Mag-log inUwiian na, suot na po ni Cacai ang korona. Officially, siya na ang pinakamatapang sa buong mansyon. Nahawakan na rin ang itlog ng liyon. ----- Yan na po ang Friday update. Have a great weekend everyone. See you on Monday. :)
Tila huminto ang oras para kay Renato habang nakatingin sa batang babae. Sa unang pagkakataon may taong nagpupumilit na kapitan niya. Wala sa sariling inabot niya ang maliit na kamay ni Amelia habang nakatingin sa mukha nito na basang basa na ng luha. Nanginginig ang mga braso nito at pilit na kinakaya ang bigat niya pero hindi pa rin bumibitaw. Sa unang pagkakataon, naramdaman niya kung paanong may nag-aalala para sa kanya. Pinilit ni Renato na makaakyat pero dumudulas ang sapatos niya sa gilid ng bangin. Napapikit na si Amelia sa sakit. Pakiramdam niya anumang sandali ay mahuhugot na ang isa niyang brasong nakasuksok sa pagitan ng ugat. Kaya malakas siyang napasigaw dahil sa matinding sakit at sa kagustuhang lumaban. Samantalang si Renato, sa unang pagkakataon, pinilit niyang lumaban. Hindi para sa sarili. Kundi para sa batang umiiyak at ayaw siyang bitawan. Yun ang tagpong nadatnan ni Kaloy. “Amelia!” malakas itong napasigaw nang makita ang sitwasyon. Nabitawan n
Pinigilan na lang ni Maria ang sarili na wag awayin si Subas dahil baka bawiin pa nito ang pakpak. Ilang buwan simula nang dumating sa bahay ampunan ang magpipinsan ay palagi na ring biglang sumusulpot si Subas kung saan man naroon si Maria. Dahilan kaya inis na inis dito si Kaloy. Maya maya ay dumating sina Renato at Pacquito. Tahimik ang mga itong umupo sa kabilang side ng mesa. Hindi sila palasalita, hindi ngumingiti, hindi rin sila nakikihalubilo at nakikipag-usap sa ibang mga bata. Para bang may mga sariling mundo ang mga ito. ………. Matapos ang tanghalian ay tinawag ni Ms. Lucita ang mga bata para maglaro. Lagi nilang ginagawa ang iba’t ibang laro para hindi naiinip ang mga bata. Nagtungo sila sa likod ng bahay ampunan, dun sa maliit na burol na madalas nilang pasyalan. Nasa tabi lang naman yun ng bahay ampunan kaya pinapayagan silang maglaro doon basta may kasama ang mga itong matanda na magbabantay sa kanila. “Bawat group ay maghahanap ng halamang may puting bulaklak. At ku
Naghahalakhakan ang mga bata habang isa-isa silang pinapipila ng dalagang si Ms. Lucita. “Wag magtulakan. Lahat kayo mabibigyan.” natatawa niyang sabi habang isa isang binibigyan ng chocolate bar lahat ng bata. Masayang tinanggap ng sampung taong gulang na si Amelia ang para sa kanya. Matagal niya yung pinagmasdan pero hindi binuksan. Sa halip ay tumakbo siya papunta sa kwarto kung nasaan ang higaan ni Carlos. Nang masigurong walang nakatingin ay dali dali siyang lumapit sa mismong higaan ni Carlos saka inilagay ang chocolate bar sa ilalim ng unan. Pagkatapos ay lumabas siya nang walang ibang nakakapansin. Masaya siyang naglakad palabas habang tumatalon talon pa at kumakanta. Napahinto siya nang mapansin ang dose anyos na si Kaloy sa ilalim ng malaking puno ng mangga. Nakangiti ito habang nakatingin sa hawak nito. Maya maya ay tumayo ito at naglakad. Tahimik itong sinundan ni Amelia. Hanggang sa huminto ito sa isang upuang may nakapatong na school bag. Luminga linga si Kaloy. T
---PAGTATAPOS--- Nakaupo si Arah sa harap ng salamin. Nakangiti at pakiramdam niya ay siya na yata ang pinakamagandang babae sa espesyal na araw na ito. Dahil ngayon ay ang araw ng kasal nila ni Renz. Isang simple at eleganteng white off-shoulder wedding gown ang kanyang suot. Light ang make-up, sapat lang para lalong lumitaw ang natural niyang kagandahan. Gaya nang napag usapan noong pamamanhikan, simpleng lang pero intimate ang tema ng kasal. Wala masyadong burloloy. Hindi kailangan ang engrandeng dekorasyon dahil sapat na ang taong tapat na naghihintay. Nahinto siya sa pagmuni-muni nang makarinig ng marahang mga yabag. Ngumiti siya nang makita ang kanyang ama. “Dad..” Hindi agad nagsalita si Carlos. Tahimik lang nitong pinagmasdan ang anak. Hanggang sa unti unting namuo ang luha sa mga mata. “Ang ganda ng anak ko…” Napangiti si Arah. “Naalala ko, ganyan din kaganda ang ina mo noong ikasal kami. Sana mas pinagtuunan ko pa ng pansin kung gaano siya kaganda noon.” napapa
Pagkalipas ng ilang linggo… “Wow naman Tito, talagang pinaghandaan mo talaga itong pamamanhikan ah. Hindi naman masyadong halatang botong boto sa boyfriend ng pinsan ko.” pabirong sabi ni Luis kay Carlos. Malawak na ngumiti si Carlos. “Pinaghandaan ko talaga ito. Hindi na ako makapaghintay na makita ang reaksyon nila kapag nakita nila kung anong inihanda ko.” Napagkasunduan nila na sila ang bahala menu para sa araw na ito. Dahil sa kasal ng dalawa ay siguradong si Renz na ang bahala. Wala naman masyadong pamilya sina Carlos kaya si Luis at ina lang nitong si Norma ang naroon. Syempre hindi pwedeng mawala ang bff na si Jonas at ina nitong si Aling Thelma. “Thank you, Dad” seryosong wika ni Arah. Excited na rin siya dahil mamaya ay pormal nang pag-uusapan ang detalye ng kasal. Kanina pa nagtext si Renz at sinabi nitong on the way na ang mga ito. Alam ni Arah kung sino ang kasama ni Renz sa pamamanhikan. Syempre si Leon at pamilya nito, si Subas at Manang. Ganun din sina
--PATALASTAS-- Bago po ako magpatuloy ay nais ko munang ipaalam na ang susunod ng kwento ay ang love story nina Liam at Dina, Book 3. Pero ipapahinga ko po muna ang utak ko. I pour my heart into every story I write. At sobra ko pong ini-internalize ang mga isinusulat ko. Kaya pagkatapos ng bawat kwento, ubos na ubos ang energy ko, ayaw ko naman pong umabot sa puntong ma-burn out ako, at tuluyang huminto. Isa pa, matagal po akong makawala sa mga characters. Kaya kung hindi ako magpapahinga, makokopya ko ang ugali ng mga characters at hindi sila magkakaroon ng sariling identity nila. Baka po kasi, maging magkakatulad ang kanilang mga ugali, at yun po ang iniiwasan ko. Dahil ang gusto ko, kahit sariling akda ko ay hindi ko nakokopya. Dahil ang gusto ko, unique bawat kwento. Hindi copycat at hindi nyo pa nababasa. May mga writers po na kayang magsulat ng tuloy tuloy, book after book. Sila po yung mga batikan na at tunay na mahusay sa larangan ng pagsusulat. Wala po akong ganung k







