LOGINAt 28 years old, Aubrielle Allison Caballero returns to Andalucia carrying a name that commands power, fear, and influence. Born into the province’s most dominant political dynasty, her future was meant to be written in government halls—but Aubrielle chose a different path. Determined to become a doctor, she comes home hoping to rebuild her life on her own terms. Now 29, Emilio Fidel Valencia has transformed into a respected and formidable leader. Once a quiet boy watching from the sidelines, he now stands at the forefront of a town determined to rise from years of political control. But behind his strength lies a past deeply scarred by the Caballero name. When fate forces Aubrielle and Emilio back into each other’s lives, unresolved emotions ignite beneath layers of pride, anger, and unfinished history. What begins as tension slowly becomes something far more dangerous—a love neither of them planned, yet neither can deny. As political ambitions clash and long-buried truths threaten to surface, they must choose between loyalty to their legacies and the undeniable pull of their hearts. In a province ruled by power and haunted by the past, love may be the only thing strong enough to change everything.
View MoreTHE MAYOR’S SINFUL AFFAIR
SIMULA
“Anong gagawin mo, Aubrielle?! Babalik ka sa Pilipinas? Doon sa bayan niyo na maraming galit sa pamilya niyo? Brielle, mapapahamak ka lang!”
Napatingin ako sa aking kaibigan na si Alfred nang sabihin niya iyon sa akin. Naisip ko na rin iyon, pero wala na akong choice. Kailangan kong makuha ulit ang mga ari-arian ng pamilya ko lalo na’t importante ito sa aking ina.
Gagawin ko ‘to para kay Mama. At gusto ko rin na bumawi sa mga tao sa bayan namin. Gusto kong ipakita sa kanila na ibang-iba ako sa pamilya ko—na hindi ako katulad ng aking Papa na dating mayor sa bayan namin na sakim sa kapangyarihan.
Huminga ako nang malalim bago ako mapatingin sa aking kaibigan na si Alfred at nginitian ko siya.
“After ko naman makuha ang mga properties namin ay babalik na ako rito sa Australia, Alfred. Ayoko na rin naman mag stay doon eh.”
Ayoko nang stay doon sa Andulencia lalo na’t nandoon ang taong sinaktan ko nang sobra. Ayoko na rin na maalala pa ang mga alaala ng nakaraan. Gusto kong move forward.
“Or baka ayaw mo lang na makita si Mayor?”
Nanlaki ang mga mata ko ng sabihin iyon ni Alfred.
“S-Shut up, Alfred!”
Humalakhak siya ng malakas.
“I knew it! Iba pa rin talaga ang epekto ng isang Mayor Emilio kay Aubrielle Caballero!” Nakangisi na sabi ng aking kaibigan habang tinutukso niya ako ngayon.
Napanguso na lang ako at napaisip kay Emilio. Kumusta na kaya siya? Sigurado akong kinalimutan na niya ako lalo na’t ako ang dahilan kung bakit siya nasaktan ng sobra. Alam kong nasa mabuti na siyang kalagayan at natupad niya na rin ang kanyang pinapangarap simula pa noon na maging Mayor sa lungsod namin sa Andulencia.
“Hindi na ako aasa pa, Alfred. Ang alam ko ay may asawa na si Emilio eh,” mahina kong sabi.
Kasal na siya… may pamilya na siya, kaya wala na akong karapatang pasukin ulit ang buhay niya.
“Hala! Hindi ka talaga updated sa news, Aubrielle, ano?!”
Napakunot ang noo ko sa sinabi ng aking kaibigan at bahagya akong naguluhan.
“Anong ibig mong sabihin, Alfred?” Tanong ko sa kanya.
“Girl! May kumakalat sa news na nagche-cheat daw ang asawa ni Mayor Emilio sa kanya! May kinikitang lalaki sa ibang bansa! Grabe ‘yung babaeng ‘yun! Ang swerte na nga niya na si Mayor Emilio ang asawa niya dahil hindi lang matalino—macho at super pogi pa!”
Natigilan ako sa sinabi ni Alfred at napaisip ako. Sana naman hindi totoo iyong news na iyon dahil nakakaawa si Emilio. Hindi niya deserve na maloko siya dahil mabuti siyang tao.
Huminga na lang ulit ako nang malalim at hindi na ako nagsalita.
Makalipas ang ilang linggo na paghahanda sa pagbabalik ko ng Pilipinas ay sa wakas ay pabalik na talaga ako. Kasama ko ngayon si Alfred sa pagbabalik ko dahil wala na akong pamilya at siya na lang talaga ang maaasahan ko. Nasa Australia rin ang pamilya ni Alfred at wala rin naman daw siyang gagawin, kaya sasamahan na niya ako.
“Welcome back to us sa Pilipinas!” nakangiti na sabi ni Alfred nang makalapag na ang eroplano namin sa airport.
May sumundo sa amin na van at hinatid na kami papunta sa hotel na pagsastayhan namin ngayong gabi. Tatlong oras pa kasi ang biyahe para makarating kami sa bayan namin sa Andalucia, kaya magpapalipas na muna kami ng gabi dito sa syudad.
Isa lang na hotel room ang binook namin ni Alfred dahil wala naman kaming malisya dalawa dahil bakla itong kaibigan ko. Pero walang ibang nakakaalam na bakla siya kundi ako lang at ang kanyang secret boyfriend na isang Latino na nakatira sa Mexico.
“Anong gagawin mo pagkarating natin bukas doon sa Andalucia, Brielle?” tanong sa akin ng aking kaibigan.
Napatingin naman ako sa kanya at napaisip.
“S-Syempre pupuntahan ko muna ang bahay namin.”
Tinaasan niya ako ng kanyang kilay.
“May posibilidad na magkita kayo ni Mayor, Brielle. Handa ka na bang makita muli ang TOTGA mong si Mayor Emilio?” nakangisi na tanong ni Alfred sa akin na halatang nanunukso.
Bahagya akong ngumiti sa aking kaibigan at sinagot ang kanyang tanong nang totoo. “E-Ewan ko, Alfred. Kinakabahan akong makita muli si Lio. Tatanggapin ko na lang kung ano man ang kanyang pakikitungo sa akin kung magkita kaming dalawa,” mahina kong sabi.
Lumapit sa akin si Alfred at hinawakan niya ang aking kamay at nginitian niya ako.
“Hindi ka naman nag iisa, beshy. Nandito naman ako for you! Kaya mo ‘yan!”
Napangiti ako kay Alfred at tumango ako.
“Salamat sa pagsama sa akin pabalik dito sa Pilipinas, Alfred. Hindi ko talaga kayang bumalik nang mag-isa, eh.”
Natulog na kami ni Alfred dahil maaga pa ang biyahe namin bukas papuntang Andalucia. Nang sumunod na bukas ay naghanda na kami ni Alfred. May van kaming nirent na maghahatid sa amin sa Andalucia. Habang nagbabyahe kami ngayon ay tahimik lang ako na nakatingin sa labas ng sasakyan.
Ang lakas ng kabog ng aking dibdib sa kaba.
After 8 years ay makakabalik na ulit ako sa Andalucia. 20 years old pa lang ako ng umalis kami ng buo kong pamilya sa bayan na naging buhay na rin ng pamilya Caballero.
At ngayon ay magbabalik ako upang kunin ang dapat ay para sa amin.
Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at hinintay ko na lang na makarating kami sa Andalucia dahil tatlong oras pa ang byahe namin.
Tanghali na nang makarating kami sa Andalucia at agad kaming dumiretso sa dati naming bahay. Nagtataka naman ako ng makita kong may tao sa loob na parang may nakatira.
“Hala, Sis! May nakatira na sa mansion niyo?” Tanong ni Alfred.
Nagmamadali akong bumaba at agad akong magtanong sa guard na nagbabantay sa harapan ng gate ng bahay namin.
“H-Hello po! Pwede ba magtanong?”
Napatingin sa akin ang guard at lumapit siya.
“Yes po, Miss! Ano ang tanong niyo?”
“Uhm, kami kasi ang dating nakatira dito sa mansion ng mga Caballero 8 years ago. Gusto ko lang po sanang matanong kung sino ang nakatira dito ngayon?” kinakabahan kong tanong sa guard.
Ang alam kasi namin ay nakatambak lang itong mansion at hinihintay na lang namin na may kumuha sa pamilya namin. Kaya nagtataka talaga ako ngayon kung bakit may nakatira na rito.
“Nako! Ma’am, si Mayor na po ang nakatira rito!”
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang sabihin iyon ng guard.
“P-Po? Sinong mayor ang sinasabi niyo?”
“Ako ang mayor na tinutukoy niya…”
Bago pa makasagot ang guard ay may nagsalita na sa aking likuran. Nagulat ako nang marinig ko ang boses na iyon.
After 8 years ay narinig ko ulit ang boses na iyon.
Unti-unti akong napaharap sa likuran ko at nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Emilio sa aking harapan. Parang kagagaling niya pang mag-jogging dahil pinagpapawisan pa siya at nakapag-jogging attire pa.
Malamig ang ekspresyon sa mukha niya ngayon habang nakatingin sa akin.
“L-Lio…” mahina kong banggit sa kanyang pangalan.
“Mayor Fidel! Buti nandito ka na po. Ito kasing si Ma’am Ganda, hindi ko alam ang pangalan, nagtatanong kung sino raw ang nakatira dito sa bahay niyo,” wika ng guard.
Nakita kong napataas ang kilay ni Emilio bago siya muling tumingin sa akin.
Humakbang siya palapit sa akin at ako naman ay parang naestatwa lang sa aking kinatatayuan ngayon.
“I bought this mansion 3 years ago, Miss Caballero. And I am the new owner of this house, if you didn’t know,” malamig niyang sabi sa akin.
Natulala ako sa kanyang sinabi at napailing-iling ako.
“N-No way…” mahina kong sabi.
Bahagya siyang ngumisi at tumango.
“Yes, way, Miss Caballero. Wala na ang properties niyo sa lugar namin. Kagaya ng pagtakas niyo at pag-iwan sa bayan na ito, ganoon din ang nangyari sa mga properties niyo na para talaga sa mamamayan ng Andalucia. Kaya bumalik ka na kung saan ka nakatira ngayon. You’re not welcome here in my municipality,” malamig at seryoso na sabi ni Emilio bago niya ako nilagpasan at iniwan sa aking kinatatayuan.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking katawan nang sabihin iyon ni Emilio sa akin.
Hindi puwede.
Kailangan kong bawiin ang mga properties namin.
Sa pamilya ko ‘yun!
Sa mga Caballero ‘yun at babawiin ko ito!
THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 7AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. HINDI MAWALA sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Mia noong nasa mall kaming dalawa, iyong time na nakita namin sa mall si Emilio. Natatakot ako… natatakot ako na malaman niyang isa akong Caballero—lalo na’t magiging magkaklase kaming dalawa ngayon sa new school ko. “Kaya habang maaga pa, mag-move on ka na kay Fidel, Aubrielle. Hinding-hindi ka niya magugustuhan once malaman niyang isa kang Caballero.” Naalala ko na naman ang eksaktong mga sinabi sa akin ng aking kapatid na si Mia tungkol kay Emilio. Natatakot akong makita siyang magalit sa akin. Hindi ko ata kakayanin kapag nangyari ang bagay na ‘yun. “Aubrielle anak?” Napakurap-kurap ako sa aking mga mata nang marinig ko ang boses ni Mommy. Napalingon ako at nakita ko siyang nakasilip ngayon sa labas ng aking kwarto habang nakangiti. “Can I come inside?” tanong niya sa akin. Nginitian ko naman si Mommy at tumango ako. “Yes po, Mom.” Nang sabihin ko ‘yun s
THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 6AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. TOTOO NGA… kapatid ko si Mia. I asked Mom about this, at kinumpirma niya sa akin na kapatid ko si Mia sa ama, pero hindi ko dapat sabihin sa ibang tao ang tungkol dito. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko na may kapatid pala ako sa ama. Nahihirapan ako, pero alam ko na mas nahihirapan si Mia sa sitwasyon niya ngayon lalo na’t hindi siya tanggap ng mga tao dito. Kailangan na may isang taong tumanggap sa kanya… at ako dapat ‘yun. “Mia?” tawag ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa mall, bumibili ng mga gamit para sa pasukan. Three days na lang kasi ay magsisimula na ang pasukan sa community college. At final na rin, susundin ko ang utos ni Dad na Education ang kukunin ko at major in Social Studies ang kukunin ko. Ang reason ni Dad sa akin ay puwede ko na rin itong gawing pre-law course para makapasok ako sa law school sa susunod pagkatapos ko ng four years sa college. Hindi ako makapaniwala na ipapasok
THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 5AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. “AUBRIELLE, this is your personal assistant, Mia Rodriguez. Magiging kaklase mo rin siya sa kolehiyo sa kursong education. Wala kasing ibang course sa community college dito, kaya iyon na lang ang kunin mo for the meantime,” wika ni Dad sa akin. Nandito kami ngayon sa may living room at pinatawag ako ni Dad, kaya lumabas ako sa aking kwarto at bumaba sa hagdan. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat sa kanyang sinabi. Nasa harapan ko ngayon ang babaeng kaedad ko na rin. Nakangiti siya sa akin at bahagya siyang kumaway nang salubong ang paningin namin dalawa. Gusto ko sana siyang batiin ngayon, pero masyadong occupied ang utak ko sa sinabi ni Dad sa course ko. Hindi naman ako against sa course ng education dahil I respect the teachers so much, pero hindi ko talaga ito gusto. I don’t want to be a teacher, I want to be a doctor! May courses naman sa medicine sa college sa kabilang bayan at puwede naman na mag-commute n
THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 4AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. “Na-enjoy mo ba ang pamamasyal mo sa labas, anak?” tanong sa akin ni Mommy nang makauwi ako sa bahay. Nandito siya sa aking kwarto ngayon, sinusuklayan ang mahaba kong buhok. Katatapos lang din ng dinner namin at kami lang dalawa ni Mommy ang nasa hapagkainan dahil busy si Dad. Nasa kanyang condo unit din ngayon si Kuya Hugo, kaya hindi siya umuwi sa bahay, kaya kami lang ni Mommy ang nandito. Kaya rin siguro sobrang saya na niya na nandito na ako dahil hindi na siya mag-iisa. Tumingin ako kay Mommy at naalala ko ‘yung sinabi kanina ni Emilio sa akin tungkol sa pamilya ko. Totoo ba ‘yun? Na ang pamilya ko ang pumatay sa Mom niya, o dala lang ‘to ng galit niya sa pamilya ko? Huminga ako nang malalim bago ako magsalita at sagutin ang tanong ni Mom. “Nag enjoy po ako, Mom. Lalo na po sa pamamasyal sa parke. Masaya ako na may park na dito sa Andalucia. May bago na namang papasyalan ang mga tao rito,” nakangiti ko






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.