“Baguio? You're going to Baguio?” Gulat na tanong ni Wayne.Hindi niya alam kung saan naka-kuha ng lakas ng loob si Margaret pra mag-demand ng ganoong bagay.“Cousin,” sabi niya na medyo inaasar pa, “That's too far. Sigurado ka ba?”Tumango si Margaret. “Kung hindi mo kaya, pwede mo na lang akong pahiram ng kotse—”Hindi pa siya natatapos nang itaas ni Wayne ang kamay para pigilin siya, sabay tayo na may halatang excitement sa mukha. “Hindi, hindi, hindi. Sasama ako! Ako na magda-drive!”At siyempre, 19 years old lang siya, edad ng mga batang sabik sa adventure. Eksakto sa rebellious phase niya, at gustong-gusto niyang patunayan ang sarili. Kaya nang marinig niya ang ideya na mag-drive ng halos isang bundok papuntang Baguio, sobrang excited siya. Parang gusto na niyang umalis agad-agad.Pero…“Pababain muna natin ang lagnat mo dahil mahina ka pa,” sabi niya, medyo nagdadalawang-isip. “Dapat kaya maghintay muna tayo ng dalawang araw bago umalis?”Umiling si Margaret. “Aalis tayo ngayon
Medyo nahilo si Margaret at parang umiikot ang ulo niya. Yung mga salitang naririnig niya ay malabo, pati paningin niya, parang may usok sa harap ng kanyang mata. Mainit ang buong katawan niya, at pakiramdam niya ay sobrang hina at walang lakas.Napansin ni Wayne na matagal nang hindi siya nagsasalita, namumula ang mukha, at nang hinawakan niya ang noo nito, grabe, sobrang init!Agad siyang lumabas para tawagin ang maybahay ng bahay.May mataas na lagnat si Margaret. Matapos ang kung anu-anong abala, naipainom din siya ng gamot at nakatulog uli.Pero hindi komportable ang tulog niya. Sa gitna ng panaginip, bumalik siya sa nakaraan…Sa unang beses na nakita niya si Xander.Higit pa sa pitong taon ang nakalipas iyon.Panahon pa na nasa kolehiyo siya. Siya at ang kaibigang si Shaina ay naglalakad sa mababaw na baha, tumatawa sila habang nagkukwentuhan.Napalingon siya at aksidenteng nakita si Xander na nakatayo sa Hallway.May grupo ng tao doon, pero si Xander ang pinakakitang-kita.Hind
May eksena sa loob ng isang maliit na villa sa bungad ng isang baryo malapit sa labas ng lungsod.Isang binata ang paikot-ikot na nag-aabang sa may pintuan ng kwarto.Maya-maya, bumukas ang pinto at lumabas ang maybahay. Tumango siya sa binata.“Pinunasan ko siya ng mainit na tubig, pinainom ng salabat, at pinalitan ng tuyong damit. Tulog na siya ngayon.” Ngunit may bahid ng pagkainis ang mukha ng maybahay at sinabing, "Ano ba ‘yan, ganyan ka ba mag-alaga ng girlfriend? Magkakasakit siya kung mababasa nang husto sa ulan.”Nahihiya si Wayne at agad na sumagot, “Hindi ko po sya girlfriend, pinsan ko siya.”Noong una ay sasabihin niya sanang asawa ng pinsan niya, pero dahil sa sitwasyon, pakiramdam niya ay awkward sabihin iyon, kaya “pinsan” na lang ang sinabi.Walang pagdududa ang maybahay at umalis matapos magbilin ng kaunti.Pumasok si Wayne sa sala. Umupo siya sa gilid ng kama, nakalabas ang isang paa, at nakatitig sa maputlang babae na nakabalot nang mahigpit sa kumot. Marami siyang
Magdamag ang naging paghahanap pero sa huli, pinabalik si Xander sa lumang bahay ng kanyang ama."Nasiraan ka na ba ng bait?!" bulyaw ni Papa John sa loob ng study room.Maraming tao ang ipinakalat kagabi, at naging usap-usapan ito. Maraming tao sa kanilang social circle ang nakikialam at nanonood ng eksena. Maging siya, na matagal nang hindi nakikialam sa anumang bagay, ay napasugod.Basang-basa ng ulan si Xander buong magdamag, maputla ang mukha, ngunit wala siyang pakialam."I don't care about what they think,I have to find her."Namaga ang ugat sa noo ni Papa John sa sobrang galit, kaya’t kinuha niya ang tasa ng tsaa sa mesa at ibinato ito."You—!"Handa na sana siyang magpatuloy sa sasabihin nang biglang may kumatok sa pinto.Si Leo, na matagal nang nakatira sa lumang bahay, ay pumasok."Leo, maaga pa, bakit hindi ka pa matulog ulit?" Pagkakita sa kanyang apo, lumambot ang ekspresyon ni papa John at naging mas banayad ang tono."Lolo, I can't sleep po." Maputla ang kanyang mukha
Umugong ang kulog at kumislap ang kidlat. Sa loob ng madilim at malamlam na silid, nanatiling tahimik ang lahat. Ang munting robot na may pulang sumbrero, na muling nabuhay, ay nakahandusay sa pagitan ng dalawang tahimik na tao, bahagyang nakatagilid.Nakatayo si Margaret, nangingilid ang mga luha.Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Akala niya'y guni-guni lang iyon, pero kilalang-kilala niya ang boses ni Xander noong kabataan nito. Hindi pwedeng magkamali. Hindi pwedeng balewalain.Hindi niya maintindihan. Magulo ang isipan niya.Ang pitong taong pagsasama nilang mag-asawa, mula sa nakakatawang simula, patungo sa nakakatawang pag-usad, hanggang sa ngayon, mas lalo pang naging katawa-tawa.Kung ang lahat ng “I don't love you” sa loob ng pitong taon ay kasinungalingan… ano na ang saysay ng lahat ng ito? Ano ang totoo?Tahimik siyang lumuha habang unti-unting gumuguho ang kanyang puso.---“Marga…”Nanginginig ang mga mata ni Xander punô ng panibagong emosyon, tila may pangamba. D
"Ano bang gusto kong malaman?"Sandaling nag-alinlangan si Cassandra bago niya pinindot ang file. Mayroong napakaraming impormasyon at ilang mga pictures. Pagkatapos niyang mapanood at mabasa ang lahat, namutla ang kanyang mukha at napakadiin ng kapit niya sa cellphone dahilan para muntik na itong mabasag.‘’This. This is what I wanted to know.’’Habang nasa ibang bansa pa siya noon, malinaw pa rin sa kanya ang mga nangyari kina Xander, Margaret, at Asher pitong taon na ang nakalilipas.Hindi man niya alam kung sino ang nagpadala nito, kapareho ito halos ng mga natuklasan niya noon, mas detalyado pa nga.Malaki ang posibilidad na totoo ito."You lied to me," bulong niya. "Xander, you really lied to me."Pagkasabi nito, bigla siyang tumayo at ibinato ang cellphone sa pader, nagkabasag-basag ito. Pero kahit iyon, hindi sapat para maibsan ang galit at sakit sa kanyang dibdib.Parang isang baliw, winasak niya ang lahat ng gamit sa kwarto. Pulang pula ang kanyang mga mata, puno ng galit at