MasukNagulat sila sa pagpasok ni General.“Mayor Elijah. Gov. Felix. May lead na kami kung saan dinala ni William si Ma’am Paulette.”Bigla siyang nabuhayan ng loob. “Saan?”“Sa kanyang nireretahang bahay malapit sa beach.”“Tara na. Pero dapat tahimik lang ang pagpunta natin. Walang sirena, walang madaming kotse. Kapag nahalata tayo ni William, baka kung ano ang gawin niya kay Paulette.”“Sasama ako, Elijah,” sabi ni Lilac.Tumango lang siya at nauna nang maglakad. Nakasunod si Lilac sa kanya kasama ang kanyang daddy at mga kaibigan.“Nakapuwesto na ang mga pulis sa lugar ni William, Mayor. Walang makakapansin dahil naka-civilian sila.”“Salamat, General. Hindi puwedeng masaktan si Paulette kahit ng konting galos. Malalagot ako kay Mr. Li kapag nagkataon. Baka ako pa ang ipapatay niya.”Narinig niyang tumatawa ng pait si Lilac sa likod. “Napakaswerte naman si Paulette. Halos ayaw mo siyang mapadapuan ng lamok, samantalang ako ay handa kang ipain kay William, Elijah?”Nainis siya at hinara
Pagkatapos niyang kausapin si Lilac, muli siyang napaisip. Tatlo hanggang apat na oras pa bago ito tuluyang makarating sa Quezon, depende pa sa pagda drive nya. Hindi niya kayang maghintay nang gano’n katagal."Hindi ko puwedeng hayaang masaktan si Paulette…"“Ano’ng nangyayari sa’yo, Elijah?”Napatingin siya nang marinig ang boses na iyon. Papasok sa silid ang kanyang ama.. si Gov. Felix.“Dad…” nanginginig niyang sabi. “Si Paulette… kinidnap siya ng asawa ni Lilac. Si William!”“What? Oh my God…” nanlaki ang mga mata ng kanyang ama. “Kawawa naman si Paulette. Kailangang mahanap agad ang lalaking iyon at pagbayarin sa kasalanan niya. Kapag may nangyaring masama kay Paulette... magbabayad siya!”Hindi pa man sila nakakapag-usap nang mahaba, biglang bumukas ang pinto.“Elijah… I’m already here.” ang nakangiting si Lilac ang pumasok.Napatingin ang lahat kay Lilac na may mapanuring tingin, tila hindi makapaniwala na muli itong tumapak sa munisipyo. “Bakit ang bilis mong dumating?” gula
ELIJAH’S POV:“Nasaan si Paulette?” nakangiting tanong niya kay Hannah pagdating sa opisina. Kakatapos lang ng meeting niya.“Sir… umalis po siya. Pumunta sa cafeteria. Nagtataka nga po ako kasi kanina pa siya umalis.”"Huh? Sino ang kasama niya?""Siya lang mag-isa. Baka nainip dito. Sabi ko nga samahan ko siya pero ayaw naman niya."“Sige, pupuntahan ko na lang siya sa cafeteria,” sabi niya. Baka nagutom lang si Paulette.Pagdating sa cafeteria, magalang siyang binati ng mga empleyado. Ngumiti siya pabalik sa lahat ng bumabati sa kanya, pero ang mga mata niya ay umiikot sa paligid, hinahanap si Paulette… pero hindi niya makita.“Ahm, nakita n’yo ba ang girlfriend ko?” tanong niya sa ginang. Hindi niya ito kilala sa pangalan pero kilala niya sa itsura. Empleyado rin sa munisipyo dahil naka-uniporme ito.Nakita niyang nagtinginan ang mga tao roon bago ito nagsalita.“Girlfriend mo ba siya, Mayor? Hindi kayo bagay… sobrang bata niya para sa’yo.”Kumunot ang kanyang noo sa komento nito.
Nagising siyang mabigat ang ulo, parang may martilyong paulit-ulit na tumatama sa sentido niya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, agad na sinalubong ng madilim at hindi pamilyar na paligid.“Nasaan ako?” tanong niya habang hinihilot ang noo. Pilit niyang inaalala kung paano siya nakapunta sa lugar na iyon.Isang silid iyon, malinis at malamig. Puting ang pader, makintab na sahig, at iisang ilaw lang sa kisame. Nakaupo siya sa isang upuang may sandalan, at doon niya napagtantong nakatali ang mga kamay at paa niya.“You're already awake...”Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang pamilyar na boses… si William!Nakatayo ito sa harap niya, hawak ang isang baso ng alak. Doon niya naalala na pinaamoy pala siya nito ng panyong may gamot kaya siya nawalan ng malay.“W-what do you want?” nanginginig niyang tanong. Sinubukan niyang igalaw ang mga kamay, pero mas lalo lang sumikip ang tali. Napangiwi siya sa sakit, siguradong magkakasugat na siya doon.Ngumiti si William, yung ngiting
Pagdating niya sa cafeteria ay nag-order agad siya ng makakain kahit hindi naman siya gutom. Nakakahiya naman na makikiupo lang siya doon. Iced tea at chicken sandwich ang order niya. Umupo siya sa pinakagilid na bakanteng upuan.Naghihiya siya dahil mukhang ang lahat ay nakatingin sa kanya. Ngayon lang ba nakakita ang mga ito ng maganda na tulad niya? Pilosopong wika niya. Pero alam niyang hindi iyon ang dahilan... nakita ng mga ito na kasama siya ni Elijah kanina.“Ahm, excuse me…” tawag-pansin ng empleyadong mukhang matagal na doon sa munisipyo dahil matanda na ito. Tatlo silang babae at mukhang may pakay ang mga ito sa kanya.“Yes po,” magalang na sabi niya.“Ikaw ba ang kasama ni Mayor na dumating kanina?” supladang sabi nito.“O-opo.”“Iha, ang bata mo pa. ’Wag mong bilugin ang ulo ng Mayor namin. Alam na namin ang mga katulad mo. Lolokohin mo lang si Mayor at ipagpapalit sa iba tulad ng ginawa ng ex niya. Nobya ka ba niya?”“O-opo,” nahiya siyang sumagot dahil naunahan siya ng
PAULETTE’S POV:Pagkatapos nilang mag-breakfast ay nag-ayos na sila ni Elijah. Ayaw sana nitong mag-work sa araw na ’yon, gusto lang tumambay sa bahay, pero siya ang namilit na pumunta sa munisipyo. Gusto niyang makita ang opisina nito at ang mga kasama nito sa trabaho.Simpleng T-shirt at pantalon lang ang suot niya. Konting pulbo at lipstick lang din ang nilagay niya sa kanyang mukha. Ayaw niyang maging magara, baka mailang ang mga empleyado sa kanya.“Ready na, babe?” tanong ni Elijah.Ngumiti siya at tumango. Magkahawak-kamay silang sumakay sa kotse nito.“Naninibago ako sa’yo. Parang college student ulit diyan sa suot mo. Naalala ko tuloy noong nililigawan kita doon sa university mo. Napakasimple mo lang na babae.”“Hihihi… ayaw kong maging magarbo, saka doon lang naman tayo sa opisina mo. Wala naman tayong meeting na pupuntahan.”Ngumiti si Elijah at pinanadar na ang kotse.Pagdating sa munisipyo ay pinagtitinginan na agad sila. “Good morning, Mayor...” bati ng mga empleyado, pe







