Mag-log in“Believe me, Marise…” halos pakiusap na saad nito. “Kahit tanungin mo pa mga staff n’yo sa grocery. Araw-araw akong pumupunta doon para abangan ka. Para lang makausap ka.”Hindi agad siya nakapagsalita. Unti-unting bumilis ang tibok ng kanyang puso habang nakatitig sa seryosong mukha ni Nicolas.“Totoo ba ‘yang sinasabi mo, Nicolas?” tanong ng kanyang lolo.“Opo, Mr. Li.”Huminga nang malalim si Nicolas bago tuluyang nagsalita. “Handa po akong ligawan si Marise… para ipakita sa inyong lahat na mahal ko talaga siya.”Napatingin ang lahat sa kanya.“Ano ang masasabi mo, Marise?” tanong ng kanyang lolo.“Lolo ayaw ko!” sigaw niya sabay tayo.Tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Napahiya lang siya sa harap ng pamilya kaya hindi niya maamin na mahal niya rin si Nicolas. Dahil sa totoo lang, kahit gaano niya gustong magalit… hindi pa rin niya kayang pigilan ang sarili sa tuwing nakikita niya ito.Ngunit dahil sa bigla niyang pagtayo ay bigla ring umikot ang kanyang paningin. Kasabay noon ang ma
Napatayo agad si Marise sa sobrang gulat. Halos muntik pang matumba ang baso ng tubig sa kanyang harapan dahil sa biglaang pag-angat niya.“A-anong ginagawa niya rito?” mahina ngunit nanginginig niyang bulong habang nanlalaki ang mga mata sa pagkakatitig sa lalaking nasa pintuan.Samantalang si Nicolas ay nananatiling nakatayo roon, hawak ang napakalaking bouquet ng dilaw na rosas. Ngunit kakaiba ang aura nito ngayon. Wala ang dating yabang, wala ang pamilyar nitong mapang-asar na ngiti. Para itong isang estudyanteng pinatawag sa guidance office, halatang kinakabahan at hindi malaman kung paano magsisimula.“G-good evening po…” pilit nitong bati habang bahagyang yumuyuko.“Good evening iho. Pasok ka,” kalmadong sagot ni Lolo Li.Napalingon agad siya sa matanda, halatang hindi makapaniwala. Ito ba ang nagpapasok kay Nicolas?“Lolo!… bakit andito siya?” halos pabulong ngunit puno ng reklamo niyang tanong.Nagkibit-balikat lamang ang matanda habang mahinahong umiinom ng tsaa.“Tinawagan
MARISE POV:Nasa loob lang siya ng kanyang kwarto habang walang gana na nagbabasa ng magazine. Maaga siyang umuwi mula sa grocery dahil simula pa kanina ay masama na ang kanyang pakiramdam. Parang umiikot ang paligid at may kung anong bigat sa kanyang dibdib na hindi niya maipaliwanag.Ilang araw na rin ang lumipas mula nang muli silang magkita ni Nicolas sa party. At simula noon, hindi na siya ginulo ng lalaki. Mukhang epektibo ang pananakot ng kanyang lolo rito."Hmp! Mahinang nilalang!" iritadong sambit niya. "Konting pananakot lang, hindi man lang ako sinubukang suyuin?.. Eh di huwag!"Hindi rin niya inakalang si Nicolas pala ang lalaking gustong ipakilala sa kanya ng kanyang lolo. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na magbusiness partner ni Noah at si Nicolas Monteverde. What a small world.“Ma’am Marise, pinapatawag na po kayo ni Sir Li. Dinner na raw po.”Napalingon siya sa pintuan nang marinig ang boses ng kanilang katulong.“Okay, Manang,” mahina niyang sagot.Napabuntong
Nagdaan ang mga sumunod na araw na parang bangungot para kay Nicolas. Hindi na siya lumalabas ng silid at hindi na rin pumapasok sa kompanya. Hinayaan niyang magulo ang lahat sa opisina dahil sa pagkawala niya… pero wala siyang pakialam.Magulo rin ang kanyang kuwarto. Nagkalat ang mga bote ng alak sa sahig, ang iba’y wala nang laman, ang iba nama’y kalahati pa lang. Nakaupo siya sa malamig na sahig habang nakasandal sa gilid ng kama, hawak ang isang bote ng whiskey.Buong araw siyang lasing, at buong araw ding paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mukha ni Marise… ang mga luha nito, ang sampal nito, at ang malamig nitong tingin na parang wala siyang halaga.Mariin siyang napapikit. Para bang may kamay na paulit-ulit na dumudurog sa dibdib niya.Maya-maya ay may kumatok sa pinto.“Leave me alone!” sigaw niya nang hindi man lang tumitingin.Ngunit ilang segundo lang ang lumipas ay bumukas pa rin ang pinto kahit wala siyang pahintulot. Napailing siya bago dahan-dahang napatingin doo
“Shut up, Anthony!” madiing putol niya habang nagdidilim ang mukha. “Hindi na makikipagbalikan si Marise sa’yo. Asikasuhin mo na lang ang buntis mong girlfriend.”“But I said I don’t love her!”Kita niya ang desperasyon sa mukha ng pamangkin. Halos mabaliw ito habang palipat-lipat ang tingin kina Marise at Mr. Li.Pagkatapos ay bigla itong natawa. Mahina, pero puno ng pangungutya.“Oh… yeah. I get it now...” Tumitig si Anthony sa kanya. “Ayaw mong bumalik si Marise sa akin dahil gusto mo siya para sa sarili mo, hindi ba, Uncle?”Namilog ang mga mata ng ilang taong nakarinig.“At oo nga naman,” patuloy ni Anthony habang natatawang umiling. “Kapag nakasal na kayo, lalo kang lalakas dahil nakakabit na ang pangalan mo kay Mr. Li. Tama ba ako, Uncle?”“Shut up, Anthony!” mariing sigaw niya.Napatingin sa kanya si Marise. Mariing humigpit ang kamao niya. Hindi niya alam kung galit ba ang nangingibabaw o takot.“Magkakilala na kami ni Marise bago pa man kayo magkakilala…” garalgal niyang sab
NICOLAS' POV:Halos mabasag ni Nicolas ang basong hawak niya sa sobrang higpit ng pagkakahawak doon habang nakatingin kay Marise na papalapit sa kanila.Totoo nga ang hinala niya... Si Mr. Li ang bagong may hawak kay Marise. ito ang DOM na matagal na katanungan sa kanyang utak. .At mas lalong kumulo ang dugo niya nang makita ang tuwang-tuwa nitong mga kamag-anak. Halatang ipinagmamalaki ng mga ito si Mr. Li na para bang naka-jackpot sa buhay. Nakangiti at magaan ang mga mukha. Para bang isang malaking biyaya ang pagdating ng matanda sa buhay ng pamilya ni Marise.Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong mabigat na pakiramdam ang sumiksik sa kanyang dibdib.“Marise, come here. Bakit ba ang tagal mong maglakad?” inis na saad ni Noah.Napatingin siya rito. Mukhang napapansin din ni Noah ang tensyon kay Marise. Tahimik ito habang naglalakad, parang nag-aalangan. At kahit pilit nitong itinatago, kita niya ang pagkairita sa mukha ng lalaki.Is it because of Mr. Li? Dahil ba may rela
Are you ready, sweetheart? malambing na tanong ni Felix. Hindi niya alam kung ano ang isasagot.“Let’s enjoy this moment, Elise. Wala ka na dapat pag-aalinlangan. I’ve patiently waited until this moment. Hinintay kong matapos ang problema mo kay Lester, hinintay kong matanggap ako ng mga anak mo. A
“Madaling sabihin ’yan,” malamig nitong tugon. “Pero habang kayo ay lumalaki sa marangyang buhay, kami ay naghihirap.”“Nagkakamali po kayo, Lola. Galing din po kami sa hirap. Pero noong una pa lang namin nakilala si Lolo ay hindi ganito ang approach namin sa kanya… sa kung ano ang makukuha namin s
Hindi ka pa ba napapagod? Naka-dalawa na tayo sa hotel kanina,” natatawang sabi niya.“Hindi ako mapapagod sa’yo, sweetheart. Kung tutuusin, bitin pa ako…”“B-baka marinig tayo ng mga bata… baka magising sila.”“Hindi ’yan. May isang kwarto pa sa pagitan ng kwarto nila… saka tahimik lang tayo,” bul
Dahan-dahan siyang tumayo, inaayos ang sarili habang nararamdaman pa rin ang panghihina ng kanyang mga tuhod. Hinarap niya si Felix na ngayon ay may nakakalokong ngiti sa mga labi, tila proud na proud sa ginawa."Wala ka talagang pinipiling lugar!" kunyaring galit niya habang inaayos ang kanyang pa







