LOGINPara kay Sienna Navarro, ang makapasok bilang bagong Marketing Executive sa Valeriano Empire ang sagot sa lahat ng problema niya, lalo na sa lumalaking hospital bills ng kanyang ina. Kaya bilang selebrasyon, hinayaan niyang makawala ang kanyang pagiging "good girl" at nakipag-one-night stand sa isang gwapo, mapanganib, at misteryosong estranghero sa club. No names and no promises. Tumakas siya kinabukasan sa pag-aakalang hindi na sila muling magkikita. Ngunit ang akala niyang wild mistake ay susundan siya hanggang sa board room. Ang lalaking tinakasan niya sa kama ay walang iba kundi si Tristan Valeriano, ang bago niyang boss, at ang malupit na bilyonaryong CEO ng kumpanyang pinapasukan niya. Imbes na sisantehin siya dahil sa ginawa niyang pagtakas, isang nakakabaliw na alok ang ibinigay nito. Pananatilihin siya sa trabaho at babayaran ni Tristan ang lahat ng utang ng pamilya niya, kapalit ng isang sikretong kasunduan. Sa umaga, isa siyang propesyonal na empleyado. Ngunit sa gabi, pagmamay-ari siya ng kanyang boss. Sa isang larong puno ng tukso, kapangyarihan, at mapanganib na pagnanasa, makakaya ba ni Sienna na sundin ang nag-iisang rule na bawal ma-inlove? O tuluyan siyang masusunog sa apoy na mismong siya ang nagsimula?
View MoreIsang malaking pagkakamali ang uminom ng tatlong sunod-sunod na shot ng tequila. Lalo na kung hindi ka naman sanay sa matapang na alak.
Pero para kay Sienna Navarro, deserve niya ang bawat patak nito ngayong gabi.
Pagkatapos ng anim na buwang nakakapagod na pagpasa ng resume, kaliwa’t kanang rejection emails, at nakaka-drain na interviews, natanggap din siya sa wakas. At hindi lang sa kung saan-saang kumpanya, bilang bagong Marketing Executive sa isa sa pinakamalaki at pinakaprestihiyosong real estate empire sa buong Asya, ang Valeriano Group of Companies.
Kaya naman heto siya ngayon sa The Velvet Lounge, isang high-end at exclusive VIP club sa BGC. Naiwan na siya ng kaibigan niyang si Mara na kasalukuyang nakikipaglandian sa isang foreigner sa dance floor. Habang dumadagundong ang malakas na bass ng kanta sa loob ng club at naghahalo-halo ang mga kulay ng lights, napahilot si Sienna sa kanyang sentido. Pakiramdam niya ay unti-unti nang umiikot ang paligid.
"Bartender, one more tequila, please. And give the lady beside me a glass of iced water, please," isang malalim, buo, at malamig na boses ang biglang umalingawngaw mula sa kanyang tabi. Kahit sa kabila ng ingay ng club, malinaw at nakakapanindig-balahibo ang boses na iyon.
Napalingon si Sienna. At kahit medyo malabo na ang paningin niya dahil sa kalasingan, hindi niya pwedeng palampasin kung gaano kaperpekto ang lalaking umupo sa bar stool sa tabi niya. Nakasuot ito ng isang dark, expensive-looking tailored suit na tila sinadya para hulmahin ang malapad nitong balikat at matipunong katawan. His jawline was sharp enough to cut glass, at ang mga mata nitong nakatitig sa kanya ay kulay itim, madilim, misteryoso, at hinihigop ang buong atensyon niya.
"Hindi ko kailangan ng tubig," matapang na sagot ni Sienna, pilit na pinapatatag ang boses kahit ang totoo ay parang nagwawala na ang mga paru-paro sa tiyan niya. "Kailangan ko ng isa pang shot. Nagce-celebrate ako."
Isang tipid at nakakalusaw na ngiti ang sumilay sa labi ng estranghero. "Celebrating alone?
In a place like this? That sounds a bit sad, sweetheart."
"My friend ditched me," pag-amin ni Sienna sabay turo gamit ang nguso sa direksyon ng dance floor. Kinuha niya ang baso ng tubig na nilapag ng bartender at padabog itong ininom. "Isa pa, hindi naman ako sad. I just landed my dream job. Simula sa Lunes, alipin na ulit ako ng corporation. Kaya sinusulit ko na ang huling gabi ng freedom ko."
"Is that so?" The stranger leaned slightly closer.
Doon na naamoy ni Sienna ang mamahaling pabango nito, isang nakakahalinang amoy. It was a purely masculine scent that made her heart race unsteadily.
"And how exactly do you plan to make the most out of your freedom tonight?" malumanay pero mapanganib na tanong ng lalaki. Ang mga mata nito ay bumaba sa kanyang leeg, bago muling tumitig sa kanyang mga labi.
Hindi alam ni Sienna kung dahil ba iyon sa tapang ng alak na dumadaloy sa kanyang dugo, o dahil sa mapanuksong presensya ng lalaking kaharap niya, pero biglang nawala ang lahat ng inhibitions at takot sa sistema niya. Sa buong buhay niya, palagi siyang nag-iingat. Palagi siyang sumusunod sa rules. Palagi siyang safe.
Pero ngayong gabi, gusto niyang makalimot. Gusto niyang maging matapang.
"I don't know," mapaglarong bulong ni Sienna. Humarap siya nang tuluyan sa lalaki, hindi inaalintana ang sobrang lapit ng kanilang mga mukha. "Why don't you give me a good idea?"
Tumaas ang isang kilay ng estranghero. Halatang nagulat ito sa naging sagot niya, ngunit mas nangibabaw ang init at amusement sa mga mata nito. Walang sabi-sabing inilapag nito ang isang itim na credit card sa bar counter.
"Close my tab," malamig na utos nito sa bartender, bago muling bumaling kay Sienna. Ang boses nito ngayon ay mas mababa, mas paos. "Are you sure about this? I warn you now, I don't play safe games."
Isang mapang-akit na ngiti ang isinukli ni Sienna. "Good. Because I'm so tired of playing safe."
Ang sumunod na nangyari ay parang isang mabilis, mainit, at nakakalasing na panaginip.
Hindi na niya nakuha ang pangalan nito. Hindi na nila kinailangan ng maraming salita. Pagkapasok na pagkapasok pa lang nila sa elevator ng marangyang hotel sa itaas ng club, agad na sinakop ng lalaki ang kanyang mga labi.
It was a demanding, hungry kiss that took her breath away. Napasandal si Sienna sa malamig na pader ng elevator habang ang malalaking kamay ng lalaki ay pumulupot sa kanyang baywang, hinihila siya palapit sa matigas nitong katawan.
Pagsapit nila sa penthouse suite, tuluyan nang nag-alab ang tensyon sa pagitan nila. Sa ilalim ng malamlam na ilaw ng kwarto, unti-unting nahubad ang kanilang mga damit kasabay ng mga maiinit na halik na tila pumapaso sa kanyang balat.
"You are incredibly beautiful," paos na bulong ng lalaki habang hinahalikan ang kanyang panga pababa sa kanyang leeg.
Napakagat-labi si Sienna, hindi mapigilan ang pagkawala ng isang mahinang ungol nang maramdaman ang labi nito sa kanyang balat. "Mmm... don't stop."
The stranger growled in response. Ang mga halik nito ay naging mas mapusok, mas nag-aalab. Bawat haplos ng mga daliri nito sa kanyang katawan ay nag-iiwan ng kuryente. For that one night, Sienna forgot about the real world, her responsibilities, and her fears. She surrendered to the overwhelming heat, letting the handsome stranger consume her completely until they were both lost in a whirlwind of passion and breathless moans.
~
Kinabukasan ay halos sumabog ang ulo ni Sienna nang magising siya dahil sa sinag ng araw na tumatagos sa malaking glass window ng kwarto. Gumalaw siya at agad na napangiwi nang maramdaman ang matinding ngalay at sakit sa kanyang katawan.
At doon, tulad ng malamig na tubig na ibinuhos sa kanya, unti-unting bumalik ang mga alaala ng nakaraang gabi. Ang elevator, ang mga maiinit na halik, at ang maiingay na ungol sa loob ng kwartong ito.
Oh my god.
Napabalikwas siya ng bangon, mahigpit na hawak-hawak ang makapal na puting kumot papunta sa kanyang dibdib. Lumingon siya sa kabilang bahagi ng malaking kama at halos tumigil ang pagtibok ng puso niya nang makita ang lalaki, ang estranghero na mahimbing pang natutulog. Nakadapa ito, at malinaw na nakalantad ang malapad at maskuladong likod nito na may mangilan-ngilang kalmot mula sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ni Sienna. Nakipag-one-night stand siya! At sa isang lalakeng hindi man lang niya natanong ang pangalan!
Sa sobrang kaba, hiya, at panic, dali-dali siyang bumaba ng kama. Pinulot niya ang mga damit niyang nakakalat sa sahig. Nanginginig ang mga kamay na isinuot niya ang kanyang damit nang mabilisan. Kinuha niya ang heels niya sa isang kamay at ang purse niya sa kabila, bago literal na tumakbo palabas ng penthouse nang walang lingon-lingon.
Hindi na siya nag-iwan ng note. Hindi na siya nag-abala pang silipin uli ang mukha nito. Gusto na lang niyang tumakas.
"Never again, Sienna. Never again," mabilis na bulong niya sa sarili habang nag-aabang ng elevator pababa ng lobby. "Isang gabi lang 'yon. Kalimutan mo na. Hindi na kayo magkikita ulit."
At buong weekend niyang kinumbinsi ang sarili na totoo ang sinabi niya. Isa lamang itong maliit na pagkakamali na ibabaon na niya sa limot.
~
Hanggang sa sumapit ang Lunes. Suot ang kanyang pinakapormal na white blouse at fitted pencil skirt, kabadong pumasok si Sienna sa matataas na glass doors ng Valeriano Empire. Ito na ang unang araw niya. Pagkatapos ng maikling orientation sa HR, dinala agad siya ng department manager nila papunta sa top floor. Ngayon ang araw ng board meeting, at ipapakilala siya sa executive team.
"Sienna, I want you to make a perfect impression today," pabulong ngunit mabilis na paalala ng manager habang naglalakad sila sa tahimik na hallway. "Our new CEO is known for being ruthless, cold, and extremely strict. Kakauwi niya lang galing New York para i-take over ang kumpanya kaya mainit ang ulo niyan."
Tumango si Sienna, huminga nang malalim at inayos ang kanyang sarili bago sila pumasok sa loob ng malawak at marangyang boardroom.
Nakangiti siyang humarap sa mga taong nakaupo roon. "Good morning po, I'm Sienna
Navarro, the new Marketing Exe—"
Nahinto sa ere ang mga salita niya. Tila umatras lahat ng dugo sa kanyang katawan at nanlamig ang kanyang mga kamay.
Nakaupo sa gitna ng mahabang mahogany table, suot ang isa na namang pamilyar at mamahaling dark suit, ay ang lalaking tinakasan niya kahapon. Ang mga mata nitong maiitim ay nakatitig nang direkta sa kanya. May dumaan na bahagyang gulat sa mga mata nito, ngunit mabilis din itong napalitan ng isang madilim at mapanganib na ngisi.
"Miss Navarro," the deep, cold voice sent shivers down her spine. It was the exact same voice that made her moan his name just two nights ago. "Welcome to Valeriano Empire. I am Tristan Valeriano, your CEO."
Pakiramdam ni Sienna ay gusto na lang niyang magpalamon sa sahig ng boardroom.
Nakita ni Tristan ang pamumutla niya. Sumandal ito sa kanyang leather swivel chair, pinagsiklop ang mga daliri, at tumitig sa kanya na parang isang leon na nakakita ng kanyang paboritong biktima.
"I have a very strong feeling," Tristan smirked, his dark eyes trailing over her conservatively dressed figure. "That you and I are going to have a very... intimate working relationship.”
Malamig na hangin mula sa aircon ang sumalubong kay Sienna nang imulat niya ang kanyang mga mata. Pamilyar na ang amoy ng kwartong ito, isang nakakalasing na halo ng mamahaling pabango at ng mismong amoy ni Tristan. Bumangon siya nang bahagya, hawak ang puting comforter para takpan ang kanyang hubad na katawan. Nanlalata pa rin ang mga binti niya mula sa matinding pinagdaanan nila kagabi. Hindi lang isang beses inangkin ni Tristan ang gabi; tila wala itong kapaguran na ipadama sa kanya na pagmamay-ari na siya nito, katawan at kaluluwa. "You're awake." Napalingon si Sienna sa direksyon ng boses. Nakatayo si Tristan sa harap ng malaking salamin, bihis na bihis sa isang pormal at perpektong navy-blue suit. Sinasara nito ang silver cufflinks sa kanyang pulso. Tila nag-transform itong muli mula sa mapusok at mainit na lalaking kasiping niya kagabi, pabalik sa malamig, istrikto, at walang-awang CEO ng Valeriano Empire. "Anong oras na?" paos na tanong ni Sienna. "Six-thirty. I have an e
Lutang ang isip ni Sienna nang bumalik siya sa kanyang cubicle sa marketing department. Parang may sariling buhay ang mga binti niya habang naglalakad, at pakiramdam niya ay nakasulat sa noo niya ang nangyari sa loob ng opisina ng CEO. Dali-dali siyang naupo at inayos ang buhok, sinisiguradong nakatago ang mapulang marka sa kanyang leeg sa ilalim ng kwelyo ng kanyang blouse. Nanginginig pa rin ang mga kamay niya. Paulit-ulit na nag-e-echo sa isip niya ang boses ni Tristan, ang haplos nito, at ang nakakalumpong katotohanan na napirmahan na niya ang exclusivity contract. Ibinenta niya ang kalayaan niya sa isang bilyonaryong hindi man lang tumatanggap ng salitang hindi. "Sienna! Ayos ka lang?" Napatalon si Sienna nang biglang sumulpot ang isa sa mga katrabaho niya, si Kevin, na may dalang kape. "O-Oo! Ayos lang," mabilis na sagot ni Sienna sabay buklod ng isang random na folder sa desk niya para magmukhang busy. "Medyo na-intimidate lang kay Sir Tristan. He asked for the marketing o
Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Sienna habang nakatitig sa itim na folder na nakabukas sa ibabaw ng executive desk ni Tristan. Ang puting papel na naglalaman ng 'exclusivity contract' ay tila isang sumpa na naghihintay ng kanyang pirma. "Nababaliw ka na," nanginginig ang boses na bulong ni Sienna. Tumingin siya nang diretso sa madilim at walang-awang mga mata ni Tristan. "This is blackmail. Pwede kitang ireklamo sa HR. Pwede kitang kasuhan ng harassment!" Isang malamig at mapanuksong tawa ang pinakawalan ni Tristan. Sumandal ito sa kanyang inuupuang leather chair at pinag-krus ang mahahabang binti. "Go ahead," hamon ni Tristan, walang kahit anong bakas ng takot sa boses. "Call HR. Call the police. But ask yourself, Sienna, who do you think they will believe? The billionaire CEO who just returned from New York to manage his family's empire, or the newly-hired Marketing Executive who can't even pay her mother's hospital bills?" Nanlaki ang mga mata ni Sienna. Parang may malami
Hindi makahinga si Sienna. Tila huminto ang pag-ikot ng buong mundo at ang tanging naririnig niya ay ang mabilis at malakas na pagkabog ng sarili niyang dibdib na parang drum. Siya? Ang lalakeng 'yan ang CEO ng Valeriano Empire?! Gusto niyang himatayin. Gusto niyang magbukas ang makinis na sahig ng marangyang boardroom na iyon at lamunin siya nang buo. Ang lalaking nakasiping niya, ang lalaking inungkulan niya nang paulit-ulit at humalik sa bawat pulgada ng katawan niya dalawang gabi pa lang ang nakakalipas... ay ang bago niyang boss. At hindi lang basta boss, ito ang pinakamataas na tao sa buong kumpanya. Ang nagmamay-ari ng gusaling kinatatayuan niya. "Miss Navarro?" bahagyang siniko siya ni Ms. Aguilar, ang department manager nila. May bahid ng pagtataka at pag-aalala ang boses nito. "Are you okay? Namumutla ka. Magsalita ka." Napalunok si Sienna, pilit na ibinabalik ang sarili sa wisyo kahit pakiramdam niya ay umaalis ang kaluluwa niya sa kanyang katawan. Nanginginig ang mga t






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.