Habang naglalakad pauwi ay hindi niya napigilan ang sariling umiyak. Hindi niya alam kung bakit napaka-iyakin niya lately. Ganito ba kapag tumatanda na?Dati kahit anong pang-iinis sa kanya ng mga kaibigan ay hindi naman siya napipikon. Pero bakit ngayon, malapit na ang birthday niya, ay nare-realize na niya ang realidad... na talagang matanda na siya!"Hmp! Di bale. Kapag nasa malayo na ako, kapag nakapunta na ako ng Italy, ay hindi na nila ako mabibiro. Maghahanap ako ng foreigner na nobyo. Hindi naman tumitingin ang mga foreigner sa edad. Ang mga Pinoy lang naman ang maarte!" wika niya sa isip saka nagpunas ng mga luha. "Almira..." Nagulat siya nang may humawak sa kanyang braso... sinundan pala siya ni Liam. Nasa madilim na bahagi sila kaya hindi niya ito napansin. "Where are you going?""Uuwi na. May gagawin pa akong lesson plan..." pagdadahilan niya. Mabuti na lang at madilim doon at hindi nito makikita na kakagaling lang niya sa pag-iyak. "Wag mo sila pansinin..." "Hindi a
"Oh, andito na pala sina Gov, Consi at Mayor!" anunsyo ni Caleb. Bigla siyang naingas sa kanyang kinatatayuan, nakatalikod siya kaya hindi niya nakita ang pagdating ng mga ito. Hindi niya alam kung haharap siya o hindi. Nahihiya siyang makita si Liam, hindi niya alam kung magpapasalamat siya sa hinatid nitong mga prutas at vitamins sa kanya. "Ginabi ata kayo? Akala ko 'di na kayo dadating?" tanong ni Hunter. Hindi pa rin siya humaharap. Inagaw niya ang pamaypay kay Hunter at siya na ang nag-ihaw ng mga barbeque para kunyari busy siya. Walang pag-aalinlangan namang ibinigay ni Hunter 'yun sa kanya at lumapit sa mga bagong dating. Nagpapasalamat siya at hindi pinuna ni Hunter ang pag-agaw niya sa pag-iihaw. Abala ang lahat habang siya ay andoon nagpapausok. Pero mas gusto niya doon dahil hindi niya kailangang makipag-usap at nagbusy-busyhan siya. Nang naubos na ang lahat ng iihawin ay wala siyang choice kundi makihalubilo sa mga ito. O baka pasimpleng aalis na lang siya. Siguro n
Habang tinititigan ang note na nakalakip doon sa bigay ni Liam ay nag-ring ang cellphone niya. Muntik pa siyang mapatalon sa gulat. Sobrang tutok kasi ang utak niya sa kung bakit pa siya pinadalhan ni Liam ng prutas at vitamins. Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bag.... Si Yassy ang tumatawag."Hello?" Walang gaanong sabi niya. "Hello, Ate... saan ka?" "Sa bahay. Kakakarating ko lang galing school." "Ganun ba. Punta ka dito sa bahay. May pa-dinner si Kuya Caleb at Belle." "Bakit? Ano meron?" "Wala lang. Babalik na kasi sila sa Manila bukas dahil aasikasuhin ni Kuya ang restobar." "Ano ba ulam diyan?" Muli niyang tanong."Ano ka ba, ang dami mo pang tanong! Punta ka na. Sige, bye," inis na sabi ni Yassy.Wala kasi sana siyang planong pumunta, madami pang syang gagawin kaya pinapatagal niya ang usapan. Pero dahil pinatayan na siya nito ng telepono, ay wala na siyang magagawa. Hindi na siya nagbihis ng kanyang uniform. Makikikain lang naman, saka uuwi ulit. Ayaw niyang tumagal
Pag-gising niya kinabukasan ay muntik pa siyang ma-late ng gising. Hindi nag alarm ang cellphone nya. Every Monday pa naman ay may flag ceremony sila kaya dapat ay mas maaga siya. Agad siyang naligo at nagbihis ng kanyang uniform pang-teacher saka lumabas ng kuwarto at tumakbo sa kanyang kotse. Hindi na siya aasa na susunduin siya ni Liam. Usually ay sinusundo siya nito, ihahatid sa school saka ito pupunta sa opisina nito. “Anak, bakit ka nagmamadali? Hindi ka na nakapagsuklay ng buhok mo?” “Sa sasakyan na lang Nay, male-late na ako,” sagot niya habang pinapasok ang mga gamit sa kotse. “Kape? Magkape ka muna.” “Wag na Nay, sa school na lang,” muling sagot niya saka pumasok na sa kotse at pinatakbo iyon ng mabilis. Habang nagda-drive ay sinusuklay niya ang buhok. Doon na din siya naglagay ng lipstick at manipis na make-up sa mukha. High school ang mga tinuturuan niya at kinatatawanan siya ng mga ito paminsan-minsan kung wala siyang make-up. Mukha daw siyang lola. Pagdating niy
Halos hindi siya makahinga dahil sa diin ng paghalik ni Liam. Pinagsusuntok niya ito sa dibdib para pigilan pero di pa din ito nagpapigil. Hanggang sa wakas at nakahanap siya ng pagkakataon na kagatin ang ibabang labi nito. Agad na humiwalay si Liam sa kanya. Nakita niyang dumugo ang labi nito. Akmang hahawakan niya dahil sa awa pero umiwas ito. S-sorry, mahinang sabi niya. Hindi niya alam kung bakit siya ang nagso-sorry. Di ba dapat si Liam? Walang sabi-sabing lumabas ito ng kotse niya at lumipat sa kotse nito saka pinatakbo iyon ng mabilis. Ilang minuto nang umalis si Liam pero hindi pa din siya lumalabas sa kotse niya. Walang habas sa pagtulo ang kanyang mga luha. Bakit ginawa ni Liam iyon sa kanya? Magkaibigan sila pero bakit siya nito binabastos ng ganun? Kabastos-bastos ba ang damit niya? At saka bakit hinaharangan siya nitong magka-nobyo? Nagseselos ba ito na kapag magka-nobyo siya ay mawawalan na siya ng time sa kanya? Alangan naman silang dalawa na lang palagi ang
Habang masaya silang nag-uusap ay biglang bumukas ang pinto ng coffee shop at naningas siya nang makitang si Liam ang pumasok. Seryoso ang mukha nito at diretsong tingin sa kanya.“Ay consi Liam! Andito ka din pala! Come po join us!” aya ni Gail nang makita ang lalaki.Hindi sumagot si Liam pero lumapit ito sa kanila.“Excuse me…” sabi nito kay Joseph na pinapausog at umupo sa tabi niya. Napagitnaan na nila ni Joseph si Liam.Nagkatinginan ang mga kasamahan niya. Hiyang-hiya siya sa ginawa ni Liam.Bakit ba nito ginawa iyon? Meron namang upuan na bakante sa tabi ni Gail pero bakit doon pa ito umupo sa tabi niya eh siksikan na sila doon!“B-bakit andito ka pala? Akala ko umuwi ka na?” tanong niya sa kaibigan.“Wala lang. Naisipan ko lang na gusto kong magkape. Ikaw bakit andito ka? Di ba magpapahinga ka?” balik tanong nito. Hindi siya nakasagot.“Ahm, pasensya ka na consi… ako ang namilit kay teacher Almira na pumunta dito. Ayaw nga sana niya pero mapilit kami hihih…” sagot ni Gail.“M