Share

CHAPTER 1114

Author: dyowanabi
last update Last Updated: 2025-10-27 22:24:07
"Sana nga mapanagot ang gumawa nito kay Aria… at sana hindi pa huli ang lahat. Sana ay mabuhay pa si Aria… huhuhuh…" namumugto na ang mga mata ni Mam Fe sa kakaiyak.

“Ahm… maiiwan ko po muna kayo. Bibili lang ako ng kape para sa lahat, para sa ganun ay kumalma tayo habang naghihintay kay Doc,” paalam niya. Walang pumasin sa kanya pero umalis pa rin siya.

Nang makalabas na sa ospital ay bumalik siya sa kanyang kotse para walang makarinig sa kanya. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Vice Gov. Hindi naman nagtagal ay sinagot nito ang telepono.

“Hello, Lucio…” mahina ang boses na sabi niya kahit pa alam niyang wala namang makakarinig sa kanya doon.

“O bakit, Madison?”

“Andito ako sa ospital kung saan dinala si Aria. Andito ang lahat ng pamilya niya, kasama na si Lieutenant Finn. Narinig kong sabi niya na siya ang mangunguna sa pag-iimbestiga sa nangyari kay Aria. Nagtatakot ako baka may makuha siyang ebidensya na makapagtuturo sa iyo na ikaw ang gumawa nun kay Aria.”

“An
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (35)
goodnovel comment avatar
Jurma Gulam
nanaginip ka nang giding madison
goodnovel comment avatar
Jennieluz Fuertes
sana nman Hindi magka amnesia si Arya, nkakasawa na Kasi puro nlng amnesia mommy ni Arya si Gov, Clark at si Sir Finn sana uva nman Kay Arya ...hmm
goodnovel comment avatar
Digna Aruta
wala p rin Po bang update?
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1223

    ARIA’S POV:Nasa ganoon silang sitwasyon nang may muling kumatok sa pinto. Si Phern na ang pumunta para pagbuksan iyon. Si Lovely ang pumasok, nakalabas na rin ito ng ospital. Siya rin ang nagbayad ng hospital bills nito. Wala naman itong pera para pambayad.“G-good morning, Ma’am Aria. Sir Clarkson…” nahihiyang sabi nito.“Pasok ka, Lovely.” Dahan-dahan itong pumunta sa kanila. Hinintay nilang makalapit ito nang tuluyan. “Bakit ka napadalaw, Lovely?”Huminga ito nang malalim bago nagsalita. “Gusto ko lang pong magpasalamat sa’yo, Ma’am Aria, saka humingi na rin ng tawad sa lahat ng mga kasalanan ko. Niloko ka namin ni Ben. Walang kapatawaran ang ginawa namin sa’yo.”Ngumiti siya nang marahan at umiling. “Okay na ’yon, Lovely. Huwag mo na sanang pahirapan ang sarili mo. Pareho lang naman kaming nagkamali ni Ben noon,” biro nyang sabi para gumaan ang pakiramdam ni Lovely.Lumapit ito at bahagyang yumuko. “Salamat po sa kabutihan n’yo. Hindi ko po makakalimutan ’to.”“Paano ka pala ngay

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1222

    Muling napuno ng katahimikan ang silid, ngunit hindi na iyon mabigat kagaya kanina. Sa halip, may kakaibang gaan na bumalot sa lahat, parang unti-unting humupa ang lahat ng sakit, takot, at galit na matagal nang kinikimkim ng bawat isa.Ramdam niya ang init ng palad ni Aria sa kanyang kamay. Sa kabila ng mga sugat at hapdi sa katawan niya, parang sapat na iyon para bigyan siya ng lakas. Sa wakas, wala na silang kailangang itago.“Magpahinga ka muna, anak. Mahina pa ang katawan mo at kailangan mong magpagaling nang tuluyan,” sabi ng Daddy niya saka siya tinapik sa balikat.Tumango siya. “Yes, Dad. And… thank you. Hindi ko akalaing darating ang araw na ito... na matanggap nyo kami ni Aria.”Ramdam niyang pinisil siya nito sa balikat. Lumapit naman si Mommy Fe at marahang hinaplos ang noo niya. “Matagal na kitang pinagmamasdan, anak. Nakikita ko kung paano ka nasasaktan nang tahimik. Kinikimkim mo ang lahat. Pasensya na kung ngayon lang namin tunay na naintindihan.”Napaluha siya. “Okay

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1221

    CLARKSON'S POV:Nagmulat ng bahagya ang mga mata niya nang maramdaman ang mahinang pagpisil sa kanyang kamay.“Clarkson…” paos na tawag ni Aria. "Naririnig mo ba ako?”Marahan siyang kumurap, bahagya niyang iginalaw ang mga labi, tila hirap pa ring magsalita dahil sa epekto ng operasyon.“A–Aria…” mahina niyang sabi.Nagulat si Aria sa pagsalita niya. “Phern, call the doctor please. Gising na si Clarkson!” mabilis niyang utos sa sekretarya.“Hey, baby, I’m here… I’m glad you’re awake.”“N-nasaan ako?”“Nasa ospital tayo. Binaril ka ni Tito Joe, ang ama ni Ben.”Sandali siyang natahimik at inalala ang nangyari… kinidnap si Aria at ang mag-amang Joe at Ben ang mastermind.“B-babe… kamusta ka na? Magaling ka na ba? Naka-confine ka rin sa ospital, ’di ba?” tanong niya nang maalalang dinala rin niya ito sa ospital matapos itong mawalan ng malay.Ngumiti si Aria sa kanya. “Ikaw na ang nakahiga diyan pero ako pa rin ang inaalala mo? Okay na ako. You’ve been sleeping for two days after your o

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1220

    ARIA'S POV:"CLARKSON!!!..."Napatili siya nang bumagsak si Clarkson sa sahig. Mabilis siyang tumayo mula sa kama kahit nanghihina, pilit na lumalapit sa nobyo pero pinigilan ng kaniyang ama. Pero sadyang nagpupumilit siyang bumaba kaya’t tinulungan na lang siya nito. Agad niyang dinaluhan si Clarkson, hawak niya ito sa ulo."Clarkson, please don’t leave me… huwag kang mamatay!" Wala nang malay si Clarkson. Hindi na ito gumagalaw.“Tumawag kayo ng nurse! Doctor! Ngayon na!” sigaw ng daddy niya. Nagkagulo ang lahat. Si Tito Joe ay napaatras, nanlalaki ang mga mata habang hawak pa rin ang baril. Nanginginig ang kamay nito, halatang hindi nito inasahan ang nangyari.“H-hindi… hindi ko sinasadya ’to…” pautal-utal nitong sabi, pero walang naniwala.Sa labas ng pinto ay mabilis na pumasok ang mga nurse at guwardiya ng ospital. Agad nilang inagaw ang baril kay tito Joe at pinosasan ito sa kamay.“Sir, you’re under arrest!” mariing sabi ng isa sa mga guwardiya habang ginapos ang lalaki.“Wha

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1219

    “L-lovely, ano ang nangyari sa’yo?” tanong ni Ben saka pinuntahan ang dalaga.“Who is she, Ben?” sabi naman ni Joe na hindi pa rin bumibitaw sa kasinungalingan.“Huwag ka nang tumanggi, Mr. Fernandez. Alam kong kilala mo ako dahil ikaw mismo ang nagsabi sa akin na pinakidnap mo ako dahil ayaw mong mapurnada ang kasal ni Ben at ni Ma’am Aria dahil wala kang makukuhang pera para sa naluluging n’yong negosyo!” sabi ni Lovely.“W-what? I don’t even know you! I can’t do that to Aria. She’s so dear to me!”“Kaya mo ba ako pinakidnap, Tito Joe?... dahil alam mong malabo ko nang pakasalan ang anak mong si Ben? Kung nagloko man ako kay Ben, nagloko rin naman siya sa akin. Matagal ko nang alam na may relasyon sila ng staff ko na si Lovely. Kinausap ko na siya pero ayaw niyang makipaghiwalay sa akin, kahit pa walang pagmamahal na namamagitan sa amin. ’Yun pala ay may plano kayo? Para makakuha kayo ng connections at tulong sa pamilya namin?” Si Aria naman ang nagsalita“Sweetheart, that’s not true

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1218

    Marahan siyang tumango. "Nakikipag-usap na ang kidnaper kay Ninong James. Handa na kaming magbigay ng ransom. Naghihintay na lang ako kung saan dadalhin ang pera para makuha ka, babe."Nakita niyang namasa ang mga mata ni Aria.“Binayaran ko ang kidnaper. Nakipag-areglo ako sa kanila. Tinapatan ko ang pera na makukuha nila sa mga nag-utos sa kanila kaya hindi sila nakatanggi sa offer ko at pinakawalan nila kami… huhuhu…”“Shh… babe, huwag ka munang magkuwento kung hindi mo pa kaya. Baka makakasama pa sa’yo ang pag-iyak.” Gustong-gusto man niyang malaman kung ano ang nangyari, pero baka mabigla si Aria at makakasama sa kanya. Hindi niya alam kung anong trauma ang natanggap nito sa kamay ng mga masasamang tao.Habang nag-uusap sila ay bumukas ang pinto at pumasok si Ninong James at Ninang Bebe.“M-mom? D-dad?” garalgal na boses na sabi ni Aria.“Anak!… huhuhu…” agad na nilapitan ni Ninang Bebe si Aria. “Pasensya ka na at ngayon lang kami nakarating. Kamusta ka na? Salamat at nakaligtas

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status