Share

CHAPTER FOURTEENTH

Kung pakiramdam ni Cassey ay nagkamali lamang siya ng dinig kanina nang humingi sa kanya ng sorry ang binata ngayon naman ay tila siya nabingi siya sa dalawang pangungusap na sinabi nito.

Bahagyang napaawang ang kanyang mga labi sa hindi inaasahang maririnig mula sa bibig ng binata. May gusto sa akin si Marcus? Imposible. Paano nangyari iyon?

Talagang hindi makapaniwala si Cassey sa ginawang pag-amin ng binata sa tunay nitong nararamdaman sa kanya. Paano ba naman kasi siya maniniwala gayong lagi itong galit sa kanya at iniinsulto siya palagi sa tuwing magkikita silang dalawa? Hindi kaya sinabi lamang nito ang mga salitang iyon dahil ayaw talaga nito na makipaglapit siya kay Alex? Dahil iniisip nito na pera lamang ang habol niya sa kaibigan nito kaya siya nakipaglapit sa matalik nitong kaibigan? Kung iyon ang dahilan kung bakit nito nagawang sabihin ang mga salitang iyon ay hinding-hindi niya ito mapapatawad.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status