Share

CHAPTER 323 - BOOK 3

Author: dyowanabi
last update Last Updated: 2025-07-31 18:44:20

ALMIRA LEDESMA & LIAM FLORES

Kasalukuyan silang nasa hotel dahil kasal ng pinsan niyang si Caleb sa longtime girlfriend nito na si Belle. Halos nagsiuwian na ang mga bisita. Yung iba ay pumunta na rin sa kani-kanilang mga suite. Sila na lang magbarkada ang natira roon. Siyempre, ang bride at groom ay nauna na sa kwarto para sa honeymoon nila.

As usual, bridesmaid na naman siya… always a bridesmaid, never a bride.

Lasing na silang lahat. Sina Liam, Elijah at Hunter ay namumula na ang mga mukha. Pati si Yassy, halatang tipsy na rin.

Sila na lang ang huling tao doon dahil sila ang nag-asikaso sa mga bisita. Hindi na hinintay ng bride and groom na maubos ang lahat ng bisita kaya sila na ang nagtalaga sa mga sarili nilang gawin iyon. Naiintindihan naman nila kasi dalawang beses na ring naudlot ang kasal at sa wakas ay natuloy na din.

“Tara na, wala nang bisita,” sabi ni Hunter, na medyo nagiging touchy na sa pinsan niyang si Yassy.

Dati crush niya si Hunter pero tumigil na rin siya nang ma
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
pareho atah kayong may gusto peri pinipigilan nyo LNG whahahaha
goodnovel comment avatar
H i K A B
Ang bilis ng panahon mag 31 na pala agad si Almira, 3 months lang tanda nya kay Yassy, tama ba?
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 338

    "Wag niyo na problemahin kung sino ang nagbigay niyan. Umupo na kayo at mag-start na tayo." sabi niya sa mga ito. Pero ang totoo ay naguguluhan din siya.Umupo na ang mga estudyante sa kani-kanilang pwesto. Kumuha siya ng chalk at nagsulat sa blackboard."Good afternoon, Councilor Liam!"Nagulat siya sa sinabi ng mga estudyante. Nasa harap pa din siya ng blackboard kaya hindi niya alam ang mga nangyayari. Nandoon ba si Liam sa loob ng classroom niya? Ayaw niyang humarap... natatakot siya."Ma'am, andito po si Councilor Liam!" tawag-pansin ng mga estudyante niya.Dahan-dahan siyang humarap... at doon nga niya nakita si Liam na nakatayo sa pinto at nakatingin sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata. Agad siyang yumuko at umiwas, nahiya siya bigla."Ahm, andito ka pala. Halika, pasok ka. May kailangan ka ba?"Tinigil niya ang pagsulat sa blackboard at umupo sa kanyang upuan saka nagkunwaring nag-aayos ng mga papel sa kanyang desk.Dahan-dahan namang lumapit si Liam na nakapamulsa, tila n

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 337

    ALMIRA'S POV:Kasalukuyan siyang nasa kanyang classroom. Mag-isa lang siya doon, Kakatapos lang ng kanyang klase. May isang oras pa siyang hihintayin bago ang next class niya.Ilang araw na din ang nakalipas simula ng nagkomprontahan sila ni Liam, at hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkikita. Hindi din ito tumatawag o nagte-text sa kanya. Aaminin niyang nami-miss na niya si Liam.... Na-miss niya ang pangungulit nito.... Na-miss niya ang gwapong mukha nito.... at higit sa lahat ay na-miss niya ang mga halik nito.Next week ay birthday na niya. Araw ng Biyernes iyon. Nagpaalam na siya sa kanilang principal na mawawala ng tatlong araw. Ang principal lang nila ang nakakaalam tungkol sa pag-aapply niya papuntang Italy. Pamangkin kasi nito ang nag-invite sa kanya na mag-apply doon. Hindi naman siya nito pinigilan, ilang taon na din siyang naging teacher sa eskwelahan nila. Hindi naman siguro siya masasabihan na walang kwentang mamamayang Pilipino kung mag-apply siya sa ibang bansa... It’s

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 336

    Fuck! sigaw niya sa isip. Mabuti na lang at madilim doon at walang nakakakita sa kanyang umiiyak. Napaupo siya sa isang malaking bato. Pinapanood niya habang naglalakad palayo si Almira sa kanya. Bakit pakiramdam niya ay literal na lumalayo na ito sa buhay niya?How can he be so insensitive? Kung kailan mawawala na si Almira ay saka niya na-realize ang importansya nito sa buhay niya. At nasasaktan siya dahil kaya na siyang tanggihan ni Almira.Kung dati ay sunod-sunuran lang ito sa kanya.... Aayain niya ito kung saan-saan, tatawagan niya sa madaling araw para samahan siyang mag-inom kapag mag-break sila ng girlfriend niya, kahit pa antok na antok na ito ay sasamahan pa rin siya.Si Almira ang naging pamilya niya bukod sa pamilya ni Elijah. Mag-isa lang siya sa Pilipinas. Anak siya sa pagkadalaga ng mommy niya na kapatid ni Tito Felix. Nakapangasawa ang mommy niya ng Amerikano sa US at doon na naninirahan kasama ang bago nitong asawa at ang half-sister niya.He is literally alone, kaya

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 335

    Habang naglalakad pauwi ay hindi niya napigilan ang sariling umiyak. Hindi niya alam kung bakit napaka-iyakin niya lately. Ganito ba kapag tumatanda na?Dati kahit anong pang-iinis sa kanya ng mga kaibigan ay hindi naman siya napipikon. Pero bakit ngayon, malapit na ang birthday niya, ay nare-realize na niya ang realidad... na talagang matanda na siya!"Hmp! Di bale. Kapag nasa malayo na ako, kapag nakapunta na ako ng Italy, ay hindi na nila ako mabibiro. Maghahanap ako ng foreigner na nobyo. Hindi naman tumitingin ang mga foreigner sa edad. Ang mga Pinoy lang naman ang maarte!" wika niya sa isip saka nagpunas ng mga luha. "Almira..." Nagulat siya nang may humawak sa kanyang braso... sinundan pala siya ni Liam. Nasa madilim na bahagi sila kaya hindi niya ito napansin. "Where are you going?""Uuwi na. May gagawin pa akong lesson plan..." pagdadahilan niya. Mabuti na lang at madilim doon at hindi nito makikita na kakagaling lang niya sa pag-iyak. "Wag mo sila pansinin..." "Hindi a

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 334

    "Oh, andito na pala sina Gov, Consi at Mayor!" anunsyo ni Caleb. Bigla siyang naingas sa kanyang kinatatayuan, nakatalikod siya kaya hindi niya nakita ang pagdating ng mga ito. Hindi niya alam kung haharap siya o hindi. Nahihiya siyang makita si Liam, hindi niya alam kung magpapasalamat siya sa hinatid nitong mga prutas at vitamins sa kanya. "Ginabi ata kayo? Akala ko 'di na kayo dadating?" tanong ni Hunter. Hindi pa rin siya humaharap. Inagaw niya ang pamaypay kay Hunter at siya na ang nag-ihaw ng mga barbeque para kunyari busy siya. Walang pag-aalinlangan namang ibinigay ni Hunter 'yun sa kanya at lumapit sa mga bagong dating. Nagpapasalamat siya at hindi pinuna ni Hunter ang pag-agaw niya sa pag-iihaw. Abala ang lahat habang siya ay andoon nagpapausok. Pero mas gusto niya doon dahil hindi niya kailangang makipag-usap at nagbusy-busyhan siya. Nang naubos na ang lahat ng iihawin ay wala siyang choice kundi makihalubilo sa mga ito. O baka pasimpleng aalis na lang siya. Siguro n

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 333

    Habang tinititigan ang note na nakalakip doon sa bigay ni Liam ay nag-ring ang cellphone niya. Muntik pa siyang mapatalon sa gulat. Sobrang tutok kasi ang utak niya sa kung bakit pa siya pinadalhan ni Liam ng prutas at vitamins. Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bag.... Si Yassy ang tumatawag."Hello?" Walang gaanong sabi niya. "Hello, Ate... saan ka?" "Sa bahay. Kakakarating ko lang galing school." "Ganun ba. Punta ka dito sa bahay. May pa-dinner si Kuya Caleb at Belle." "Bakit? Ano meron?" "Wala lang. Babalik na kasi sila sa Manila bukas dahil aasikasuhin ni Kuya ang restobar." "Ano ba ulam diyan?" Muli niyang tanong."Ano ka ba, ang dami mo pang tanong! Punta ka na. Sige, bye," inis na sabi ni Yassy.Wala kasi sana siyang planong pumunta, madami pang syang gagawin kaya pinapatagal niya ang usapan. Pero dahil pinatayan na siya nito ng telepono, ay wala na siyang magagawa. Hindi na siya nagbihis ng kanyang uniform. Makikikain lang naman, saka uuwi ulit. Ayaw niyang tumagal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status