共有

CHAPTER 271

作者: dyowanabi
last update 最終更新日: 2025-05-23 23:08:20

ABIGAIL'S POV:

Habang abala ang kanilang mga bisita sa garden ay pumasok cya sa loob ng kwarto, umupo sa gilid ng kama at hawak-hawak ang cellphone habang hinihintay sagutin ng tinatawagan nyang tao. Pagkatapos ng ilang ring ay sumagot ito.

“Hello?” sabi ng malalim na boses sa kabilang linya.

"Ayusin mo na ang pinapagawa ko sa’yo. May plano silang umalis papuntang Quezon Province at hindi ako pwedeng hindi sumama. Magdududa si Benigno sa akin." utos nya sa kausap.

"Ano ang gusto mong gawin ko?"

"Madaliin mo ang 20 million na hinihingi mo sa blackbook na ‘yon."

"Sige, tatawagan kita ulit."

"Bilisan mo kumilos... sayang ang binabayad ko sa’yo! Kapag hindi pa rin magbigay, ang anak niyang si Belle ang dukutin niyo at kidnapin. Hingan niyo ng ransom! Pinag-sisingil na ako ng mga pinagkakautangan ko."

"Opo, Madam. Kami na po ang bahala." wika ng kausap niya sa kabilang linya saka pinatay. Hindi siya pwedeng magtagal sa pakikipag-usap dahil baka pumasok si Senator. Napatingin siya sa pinto
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター
コメント (2)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
Sana malaman ninyo ni hunter Nagselos may plano Siyang ipakidnap si belle Dalian nyo pag isip Caleb
goodnovel comment avatar
Kulot Mo Leysa
oh diba tama ako ind cia tunay na ina hay nako calleb bilisan mo pra mahuli na cia bka buhay oa ang totoong ina n belle nag tatago lng or my amnesya
すべてのコメントを表示

最新チャプター

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 281

    Pagkatapos niyang maligo ay nagsuot na siya ng komportableng pantulog niya. Naglalaro pa ang ama niya… kinukulit ni Caleb si Callie."I'm done, babe. Ikaw naman ang maligo.""Baby, ligo lang si Daddy ha. We will again later…" muli itong pinupog ng halik ang anak bago tumayo sa kama.Napapailing na lang siya sa kakulitan ng nobyo niya. Giliw na giliw ito kay Callie.Humiga na siya sa kama at nilabas ang dede. "Milky na, baby."Lumiwanag naman ang mukha ni Callie nang makita ang dede niya. Bakit kaya ganun ang mga bata? Makakita lang ng dede ay tuwang-tuwa agad.Pagapang na lumapit si Callie, saka pumwesto ng higa at nagdede na sa kanya. Gumaan na din ang pakiramdam niya dahil nabawasan ang bigat ng kanyang dibdib. Maya-maya ay nakita niyang papikit-pikit na ang mata ni Callie. Inaantok na ito habang dumidede.Maging siya ay inantok na rin… papikit-pikit na siya ng mata nang lumabas si Caleb sa banyo na naka-hubad lang. Natawa siya dahil hindi man lang ito nahiya sa kanya."Tulog na ang

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 280

    "Eeiiiihhh!...." sigaw niya habang nagtakip ng tenga. Nagulat at natakot siya sa putok ng baril. Binaril ng security guard si Chantal pero hindi napuruhan.... Sa balikat lang ito tinamaan."Aaggghhh! I've been shot! Tulungan niyo ako huhuhuh..." iyak na sigaw ni Chantal. Naawa siya sa dalaga pero natakot siyang lumapit dito. "Wag kang lumabas, babe… dito ka lang sa loob ng kotse. Ako na ang titingin" sambit ni Caleb. Paglabas nito ay agad niyang ni-lock ang kotse. Umaagos ang dugo sa braso ni Chantal. Maya-maya ay may dumating na ding ambulance. Tinulungan ng mga security na buhatin si Chantal at ipasok sa loob ng ambulansya. Bumaba siya ng kotse. Nakita niyang nalilisik ang mga mata ni Chantal habang nakatingin sa kanya. "Hindi pa tayo tapos, Belle. Tandaan mo 'yan!" Napayakap cya kay Caleb. "Wag mo siyang pansinin, babe… baka nababaliw na si Chantal. Magpa-blotter ako para hindi na siya makalapit sa atin." "Hindi ko akalain na gano'n kabaliw si Chantal sa’yo...." "Hindi ko ng

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 279

    “Excuse me, Chantal!..." tawag-pansin niya sa babae. "Kung tapos ka nang makipag-chika, baka gusto mong lumipat sa ibang table? This area’s for staff use only. O baka gusto mo, kaladkarin pa kita? Ang bastos mo din, 'noh? Harap-harapan mo akong binabastos. Baka gusto mong masampal at sabunutan ko yang buhok mo?!" Matapang na sambit niya. Nakita niyang nabilaukan si Chantal dahil sa sinabi niya. Hindi na siya ang dating Belle na tatakbo na lang kapag may problema.Napako sa kinatatayuan si Chantal, pero ngumiti pa rin ito. "Well, this place isn’t as fun as I thought. Thanks for the warm welcome." akmang aalis na ito pero muli pa itong humirit..."By the way... I know Caleb more than you do, Belle. He is polygamous kaya mag-ingat ka.""Kaya ba hindi ka pa rin tumitigil dahil umaasa kang babalikan ka niya? Gumising ka na, Chantal. Hindi ka na natuto. Hanggang kailan ka maghahabol, huh? Kawawa ka naman!" Ngiting-aso ang sagot niya kay Chantal."Kung ayaw mo pa talagang umalis at gagawa ka

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 278

    Nagdaan pa ang mga araw at naging abala na sila sa pag-aasikaso ng kanilang kasal. Hindi naman mahirap ang ginagawa nila dahil na-experience na nila iyon two years ago. Alam na nila kung ano ang mga kakailanganin sa kasal nila.Kasalukuyan silang nasa restobar nina Caleb. Toka ni Caleb ngayon kaya sumama siya sa pag-manage ng restobar.Siya ang nasa cashier sa mga oras na 'yon dahil maraming customer dahil Sabado nights. Si Caleb ay tumulong naman sa bar sa pagtimpla ng mga drinks. She loves what she is doing... ibang-iba sa ginagawa niya bilang model.Maraming mga magagandang socialites sa gabing iyon. Nakita niyang may mga lumalapit kay Caleb pero hindi niya iyon inintindi. Malaki na ang tiwala niya sa nobyo niya at alam niyang hindi na ito gagawa ng anomang bagay na makakasakit sa kanya.Ngunit kahit pa ganoon kalaki ang tiwala niya kay Caleb, hindi pa rin niya maiwasang mapansin ang ilang mapupusok na tingin ng ibang babae sa nobyo niya. Isang grupo ng tatlong babaeng tila galing

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 277

    "It’s our house, babe," pagtatama ni Caleb sa kanya."What are you talking about? Ano ang nangyayari? And what is that ring on your finger?"Muli silang nagkatinginan ni Caleb. Hinalikan siya nito sa pisngi bago magsalita."Mom, Dad. Tito Senator, Tita Lourdes... nag-propose po ulit ako kay Belle at pumayag po siya. Magpapakasal na po kami ulit, and this time ay itutuloy na po namin," masayang sabi ni Caleb habang magkahawak sila ng kamay."Is it true, anak? Kayo na ulit ni Caleb?""Yes, Mom...""Oh God, napakasaya namin, anak... Salamat sa Diyos at dininig ang panalangin natin. Sa wakas ay magiging kumpleto na ang pamilya niyo ni Callie. Hindi na lalaking walang ama ang apo ko...""Belle, iha..." tawag-pansin naman ni Tita Amalia."Hindi kami tutol sa pagpapakasal niyo ni Caleb… ang hindi lang namin gusto ay baka kung hindi na naman kayo matuloy at masira na naman ang buhay ng anak namin. You know, it’s hard for us parents na makita ang anak naming parang ayaw nang mabuhay dahil sa k

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 276

    BELLE'S POV:"Ma-ma... Da-da..."Nabaling ang atensyon nila sa kanilang anak na kanina pa pala nakatingin sa kanila. Nagkatinginan sila ni Caleb at nagtawanan.Kinuha ni Caleb si Callie sa kama at binuhat. Napatingin naman siya sa kanyang singsing, hindi siya makapaniwala na engaged na naman sila for the second time. Excited na siyang sabihin ang magandang balita sa kanyang mga magulang. Umaasa ang mga ito na magkabalikan sila ni Caleb dahil na din sa anak nila."What are you thinking, babe?" tanong ni Caleb nang makitang natahimik siya."Iniisip ko lang na pangalawang beses na nating ma-engaged.""Yes. And this time ay hindi na ako papayag na hindi matutuloy. Kahit saang lupalop ka pa pumunta, hahanapin at hahanapin kita... Ngayon pa ba ako susuko? Ngayong dalawa na kayo ng anak ko ang ipaglalaban ko?"Napangiti siya. "Hmp. Pero kung wala si Callie, hindi mo ako ipaglalaban, ganun ba?"Hinaplos siya ni Caleb sa mukha at tinitigan sa mga mata. "I love you, Belle. Don’t ever doubt my

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status