Share

Kabanata 34

last update Last Updated: 2025-05-24 20:44:02

Punong-puno ng emosyon ang mga mata ni Margaret habang pinagmamasdan ang papalapit na matandang babae, kaya’t hindi niya narinig ang tanong ni Knight.

Napansin ng matanda na padami ng padami ang mga taong lumalapit at kumukuha ng litrato sa kanya. Huminto ito, nagsalita sa mga kasama, at agad na pinigilan ng mga staff ang mga taong kumuha ng litrato. Nagtaka ang lahat, ngunit dahil sa kilalang tao ang matanda, walang sinumang nangahas na lumapit.

Iniwan ng matanda ang kanyang grupo at mabilis na lumapit kay Margaret.

Agad namang sinalubong ito ni Margaret, ngunit may bahid ng kaba sa kanyang mga mata. Sandaling natigilan siya, at hindi agad makatawag.

Nang makalapit ang matanda, dahan-dahang inalis nito ang kanyang sunglasses at maingat na tinitigan ang pamangkin. Ilang saglit pa, napakunot ang noo niya at hinaplos ang ulo ni Margaret. May bahid ng pagkadismaya ngunit may halong pag-aalala sa kanyang tinig.

“Bakit ang payat mo? They promised to take care of you!”

Nang maramdaman ni Ma
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 78

    "Ano pa bang kaya mong gawin bukod sa mangloko ng tao at manghingi ng pera, ha?"Hindi na interesado si Margaret sa mga palusot ni Madrid. Halos itulak na niya ito palayo, pero mariing nanatili ang lalake, na para bang hindi niya alintana ang kahihiyan sa harap ng ibang tao.Medyo manipis ang mukha ni Madrid kapag nasa harap ng ibang tao, pero mas natatakot siyang umuwi kay Rin na wala siyang dala. Hindi niya kayang harapin ang mga mapanuring mata at masasakit na salita ng babae. Kaya kahit kahihiyan, tiniis niya—basta lang makakuha ng pera.“Ate, aminado na ako! Mali ako nung last time. Hindi ko dapat kayong tinulak, pero tinamaan mo naman ako sa ulo! Pantay na tayo ngayon!” sigaw niya habang itinuro ang ulo niyang may benda pa.Napatawa si Margaret, halatang hindi kumbinsido.“Ako pa talaga ang nanakit sa’yo? Gaano ba kalakas ang suntok ng isang babae? Halika nga rito’t tanggalin ko yang benda mo—tignan natin kung totoo!”Biglang umatras si Madrid at nagtago sa kama ng batang pasyen

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 77

    Lumalim ang gabi. Tahimik ang paligid ng ospital maliban sa mahinang tunog ng monitor ng pasyente at mga yapak ng nars na dumaraan. Ilang araw na lang ay magbabalik-trabaho, babalik na siya sa pagde-design ng panibagong mga damit. Kailangan nang bumalik ni Shaina para asikasuhin ang tambak na kaso sa opisina, tapos na kasi ang cooling period niya. Naiwan si Margaret at si Owrn sa loob ng kwarto.Kasalukuyang naglalaro sila ng snake, isang simpleng board game na binili ni Shaina. Tahimik si Owen habang hawak ang dice gamit ang kanyang maliliit na kamay, seryoso sa bawat galaw.Napansin ni Margaret na kakaiba ang kilos ng bata sa mga nakaraang araw. Hindi siya tulad ng karaniwang bata—masyado siyang tahimik. Minsan lang siya magpakita ng emosyon, at iyon ay noong hinabol siya ng mga kidnapper, noong nakita niya si Xenox, at noong halos sapilitang ilayo siya ng tiyuhin niya mula sa kanya.Bukod doon, parang isa siyang maliit na robot. Mabait, masunurin, at tahimik. Walang ngiti. Walang r

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 76

    “Wala nang atrasan.”Tahimik si Margaret habang nakatanaw sa labas ng bintana. Ang lamig ng hangin ng panibagong bagong taon ay dumampi sa salamin, pero mas malamig pa rin ang naging mga taon niya sa piling ni Xander."Na-finalize na ‘yung review process. Antay na lang tayong magbukas ang court next week, long holiday daw kasi," bulong niya.Mula sa kabilang side ng table, napa-buntong hininga si Shaina habang humihigop ng mainit na Kape. "Kaya pala. Classic delay kapag ganyang holiday tapos kapag patapos na yung week gagawin na nilang long holiday. Korte pa talaga, ano ba naman."Tumango si Margaret. "Ayaw nila ng gulo ngayong holiday. Gusto lang rin naman nilang umuwi sa pamilya nila na walang case na inaasikaso, at saka baka daw magbago pa daw ang isip ko. Maybe I’ll withdraw the case pagbalik ko. Oh diba parang wala a side ko e,sila mismo nag postpone"She paused. Tumawa si Shaina, pero mapait. "Ganyan talaga ang system, bigating tao yang lintik na lalaking yon. Pero kilala kita,

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 75

    “Happy New Year, Mom!”Napangiti si Margaret habang nakikinig sa boses ng anak niya sa kabilang linya. Sa loob ng ilang araw, inakala niyang hindi siya babatiin ni Leo ngayong bagong taon. Ilang laruan, at mga mamahaling sapatos pa naman ang inihanda niyang regalo na hindi niya naipadala. Kaya naman nuong may time siya ay nag-transfer na lang sya ng 50,000 pesos sa bank account ng bata.Ngayon lang tumawag tumawag si Leo, few days after the new year, pero okay na rin at least, bumati pa rin siya.“Anak, Happy New Year rin sayo,” malumanay niyang tugon habang tinatanong kung kamusta ito, sabay pakikinig sa mga kwento nito—mga simpleng bagay pero napapasaya siya.“Mommy” Biglang tumigil si Leo. “Sabi ni Dad, to you're super busy ka raw kaya ‘di ka makakauwi. Tapos na ba work mo? Miss na miss na kita eh. Can you come home and play with me?”Parang tinusok ang puso ni Margaret.Marahil dahil kakatapos lang niya mailigtas ang isang bata at sariwa pa ang trauma, dama niya ang pananabik na m

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 74

    Hindi na pinatagal pa ni Shaina ang kanilang kaba at agad nitong inilahad ang buong kaso—simple, direkta, pero matindi ang laman.Isa pala itong lumang kaso, mga lima o anim na taon na ang nakalipas. Ang mga pangunahing sangkot si Kia, ang kapatid ni Kin, at ang asawa nitong si Arbee.Nagkakilala sila noong college. Classic na love story—magkaibang mundo pero nagmahalan. Si Kia ay mula sa kilalang angkan, mayaman, maimpluwensya. Samantalang si Arbee ay simpleng tao lang, anak ng ordinaryong pamilya.Noong una, tutol ang Perez family. Pero dahil sa sincerity at pagmamahalan ng dalawa, pumayag rin sa huli. Nagpakasal sila.Maganda ang takbo ng lahat pagkatapos. Si Kia naging senior executive sa negosyo ng pamilya. Si Arbee naman, isang magaling at mabilis umasensong doktor. Dahil na rin sa tulong ng Perez family, naging Director ng Surgery si Arbee sa isang kilalang ospital sa Manila.Nagkaanak sila ng lalaki. Kumpleto. Career. Pamilya. Kaligayahan. Para silang nasa fairytale.Pero hind

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 73

    Tahimik ang buong silid ng ospital. Walang nagsasalita.Hindi alam ni Margaret kung ano ang dapat sabihin. Kahit anong sabihin niya, parang mali. Sobrang komplikado na ng sitwasyon ng pamilyang ito.Ang biglaang katahimikan ay naging nakakailang.Ilang minuto ang lumipas bago niya napagtanto na mas lalong awkward kung mananatili siyang tahimik. Magbubukas na sana siya ng bibig para magsalita nang marinig niyang nagsalita si Kin sa mahinang tinig.“Puwede mo bang bantayan muna ang bata… ilang araw lang?” tanong nito, tila nahihiya.“Bakit?” Agad sumabat si Marie. “Kin, ang kapal ng mukha mong humiling niyan sa ate Margaret ko! Gusto mo pa ba talaga na ipaalala ko sa’yo kung paano mo siya tratuhin noon?!”“Marie.” Mahinang awat ni Margaret, pero hindi rin siya sumagot agad.Oo, naaawa siya sa bata, pero hindi niya rin kayang basta limutin ang sakit na naranasan niya mula kay Kin noon. Wala namang kinalaman ang bata sa mga kasalanan ng matatanda, pero hindi rin madali ang magpatawad ng g

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status