LOGINAng tanging hangad lamang ni Kelsi ay ang pumunta ng Maynila upang makita ang pamilya niya. Pero hindi niya inaasahang sa daang nilalakaran niya patungo sa inaasam na pamilya ay may naghihintay palang panganib sa kanya. Sa pagpasok niya sa Dewford Academy ay makikilala niya ang mga taong sa hindi inaasahan ay may malaking parte pala sa buhay niya. She met Aldrin Torres, ang gwapong propesor na kanyang hinahanggan at agad na bumihag sa kanyang damdamin. And then here's Florence Moreno, the SSC President na gustong pumapel sa buhay niya. She's a Guttierez, that's what she thought... Pero paano kung hindi pala, dahil may mga Lim na gustong umangkin sa kanya. Will she stop or continue the chase even if it is a wrong chase?
View MoreNagising ako ng umagang iyon na mabigat ang pakiramdam ko. Sobrang bigat na halos maiyak na ako. Hindi ko alam ang dahilan pero pinili ko pa ring bumangon at maghanda para sa araw na iyon. Pagkatapos maligo at magbihis ay lumabas na ako ng kwarto. May nakahain ng pagkain sa lamesa. Sinangag na kanin at toyo ang almusal. Naupo ako at nagsimula ng kumain.
Dahil bakasyon ay nasa bahay lang ako. Nagdilig ako ng halaman at nagwalis sa aming bakuran. Naglinis rin ako ng bahay kahit na malinis naman na saka ako ng nagpahinga nang dumating ang tanghali.
Magiliw kong sinalubong sina Nanay Linda at Tatay Sergio nang nakita ko ang pagbaba nila mula sa jeep na pinapamasadahan ni Tatay Sergio. Nang nakita ko ang malapad na ngiti sa kanilang mga labi ay nakahinga ako ng maluwag. Tila nawala ang kaninang pakiramdam ko'y nakabara sa aking lalamunan at nakadagan sa aking dibdib.
"Mano po, nay..." sabay mano ko kay Nanay Linda.
"Tay..." mano ko rin kay tatay.
Hindi ko sila tunay na mga magulang pero itinuring nila akong tunay na anak at minahal nila ako ng buo. Walang labi walang kulang. Kaya kahit papaano ay hindi rin ako nalulungkot.
"Kumusta po ang araw?" tanong ko at saka agad na kinuha ang bayong na dala ni nanay.
"Ayos lang naman, hija."
"Wow! Naubos po ang paninda niyong gulay. Ang galing naman!" sabi ko matapos silipin ang loob ng bayong.
"Naman! Ginalingan ko talaga ang paglalako."
"Aba! Ako rin ay marami ang kita mula sa pamamadasada. Para maipasyal ka namin ngayon, anak."
Malawak ang naging pagngiti ko. Hindi ko tunay na kaarawan ngayon pero ito ang araw na nakita nila ako at kinupkop kaya itong araw na ito ang nagsilbing birthday ko.
"Ipapasyal ka namin ngayon, Kelsi. At mamaya ay mamimili rin tayo ng panghanda mo. Darating sina Rachel mula Maynila hindi ba?"
"Opo, nay." Tumango ako kay nanay.
Dahil pakiramdam ko ay nangangamoy ako dulot ng maghapong paglilinis kaya naligo ulit ako at nagbihis ng bagong damit. Pagkalabas ko ay nakita ko sina nanay at tatay na nagtatawanan sa sala habang magkayakap at sumasayaw. Umaawit si tatay ng isang awiting sobrang pamilyar sa akin. Iyon daw ang theme song nilang dalawa. Huminto ako at sumandal sa pintuan ng aking kwarto habang nakangiti ko silang pinanood.
Someday, I will find a man na parehas kay tatay. Gusto ko ng ganyang klaseng pagmamahal. Gusto kong kahit taon na ang lumipas ay nananatili pa ring buo iyong pagmamahal namin sa isa't-isa. Gusto ko ng ganoon. Iyon ang pangarap ko.
"Oh! Tapos ka na pala, anak." Nakita ako ni tatay kaya agad nilang naihinto ang pagsasayaw na ginagawa.
"Kanina pa po. Naaliw ako sa panonood sa inyo," sabi ko sabay lapit sa kinaroroonan nilang dalawa.
"Teka, nakalimutan kong ibinili pala kita ng damit noong isang araw, anak. Sandali at kukunin ko ha?" ani nanay at agad na pumasok sa kwarto nila ni tatay.
Bumalik si nanay sa sala na bitbit na ang puting off shoulder dress. Sobrang puti niyon at nakakatakot gamitin dahil baka madumihan ko lang.
"Ito ang gusto kong isuot mo ngayon," sabi pa ni nanay. Natawa na lamang ako at saka muling pumasok sa kwarto para suotin ang damit na regalo niya sa akin.
Minsan lang kaming makapamasyal sa mall kaya sobrang saya namin nina nanay at tatay. Hindi na ako umasa pang ibibili nila ako ng kahit na ano. Sapat na sa akin ang makapamasyal dito kasama sila. Pero nag CR lang ako sandali, paglabas ko ay ibinili na ako nina nanay at tatay ng laptop.
"Nay! Ano ito? Ang mahal nito, nay! Tay!" reklamo ko. Halos maiyak na ako sa tuwang nararamdaman.
"Ang sabi kasi sa akin ng mga kaibigan ko, anak. Mas madali mo raw mahahanap ang mga magulang mo kapag mayroon ka nito. Sa internet mo raw hanapin!"
"Pero, nay..."
Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko inaasahang gagawin nila ito sa akin. Hindi ako makapaniwalang tinutulungan pa rin nila akong mahanap ko ang totoo kong pamilya kahit na kapalit no'n ay ang hindi maiiwasang paglayo ko sa kanila.
Ito marahil ang dahilan ng paninikip ng dibdib ko kaninang umaga. Kaya siguro naninikip kanina kasi iiyak ako ng sobra ngayon.
Pero iyon ang akala ko... Hindi ko alam na iba pala ang dahilan at mas malala pala.
Pagkatapos mag grocery ay nag desisyon na kaming umuwi. Pareho kaming tatlo na nasa harapan ng jeep nakaupo. Nang nasa diversion road na kami ay pumreno si tatay pero ipinagtaka namin ni nanay na hindi siya makapreno at mabilis pa rin ang takbo ng sasakyan.
"Tay, ano pong nangyayari?"
"Sergio! Pumreno ka! Madulas ang kalsada dahil kauulan lang!" sigaw ni nanay kay tatay.
"Walang preno, Linda!"
Mabilis na nanlaki ang aking mga mata. Anong walang preno?
"Ano?! Huwag kang magbiro ng ganyan!"
"Hindi ako nagbibiro! Nawalan tayo ng preno!"
Sa mga oras na iyon ay wala akong ibang dalangin kung 'di ang maging ligtas kami. Nang sumalpok ang jeep namin sa isa pang sasakyan ay mabilis akong niyakap ni nanay. Isang mahigpit na yakap na nagsasabing ililigtas niya ako kahit na anong mangyari.
"Kelsi, kain ka muna. Tatlong araw ka ng hindi kumakain, e," sabi sa akin ng kaibigan kong si Chel.
Tatlong araw na... Tatlong araw na ring nakaburol sina nanay at tatay. At dalawang araw na lang ang natitira sa akin para makita ko silang dalawa.
"Sabi nga pala nina mama at papa, isasama ka raw namin sa Maynila pagkatapos ng libing."
Nag angat agad ako ng tingin kay Chel. Maynila...
Ang plano ko noon ay isasama ko sina tatay at nanay sa Maynila pagkatapos kong makapagkolehiyo dito. Pero ngayong iniwan na nila ako ay hindi na mangyayari pa iyong plano ko.
"Hindi ba ay iyon naman talaga ang pangarap mo? Ang pumunta ng Maynila para hanapin ang totoo mong mga magulang."
Ang sabi sa akin ni nanay ay mukhang taga Maynila raw ang mga magulang ko kaya iyon ang tumatak sa isip ko. Na baka taga Maynila ang tunay kong pamilya.
"Chel..."
"Papag-aralin ka rin daw nina papa at mama, Kels kaya hindi ka na mamomroblema pa para sa matrikula mo."
Tipid akong napangiti sabay lingon ko sa kabaong nina nanay at tatay.
Nay, tay, luluwas po ako ng Maynila. Hahanapin ko po ang tunay kong mga magulang. Pero ipinapangako ko po sa inyong hindi ko kayo kakalimutan at babalik-balikan ko pa rin po kayo.
Hinawakan ko ang kwintas na nakasabit sa aking leeg na may nakaukit na pangalan ko. Ito ang magiging susi ko. Guttierez. Isa akong Guttierez. At iyon ang panghahawakan ko.
"Kuya... Hindi ko sinasadya, saka wala kaming relasyon ni Sir Aldrin,""But you kissed! How will you going to explain the kiss?""H-he kissed me. Biglaan 'yon. H-hindi...""He initiated the kiss? Hindi mo ginusto? Answer me! Are you telling the truth?""Oo."Naiwan ang mga tingin ko sa ere kung nasaan nakapwesto ang cellphone ni Kuya Diego kanina."See? Hindi ginusto ng kapatid ko ang nangyaring halikan. Ang ibig sabihin lang no'n ay wala siyang gusto sa professor niya. So, kung mayroon mang maaaring managot dito ay hindi si Kelsi 'yon."Sunod-sunod ang pagbuga ko ng hangin habang nakakunot ang aking noo. Mali ang pagkakaintindi ni Kuya Diego. Wala akong narinig na reklamo mula sa kabilang panig kaya lumingon ako sa harapan namin kung saan sila nakaupo.Bahagyang nanlaki ang aking mga mata nang magpang-abot ang mga tingin namin ni Aldrin. Walang ekspresyon ang mukha niya habang nakatitig sa akin. Mukhang kanina niya pa ako tinitingnan at ngayong lumingon ako sa kanya ay hindi man lang
Tinalikuran ako ni daddy at bumalik siya sa pag upo sa swivel chair niya kanina."Explain this to me, Kelsi!" matigas na utos ni daddy sa akin.Ilang beses akong napalunok. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay daddy, kung saan ako magsisimula. Ayos lang sana kung 'yong nagtatawanan kami ni Sir Aldrin sa labas ng condo niya ang mayroong kuha. Iyon kaya ko 'yong bigyan ng palusot. Pero kung kasali na 'yong kiss..."Sagot!" Napatalon ako sa gulat sa muling bulyaw ni daddy sa akin. Ngayon ay alam ko na ang pakiramdam kung paano ang may ama na pagagalitan ka kapag may mali kang ginawa."Honey, calm down. Masyado mo namang tinatakot ang anak natin."Napatingin ako kay mommy, nasa gilid na siya ngayon ni daddy at minamasahe ang balikat nito."Ano na lang ang sasabihin ng mga Moreno? Paano kung umatras si Florence sa kasunduan?" Dad frustatedly said, bakas ang pagkadismaya sa mukha niya. Parang kinukurot ang puso ko and at the same time ay umaalon ito. Unti-unting naglandas ang mga luha
"Kuya..." Sa nanlalaking mga mata ay napatayo ako."Alam kong magkaaway ang mga pamilya natin pero ganito na ba talaga kayo ka-desperadong pabagsakin kami? At naghahanap kayo ng paraan para mapunta sa mommy namin ang sisi?" bakas ang galit sa boses ni Kuya Diego.Nilingon ko sina Sidney at Sir Tairon na ngayo'y pareho na ring nakatayo."Hindi na namin kailangang pabagsakin kayo. Bumabagsak na nga kayo, remember?" nagmamalditang saad ni Sidney.Hindi nakasagot si kuya pero umiigting ang panga niya habang nakatingin kay Sidney."Wala kaming planong pabagsakin kayo. Kayo mismo ang dahilan kung bakit bumabagsak kayo," si Sir Tairon sabay hila kay Sidney paalis."Wait, my frappe!" saad naman ni Sidney saka binalikan ang frappe niya sa lamesa.Nang makaalis ang magkapatid ay ako naman ang hinila ni Kuya Diego palabas ng cafe. May mangilan-ngilang customer na rin kasing nakatingin sa amin.Padarag niyang binitawan ang palapulsuhan ko nang nakalabas kami."Do you really trust them?" galit na
Nanginginig ang mga kamay kong nakakuyom habang kunot-noo kong pinagmamasdan ang bawat paghampas ng mga alon sa madilim na karagatan. Nakaupo na ako sa hood ng kotse ni Ulan, habang siya ay nakasandal sa wind shield at pinapanood ang mga bituin sa langit. Pareho kaming tahimik at mukhang kahit siya ay ayaw buksan ang usapin patungkol sa kay mommy, Chel at sa pamilya nito.Lumabas sa bibig ni Ulan ang mga katotohanang hindi ko alam kung paano kong isa-isang tatanggapin."Hindi ka pa ba nagugutom? Hindi ka pa nagdi-dinner," kapagkuwan ay tanong ko habang ang paningin ay naroroon pa rin sa dagat na pinapanood ko.Pansin ko ang pag kilos niya at ilang minuto nga lang ay nakabangon na siya at nasa gilid ko na."Kelsi..."Napabuga siya ng hangin na tila hirap na hirap dugtungan ang naunang sinabi.Naglipat ako ng tingin sa kanya. Walang ekspresyon ang mukha ko nang nagpang-abot ang aming mga mata.Ngayon, ay hindi ko na alam kung papaano ko pang haharapin si mommy pagkatapos ng mga nalaman






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.