****************YASSY's POV:Nasa kwarto pa din ang mga magulang niya at magulang ni Hunter. Sa tabi niya si Almira at marahang hinihilot ang mga kamay niya para ma-relax siya.Kanina pa umalis si Hunter pero nasa pinto pa din ang mata niya kung saan ito lumabas kanina."What have I done?' tanong niya sa sarili. I know I hurt Kuya Hunter big time, nakita ko iyon sa kanyang mga mata. Pero hindi ko iyon sinasadya. Hindi pa siya handa magpakasal dahil gusto niyang tapusin muna ang pag-aaral niya. At saka, di ba may girlfriend si Kuya? Bakit siya magpapakasal sa akin? Ano ang gusto niyang gawin na dalawa kami ni Tricia sa buhay niya? Hindi siya makakapayag ng ganun!Natigilan sa pag-iisip niya nang pumasok ang kuya Caleb niya."Nasaan si Hunter, iho?" tanong ng mama nila."Bumalik na ng Manila, Mom.""Huh? Gabi na... baka ma-disgrasya siya sa daan! Wala pa siyang pahinga simula kanina. Kakarating niya lang galing Manila at ngayon babalik agad?" sambit ni tita Helen"I don’t know, Tita...
"Ate Almira, bilisan mo mag-drive!" Nababagalan siya sa pag-drive nito. Gusto na niyang malaman ang kalagayan ni Hunter. Nagaalala siya sa binata."Baka tayo naman ang madisgrasya. 'Wag kang magulo diyan!" Sigaw nito sa kanya. Ayaw naman siya pag-drive-in nito dahil wala pa siyang lisensya sa Pilipinas kahit marunong siya mag-drive.Pagdating nila ng ospital ay nakita na nila ang kotse ng mga magulang niya na naka-park doon. Nauna na ang mga ito doon."Nurse, anong room po si Hunter Rosales?""Ah, si Sir Hunter po? Nasa fourth floor po siya." sambit ng nurse. Pagmamay-ari nina Hunter ang ospital na 'yun kaya kilala na ito doon."Mam Yassy, ikaw na ba 'yan? Abay, malaki ka na ah!" pansin ng head nurse nang nadaanan siya doon sa confirmation counter."Hi po, Nurse Michelle.""Abay, malaki ka na at dalagang-dalaga. Dati ay tambay ka lang dito sa ospital." Kilala din siya doon dahil palagi siyang dinadala doon ng mga magulang ni Hunter noong bata pa siya."Andito ka ba para kay Sir Hunter
***************HUNTER'S POV:"Bakit mo naman binastos sina Salvador at Amira, Helen!" galit na wika ng dad niya sa mommy niya nang sila na lang ang naroon. Tinaboy ng mommy niya ang pamilya ni Yassy."Nagsasabi lang ako ng totoo, Joaquin! Ginawa ko 'yun para sa anak ko!""Malaki na ang anak mo. Hindi na siya bata. Natural lang na masaktan siya sa pag-ibig. Hindi lahat ng gustuhin niya ay gustuhin din siya!""Pasalamat nga ang Yassy na 'yun na kahit patomboy-tomboy siya ay siya ang pinili ng anak natin sa daming nagkakandarapa kay Hunter! Oo, natural lang na masaktan sa pag-ibig. Pero natural din ba ang muntik na siyang mamatay dahil sa Yassy na 'yun?"Natahimik lang ang dad niya sa tinuran ng mommy niya. Nakikinig lang siya sa bangayan ng mga magulang niya."Wag ka nang magpakamatir sa Yassy na 'yun, anak. Ako na mismo ang mag-uutos sa'yo. Simula ngayon ay kalimutan mo na siya. Hindi ko na siya gusto para sa'yo dahil sasaktan ka lang niya.""Mom, walang kasalanan si Yassy dito.""Kah
***************HUNTER'S POV:Nasa kwarto niya ang mommy niya nang kumatok ang katulong at sinabing nasa baba si Yassy at gusto siyang kausapin. Agad na kumabog ang puso niya, tatlong araw niya ding hindi nakita si Yassy. Hindi siya nito binisita sa ospital, marahil ay umiiwas ito sa galit ng mommy niya. Aaminin niyang miss na miss na niya ang dalaga. Akmang tatayo na siya nang pigilan siyang mommy niya."Wag kang lumabas, Hunter!" utos nito sa kanya na parang bata. "Tandaan mo, kakalimutan mo na siya. Ako na ang haharap sa kanya!" ma-autoridad na wika nito saka lumabas ng kwarto niya. Hindi man lang nito hinintay ang sagot niya.Gusto niya din makita si Yassy, pero natakot siya baka magalit ang mommy niya. Alam niyang ginagawa lang naman ito para sa kanya.Bumaba siya ng kama at lumapit sa pinto. Binuksan niya iyon ng bahagya at sumilip doon. Tama lang na makita niya si Yassy at ang mommy niyang nag-uusap sa sala.Nakatuon ang mga mata niya kay Cindy. Natulala siya nang makitang naka
Nasa airport na siya sa mga oras na 'yun at naghihintay ng flight niya. Naka-all black siya... itim ang hoodie niya, black shades, at black pants. Para siyang namatayan! Oo nga... namatay ang puso niya!Sa El Nido ang hotel na binook ng secretary niya. Napangiti siya, balita niya ay magaganda ang beaches doon. Mabuti naman at magaling ang secretary niya. Hindi na niya kailangang mag-utos. Nagkukusa na ito at alam nito ang gusto niya.Habang naghihintay sa flight ay nakaupo lang siya sa waiting lounge at nakikinig ng music. Bored na bored siya. Wala man lang siyang kausap. Mas masarap pa din magbakasyon kapag may kasama kang kaibigan o mahal sa buhay.Napangiwi na naman siya sa mga naiisip... paano, eh wala naman siyang nobya?! Hiniwalayan niya si Tricia, at ayaw naman niyang makasama ito kahit na sila pa. Basted din siya kay Yassy kaya nga-nga siya... bokya!Nang makasakay na sila sa eroplano lulan ng Palawan, ay umupo agad siya sa designated seat niya at pinikit ang mga mata. Wala si
Nagising siya nang parang may nag-iingay sa labas. Hindi niya napansin na nakatulog pala siya ulit. Gusto lang naman niyang i-try kung malambot ang kama kanina at umidlip ng konti... pero hindi niya namalayang nakatulog na naman pala siya! Nagiging antukin ata siya lately.Ganoon siguro talaga dahil mas gugustuhin niyang matulog nalang dahil hindi siya nakakapag-isip ng kung ano-anong nagpapalungkot sa kanya.Tiningnan niya ang oras sa wall clock... Kaya pala kumukulo na ang sikmura niya, hindi pa pala siya nakapag-dinner! Alas nuwebe na ng gabi.Tumayo siya sa kama at inayos ang sarili. Makikigulo siya doon sa party at doon na din mag-dinner.Mabilisan siyang naligo at nagbihis. Plain white polo at white shorts ang suot niya. Hindi na siya nag-abala pang isara ang botones ng polo niya kaya kitang-kita ang tinatago niyang abs.Lumabas siya ng kwarto at narinig niya ang malakas na tunog mula sa bar. Madami na din ang nagsasayawan doon."This is gonna be fun!" nakangiting wika niya sa i
Agad niya itong binuhat at dinala sa kwarto niya. Iniwan nya ang lamesa nya doon kahit pa hindi pa sya tapos sa pag-inum... ni hindi pa nga sya nakabayad! Di bale icha-charge lang naman ni Loisa iyon sa hotel room nya... kilala naman na cya nito. Muling bumalik ang atensyon nya sa dalagang binubuhat. What is happening? Bakit andito din si Yassy? Di ba bumalik na ito sa London?Alam ba nitong pumunta siya doon at sinundan siya? Pero paano? Si Georgina lang ang nakakaalam ng schedule niya at hindi nito kilala ni Yassy.Hmmm... Bitawan mo ako. Hindi ako sasama sa'yo..." wika nito nang walang lakas.Muli na naman itong nagising. Ang akala niya kanina ay nakilala na siya nito dahil tinawag nito ang pangalan niya... hindi pala."What are you doing here, Yassy? Bakit andito ka din sa Palawan?""Kuya Hunter? Ikaw ba 'yan?" wika nito saka hinaplos ang mukha niya. tila kinokompirma kung cya nga. "Bakit andito ka? Sinusundan mo ako, noh? Hihihi..." wika nitong halos di na makapagsalita sa sob
*********************YASSY'S POV:Napapa-isip siya habang naliligo. Paanong nangyaring andito din si Kuya Hunter sa Palawan? Wala naman siyang pinagsabihan na pupunta siya doon. Maging si Ate Almira ay walang alam.Gusto muna niyang magbakasyon ng two weeks bago bumalik ng London. Pero kahit ganoon pa man, masaya siya dahil nakita niya ulit si Hunter at magkakaroon ulit sila ng pagkakataon... pagkakataon na itama niya ang mga maling akala nito.Ngayong magkasama na sila doon sa iisang kwarto, gagawin niya ang lahat para muli siyang mapansin nito. Kanina pa kasi niya napapansin na iniiwasan siya nito.Napangiti siya habang napapaisip. Hindi naman siguro masama kung maging girlfriend siya ni Hunter. Total, sinabi naman niyang mahal siya nito. Parehas naman sila ng nararamdaman, so bakit pa siya magpapakipot?Dali-dali niyang tinapos ang paliligo dahil nakaisip siya ng kalokohan... Lumabas siya ng banyong walang saplot....And there was Hunter, nakatulala nang makita siya. Nakatingin it
Agad itong napatingin sa mga maleta niyang nakaayos na.“Where are you going? Kapapakasal lang ni Yassy, aalis ka kaagad?” Naamoy niya ang ininom nitong alak. Lasing na si Caleb at may hawak pa itong bote ng beer.“What are you doing here, Caleb? Magpapahinga na ako.” walang emosyon niyang wika.“Ganun ka ba kadiring-diri sa akin, Belle? Ganun ka ba kagalit sa akin na sa totoo lang ay wala naman akong kasalanan? You never gave me a chance to explain. Jinudge mo na agad ako kasi 'yun na ang tingin mo sa akin dati pa... isang babaero at manloloko!”“Hindi nga ba?”“How many times do I have to tell you na nagbago na ako simula nang makilala ka?”“Wala akong pakialam, Caleb. Nakapag-move on na ako at sana ganun ka na rin!” pagsisinungaling nya“Belle... please listen to me one more time. Please give me one more chance. Let’s save our relationship!” pagpapamakaawa nito sa kanya. Namumula na ang mata nito. Hindi niya alam kung sa luha o sa pagkalasing.“You call that a relationship, Caleb?
“Owww... Paano 'yan? Nakabuntis din si Hunter, 'di ba?”“Hindi niya anak 'yun... Nagsinungaling si Olivia.” kwento ni Yassy“Really? I'm happy for you, bestie... I'm glad na nakita mo na din ang happiness mo.”“And I thank myself for not quitting on love... Kung sinukuan ko si Hunter, ay malamang hindi kami aabot sa pagpapakasal, bestie... at ngayon magkakaanak pa kami”Sandali siyang natigilan. Ibang-iba na si Yassy... kung dati ay punong-puno ng sama ng loob ang kinukuwento nito tungkol kay Hunter, ngayon ay puno ng pagmamahal sa lalaki. Ramdam nya ang kaligayahan ng kaibigan.“Ikaw din, bestie... Gusto ko ding mahanap mo ang pag-ibig mo... Don’t give up on love, bestie.”Lihim siyang nalungkot. Sinasabi ba ni Yassy na bigyan niya ng pangalawang chance ang sa kanila ni Caleb?! No way!“Kelan ang kasal niyo, bestie?” pag-iiba niya ng usapan. May pakiramdam siyang may alam na si Yassy tungkol sa kanila ni Caleb kaya ganito na lang ito kung magpayo sa kanya.“It's next month, bestie. A
It’s been a month since umuwi sina Yassy, Art, at Caleb sa Pilipinas. Naiwan siya doon mag-isa. Aaminin niyang nalungkot siya, lalo na’t umalis si Caleb na may samaan sila ng loob. Desisyon niya naman iyon na makipaghiwalay na kay Caleb pero masakit pa rin. First love niya si Caleb at hindi naman agad-agad iyon nawawala. Kasalukuyan siyang papunta sa opisina. Wala sa sarili siyang nag-aabang ng elevator. “Belle...” Narinig niyang tawag ni Camila sa kanya. Inirapan niya ito. Kung hindi dahil sa hitad na ito, ay hindi sana sila nagkahiwalay ni Caleb.“What do you want, Camila?”“Ahm, nothing. Di pa ba bumabalik si Caleb?”“Hindi pa, at hindi na siya babalik, kaya sorry na lang sa'yo.” “Oh, that's bad... I miss him already! I bet you don't know how good your boyfriend is in bed? Di mo pa siya natikman, right? Hahaha... Yan kasi, ang arte mo. Yan tuloy, naunahan kita. Anyway.....” “You bitch!” hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil hinablot nya ito sa buhok. Ang lahat ng sama ng
“Kahit pa hindi nangyari 'yon, ay nagdadalawang-isip na din ako sa pagsagot sa’yo, Caleb. Hindi ko alam kung maibibigay ko ang mga kailangan mo na pwedeng maibigay ni Camila o ng ibang mga babae mo... Hindi ako ganoon.”“Pero hindi naman 'yon ang habol ko sa’yo, Belle... Believe me! I love you... You just misinterpreted me dahil nasa utak mo na na ganoon ako... You never gave me a chance. Pakiramdam mo ay sa kada lapit ko, may gagawin ako sa’yo, ji-nudge mo na agad ako wala pa man. Di mo ako pinagkakatiwalaan... and it hurts me too, Belle!”Hindi siya sumagot. Marahil nga totoo. Na-judge na niya ito bago pa man, pero nasaktan pa din siya.“Belle, please... Bukas uuwi na kami ng Pilipinas. Ihahatid ko lang si Yassy tapos babalikan kita dito. I want to make this right with you... Mahal kita, Belle.”“No thanks. You don’t have to do that. Samahan mo na lang doon si Yassy. She needs you. I’m gonna be okay here. At buo na ang desisyon kong makipaghiwalay sa’yo. Wala ka nang obligasyon sa a
Pinahid niya ang mga luha bago buksan ang pinto ng apartment nila. At hindi nga siya nagkamali, andoon na si Yassy, nakaupo sa veranda at mukhang tulala na naman. Mukhang naramdaman na niya ang sakit na nararamdaman ni Yassy ngayon... Ang tigas kasi ng ulo niya. Hindi siya nakinig sa kaibigan.Dumiretso siya ng kwarto at hindi ginambala si Yassy. Mas gusto niya ding mapag-isa. Lihim siyang umiiyak sa loob ng kwarto niya. Bahala na kung magtatanong si Yassy kung bakit siya mugto ang mata niya. She can't help but cry. Kailangan niya ilabas ang sama ng kanyang loob sa pamamagitan ng pag-iyak. Mas masakit lang sa kanya because she has nothing to talk to... Walang dadamay sa sakit na nararamdaman niya dahil ayaw niyang sabihin kay Yassy ang pinagdadaanan niya. Maya-maya ay ang ring ng cellphone niya... It's her dad. “H-Hello, Dad?” garalgal ang boses niyang sabi.“Hey, Princess...” masayang bati ng Daddy niya. Gusto niya lalo umiyak. She wants to hug her dad. Pero ayaw niya din na malam
"Oh yeah?! Ang bilis naman! Kahapon lang tinanong kita, sabi mo wala kayong relasyon? Natakot kang maagawan no? Hahaha...Don't worry, he is yours... titikim lang ako."Muli niya itong tiningnan ng masama."Chill, Belle!... Parang di ka na mabiro. I was just joking!"Mabuti na lang at nagbukas na ang elevator at dumating na siya sa opisina. Hindi na niya masakyan ang pang-iinis ni Camila. Kung tatagal pa sila doon ay baka nasabunutan na niya ito."Bye, Belle!" Nakangising kumakaway pa ito nang lumabas siya ng elevator. Nasa taas pa ang opisina nito. Senior model si Camila sa kanya pero mas madami siyang project kesa sa hitad. Kaya siguro inggit na inggit ito dahil kahit kakapasok pa lang niya sa kumpanyang iyon ay siya na agad ang pinag-aagawan ng mga brand company.Humugot siya ng malalim na hininga para iwaksi ang pagkainis kay Camila at nagpatuloy sa conference room para sa photoshoot. Ayaw niyang maging busangot ang mukha niya.Isa din 'yun sa paraan ni Camila para sirain siya, iin
Nakahinga siya ng maluwag saka dali-daling nagbihis. Naiinis siya kay Caleb dahil ang tigas ng ulo nito. Bakit ang sarili lang nito ang iniisip? Pakiramdam niya tuloy ay niligawan lang siya nito para makuha siya. At pagkatapos, ano? Kapag nakuha na siya nito, itatapon din siya katulad ng ginawa ni Hunter kay Yassy?Gusto niyang intindihin si Caleb pero bakit hindi siya nito maintindihan? Gusto niyang isipin na iba ito sa mga lalaki at hindi katulad ni Hunter, pero sariling kapatid nito mismo ang nagsasabi na huwag siyang magtiwala kay Caleb. 'Yun ang dahilan kaya natatakot siya kay Caleb… Oo, mahal niya ang lalaki, pero gusto niya din isipin ang sarili niya.Paglabas ng kwarto ay nakasimangot siyang nakatingin dito. Wala din itong imik nang tumayo sa upuan."Let's go?"Nagpatiuna itong lumabas. Hindi siya nito hinintay. Nararamdaman niyang nagtampo din ito. Pakiramdam niya ay first fight nila iyon. Napaisip tuloy siya, mas okay pa sila noong hindi niya ito sinagot… chill lang sila at
Kinabukasan ay maaga siyang nagising, wala na si Yassy sa tabi niya. Maaga itong pumunta sa school para asikasuhin ang ibang pang papeles sa pagka-graduate nila. Siya naman ay may pictorial mamaya sa agency bilang sa pagpa-part time model niya.Napapaisip siya... pagka-graduate nila ay mag-isa na lang siya doon dahil uuwi naman si Yassy sa Pilipinas. Binigyan ito ng trabaho ng dad niya. Hindi na rin siya pwedeng samahan doon ni Caleb palagi, may sarili din itong negosyo at career sa Pilipinas. Baka bisitahin nalang cya doon ng nobyo."Good morning…"Nagulat siya, biglang bumukas ang pinto niya at niluwa doon si Caleb."G-Good morning... What are you doing here? Baka makita ka ni Yassy..." pagdadahilan niya."Umalis na siya kanina pa." wika nito saka tuluyan nang pumasok sa kwarto niya. Umupo ito sa kama.Napahawak siya sa kumot… wala kasi siyang bra."Wala ba akong good morning kiss?" nakangiting wika ng nobyo niya."Ah, eh wala pa akong toothbrush eh…" bigla siyang na-conscious kaya
Magkahawak-kamay sila ni Caleb umuwi sa apartment nila. Pero pagpasok ng unit ay umaakto silang normal. Hindi nila pinapahalata kay Yassy na may relasyon na sila. Hindi pa siya handa na malaman ng kaibigan niya. Alam niya na may problema pa itong iniisip dahil kay Hunter. Ayaw niyang dumagdag sa iniisip ni Yassy."Hi bestie..." bati niya sa kaibigan nang pumasok sila. Nakaupo ito sa sofa at nanonood ng TV pero alam niyang wala naman sa pinapanood ang atensyon nito."Saan kayo galing? Bakit magkasama kayo?" Palipat-lipat ang tingin nito sa kanila."Ah eh... nagkita lang kami sa baba. Sabay na kaming umakyat." pagdadahilan niya saka tinabihan ito sa sofa."What are you watching?" pag-iiba niya ng usapan. Si Caleb naman ay dumiretso sa kitchen at inayos ang dala nilang pizza para sa dinner nila."I don't know...""Nagsasayang ka ng kuryente. Di mo naman pala alam ang pinapanood mo... may problema ka ba?"Bigla itong tumahimik at umiyak."Bestie... Wag kang gagaya sa akin ha... kasi masak