Share

Chapter 2 LOVE AT FIRST SIGHT

STIFFANY

LOVE?

How is that? Does that exist? I don't know. But when I saw him… My world stopped moving. I just watched him as he walked with full authority together with his father.

"So handsome," someone utterly said behind my back. I also hear some of the girls throwing compliments to that guy.

And that moment… I know… Love does exist… Love at first sight.

HALOS habol ko ang aking hininga pagkalabas sa silid ni Lorenzo. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Bukod sa sobra akong kinabahan dahil baka barilin niya na lang ako basta dahil sa ginawa kong pagsaboy ng malamig na tubig sa kanya. Sino ba kasi ang hindi mawiwindang? Gosh! He was moaning so loud! Nawindang ang buong katawang lupa ko.

This is the first that I witnessed him in that state. And hearing him moaning her name made my heart ache. Ilang taon na ba ang lumipas? Three years? But, he's still hoping that she will come back.

Sino'ng niloloko niya? Tatlong taon? Kung talagang mahal siya ni Carlene dapat gumawa ito ng paraan para makabalik kay Lorenzo. Pero hanggang ngayon, wala. Sinaktan niya lang 'yong tao.

'Kung ako na lang kasi ang minahal mo?'

Marahas akong napabuga ng hangin. Ako? Ano'ng laban ko kay Carlene? Goddess 'yon samantala ako parang lalaki kung kumilos. I'm not complaining because it's my work… Pero minsan naiisip ko… Paano kung mas pinili kong maging isang prinsesa? May pag-asa bang mamahalin niya ako?

'C'mon, Stif! Stop questioning your decision. Remember, kung hindi dahil sa 'yo baka wala na sa mundong ito si Lorenzo.' Depensa ng munting tinig na 'yon.

"Ay, tatay mong kalbo!" Tili ko nang biglang bumukas ang pinto ng silid ni Lorenzo. Nakasandal pa pala ako rito. Mabilis akong tumayo nang maayos.

Kumunot ang noo niya. "Are you still here? If you think that I will moan again, then I assure you, I won't. Go back to your room! Pakalat-kalat." Mabilis pa sa alas-kwatro akong tumakbo papasok sa ibinigay niya silid na dalawang silid lang ang pagitan mula sa silid niya.

"Ang sungit-sungit! Akala mo naman gwa—Oo na. Gwapo na siya pero kahit na! Argh!" Nagdadabog akong bumalik sa kama at nagtalukbong ng kumot. Pasalamat talaga at mahal ko siya.

"ARE YOU READY?"

Umangat ang tingin ko sa taong nagsalita. Don Rafael Romano—Draco Elites leader. Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaharap kami. Pero ito ang unang pagkakataon na siya mismo ang magbibigay sa akin ng trabaho bilang isang Undercover ng Draco Elites.

Yes. Isa ako sa napili bilang maging Undercover ng Draco Elites. Isa sa mga Mafia Organization dito sa Italy o mas tamang sabihin sa buong Europa. Isa ang pamilya namin sa pitong associare. Isa sa may mataas na ambag sa organisasyon.

Ang pagiging Undercover ay pili lamang. Sa pitong associare ay lihim na pipili ang pinuno kung sino ang masweter na makasama sa Undercover. Kung maswerte nga ba matatawag 'yon? But it is a big privilege to be one. Tatlo mula sa bagong kasapi ng pitong associare at ang iba ay hindi ko na alam kung saan manggagaling. Idinadaan ito sa pamamagitan ng isang liham na matapos basahin ay ilulublob sa tubig para matunaw. Walang nakakaalam… Kahit ang sarili naming pamilya. Gano'n kami kasagrado.

At ngayon… Isang malaking obligasyon ang nakaatang sa aking balikat. At 'yon ay ang maging tagabantay ni Lorenzo nang hindi niya nalalaman. Ang hirap, 'di ba? Nang malaman ko na ito ang ipag-uutos ni Don Romano ay gusto kong umatras. Pero… Ang binitiwan kong pangako ang pumigil sa akin. At hindi ako pwede basta-basta bumitaw kundi… Buhay ko ang kapalit.

At hindi rin basta-basta ang gusto ni Don Romano. Ako ang gusto niyang maging daan para malaman ni Lorenzo ang tunay niyang pagkatao. I am surprised too. Knowing that Lorenzo is Don Romano's eldest son.

Ang una namin pagkikita ay nang iligtas ko siya. But I have already watched him from a distance since we were sixteen. Honestly, it was by chance that I was there. May iba akong plano para sa una namin pagkikita pero siguro nga destiny has its own way. After I saved him we became… friends? I don't really know what to call it. Kasi mukhang mas tamang alalay ang turing niya sa akin. Malapit naman sa tunay kong trabaho pero mas bet ko ang bodyguard kaysa nanny, 'no.

When I met him… I am Olga Fedor—a journalist. But I give him my real name... only my first name. Stiffany. Hindi naging madali sa akin ang makuha ang loob niya na kahit iniligtas ko siya ay pinaghinalaan pa akong kasabwat sa gustong pumatay sa kanya. Imagine that?

Saksi ako sa mga nangyari sa buhay ni Lorenzo. Kung paano inamin ni Don Romano na siya ang tunay nitong ama. Pero mukhang mas matalino si Don Costa… Dahil siya pa rin ang kumontrol sa sitwasyon. Doon ko nakita kung gaano nga ba kagulo at mapanganib ang mundo ng mga mafioso.

My father is Italian while my mother is Filipino. And me as their only daughter grew up in the Philippines but I was born in Italy. Sabi ni Mama napilitan kaming lumipad patungong Pilipinas dahil sa nangyari kaguluhan na ikinasawi ng anak ni Don Romano. At siguro isa rin 'yon sa dahilan kung bakit ako napili bilang isang Undercover—because I grew up in another country.

"More lies! I'm so tired of this!" Isang malakas na pagkabasag ang narinig ko kasabay ng pagdako ng tingin ko kay Lorenzo. He was mad after knowing that his real mother was with Don Costa. Kahit naman ako, magagalit kung pakiramdam ko… pinaglalaruan ako.

Kinuha ko ang walis at dustpan at nilapitan ang basag na baso na ibinato lang naman ng magaling kong boss. Sinimulan kong linisin 'yon.

"Stif!" malakas niyang tawag. Itinigil ko saglit ang ginagawa ko at hinarap siya.

"What are you doing?" Sarap ihampas ang walis sa kanya. Hindi ba niya nakikita?

"I'm cleaning," I answered and pointed my index finger at his mess. I heard him groan in annoyance or madness. I don't know. Huwag niyang sabihin ako pa may kasalanan—

"Why didn't you catch it?"

Seriously? I rolled my eyeballs and put my hands on my waist. "Next time, call my name so that I can catch it before it touches the wall," I sarcastically said. Nakakainis!

"Whatever! Come here. Let's drink." Itinaas niya pa ang kamay at sinenyasan ako na lumapit. Wala na akong nagawa kundi samahan siyang uminom. This is not the first time that we drank together. I was also with him when Carlene left and I swear he looks… lost, abandoned and heart broken.

"Odio davvero i bugiardi, Stiffanny." (I really hate liars, Stiffany)

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status