Share

CHAPTER SEVEN

Pagkatapos nilang mapagtagni-tagni ang mga pangyayari ay nagpasya si Cassey na puntahan ang hagdanan kung saan siya nahulog. Bakasakaling may maalala siya kapag makita niya ang eksaktong lugar kung saan siya nahulog.

"Sigurado ka ba na kaya mong pumunta sa lugar na iyon, Cassey?" Nag-aalalang tanong ng kaluluwa ni Dindy nang malapit na sila sa hagdan ng fourth floor kung saan siya nahulog. 

Magmula kasi nang nalaman niya na nahulog siya sa mataas na hagdan ay bigla siyang nagkaroon ng takot sa mga matataas na hagdan. Ni hindi na nga siya umaakyat sa second floor kapag nagpupunta sila ni Clea sa isang mall. Kahit ang rooftop garden ng school nila na madalas niyang puntahan kapag gusto niyang mag-relax ay hindi na rin niya pinupuntahan. Natatakot na kasi siyang umakyat sa mataas na hagdanan. Nai-imagine niya kasi ang sarili niya na gumugulong paibaba ng hagdanan habang duguan ang ulo at maraming mga pasa-pasa sa katawan.

Tumango siya. "I have to do it.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status