kaagad niya.

Kinuha niya ang silver necklace na may dog tag sa maliit na bulsa ng kanyang bag, saglit iyong tinitigan bago mahigpit na kinuyom ang palad.

"Lolo, tutuparin ko ang pangako ko sa'yo," bulong niya bago ibinulsa ang bracelet.

Muli niyang itinuon ang atensyon sa pagmamaneho, maya-maya ay napapreno siya bigla nang may mahagip ang mga mata niya.

Dahan-dahan niyang iniatras ang sasakyan at itinapat ang head light sa gilid ng bangin.

Ganon na lamang ang pagkagimbal niya nang makita ang isang magarang sasakyan, malaki ang pagkasira sa harap niyon at nag uumpisa nang magliyab ang likurang bahagi.

Bumaba siya upang tiyakin kung may tao ba sa loob niyon. Base sa nakikita niyang pagkasira sa sasakyan at sa bakas ng gulong sa maputik na daan, mukhang bumangga ito sa malaking puno at nagpaikot ikot hanggang mapunta sa gilid ng bangin.

Nagdalawang isip pa siyang bumaba ng sasakyan dahil malakas ang ulan, ayaw pa naman niya kapag umuulan ng ganon pero ewan niya kung bakit mas nangibabaw sa kanya ang tumulong sa iba.

Tumakbo na siya patungo sa nagliliyab na sasakyan, sinilip niya ang basag na salamin sa driver's side.

Nanlaki ang mga mata niya nang makitang may taong nakasubsob sa manibela, nakita niyang gumalaw ang lalaki, mukhang may malay pa naman ito subalit dahil sa pagkakabangga tiyak niyang mahilo-hilo pa ang lalaki.

Wala na siyang inaksayang oras, kung babagal-bagal pa siya, tiyak na masusunog na ang sasakyang iyon at kasamang matutupok ang tao sa loob.

Binuksan niya ang pinto ng driver's side.

"Bilis! Masusunog na ang sasakyan mo!" sabi niya na tinanggal ang seat belt ng lalaki, "Kaya mo bang tumayo?" tanong niya dito. Nang tingnan niya ang lalaki ay lihim na napasinghap siya.

Bakit hindi? Kahit duguan ang mukha nito ay hindi maipagkakaila ang taglay nitong kaguwapuhan.

Pinilig niya ang ulo, wala ng oras pero nakuha pa niyang hangaan ang lalaki.

Kahit mabigat ay pinilit niyang alisin ang lalaki sa loob.

Naramdaman niya ang pagpulupot ng braso nito sa balikat niya. Tumingin siya muli dito. Hindi niya alam kung bakit ganon na lamang ang pagbilis ng tibok ng puso niya nang tingnan din siya nito.

'Shit! Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko!'

Pilit niyang inalis ang atensyon dito at naglakad sila patungo sa kanyang sasakyan.

Eksaktong nakasakay na sila sa sasakyan niya nang sumabog ang sasakyan nito, kasabay ng paglaman ng apoy sa sasakyan nito ay gumuho ang lupa marahil dahil na rin sa malakas na ulan, mabilis na nahulog ang nasusunog na sasakyan sa malalim na bangin.

"Oh my God! Kung hindi kita nailigtas malamang kasama kang masusunog at mahuhulog sa bangin," naibulalas niya.

Sinulyapan niya ang lalaki, nakita niyang nakatingin din ito pagkuway pumikit, pero napansin niya ang nakakuyom nitong mga palad.

Doon niya napansin na hindi teenagers ang naghahagaran ng sasakyan kanina. The man, likely in his early thirties. His tailored coat and tie suggested a high-powered professional, perhaps a company president.

Who are you?

Napahawak siya sa bibig nang maisip na baka masasamang tao ang sakay ng mga humahagad na mga sasakyan dito kanina, balak na patayin talaga ang lalaking ito.

"Mabuti na lang at nailigtas kita sa tamang oras, kung hindi isa ka sa mga bangkay na hindi mabibigyan ng hustisya," bulong niya pero alam niyang humangga iyon sa pandinig nito.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
8 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status