Share

CHAPTER 5

Author: Ghorlalu
last update Last Updated: 2021-09-01 19:53:11

Zyrille's POV

"Magandang umaga po," bati ko sa aking guro. Ngiting ngiti ako dahil unang klase ko ito, dapat magpa-impress ako, dapat marami akong maging kaibigan dito, pero dapat focus pa rin sa misyon. Wala dapat akong katakutan.

Pero agad din iyong napawi nang batiin ko na sana ang mga kaklase ko, pumukaw agad sa mga mata ko ang pinaka-ayaw kong makasalamuha.

"Ikaw na naman?" inis kong sabi sabay nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang tingin namin.

"Ikaw na naman?!" inis din niyang tanong sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa.

Pati ba naman dito makikita ko siya? 

Shems, feeling ko kilala na niya ako ngayon. Baka sabihin pa niya na sinusundan ko siya. Aba, kapal ng mukha niya kung gano'n, tss. Baka maghinala ito agad. 

"Good morning din Ms?" tanong ng guro namin para mabaling ang atensyon ko sa kanya. Umayos din ako ng tayo ko at medyo umubong konti.

"Zyrille po, new student," sabi ko sabay ngiti.

Pagkasabi ko na new student ako, agad akong nakarinig ng maraming bulungan. Pumasok sa akinh isipan na 'di ba uso sa inyo ang new student ha? Jusko? 

"Everyone, attention! 'Wag niyo siyang bulungan ng kung ano ano, beside let's welcome her! Welcome to Intellidades Academy, Ms. Zyrille,"

Nagulat naman ako ng biglang nagsalita ang lalaking nakabangga ko, kaya agad nanahimik ang buong klase, tss siya ba ang batas dito? Sinunod agad siya ng mga kaklase ko eh.

"Everyone, Mr. De Jesus is right. Iha, please introduce yourself in front of the class," sabi ng guro sa akin. So, Mr. De Jesus pala ang apelyido niya. Noted 'yan. I shouldn't ignore little things na baka makatulong pala sa akin one day. 

"Hello, I am Zyrille Trixie Louis, nice to meet you all," maikling bati ko sa lahat. Tiningnan lang nila ako at walang kahit anong reaksyon o sabi man lang.

Habang inaantay kong pa-upuin ako ng aking guro, may isang pumasok sa isip ko. Nag-flashback ang sinabi ng tatay ko tungkol sa anak ng mafia.

"Anak, ang kanyang pangalan ay Dominic Kiro De Jesus, tandaan mo iyan," wika ng aking ama sa akin.

De Jesus ang apelyedo niya, hindi kaya-

"Ms. Louis? Please take your seat, magsisimula na ang klase, ma-upo ka sa tabi ni Mr. De Jesus," utos ng guro. Anak ng tokwa, bakit sa tabi pa niya!

Kakaiba ang feeling ko rito. Parang nahanap ko na ang hinahanap ko, at hindi ako ang humanap sa kanya. Siya mismo ang lumalapit sa 'kin ngayon. Magaling Mr. De Jesus, kagatin mo sana ang pa-in ko. Ngunit kailangan ko pa rin ng ebidensya, hindi ko siya basta-basta paratangan.

"Opo, Miss," lingon ko sa aking guro sabay umupo na sa aking upuan.

Ang klassroom ay black and white rin ang tema, gaya ng tema ng buong campus, pero 'di siya creepy tingnan. More on elegant kung tingnan.

May 5 Columns at 7 rows ang mga upuan, tag dadalawang estudyante bawat columns. May teachers table, at submit table sa harapan. May screen, blackboard at whiteboard sa pinakaharap, maraming cabinet sa likod. Sa labas naman ay may locker room, pero mga libro ang nakalagay.

Tipikal na eskwelahan. 

Pagkaupo ko sa tabi niya, nginitian ko siya ng konti at ang kupal, ang lawak ng ganting ngiti sa 'kin.Pareho kaming nakatingin sa guro habang nagtuturo na ito. 

Pero maya't maya kinakausap na niya ako.

"So, can I call you mine–este Trixie?" mahinang sabi niya sa akin, naging reaksyon ko agad ay mandiri, yuk naman kasi. Unang klase pa lamang pero bumabanat na, akala naman niya'y makukuha ako sa ganyang istilo, istilo naman niya bulok. Kung maari lang na buhayin ulit si Heneral Luna, ipapabaril ko na agad 'to. 

'Yan na ba ang anak ng mafia? Kung sakaling siya man ang hinahanap ko, nakakahiya naman. Anak ng Mafia pero ang baduy bumanat. 

"Ikaw bahala," walang kagana gana kong sabi. Napansin kong ngumiti siya at umayos ng kanyang upo sabay sabing,

"Okay! Hi chubs!"

Agad nanlaki ang mata ko, EXCUSE ME?! 'DI AKO MATABA, PISNGE LANG! HOY GRABE IYON. 

ALAM KONG ANAK ITO NG MAFIA PERO UUPAKAN KO TALAGA 'TO.

Hinawakan ko ng mahigpit ang ballpen ko at inirapan ko nalang siya at 'di na ulit pinansin, kahit gustong gusto ko na siyang upakan. Gusto kong din mag-focus mag-aral muna, kahit naman iba ang agenda ko rito, parte pa rin para sa 'kin ang pag-aaral. 'Di ko matutupad ang kahit anong gusto ko ng walang alam.

Kaya mamaya ka sa 'king lunch time, humanda ka sa 'kin.

*3 Hours Later*

*BELL RING*

Pagkarinig ng bell ring ay agad na 'kong tumayo para ayusin ang gamit ko. Wala akong panahon pang pansinin siya dahil bigla na lang din siyang umalis. ARGH FINE! Kanina ko pa siya tinitignan ng palihim, inooberbahan ko kasi kung mapapansin niya ako, at mukha namang hindi, well kung sa pakikipag-laban sa mga kaaway, malaking factor na maramdaman mo agad kung may tumitingin sa 'yo or sumusunod sa 'yo. Dapat lagi kang alerto sa senses mo.

Habang palabas ng classroom, nginingitian ko lang ang mga kaklase ko, nahihiya hiya pa ako sa kanila ngunit pinipilit kong makisalamuha rin para may kakilala ako rito. Kung mapapansin, lahat sila'y may kanya kanyang grupo o kasama sa pagkain o kahit man lang sa paglabas ng klase. Ako lang siguro ang new student kaya naninibago sila na may bagong estudyanteng nakikita.

Kukuha na sana ako ng pagkain sa canteen para sa lunch ko ng may humila ng kamay ko at agad tinakpan ang bibig ko.

AT HINDI AKO NAGULAT DO'N, MAS NAGULAT AKO NA WALA MAN LANG TUMULONG SA 'KIN NI ISA, tila bang parang walang nangyayari!

Pilit akong kumakawala at gumagawa ng ingay pero wala talagang tumutulong sa akin ni isa! Bakit naman gano'n? NAPAKARAMING TAO SA CAFETERIA, PARA WALA LANG NANGYARI. Sinusubukan kong magpumigas, sinisiko ko ang patuloy na humihila sa akin, sinusubukan itong kagatin o sipain.

"HHHHHHHHH HMMM HMM HMMMM HM HMMMM!!"

(Ano ba bitiwan mo nga ako)

"Manahimik ka kung mahal mo pa ang buhay mo," sabi sa akin ng isang lalaki, ang boses niya, nakakakilabot ng sobra. Ang lamig ng pagkakasabi niya.

Ang boses  na 'yun, agad nanlaki ang mata ko ng malaman kong si Mr. De Jesus ito. Ang pinaghihinalaan kong anak ng mafia boss.

Siomai, mahal ko pa nga ang buhay ko kaya mananahimik na lang ako. Hinayaan ko na lang siyang dalhin ako kung saan niya balak.

Maya maya nakarating kami sa isang open area na puro halaman pero walang katao tao. Agad niya akong binitiwan at sa lakas ng pagbitiw niya sa 'kin ay na-out of balance pa 'ko, at natumba sa sahig. Hinabol ko agad ang aking hininga at pinapakalma ang sarili.

Agad ko siyang tiningnan ng masama pero naka sakit ulo pose siya, ano ba naman 'yan? Ano bang problema ng lalaking ito.

Nagulat ako ng makita niya akong nakatumba sa sahig at nanlaki ang mata niya at agad iniabot ang kamay niya at hinila ako para tulungan.

Ha? Ano 'yun? Bakit niya ako tinulungan? Nahihibang ba ito?

Pagkatayo niya sa 'kin ay agad ko siyang sinipa at agad naman siyang napa-upo, it's payback time.

"Never let your guard off," sabi ko sa kanya habang pinagsasama ang kamay niya para 'di siya makapalag. Balak ko sana siyang itali gamit ang string ng necklace ko. 

Pero isang ngiti lang ang natanggap ko, isang nakakatakot na ngiti.

"Baka yan dapat ang malaman mo, never let your guard off," malambing niyang sabi sa akin.

Agad akong napatigil sa balak kong gawin dahil sa sinabi niya.

"Anong sinasab-" 'di ko na natapos ang sasabihin ko ng sipain niya naman ako at ako naman ang ngayong nasa pusisyon niya sa isang iglap lang. Napakabilis ng pangyayari.

"So, Ms. Louis, who are you?" tanong niya sa akin. 

"Kasasabi mo lang 'di ba? Ako si Ms. Louis," prankang sagot ko sa kanya.

"Alam ko ang pangalan mo pero sino ka ba talagam Simula ng harapan namin ni Leo, hanggang sa pagtingin mo sa 'kin kanina, akala mo hindi kita napapansin? Masyadong obvious ang pagtingin mo sa 'kin binibini," bulong niya sa tenga ko, at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ko para manghina ako at hindi na makapalag pa.

Grabe unang araw ko pa lang sa eskwelahan na ito, at ito agad ang aabutin ko. Pero atleast nalaman ko na kung sino'ng pakay ko.

"Tss, ano ngayon kung tinitingnan kita? Wala akong gusto sa 'yo, bwisit ka! At una sa lahat ako dapat ang nagtatanong niyan, sino ka ba talaga? Bakit sinusunod ka ng lahat? Boss bossan ka ba rito? Akala mo naman kung sino ka," prankang sagot ko ulit sa kanya, at buong pwersang pumapalag pa rin.

At nagulat ako ng bigla niya ulit ako pakawalan at bigla nalang siyang tumawa ng pagkalakas lakas. Baliw ba 'to? Hinintay ko siyang tumigil sa tawa niya, at nag-ipon ng lakas ulit, baka mamaya atakihin niya ulit ako.

Pagkatapos nu'n ay bigla niya akong tingnan sa mata, pero dahil mas maganda ang mga mata ko, tinitigan ko rin siya ng kakaiba.

Pero nagulat ako ng 'di siya nasindak sa ginawa ko, b-bakit ganu'n? Bakit hindi gumagana sa kanya? Shems, mahal ko pa buhay ko, katapusan ko na ba? Bakit kasi ako tumitig pabalik!?

'Di ako bumitaw sa titig habang papalapit siya sa 'kin. Tinatagan ko ang sarili ko at naging alerto sa kung anong gagawin niya. Palapit siya ng palapit sa 'kin pero 'di ako umiiwas.

'Di ako natatakot sa kanya, slight lang.

Dapat kong tapangan ang sarili ko. Tumigil siya ng nasa tenga ko na siya, sabay sabing. "Hindi ka dapat nakikielam sa 'kin Zyrille, hindi mo 'ko kaya," seryosong sabi niya sa akin.

Bigla niya akong tinitigan sa mata ng seryoso, at muling nagsalita.

"Ako ay isang mafia. Isang taong kayang kaya kang patayin sa loob ng tatlong segundo, itutuloy mo pa ba 'yan?"

Anong ibig niyang sabihin? Alam niya ba na...

"Wala akong itutuloy, Dominic. Pero ako naman, ito ang tandaan mo."

Tumayo ako kasabay niya.

At pinairal ang aking mga mapupungay na mata, tinitigan ko siya ng nakakasindak, kamuhi muhing mga titig, tiyak para lansingin siya sa kanyang pagkaseryoso at pumunta sa 'kin ang kanyang atensyon.

"Hindi mo pa 'ko kilala Mr. De Jesus. Kung ano man ang nalalaman mo? Wala pang isang pursyento yan ng alam mo sa'kin. Nice try," sabi ko sa kanya sabay ngiti, hindi siya gumagawa ng kahit anong hakbang kaya siguro gumagana ang panglilinlang ko sa kanya.

Ngumiti ako sa kanya ng matamis, sabay tinapik ang balikat niya, at sabay sabing 

"...But try harder," sabay kindat at alis. Umalis na ako at naglakad ng daretso sabay punta sa isang poste at humingang malalim. Nakakatakot, sobra!

Nagugutom na 'ko, wala na 'kong panahon para sa kanya, food first before anything!

Pero simula pa lang ito Dominic, simula pa lang ito ng pagkilala natin sa isa't-isa. Sabi ko sa aking sarili sabay punta uliy sa canteen at umorder na rin ako ng makakain, bago pa maubos ang break time. 

Ghorlalu

Ako'y bagong manunulat lamang at sana'y subaybayan ninyo ang aking storya! <3

| Like
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • LOVE UNTIL DEATH   CHAPTER 22

    Dominic's POVHabang nandito ako at busy, sinusubukan kong i-hack ang tracker para malaman ko kung nasaan ba talaga si Zyrille, then I receive someone's message. Pansin mong gaya sa ibang mga nagtext sa aking mga unknown numbers, iba rin ang isang ito. Hindi ko ba alam kung iba't ibang tao ba talaga ang nagte-text sa akin or still the same person pero iniiba lang ‘yung number just to trick me. Pero may kutob din akong trip lang akong paglaruan ng kung sinong may pakana nito, akala niya o nila siguro na madali lang akong mauto at hindi ako nag-iisip.Zyrille's father got an email yesterday at nalaman din naming pati din pala ang Detective Organization ay pinadalhan din ng message na nawawala si Zyrille.I couldn't believe na aabot sa lahat ang nangyayari ngayon, pero hindi ako nagsisisi. Hindi ko pinagsisisihan na pinili ko si Zyrille, na mahalin ko siya, no matter what happen, I will still love her until death. I will still love her until my last breath. "Do you miss your precious Z

  • LOVE UNTIL DEATH   CHAPTER 21

    Darius' POVAfter a while, I decided to check Zyrille.Dito na magsisimula ang plano ko.Ang planong matagal ko ng pinaghandaan, matagal ko ng isinantabi para gamitin para sa takdang panahon, at ngayon na ang panahon na iyon.Hindi ko mawaring isipin na hahantong ako sa ganito, isa lang naman akong normal na tao, but anger made me to do this.Pagkatapos kong mag-drive, nandito na ako sa isang abandonadong building, kung nasaan ang isang babae lubos na makakatulong sa akin para mapabagsak si Dominic.Pagkapasok ko sa loob, as usual na sasalubungin ako ng mga tauhan ko.Pagkapunta ko kay Zyrille, nakita ko siyang nanghihina ng sobra at natutulog.Pansin sa mukha niyang sobrang namamaga at halos namumula pa rin.Alam ko na kung sino ang may gawa niyan. Napangisi na lang ako habang pinagmamasdan ang itsura niya. She's so damn hopeless. Well, hindi ko rin naman masisisi si Amaryllis, masyadong maraming kasalanan si Zyrille sa kan'ya.At kung balak niyang patayin si Zyrille, then go. Hindi

  • LOVE UNTIL DEATH   CHAPTER 20

    Amaryllis' POVLike I've said, its payback time.Pagkapasok ko sa loob sinalubong ako ng mga tauhan ni Darius, I make sure na may distances kami between me and the so called 'tauhan' ko. Masyadong precious ang katawan ko at masyadong mataas para dumikit sa mga hampas lupang utusan, para bayaran. Pagkapasok ko, unang hinanap ng mata ko ang pagmumukha ni Zyrille and yeah, I found the bitch who destroyed my life. Natutulog siya at nakagapos, nasa sahig at nanghihina. Deserve mo 'yan. Pinag-gloves ko ang mga tauhan ko para hawakan ang shades at bag ko. Ayokong madumihan ang mga 'yun, dahil mas mahal pa'yon kaysa sa buhay nila.Natutulog ang munting prinsesa kaya gigisingin din natin siya the way she deserves.Nagpakuha ako ng mainit at bagong kulong tubig mula sa mga tauhan ko.And when it's done. Kumuha ako ng isang baso, ng umuusok at mainit na kumukulong tubig.Time to wake the bitch.Lumapit ako sa pagmumukha niya at umupo, pinagmasdan ko muna ang pagmumukha ng taong sumira sa buhay

  • LOVE UNTIL DEATH   CHAPTER 19

    Darius's POVCalling Amaryllis..."Hey sweetie? Did you forget to check your email? Sinend ko ang informations na kailangan mo to hack the mafia's hacker, including the codes you needed," Isang ngisi ang lumapat sa aking mga labi. Once na mapasaakin ang codes na kailangan para ma-hack ang hacker, mahihirapan na sila na makita at ma-locate ang isa't isa. Mas mapapadali ang magpapatumba ko sa dalawang istorbo sa aking buhay. "Yes sweetie, I already did that at 'di na nila kayo ma-tatrack," sagot ko. "So, wanna see the snake here? Natutulog nga lang siya," sunod kong sabi. "Oh sure, gustong gusto ko makita, at panggigilan," seryosong sagot ni Amaryllis. Amaryllis is on her way here to check the if everything is fine. Hindi pa rin niya naaalis sa sarili niya ang pagka-bitter ng dahil sa nangyari sa kanila ni Dominic, making her hate Zyrille even more.Ayaw na niya kay Zyrille una pa lang.Amaryllis is one of the detective trainee's. Si Amaryllis ang laging pinupuri noon dahil sa ga

  • LOVE UNTIL DEATH   CHAPTER 18

    DOMINIC'S POVMatapos ng malayo layo kong pagtakbo sa tumigil muna ako para ayusin ang sarili ko. Hinahabol ko pa rin ang hininga ko dahil tinakbo lang ang pagpunta sa lugar na ito.Nandito ako ngayon sa isang abandonadong lugar kung saan 'yung sinend na address sa akin ni Luna.May mga bakal na nakaharang sa mismong dalawang malaking pintuan nito. Tila pinaghandaan nilang darating talaga ako kaya hindi nila hahayaang basta na lang akong makapasok dito. Ang talino rin naman pala ng kalaban ko.Pero sana hindi tanga ang tingin niya sa akin dahil gagawin ko ang lahat para warakin ito. Kinuha ko ang baril ko at kutsilyo at agad na pinaputukan ang bawat sulok ng bakal para mabali at mawasak ito. Ginawa ko lahat, kumuha rin ako ng mga bakal dito at pinaghahampas ang kadena.May silencer din naman ang baril ko kaya hindi rinig ang pagputok ng bala. Ngunit alam kong ma

  • LOVE UNTIL DEATH   CHAPTER 17

    Darius' POVA long time ago, there was this boy and his brother, playing together, eating together, laughing together, having fun together.Not until their mother died. Which is soon to be the successor of the Mafia. Then, an organization starts to think that they need someone to take the position of leader. So then, their father decided to choose between the two siblings. The other sibling said, "I nominate my kuya! Because he's strong, he can do that," and the older brother thought that because he's the older one, he's going to be the leader. And as the older brother assumed that he was going to be the successor of the organization, the opposite happened.The younger one won the position. The father said that "I choose the younger one because he's more capable and responsible than the older one."The older brother feels broken and starts to cry every night. He is very envious and jealous of his bro

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status