"Boss, nasa hospital ang kuya mo." Dali-daling umalis si Xaiver Collins papunta sa hospital. Nadatnan n'yang nasa Emergency Room ang kapatid n'ya at kasalukuyang ni rerevive ng Doctor."1...2...3... Clear!" tanging nagagawa n'ya lang ay ituon ang galit sa pader. Hindi n'ya maramdaman ang sakit mula sa kaniyang mga kamao; wala rin siyang pakialam sa mga dugong lumalatay sa kaniyang kamay. Sinisisi n'ya ang sarili dahil sa nangyari. Kung hindi n'ya sana pinapunta sa opisina kahit malakas ang ulan at gabi na si Cedric—kaniyang kuya—, ay hindi sana 'to nangyari sa kaniya."Time of Death, 9:46 P.M." Bigla s'yang nanlumo dahil sa narinig. Ang kuya n'ya ay ang kaisa-isa n'yang kaibigan sa buong buhay n'ya. Marami kasing may ayaw sa kaniya simula pa pagkabata dahil sa angkin nitong kasungitan. Nangako pa nga itong sabay nilang papalaguin ang kompanyang iniwan ng kanilang ama bago ito bawian ng buhay.Ilang saglit pa ay nakita n'yang nag mamartsa ang mga pulis papunta sa kinaroroonan n'ya."Si
"SINASABI KO NAMAN SA'YO, WALA TALAGA AKONG ALAM SA TINATANONG MO." Pag pupumilit n'ya pa rin sa'kin. Ilang beses ko bang uulitin na wala akong alam?"TELL ME THE TRUTH!" "AYYY SINASABI KO NA NGA ANG TOTOO EH! ALIN BA ANG HINDI MO MAUNAWAAN DO'N?" Hindi lang pala s'ya masungit, malaki rin ang trust issue."I won't let you out unless you tell everything that you know." "AB—"HOY NASAAN KAYO? PALABASIN N'YO AKO RITO!" Bigla kasi silang nawala rito sa loob. Hindi ko naman narinig na bumukas ang pinto. Wait! Speaking of pinto...."PALABASIN N'YO AKO RITO! BAKIT WALANG PINTO?! TULONG! TULONG!" umaasa ako na may makakarinig sa'kin na ibang tao. I'm gaslighting myself na may tutulong sa'kin. Lumapit ako sa pader at sinubukang mangapa. Nag pipindot ako rito na parang may invisible na machine or what basta may password."ASHLEY FATE ANDERSON, TELL ME THE TRUTH." Ha? Saan 'yon galing? Nag palinga-linga ako at doon nga'y may nakita ako na CCTV sa itaas. They've put a mini speaker din pala? "H
Kasama ni Sebastian si Fate ngayon at papunta sila sa tagpuan nila ni Vien. Napili nilang lokasiyon ay ang katabi ng pinag tatrabahuan ng kaniyang kaibigan para hindi na ito lumayo pa."BRUHAAAA!" Tawag ni Vien kay Fate habang papalapit ang mga ito sa kaniya. Hindi pa rin s'ya makapaniwala na hindi s'ya sumipot sa interview kahapon. Sobra ang kahihiyan na natamo n'ya dahil maraming beses n'yang pinagtakpan ang kaibigan. Sinabi pa nito na may dysmenorrhea si Fate kaya hindi makakapunta. "ANO NA? BASTA-BASTA MO NALANG ITATAPON ANG MGA PANGARAP MO PARA LANG SA LALAKING 'TO?" Sermon ni Vien ng makalapit sa kaniya. Lumapit ito kay Fate at bumulong.'Saan mo nabingwit 'yan? Ang gwapo pa tsaka parang mayaman. Matutupad na ang pangarap mo dahil sa kaniya.' Bulong nito at humagikgik pa."Bii s'ya si Sebastian, tauhan s'ya ng lalaking nagpakidnap sa'kin. Sebastian, si Vien, best friend ko." Pagpapakilala nito sa dalawa."What do you mean na nakidnap?" Doon nga'y ikinuwento ni Fate ang nangyari
FATE'S POVPapunta ako ngayon sa opisina ni Xavi. Ano na naman kaya ang ipagagawa nito? Kung ituring n'ya ako ay parang katulong; utos doon, utos dito. Hindi ko naman kasi sinabi sa kaniya na makikitira ako dito sa mansion n'ya duhh.*/KNOCK KNOCKBinuksan ko ang pinto ng dahan-dahan..."GET OUT! I HAVEN'T GIVE YOU THE PERMISSION TO ENTER MY ROOM." Tinapunan n'ya ako ng mga crumpled papers na nasa tabi n'ya. "GAGØ KA BA MR. POGI? PINAPAPUNTA MO AKO RITO TAPOS SASABIHIN MONG LUMABAS AKO ULIT? GUSTO MO TAKE 2? HA?" Sigaw ko sa kaniya. Matalim n'ya akong tiningnan at lumapit sa'kin."Ahh ehh hehe joke lang yun Mr. Pogi. Aalis na muna ako tapos tawagin mo nalang ako ulit kapag ano...okay na hehe." Akmang lalabas na ako ng bigla s'yang mag salita."Stay. Lock the door." Utos n'ya."N-nagugutom ka na ba Mr. Pogi? G-gusto mo ba paglutuan kita n-ng a-adobong manok?" Nauutal-utal kong tanong sa kaniya. Tang*na! Nakakahiya talaga.Lumapit s'ya ng lumapit sa'kin.*/clickHe locked the door at m
THIRD PERSON'S POV"Mr. Pog—"Xavier. That's my name not that sh-t." Napairap nalang si Fate dahil sa pagtatama sa kaniya ni Xavier."Okay Xavi. Pwede ba—"Xavier not Xavi. Do I look like a gay?" Inis nitong tanong sa babae."Ang cute kaya. Ayan na ang itatawag ko sa'yo simula ngayon ha. Yun na nga XAVI, pwede bang lumabas ako? Kikitain ko lang ang best friend ko." Pag papaalam nito nang maayos at binigyan n'ya ng diin ang pag gamit sa palayaw."You can't. Your best friend can come here. Refrain from noise." Nagtatalon naman ito sa tuwa."TALAGA? PUMAPAYAG KA NA PUMUNTA RITO SI VIEN? SURE NA SURE?" Paninigurado n'ya "Do I have to repeat myself?" Pabalik na tanong nito. Nakangiting umalis naman sa opisina ni Xavier si Fate. Napabuntong hininga nalang siya dahil hindi n'ya alam ang gagawin sa kaniya. She's too noisy for him.[David's calling...]"Yes?" Bungad na tanong nito sa kabilang linya."Good evening, Xavier. Gusto kang makausap ng mga investors sa personal." "I'm busy." Ibaba n
FATE'S POVNakakulong lang ako ngayon sa kwarto na tinutulugan ko dahil wala akong pupuntahan o gagawin. Sayang lang at hindi natuloy sa pagpunta rito si Vien kahapon dahil kinailangan n'yang mag over time sa trabaho. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at kinuha ang laptop na nasa bag. Ilang araw na rin akong hindi nakakapagsulat.Binuksan ko 'yon at dumiretso sa G Drive—dito ko kasi tinatambak lahat ng mga isinulat ko. Panay scroll lang ako hanggang makita ko yung kwentong isinulat para sa kaniya. Matagal na panahon na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin 'yon binubura. Bukod kasi sa pagod at oras na ipinundar ko para lang matapos 'yon ay nagbabakasakali pa rin ako na balang araw ay magkakaroon ako ng pagkakataon na ipaba 'yon sa kaniya. Ayaw ko rin burahin 'to dahil para ko na rin kinalimutan ang mga alaala naming dalawa ni Jerome.Nakita kong tumatawag sa cellphone ko. It's my mom. Sinagot ko 'yon at pinalakasan ang volume dahil panay sulyap ko pa rin sa bawat pahi
THIRD PERSON'S POVNasa may sala sina Sebastian at Xavier ng makita nila si Fate na pumasok sa pintuan. "Kumusta ang lakad mo?" Tanong ni Sebastian. Napahinto naman si Fate sa paglalakad. Nanatili s'ya sa kinaroroonan n'ya habang nakayuko. Namumugto kasi ang kaniyang mga mata at ayaw n'yang makita nino man."O-okay lang. Papasok na ako sa kwarto." Saad nito at nag paunahan sa pagpaalis. Nanatiling walang imik si Xavier habang ang kaniyang mga mata ay nakatuon sa dinaanan ni Fate. Naninibago siya dahil hindi ito maingay."Fate and I will be out tomorrow." Nabaling ang atensiyon ni Sebastian sa kaniya. Binigyan s'ya nito ng makahulugang ngiti."We'll be attending her sister's engagement party." Dagdag nito."Balita ko inagaw daw ng kapatid n'ya ang boyfriend ni Fate. Kaya may alitan silang dalawa hanggang ngayon. Paniguradong hindi pupunta si Fate dahil makikita n'ya ang ex boyfriend at kapatid n'ya na masaya."Komento ni Sebastian. "That would be great. Besides, her ex-lover is now th
"I've been waiting you for so long and it's worth the wait. I know you're still recovering but always remember that you have me on your side. I'll protect you and take care of you 'til my last breathe." They held each other's hand. Nag palitan sila ng engagement ring. Napatuko ako ng wala sa oras. It hurts."I forgot to give you this." Kunot-noo akong napatingin kat Xavi. May ipinakita s'yang kwentas sa'kin."Para saan na naman 'yan?" Tanong ko. Tumayo s'ya at isinuot 'yon sa'kin. What are you up to Xavi? Ngayon ko lang napansin ang mga matang nakatingin sa'min. I saw flashes of cameras na dapat sana'y nakatuon kina Liandra. To my surprised, silang dalawa ay nakatingin din sa'min.Ng makababa silang dalawa ay doon nag simula ang kasiyahan. Lumapit ako sa kina mama at papa na ngayon ay nakangiti sa'kin."Hi Ma, Pa," bati ko sa kanila."Gummy Bear hindi mo sa'min sinabi na may boyfriend ka na pala. Sa pananamit palang halatang mabuting bata s'ya. Komento ni mama. Muntikan ko ng maibuga