LOGINI am Maybelline Mia Park. Actually hindi ko alam kung bakit Maybelline ang unang pangalan ko, siguro big fan ang Mommy ko ng Maybelline make-up o baka naman uso talaga ang Maybelline products o di kaya wala lang talagang ibang maisip ang parents ko ng magandang pangalan. I really hate being called Maybelline dahil hindi naman ako mukhanag lipstick o face powder o eyeshadow o kung ano ano pa mang make-up na meron sila. Kung tinatanong ng iba ang pangalan ko, sinasabi ko lang "Mia Park." Short and decent. I am the epitome of clumsiness. Kahit ano ang gawin ko hindi ako ume-excel. Kahit saan ako magpunta palagi akong nadidisgrasya. Not actually disgrasya katulad ng nasagasaan o kaya nahulog sa building. Sa awa ng Panginoon hindi pa nangyari sa'kin ang ganun ka lalang sakuna. Maliit na disgrasya lang naman kagaya ng nadudulas, nahuhulog sa canal, mabuhusan ng tubig, natapunan ng pagkain. Can you still consider it small accidents? Kakambal ko na siguro ang .malas'. Sanay nadin naman ako sa mga hindi magandang nangyayari sa'kin sa pang araw-araw. Uggh!! ..but so much for that. Ever since nakita 'tong si Mr. Handsome and Mr. Hot sa mall nong gumala kami with my friends, hindi na ako napakali kaya hinanap ko talaga siya. Sinuyod ko ang buong town para lang malaman kung anong pangalan niya, san siya nakatira at sang school siya pumapasok. Well, di naman ako nabigo at nalaman ko din ang mga impormasyong gusto kong malaman. Then guess what? I transferred to livingstone Univeristy kung san siya nag-aaral ofcourse with my friends. Hindi naman din kasi sila magpapaiwan. I did everything para lang mapansin niya ako.
View MoreCHAPTER 1: First Meeting
"Mia, let's eat first nagugutom na ako." Pagrereklamo ni Aya sa'kin. Kakarating lang namin ng mall pero pagkain na agad iyong nasa isipan niya. Tatlo kaming magkakaibigan at si Aya ang pinakamatakaw sa lahat. Nagtataka nga ako kung bakit hindi siya tumataba kahit lamon siya ng lamon. Ang sexy parin ng katawan niya. "You're really a B Aya." Panunukso naman ni May kay Aya. Kung napapansin niyo lahat kami three letters lang ang bumubuo sa pangalan namin. Mia, Aya ang May. Kaya nga 'three girls' ang pangalan ng grupo namin. "Hindi ako baboy May so shut up." "Relax Aya. Manood na muna tayo ng movie." Pagsusuggest ko sa kanya. "Well, if ayaw niyong kumain eh di huwag. Ako nalang ang kakain." Tapos tumalikod na siya at naglakad papalayo sa'min. Wala nadin kaming ibang nagawa kundi ang sundan siya. "Sundan nalang natin May." Tumango lang naman si May. Nakasunod lang kami kay Aya habang pumasok siya saGreenwich. Naghanap nadin siya ng bakanteng mesa saka siya umupo. "Oh? Why are you here?" Mataray na tanong niya sa'min habang hinila namin ni May ang dalawang upuan na uupuansananamin. "Andito kami para samahan kang kumain." Sagot ko kay Aya. "No need girls. Kaya ko namang mag-isa." Sabi niya habang nakapulopot ang dalawang braso niya sa dibdib niya. "If that's the case then happy eating Aya." Sabi ko. "Let's go Mia." Tatalikod nasanakami ni May ng bigla kaming tinawag ni Aya. "Girls I'm just kidding. Maupo na kayo. Ililibre ko na kayo." Gumuhit naman ang ngiti sa labi namin ni May dahil sa sinabi ni Aya saka kami humarap at naupo. Si Aya nadin ang nag order ng pagkain namin and as usual andami na naman niyang inorder na pagkain. "Aya what are you doing?" Tanong ko sa kanya dahil nakakahiya talaga siya. Pinagtinginan ba naman kami ng mga tao dahil sa andami niyang dala dala. Tinulungan pa nga siya ng waiter dahil hindi na niya madala lahat ng inorder niya. "uhhmm.. Sitting?" Nakakainis talaga si Aya. Napakapilosopo pero mahal ko parin siya kahit na ganun. "Nevermind Aya." "Ano pang hinihintay niyo? Kainan na!" Bulalas ni Aya. Nagtinginan lang kami ni May dahil parehos kaming busog at wala kaming ganang kumain. Pero dahil mahal namin ang kaibigan naming si Aya, kumain nadin kami ng konti. "So Mia, kamusta na pala kayo ni Jun?" Bigla nalang akong nabilaukan pagkatapos bangitin ni May ang pangalan ni Jun. *cough* *cough* *cough* Inabot naman ni Aya agad ang tubig saka ko ininom iyon. *cough* *cough* "Okay ka lang Mia?" Tanong ni May. "Mukha ba akong okay May?" *choke* *choke* "I'm sorry Mia, akala ko kasi naka move on kana kay Jun. Sana hindi ko nalang tinanong." Panghihingi ng pasensya ni May. "May, matagal na akong nakapag move on kay Jun. Nabigla lang ako sa tanong mo." Medyo matagal nadin iyong araw na naghiwalay kami ni Jun. Si Jun ang first love ko. Inakala ko talaga noon na siya na iyong lalaking makakasma ko hanggang sa kamatayan pero I was wrong. Inakala ko mahal na mahal niya din ako kahit ganito lang ako pero again I was wrong. Mabuti nalang talaga at narinig ko sila ni Ivory na nag-uusap sa likod ng school building namin dahil kung hindi baka hanggang ngayon eh nagmumukha parin akong tanga sa kanya. "Ivory, hindi ko talaga mahal si Mia. Pano ko naman mamahalin ang ganong klaseng tao? Maganda nga siya, mayaman at mabait pero napakatanga talaga. Sa tuwing magkasama kami palagi nalang akong napapahiya dahil sa pagiging clumsy niya. Kakambal niya ata ang malas. Hehe." "Kung ganun sino naman ang mahal mo?" "Ikaw ang mahal ko Ivory. Mas maganda ka sa kanya at mas sexy." Hindi ko talaga makakalimutan ang mga sinabi ni Jun tungkol sa'kin. Everytime we were on a date, hindi nawawala ang malas sa'kin. Kung hindi ako natatapunan ng tubig, nadudulas naman ako. Inaamin ko napapahiya ko siya. Pero hindi ko naman inasahan na niloko niya lang pala ako. Hindi ko inasahan na hinti talaga niya ako mahal. Napakalaki kong tanga. "Mia? Are you okay?" Saka lang ako bumalik sa sarili ko pagkatapos akong kamustahin ni Aya. "Okay ka lang Mia?" Tanong naman ni May. "I'm okay girls. Punta lang akong restroom." Pero pagtayo ko, hindi ko namalayan na may waiter palang malapit sa'kin na may dalang tray na may basong tubig. "Mia, watch out!!" Bulalas ng dalawa kong kaibigan. Mabuti nalang talaga at nabantaan nila ako agad kaya hindi ako natapunan ng tubig. Sanangayong araw, hindi ako malasin. Kahit ngayong araw lang. "I'm sorry Ma'am." Paghihingi ng pasensya ng waiter. "Ako po dapat ang humingi ng pasensya. Saka huwag po kayong mag-alala dahil hindi naman ako natapunan." "WOO!!!" Sabay na buntong hininga ng dalawa kong kaibigan. "hehe. Mabuti nalang talaga at hindi ako natapunan ng tubig." Sabi ko sa kanila saka ako ng peace sign. "Sige punta na muna akong restroom." Naglakad ako papuntang restroom. Hindi paman ako nakarating sa restroom ng makabangga ko iyong lalaki na may dala ng tray. *BOGSH* Dahil sa sobrang lakas niya, napatumba ako sa sahig at lahat ng tao nakatingin sa'kin. Pati nadin iyong lalaking nakabangga ko. What's worse is natapon iyong dala niyang lasagna sa ulo ko. "Oh my gosh Mia are you okay?" Lumapit naman agad si May at si Aya sa'kin at tinulungan akong tumayo. Iyong lalaking nakabangga ko, hindi man lang ako tinulungan o kamustahin man lang kung okay lang ako. Nang makatayo na ako, nakatitig parin siya sa'kin. "Hindi ka ba hihingi ng pasensya?" Tanong ko sa kanya. "For what?" Malamig na tanong niya. Sobra akong nainis sa kanya. Ang sarap niyang kurutin sa singin. Ang sarap niyang kalmotin at ang sarap niyang suntukin. "For what? Hindi mo alam kung para san? Syempre dahil tinapunan mo ako ng pagkain. Tingnan mo kung ano na ang itsura ko ngayon." Tumitig lang siya sa'kin mula ulo hanggang paa saka siya nagsalita. "Wala namang pagbabago bago ka natapunan ng pagkain at pagkatapos kang matapunan. You look stupid." Kumulo ang dugo ko pagkatapos kong marinig ang salitang stupid. I've heard it so many times already pero hindi ko alam kung bakit ang sakit pakinggan ng sabihin niya sa'kin iyon. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. "Kung hihingi ka lang ng pasensya, tatanggapin ko iyon pero kung ako sayo bibilisan ko bago pa magbago ang isipan ko." Pero tahimik parin siya. Pagkatapos ng isang minuto saka lang siya ulit nagsalita. "Ikaw dapat ang humingi ng pasensya sa'kin." "Ano?" Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'to. Siya iyong bumangga sa'kin. Dahil sa kanya kaya ako natapunan ng pagkain tapos sasabihin niya sa'kin na ako ang dapat humingi ng pasensya? "Bobo ka ba?" Galit na tanong ko sa kanya. "Look here Miss. Dahil sa'yo kaya hindi ako makakain ngayon. Wala na akong ibang cash at hindi sila tumatanggap ng credit card dito. Dahil sa pagiging clumsy mo kaya natapon ang pagkain ko." Tumitig ako sa mga mata niya. Nakakainis talaga ang lalaking 'to. Naiinis ako sa kanya. Nabwebweset ako sa kanya. "Fine.. If ayaw mong humingi ng pasensya bilhan mo nalang ako ng bagong lasagna." Sambit nong lalaki na parang nang-uutos lang na alila. "Anong tingin mo sa'kin? Sugar Mommy? Magdusa ka diyan!!" Sigaw ko sa kanya. "Mia, stop it nakatingin na lahat ng tao sa'tin." "Mia, tulungan ka na naming linisin ang sarili mo." Mabuti nalang talaga at hinila na ako ng dalawa kong kaibigan papuntang rest room dahil kung hindi eh baka kung ano na ang nagawa ko sa lalaking iyon. Nakakainis siya. Nakakabweset. Napaka presko niya. Akala naman niya eh gwa.. Teka. Pinilit kong inalala ang muha ng lalaki. Gwapo naman talaga siya. Matangkad. Maputi. Matangos ang ilong. At ang kinis ng balat. Ugh!! Hindi ngayon ang tamanag panahon para isipin ko pa ang physical features niya dahil kahit na sobrang gwapo niya eh pinahiya parin niya ako sa harap ng maraming tao. Sanay na ako sa mga ganung bagay pero iba talaga iyong kanina. Nakakainis. Tinulungan ako ni May at ni Aya na linisin ang sarili ko. Iyong buhok ko ang sama ng amoy, amoy lasagna.. "Mia, hindi mo naman kasi tinitignan ang dinadaanan mo." Sabi ni Aya habang pinupunasan niya ang buhok ko. "Kinakampihan mo ba ang lalaking iyon?" "Hindi nama sa ganun Aya. Ang gusto ko lang sabihin, sa susunod magiingat ka para naman hindi ka na madisgrasya." "Tama si Aya, Mia. Tingnan mo naman iyong dinadaanan mo para sa susunod hindi na mauulit iyong nangyari ngayon." Tumahimik lang ako dahil totoo naman talaga iyong sinasabi nila. Dapat sa susunod magiingat na ako. Pagod nadin akong palaging napapahiya. Palaging nadadapa. Palaging minamalas. Pero kahit na anong gawin kong pag-iingat nauulit parin ang mga kamalasan sa buhay ko. "Hayyy!!!" Napabuntong hininga nalang ako. Pagkatapos nila akong tulungan na linisin ang sarili ko, dumeretso na kami sa labas ngGreenwich. Hindi na namin binalikan iyong pagkain sa table namin dahil nahihiya na kami sa maraming tao. Ang dami kasing nakakita nong nangyari kanina. Nakakahiya. Pero paglabas namin ngGreenwich. Nagulat nalang kami ng biglang may humila saking matangkad na lalaki. "MAY!! AYA!!" Bulalas ko habang hinihila niya ako papalayo sa dalawa kong kaibigan. "TULUNGAN NIYO AKO!!" "MIA!!!" Katatapos lang nong nangyari sa loob ngGreenwich, ngayon iba naman ang mangyayari sa'kin. "Bitawan mo nga ako!!" Sigaw ko sa lalaking humila sa'kin. Pero pagkatapos kong mafocus ang mga mata ko sa mukha niya bigla ko nalang naalala ang lasagna. Siya iyong bumangga sa'kin kaya ako natapunan ng pagkain sa ulo. "IKAW???"CHAPTER 60: Mask Venice's POV Bumalik ako sa loob ng cafe para kunin iyong phone na naiwan ko sa table. Ang tanga tanga ko para makalimutan ko iyon. Pagpasok ko ng cafe, sinalubong naman agad ako ng waiter na nagpunas ng table namin ni Mia. "Ma'am iyong phone niyo po naiwan." Akala ko talaga eh nawala na iyon pero mabuti nalang at mabait ang staffs nila dito. Inabot sa'kin ng waiter ang phone ko. "Thank you talaga." Kinuha ko na iyong phone ko at tinungo ang pinto ng cafe. Ayokong paghintayin ng matagal si Mia dahil bagong kaibigan ko siya. Nakakahiya naman kung gagawin ko iyon sa kanya. Binuksan ko iyong pinto at nakita si Mia. Tatawagin ko na sana siya ng mapansin ko iyong kasama niyang lalaki. "Si Kevin!!" Bigla nalng bumalik sa isipan ko iyong sinabi ni Mia nong una kaming magkita. May asawa ka na pala Mia? Uhmm.. Oo.. hehe.. Kevin pangalan niya. Sige Venice. Mag-iingat ka. Si Kevin ang asawa ni Mia? Pero bakit? Paano? Andaming tanong na pumasok sa isipan
CHAPTER 59: New found friend? "Mia!!" "Kilala ba kita?" Tama iyan Mia. Kailangan mong magpanggan na hindi mo kakilala si Jun para naman tumigil na siya sa pang gugulo sa'yo. "Ano na namana ba iyan Mia? Hindi ako nakikipag biruan sa'yo." Bulalas ni Jun. Ang kapal talaga ng mukha niya. Eh sino bang may sabing gusto kong makipagbiruan sa kanya? Sinubukan kong bawiin iyong kamay ko mula kay Jun pero hindi ko magawa dahil masyado siyang malakas. "Mia.. I'm sorry." Nagulat ako sa sinabi ni Jun. Simula pa nong maging kami hindi ko narinig ang salitang 'I'm Sorry' mula sa kanya. Sa tuwing nag-aaway kami ako ang laging humihingi ng tawad kahit hindi ko naman kasalanan. Palaging ako iyong humihingi ng pasensya. "Mia.. Kausapin mo naman ako. Andito ako hindi para awayin o guluhin ka. Andito lang ako para imbitahin ka sa birthday ni Mommy. Sinabi ko kasi sa kanya na pupunta ka." Binuhos ko na iyong lahat ng lakas ko para bawiin iyong kamay ko mula sa pagkakahawak ni Jun kaya nagawa
CHAPTER 58: Unexpected Seatmate Minabuti ko ng ipagpatuloy nalang iyong paglalakad ko kesa makichismis pa ako don sa sinasabi nilang gwapong lalaki. Baka pa malate ako ng dahil don. Pagpasok ko ng classroom sinalubong agad ako ng mga kaibigan ko. "MIAAA!!" "Mia!" "Mia namiss kita. Long time no see." Sabi ni Aya sa'kin. "haha.. Ang OA mo talaga. Anong long time no see eh nagkita pa tayo kahapon." Kung makaarte talaga itong si Aya wagas eh. Nagbonding kami kagabi kasama ang mga boyfriend namin. Baka kasi hindi na kami makapagbonding na kompleto kaming lahat dahil magiging busy ulit kami sa studies namin. Naupo na ako sa upuan ko kung san katabi ko ulit si Zelle. Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan hanggang sa isa isa ng nagdatingan iyong mga classmates namin. "Mia, I heard may bago daw transfer student dito sa Livingstone University." Kwento ni Zelle sa'kin. Siguro iyon iyong kinabusyhan ng mga estudyante kanina. "Really? Anong department?" Tanong ko kay Z
CHAPTER 57: First Day "Thank you Mia.." Sabi ulit ni Venice. Ang gandang babae. Ang tangkad. Ang kinis. Ang puti. Ang ganda pa ng pangalan niya. Nasa sa kanya na talaga lahat. Waaa!! Nakakamesmerize iyong beauty niya kaya hindi ko mapigilang mapatitig sa mukha niya. "May dumi ba iyong mukha ko?" Tanong niya sa'kin. "Ahh wala naman.. Ang gada mo kasi eh. hehe" Sabi ko sabay tawa ng mahina. Alam ko masama mainggit pero nakakainggit talaga siya. Siya iyong pang model type na babae. "Kung okay lang sa'yo baka pwedeng hingin ang number mo?" Nagulat ako don sa sinabi niya. Eh I'm just a nobody kung icocompare ako sa kanya tapos hihingin niya iyong number ko. "Huh?" Tanging sagot ko sa kanya. "hehe. Hindi ko alam kung ano iyong dahilan pero sa tingin ko may something sa'yo na gusto ko. Gusto kitang maging kaibigan. Kararating ko lang kasi ng pinas eh." Kaya naman pala medyo may accent na iyong tagalog niya pero sa tingin ko magaling naman siyang magtagalog. May accent












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.